Chapter 26
RAVEN POV
Isang buwan na no'ng nakipaghiwalay ako kay Dave. Isang buwan na rin at matatapos na kami ng first year college, kaya lahat ng prof namin ay tinambakan kami ng mga assignments at projects.
Wala akong ibang pinagsabihan nang pakikipagbreak ko kay Dave bukod kina Krystal at Lyle. Ayaw kong sabihin kay Reeven dahil baka kung anong gawin nya kay Dave, at ayoko ring masira ang pagiging magkaibigan nila dahil lang do'n.
Nakausap ko na rin si tita na sa Canada ko na itutuloy ang pag-aaral ko. Hindi ko pa nasasabi kila mommy at Reeven... saka nalang siguro, matagal pa naman.
Sa loob ng isang linggo, puro pagbabasa lang at pagrereview lang ang inaatupag ko. Inabala ko nang husto ang sarili ko para makalimot. Pero kahit na madami akong ginagawa, hindi ko pa rin pinapabayaan ang sarili ko.
"Hoy Raven, tama na muna 'yang review-review na 'yan. Hindi ba sumasakit 'yang ulo mo?"
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Irene. Hindi pwedeng hindi ako magreview dahil may quiz kami mamaya sa geometry, subject na kinaiinisan ko sa lahat.
"Hayaan mo muna kasi. Mag review ka nalang din, baka nakakalimutan mong may quiz tayo mamaya sa geometry." dinig kong saway ni Tanya kay Irene.
"I know! Sino bang hindi makakalimot sa pesteng subject na 'yon?"
Napa-iling nalang ako sa kanila. Kuhang-kuha talaga nila 'yong ugali nila Lyle at Krystal. Hay... mamimiss ko sila kapag aalis na 'ko, syempre pati na rin 'tong dalawa sa harapan ko. Nagpapasalamat ako dahil kahit na nahiwalay ako kina Lyle, may Tanya at Irene namang binigay sa'kin.
"Sure ka na ba d'yan, sweetie?"
Nandito ako ngayon sa bahay at kausap si mommy. Sinabi ko na ang balak kong mag-aral sa Canada kasama si tita.
"Opo, mommy. Promise po, babalik ako pagkatapos ko ng college. At pagbalik ko rito may baker ka na." sabi ko, niyakap naman ako ni mommy ng mahigpit.
"Hindi ka pa umaalis pero namimiss na kita." natawa nalang ako dahil umiiyak na naman sya. Napaka-emotional talaga ni mommy.
"Mom, matagal pa ho 'yon." natatawang sambit ko.
"Kahit na, mababawasan baby ko. Hindi ako sanay na hindi kasama ang isang baby ko." nakangusong sabi nya.
Kapag narinig siguro 'to ni Reeven magrereklamo 'yon. Ayaw na ayaw nya kasing tinatawag siyang baby ni mommy, pero kapag si Amanda ang tumawag sakanya no'n gustong-gusto.
Speaking of Amanda, pinakilala na sya sa'min ni Reeven at ang masasabi ko sakanya ay napaka-bait at napaka-galang nya. Proud ako sa kakambal ko dahil magaling siyang pumili ng babaeng mamahalin.
Dumating weekend at nag-aya sina Lyle at Krystal na manood ng sine. Tapos ko naman na lahat ng kailangan ko gawin kaya pumayag ako.
["Nasaan ka na?"]
"Nasa taxi palang ako pero malapit na 'ko, saglit nalang."
Nang makarating na ako ng mall, agad na akong nagbayad kay manong driver at saka tumakbo papasok. Pagkarating ko sa sinehan nakita ko silang dalawa na nakatayo malapit sa entrance, kaya naman lumakad na 'ko palapit sakanila.
"Ang tagal mo ha." iniripan ko nalang si Krystal at saka inaya na silang pumasok.
Pareho kaming tatlo na nakafocus lang sa pinapanood. Wala pa sa kalahati 'yong pinapanood namin nang marinig kong sumisinghot-singhot na 'yong dalawa. Umiling-iling nalang ako at saka tinatawanan sila sa utak ko. Kaya no'ng paglabas namin, pulang-pula 'yong ilong nila.
"Wow, ang galing may kasama akong dalawang raindeer." pang-aasar ko kaya nakatanggap naman ako ng dalawang batok mula sakanila.
"Kung kami raindeer ikaw naman si Santa." sabi ni Lyle.
Tinawanan ko nalang ang sinabi nya at saka inaya silang kumain. Nagkwentuhan at tawanan kami habang kumakain. At nang matapos kaming kumain, pumunta naman kami ng arcade.
"Hoy Krystal umayos ka ha." banta ni Lyle.
"Ano ba gagawin ko?" inosenteng tanong nya kaya binatukan sya ni Lyle.
"Subukan mong sumigaw-sigaw na naman lagot ka talaga sa'min."
"Naalala nyo pa pala 'yon?" tanong nya saka tumawa.
"Sinong hindi makakalimut ng kagagahan mo, aber?" singit ko.
"Kagagahan talaga? Bwisit ka!" singhal nya.
***
"Congrats sa'tin." nagyakapan kaming nina Tanya at Irene.
Nang matapos ang graduation ceremony namin, nag-aya sila Tanya na magsamgyupsal kami, medyo malapit lang ito sa school kaya nilakad nalang namin.
"So, hindi ka na namin makakasama?" malungkot na tanong ni Tanya.
"Hmm... yeah."
"Bakit kasi kailangan mo pang umalis?" tanong ni Irene. Bakit nga ba?
"Matagal ko na kasing gustong mag-aral sa Canada." palusot ko.
"Pasalubungan mo kami ng mga Canadian, ha?" natawa at umiling-iling nalang ako sa sinabi ni Tanya.
"Sige, promise."
Pagkatapos naming kumain, nagmilktea kami at sandaling namasyal bago umuwi.
"Sure ka na d'yan? Paano si Dave? Nasabi mo na ba sakanya?" sunod-sunod na tanong ni Reeven.
Sinabi ko na rin kasi sakanya na balak kong mag-aral sa Canada. At hindi ko inaakala na magtatanong sya. Ano isasagot ko? Paano ko sasabihin na wala na kami ni Dave? Hay, bahala na nga.
"Wala na kami ni Dave," simpleng sagot ko.
"Paanong wala na? Anong dahilan? At bakit ngayon mo lang sinabi?" sunod-sunod na tanong nya.
Napabuntong-hininga nalang ako.
"Nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan." pagsisinungaling ko. "At saka paano ko masasabi sa 'yo eh busy ka kay Amanda." sagot ko.
"Kailan ka uuwi?"
"Hindi pa nga ako umaalis eh." ani ko.
"Tss... kailan nga?"
"After college or baka kapag naka-ipon ako ng pagpagawa ko ng bakeshop ko." sagot ko.
"E'di matagal pa?"
"Parang gano'n na nga. Pero 'wag kang mag-alala, tatawag naman ako kapag hindi ako busy." sabi ko.
"Kailan ba alis mo?" ang daming tanong jusko!
"Kapag naayos na lahat ni tita 'yong lahat ng papeles ko." sagot ko.
"Ganito nalang... Since matagal pa ang alis mo, punta tayo ng EK sa linggo sama natin si Amanda." aba! Gagawin pa 'kong third wheel.
"H'wag nalang kung kasama 'yang jowa mo. Ayoko maging third wheel 'no, hayop ka!" sabi ko saka hinampas sya.
"Biro lang eh." tumatawang sagot nya.
Gaya ng sinabi nya, nagpunta kaming EK. At dahil pareho kaming hindi takot sa heights, unang-unang sinakyan namin ay 'yong Drop tower.
At dahil ride all you can ang biniling ticket ni Reeven, sinakyan namin lahat pati ang carrousel at iba pang pambatang rides. Nang masakyan na namin lahat, umupo kami sa bench at bumili ng makakain namin.
"Mamimiss kita, Ven." napatingin ako sakanya.
"Mamimiss din kita... kayo ni mommy," nakangiting wika ko.
"Mag-iingat ka roon ah? 'Wag kang magboboyfriend do'n. 'Wag ka ring magpapalipas ng gutom, once na malaman kong nagpapalipas ka hindi ako magdadalawang isip na puntahan ka." napangiti naman ako sa sinabi nya at niyakap sya. Para talaga syang si daddy, hindi nauubusan ng payo.
Tumawag na sa'kin si tita at ang sabi nya ay okay na raw lahat ng papeles ko kaya ano mang araw ay pwedeng-pwede na akong lumipad pa-Canada.
Habang palapit nang palapit ang araw ng pag-alis ko, mas sinulit ko ang araw na kasama sina mommy, Reeven, at mga kaibigan ko.
"Mag-iingat ka ro'n, okay? H'wag mong pababayaan ang sarili mo. Tumawag ka kapag may oras ka." paalala ni mommy.
"Opo, mom." niyakap ko sya ng mahigpit at binalingan si Reeven na kanina pa tahimik.
"Psst Reeven, aalis-"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang hilahin nya ako palapit sakanya at mahigpit akong niyakap.
"Mga sinabi ko sa 'yo, ha? If you have a problem just call me... pupuntahan kita ro'n." ang sweet naman ng ugok na 'to.
"Oo na! Bantayan mo si mommy, ha?"
"Yess ma'am."
Niyakap ko pa sila nang isang beses bago pumasok sa loob dahil baka maiwan ako ng eroplanong sasakyan ko. Napabuntong-hininga nalang ako nang makasakay na 'ko ng eroplano.
Mamimiss ang buhay ko rito... mamimiss ko silang lahat, lalong-lalo na sya.
---
nicsy:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top