Chapter 25

RAVEN POV

Akmang susugurin ni Krystal 'yong babae nang hawakan ko ang kamay nya para pigilan. Tumingin naman sya sa'kin habang nakakunot ang noo.

"Let's go, tal." sabi ko at pilit syang hinila.

"Tangina, Raven. Ano? Wala kang gagawin?" naguguluhang tanong nya.

Hindi ko sya sinagot dahil tuloy-tuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. Putangina, ganito pala kasakit. Bakit Dave? Sabi mo hindi ka gagawa ng ikakasakit ko? Sabi mo hindi ka gagawa ng kalokohan? Saan napunta lahat ng mga salita mo?

"Raven! Nakikinig ka ba?! Bakit hindi mo sinugod 'yong babaeng 'yon? Ano, okay lang sa'yo na ginagano'n nya si Dave na boyfriend mo?" napahilamos sya ng mukha nya sa pagkadismaya.

"Akala mo ba okay lang sa'kin 'yon? Hindi Krystal. Hindi. Kasi alam mo ba kung gaano kasakit makita syang pinapaligaya ng babaeng 'yon. Krystal, masakit... Ang sakit-sakit." umiiyak sa sabi ko.

"So, bakit hinayaan mo lang na gano'n?!" sigaw nya.

"Kasi mahal ko sya! Mahal na mahal ko sya, Krystal." napa-upo nalang ako dahil talagang nanghihina ang mga tuhod ko. "Nangako sya sa'kin, tal. Nangako sya sa'kin na hindi gagawa ng ikakasakit ko pero bakit... bakit nangyari 'to? Pinanghawakan ko 'yon." niyakap ako ni Krystal na umiiyak na rin.

"Mahal mo sya pero bakit—" pinutol ko ang sasabihin nya.

"Hindi ko kaya... Hindi ko kayang makita 'yong ginagawa nila. Hindi ko kayang manakit, tal."

Mababaliw na yata ako. Parang gusto kong sumigaw nang malakas upang maibsan man lang sana itong sakit are nararamdaman ko. Kung alam ko lang sana na ganito kasakit, hindi ko na sana sya hinayaang makapasok sa buhay ko. Hindi ko na sana hinayaang mahulog ang loob ko sakanya.

"Nahanap nyo na ba si Dave? Ven, are you okay? Bakit umiyak ka?" sunod-sunod na tanong ni Lyle.

Hindi ko 'yon sinagot kaya si Krystal na ang nagsalita. Nanatili akong tahimik habang paulit-ulit na iniisip kung bakit nangyari 'to. Ang hirap kasing matanggap eh. 'Yong taong hindi mo akalaing lolokohin ka pero nagawa nya.

Lumandas muli ang mga luha ko. Ang sabi ko last na iyak ko na 'yong kay daddy pero hindi pa pala.

"Sino 'yong babaeng 'yon, Raven nang maturuan ng leksyon. Shhh... Stop crying. Ako ang nahihirapan eh." niyakap ako ni Lyle ng mahigpit kaya mas lalo akong umiyak.

Humiwalay na ako sa yakap nya at inaya ko na silang umuwi. Pagod na pagod na 'ko kaya kailangan ko ng magpahinga. Kung pwede lang sana panghabang-buhay na pero hindi pwede... Hindi ko kayang iwan sina mommy at Reeven.

"Tama na ang iyak, ha? Magpahinga ka na." ani Lyle habang inaayos ang kumot ko.Tumango nalang ako at nagpasalamat bago sya pumunta sa higaan nya.

Nakailang baliktad ako sa higaan ko dahil ayaw akong patulugin ng nakita ko kanina. Please naman, pagpahingahin mo na ako. Pagod na pagod na ako... hindi ko na kaya. Ang sakit-sakit ng puso ko.

Buong gabi akong umiyak at nang mapagod ay kusa na rin akong nakatulog. Kinaumagahan, masakit ang mata ko dahil magdamag akong umiyak kagabi.

Bumangon na ako saka dumiretso sa banyo para makapaghilamos at pagkatapos bumaba na ako saka tinungo na ang kusina. Nadatnan ko sila Lyle na kumakain, napatingin naman sila sa'kin kaya binigyan ko sila ng tipid na ngiti.

"Good morning, Ven. Tara kain na tayo." nakangiting wika ni Lyle.

Umupo nalang ako sa pwesto ko at nagsimula nang kumain.

Ito na ang last na overnight namin dahil kinabukasan ay may pasok na naman ulit. Kaya naman pinilit kong 'wag munang isipin 'yon.

Isang linggo kong hindi pinansin si Dave. I blocked all of his accounts so he couldn’t contact me. Hindi ko pa sya kayang harapin at kausapin.

Palabas na kami ng school nina Tanya at Irene nang may mamataan akong pigura ng lalaking nakatayo 'di kalayuan sa kinaroroonan namin.

"Nand'yan na pala ang sundo mo,Raven. Mauuna na kami, ha?"  tatalikod na sana si Irene nang pigilan ko sya.

"S-Sasabay ako sa inyo." sagot ko kaya dumaan sa mukha nya ang pagtataka.

"Eh? Ayon na 'yong sundo mo, oh." sabi nya at saka tinuro ang kinaroroonan ni Dave.

"Hindi, sa inyo ako sasabay." sabi ko.

"Ay? LQ kayo?"

Hinila ko nalang silang dalawa at hindi na sinagot ang tanong ni Tanya. Nakarating na 'ko ng bahay at nang akmang papasok na ako narinig ko si Dave na nagsalita sa likuran ko. Napapikit nalang ako at huminga muna ng malalim bago humarap sakanya.

"Hey? Are you okay?" nag aalalang tanong nya.

"Oo, okay lang ako medyo pagod lang dahil sa school works." tamad na sagot ko.

"You want ice cream?" tanong pa nya.

Umiling ako. "Hindi na, salamat nalang. Pasok na 'ko sa loob gusto ko na magpahinga."

Tatalikod na sana ako nang hawakan nya ang braso ko. Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa braso ko at tinignan sya nang masama.

"May problema ba? Sabihin mo sa'kin at makikinig ako." sabi nya.

"Gusto mo malaman kung anong problema."  nabasag ang boses ko at may namumuong luha sa'king mga mata.

"Y-Yes." utal na sagot nya.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at malakas syang sinampal kasabay no'n ang pagbagsak ng mga luha ko.

"Ikaw Dave... ikaw ang problema ko! Alam mo kung bakit? Kasi ang sabi mo sa'kin no'n hindi mo ako sasaktan." umiiyak na sabi ko.

"What do mean? Wala naman akong ginagawang ikakasakit mo eh." napatawa nalang ako.

"D'yan ka nagkakamali."

"Hindi kita maintindihan." umiiling na sabi niya.

Pinunasan ko muna 'yong mga luha ko bago magsalita.

"Nakita kita noon sa VIP room ng bar... na may kasamang babae at ang babaeng 'yon din ang kahalikan mo noon. Magsabi ka nga sa'kin... 'yong totoo ha? May relasyon ba kayo ng babaeng 'yon?" umiling-iling naman sya.

"W-Wala... I swear, wala kaming relasyon no'n." may tumulong luha sa mga mata nya. Umiiyak sya, pero anong paki ko?


"Ginagago mo ba ako? Kasi kung oo, tangina mo! Alam mo 'yon?! Tangina mo, Dave!" sigaw ko sakanya at saka pinagsusuntok sya.

"Saan na napunta lahat ng sinabi mo sa'kin? Lahat ng pangako mo? Kinain mo ba ha?!" hindi pa rin ako tumigil sa pagsuntok sakanya.

Mas lalo yatang nadagdagan 'yong sakit. Bakit kasi nangyayari 'to? Ano bang naging kasalanan ko at binigyan ako ng ganito kasakit na pagsubok. Tangina talaga. Hindi ko na kaya... hirap na hirap na 'ko.

"Let me explain, please."

Tumigil na 'ko sa pagsuntok at lumayo sakanya.

"Sige, pero 'wag mong aasahan na may babalikan ka pa." sabi ko.

"Raven..."

"Nakalimutan mo na ba 'yong sinabi ko sa'yo? Na kapag ginawa mo pa 'yon nang isang beses mawawala na ako sa'yo. Sana naisip mo man lang 'yon bago mo gawin 'yong kawalang-hiyaan mo."

Umatras ako nang akmang hahawakan nya ang kamay ko.

"H'wag na h'wag mo akong hahawakan." madiing sambit ko

"Don't do this, please." pagmamakaawa nya.

"Ano na, Dave? Akala ko ba magpapaliwanag ka? Magpaliwanag ka na!" sigaw ko pero yumuko lang sya ay hindi nagsalita. "Ano? Hindi ka magsasalita? Papasok na 'ko."

Hahawakan ko na sana ang doorknob nang maramdaman kong niyakap nya ako mula sa likod.


"Bitaw Dave." banta ko.

"Ayoko."

"Bitaw sabi!" sabi ko at buong lakas na tinulak sya.

"Tapos na tayo Dave. Tapos na tayo simula no'ng makita kitang kasiping 'yong babaeng 'yon."

"Raven, please, Im begging you. Don't do this, let me explain, please..." umiiyak na n'yang sabi.

"Pinagpapaliwanag kita kanina, 'di ba? Pero hindi ka nagsasalita. Umuwi ka na, wala ka nang mapapala rito dahil tapos na tayo." sabi ko saka tuluyan na siyang tinalikuran.

Umakyat na 'ko at dumiretso na ng kwarto ko at doon na umiyak nang umiyak.

Sana dumating din 'yong araw na wala na 'tong sakit na nararamdaman ko kasi talagang sobrang sakit na. Hindi ko na kaya. Hindi ko na kaya 'yong sakit.

---

nicsy:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top