Chapter 22

RAVEN POV

"Happy first monthsary, babe." nakangiting lumapit sa'kin habang may hawak na bulaklak.

Nginitian ko naman sya pabalik at tinanggap ang bulaklak.

"Happy monthsary, babe." bati ko pabalik.

Ipinagbuksan nya ako ng pintuan ng kotse nya kaya nagpasalamat ako bago sumakay.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko nang makasakay sya sa driver seat.

"Secret... Wear this."

"Bakit? Para saan?" tanong ko habang nagtatakang tinanggap ang panyo.

"Basta, isuot mo nalang." sagot nya saka pinaandar na ang makina.

Wala na akong nagawa kun'di gawin ang sinabi nya. Tumagal ng ilang minuto ang biyahe at maya-maya pa ay huminto na ang sasakyan nya, hudyat na nakarating na kami sa pupuntahan namin.

Naramdaman kong bumaba sya ng sasakyan at maya-maya'y naramdaman ko ring bumukas ang pintuan ko. Inalalayan akong makababa at makalakad ni Dave.

"Ready?" tanong nya kaya tumango ako.

Pumunta sya sa likuran ko para tanggalin ang blind fold ko. Nang matanggal nya na, agad akong namangha sa nakita ko. Nasa loob kami ng isang malaking sunflower maze.

"Nasaan tayo?" tanong ko habang nililibot ang paningin ko. Sobrang ganda talaga rito.

"Pangasinan," nakangiting sagot niya.

"Paano mo nalaman 'to?" tanong ko ulit.

"Google," sagot nya at mahinang tumawa.

"Tara picture tayo ro'n." sabi ko saka hinila sya papunta sa malalaking sunflower.

"Ngumiti ka naman Dave... Parang ano naman kasi,"

Ang kj nakakabwisit.

Wala kaming ginawa kun'di ang kumuha ng mga litrato at pagpatak ng alas kuwatro ng hapon tumungo naman kami sa malapit na restaurant.

"Thank you Dave. Hinding-hindi ako magsasawang sabihan 'yan sa 'yo dahil hindi ka nagsasawang pasayahin ako."

"How about I love you?" nakangising tanong nya.

"Syempre kasama na rin 'yon."

"Where's my I love you, then?"

"I love you, I love you, I love you... Oh ayan na, tatlong I love you para malaman mong mahal na mahal kita." sabi ko natawa naman sya.

"Pero mas mahal kita,"

"Kumain na nga lang tayo." namumulang sambit ko.

"Why are you blushing? Kilig 'yan." pang-aasar nya.

"Kumain ka nalang d'yan, bwisit ka!" singhal ko kaya mas lalo siyang tumawa. Sinamaan ko sya ng tingin na ikinahinto ng pagtawa nya.

Pagkatapos no'n ay bumalik na kami ng manila at inihatid nya na ako sa bahay.

Nitong mga sumunod na araw, mas naging busy kami pareho ni Dave kaya mas naging bihira ng pagkikita namin. Malapit na ang exam namin kaya todo pasulat at discuss ang mga prof. namin may iba rin na nagpapaquiz at nagparecitation.

"Nakakapagod maging college mga 'te. Ang akala ko no'n madali lang."

Nandito kaming tatlo sa cafeteria dahil katatapos lang ng klase namin sa History.

"May ojt pa tayo mamaya, 'di ba?" tanong ko.

"Isa pa 'yon. Imbis na maaga tayong makakauwi ng bahay para magpahinga eh. Nagsisisi akong chef ang kinuha ko." sagot ni Irene.

"E'di mas lalo mong pagsisisihan kung nag med ka." ani Tanya. "Balik na nga tayong classroom baka maunahan pa tayong pumasok ni tandang panot." natawa naman kami ni Tanya sakanya.

Nagbigay ulit si sir Agustin ng ilang assignments namin at nagpasurprise quiz ulit. Hobby nya na 'yan kaya ang daming studyante ang naaasar sakanya at isa na ro'n si Irene.

Pagdating ng hapon ay pumunta na kami sa restaurant na pagoojt-han namin. Medyo malayo 'to sa school at mga bahay namin kaya siguradong gabi na naman kami makaka-uwi.

"Hay sa wakas at makaka-uwi na rin."

"Ano, sabay-sabay na tayo umuwi?" tanong ni Tanya.

"Mauna na kayo, nagpasundo ako eh." ani ko at tumingin sa cellphone ko kung may reply na si Dave.

"Mapapa sana all ka nalang talaga eh... O'sya mag-iingat ka ha?"

Ngumiti ako sakanila. "Ingat rin kayo."

Pagka-alis no'ng dalawa at sya namang pagdating ni Dave. Bumaba sya ng sasakyan nya at lumapit sa'kin para yakapin ako.

"Matagal ba ako?" umiling ako at ngumiti.

"Hindi naman... Halos kaaalis lang nila Irene." sabi ko.

"Kumain ka na ba? Daan muna tayo ng Jollibee."

"Tara, gutom na 'ko eh." sagot ko.

Sumakay na kami ng kotse nya at nagsimula na syang mag drive. Nang makarating kami ng Jollibee, agad na kaming pumasok at nag-order.

"Maghahanap muna ako ng mauupuan natin." sabi ko, tumango naman sya.

At nang makahanap na 'ko maya-maya pa'y dumating na rin si Dave.

"Eat," nagtaka ako dahil para sa'kin lang ang inorder nya.

"Eh pa'no ka?" nagtatakhang tanong ko.

"Sabi mo gutom ka, 'di ba?"

"Oo nga, pero ikaw? 'Di ka ba gutom?" sunod-sunod na tanong ko.

"Makita lang kitang busog... busog na rin ako." loko 'to, nakuha pang bumanat.

"Bwisit ka talaga... Ano nga?"

"Katatapos ko lang kumain kanina bago kita sunduin." sagot nya.

"Kailan exam nyo?" tanong nya.

"Thursday and Friday, kayo?" tanong ko bago sumubo ng Spaghetti.

"Same, kaya todo review ang ginagawa namin." sagot nya.

"After ng exam kakain ako ng maraming ice cream." sabi ko.

"Why? Tataba ka n'yan." sabi nya saka tumawa.

"Tatlong katok baka magkatotoo... Tsaka kahit naman tumaba ako mahal mo pa rin naman  ako eh."

"Hindi mo sure," natatawang sagot nya kaya tinignan ko sya nang masama.

"Hindi sure ha? Okay, so may chance nang manligaw 'yong classmate ko sa akin." sabi ko, nakita ko namang kumunot ang noo nya. Akala mo ikaw lang ah.

"Sino 'yang tarantadong 'yan?" seryosong tanong nya kaya ako naman ang tumawa.

"Naniwala ka naman." sabi ko saka tinawanan siya.

"Tss... Kumain ka nalang d'yan." kita mo 'to, sya unang nang-aasar tapos sya rin pala 'tong pikon.

"Thank you sa paghatid, boyfriend kong masungit. Mag iingat ka sa pagd-drive ha? I love you." sabi ko saka mabilis syang hinalikan sa labi.

"Tampo ka pa rin? Wala namang nagbabalak ligawan ako eh. At kung meron man... E'di sasabihin kong may nagmamay-ari na sa'king masungit." sabi ko pero nanatili pa rin syang tahimik.

"Oy Dave, bati na tayo... please." nakangusong sabi ko.

Ginulo naman nya ang buhok nya at hinila nya ako palapit sa kanya para yakapin ako.

Yes! I win.

"H'wag kang magpapaligaw sa iba ha? Madamot ako eh." bulong nya, tumango naman ako.

Humiwalay naman sya sa'kin at hinalikan ako sa noo.

"Good. Kung ano'ng akin, akin lang."


"Possessive 'yan?" natatawang tanong ko. Pinitik naman nya ako sa noo.

"Pumasok ka na nga."

"Oo na, bye. Ingat ka."

"I love you more." sagot nya kaya napangiti ako.

Lumapit ako sakanya para halikan sa pisngi at no'ng aalis na 'ko ay bigla nya akong hinila ulit para mahalikan sa labi.

"That's my goodnight kiss." nakangising wika nya.

"Nakadalawa ka na ha."

"Goodbye kiss 'yong isa." sagot nya.

"Dami mong alam. Pasok na 'ko."

"Bye babe."

Nakangiti akong humiga sa kama ko at tumingin sa kisame. Maya-maya pa ay napagpasyahan ko nang maghalf bath at no'ng matapos ay pumunta ako ng study table ko para makapag advance reading, baka kasi magpaquiz or recitation na naman mga prof namin bukas.

Pagkatapos ay tumawag ulit si Dave. Katulad ng dati nyang ginagawa, kinakantahan nya ako hanggang sa makatulog ako.

["Goodnight babe, I love you."] dinig kong sabi nya bago ako lamunin ng antok.

---

nicsy:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top