Chapter 21
RAVEN POV
Tatalong araw na ang lumipas simula no'ng magumpisa na ang klase. Parehas kaming naging busy ni Dave kaya bihira lang kami magkita. Same lang din kila Lyle at Krystal, magkakaiba kasi ang school at course na kinuha namin. Si Lyle mag totourism, si Krystal naman magdodoctor. Samantalang ako, pastry chef ang kinuha ko.
Tuwing weekend lang kami nagkakasama ni Dave at ng mga kaibigan namin.
"Nag-aaya si Brix na magbar, pwede ba?"
Napatingin naman ako sakanya. Nandito kasi kami sa bahay nila.
"Kailan?"
"Tomorrow night. Can I come?" tanong nya.
"Oo naman... Minsan lang kayo magkita ba't kita pagbabawalan? Basta ba 'wag kang iinom nang marami ha?"
"Hindi ka magagalit?" nakangusong tanong nya habang nakayakap sa'kin.
Natawa naman ako. "Bakit ako magagalit? Gaya nga ng sinabi ko minsan nalang kayo magkita kaya papayagan kita basta 'wag kang magpapakalasing." sabi ko.
"Wala akong gagawing kalokohan... I promise."
"Aba dapat lang, kung hindi goodbye, Dabe." pagkasabi ko no'n bigla nya akong niyakap nang mahigpit.
"Promise wala akong gagawing kalokohan. I can't afford to lose you."
Kinabukasan, lunes. Kaya naman maaga akong nagising at naligo na. Pagkatapos no'n ay agad na akong bumaba para makapag breakfast na.
Mabilis akong natapos kumain kaya nagpaalam na ako kay mommy na papasok na.
"Take care sweetie," hinalikan ko nalang sya sa pisngi at umalis na.
Si Reeven mamaya pang 1pm ang pasok kaya hanggang ngayon tulog pa.
Mabilis akong sumakay ng taxi pagka para ko. Maya-maya pa ay nakarating na ako ng University kaya nagbayad na ako sa driver bago bumaba at nagmamadaling pumasok. Ayaw na ayaw ko kasi ang nalelate.
Lakad-takbo ang ginawa ko kaya hingal na hingal akong pumasok ng classroom.
"Ano't hingal na hingal ka, Raven? May humahabol ba sa 'yo?" tanong ni Irene, isa sa kaclose ko rito sa klase namin.
Nginitian ko nalang sya bago sumagot. "Akala ko kasi late na ako eh."
"Girl... 7:20 am palang, 8:00 start ng klase natin 'no." singit naman ni Tanya.
"Basta ayokong malate. Eh kayo? Bakit ang aga nyo?" tanong ko.
Lumakad na ako papunta sa upuan ko para ibaba ang mga gamit ko.
"Duh! Malapit lang kaya 'yong apartment namin dito." sagot ni Tanya.
Tumango-tango nalang ako. Nag-aya si Irene na pumunta muna ng cafeteria kaya ro'n muna kami tumambay habang inaantay magumpisa ang klase namin.
7:40 no'ng maisipan na naming bumalik ng classroom. Maya-maya kunti ay dumating na rin ang professor namin at nagsimula nang magdiscuss.
Tahimik lang kaming nakikinig sa kaniya, ang iba pa ay inaantok pa. Kaya no'ng mapansin n'yang gano'n ang itsura ng mga kaklase ko bigla siyang nagpa surprise quiz. Buti nalang at nakinig ako sa tinuturo nya kahapon kaya kahit papaano'y may naisagot ako.
"Nakaka inis talaga 'yong matandang panot na 'yon, isabay mo pa 'yong mga kaklase nating nakakabwisit." reklamo ni Irene. Eh pa'no bagsak sya sa quiz kaya mainit ang ulo.
"Bawi ka nalang sa susunod, 'te." sabi ni Tanya saka humigop sa iniinom nya.
Napapadalas na ngayon ang pag uwi ko ng gabi dahil sa ojt namin. Pagka uwi ko ng bahay, ibinaba ko na ang gamit ko sa kama at saglit na humiga. Nang makapagpahinga na ako ay agad na akong nagtungo ng cr at naghalf bath na.
Pagkatapos ay inayos ko na ang mga gamit ko saka nahiga na sa kama. Muntik ko nang makalimutan ngayon pala ang punta nila Dave sa bar kaya naman agad akong nagtipa ng mensahe para sakanya.
To: Dave
Good evening babe...Nasa bar na ba kayo? Wag kang magpapakalasing ha?
Send
Pagkasend ko no'n, hindi rin nagtagal ay nagreply na rin sya.
From:Dave
Yes boss. I love you😚
Ayan na naman sya sa emoji niyang 'yan.
To: Dave
I love you too. Enjoy kayo mwaa.
Send
Hindi na sya nagreply no'n kaya naman nanood nalang ako sa youtube.
Naalimpungatan ako nang biglang tumunog ang messenger ko kaya agad ko itong tinignan. Kumunot ang noo ko nang makita kung sino 'yong nagchat.
Sino naman kaya 'to?
Black lang ang profile nya at naka japanese name. Kahit na nagtataka ako binuksan ko pa rin 'yong message nya. Bigla na lang akong nanghina sa nakita ko.
Si Dave may kahalikang babae. Tangina? Saan na 'yong sinasabi n'yang hindi sya gagawa ng kalokohan?
Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko. Bukas ko nalang sya kakausapin tungkol dito sigurado akong may paliwanag itong larawan na 'to.
"Ven, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Tanya.
"Hmm... Okay lang ako." nakangiting sagot ko.
"Kanina ka pa kasi wala sa sarili mo eh." sabat naman ni Irene.
"Okay lang ako, ano ba kayo."
Pagkauwi ko ng bahay nagpalit agad ako ng pang-alis na damit dahil nakipagkita ako ngayon kay Dave. Tatanungin ko 'yong tungkol sa picture na 'yon.
Pagkarating ko sa meeting place namin nakita ko siyang naka-upo sa 'di kalayuan. Kaya naman hindi na ako nagsayang ng oras at lumapit na sa puwesto nya.
"Hi," pinilit kong ngumiti sa harap nya.
"Missed me?" nakangising tanong nya.
Miss mo mukha mo!
"May itatanong ako." deretsong sabi ko kaya sumeryoso ang mukha nya.
"What is it?"
Nilabas ko ang cellphone ko at ipinakita sakanya 'yong picture.
"Ano ibig sabihin n'yan?"
"Believe me... I don't know her. Bigla na lang syang lumapit sa'kin at hinalikan ako kaya sa sobrang gulat ko tinulak ko sya."
"Totoo?" hindi pa rin ako satisfied sa sagot nya.
"I'm telling the truth, babe. Kahit itanong mo pa kay Brix... He saw what I did."
"No need, naniniwala ako sa 'yo. Basta kapag nangyari ulit 'yan, bahala ka na sa buhay mo." sabi ko.
Tumayo sya at lumapit sa'kin para yakapin ako.
"Thank you, babe. Thank you for believing me." bulong nya sa'kin.
"Oo na, since nandito naman na tayo. Mag-o-order na ako ng kakainin natin at ikaw ang magbabayad ha." natatawang sabi ko.
"Alright,"
Pagkatapos naming kumain at inihatid na 'ko ni Dave sa bahay. Nang makapasok ako sa bahay nadatnan ko si Reeven na nakahiga sa sofa habang may kausap sa phone at parang baliw na tumatawa. Umiling-iling nalang ako at umakyat nalang sa kwarto ko.
Nang matapos akong maghalf bath at magbihis ay pumwesto na'ko study table ko para tapusin ang dalawang assignment ko.
9:25 na ako natapos kaya niligpit ko na ang mga gamit ko bago humiga sa kama ko at sakto namang tumawag si Dave.
"Hello?"
["Bakit gising ka pa?"] tanong nya.
"Katatapos ko lang gumawa ng assignments. Ikaw, ba't gising ka pa?" tanong ko.
["Katatapos ko lang din gumawa ng report."]
"I see... Pwede favor?"
["Sure babe, why not."]
"Kantahan mo ulit ako hehe."
["Palagi nalang ako, babe. Ikaw rin kaya... hindi ko pa nariring boses mong kumanta."]
"Oh sige ano kakantahin ko?"
["Alam mo 'yong bubbly?"]
"Hmmm... try ko. Hindi ko kabisado lyrics no'n eh."
["It's okay. Start na."]
"I've been awake for a while now~ panimula ko.
First verse and chorus lang ang kinanta ko dahil iyon lang naman ang kabisado ko kaya noong matapos akong kumanta ay narinig ko syang pumalakpak kaya sinuway ko sya.
["You have an angelic voice, babe."]
"Is that a compliment?" natatawang tanong ko.
["Yeah haha. 10:20 na babe, matulog na tayo. Maaga ka pa bukas, right?"] oo nga pala shet.
"Hmm...Goodnight babe, I love you."
["Goodnight, I love you more... Sleep tight my girl."]
Pinatay ko na ang linya at natulog na.
---
nicsy:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top