Chapter 20
RAVEN POV
Ilang araw nalang at pasukan na naman kaya nandito kami ngayon ni Dave sa mall para bumili ng mga school supplies namin.
Nang matapos kaming magbayad pumunta naman kami ng jollibee para kumain magt-twelve na kasi kaya gutom na kami.
Nag-order na si Dave ng kakainin namin habang ako ay naghanap nalang ng mauupuan namin. Maya-maya pa ay dumating na si Dave bitbit ang pagkaing inorder nya.
"Let's eat,"
Nginitian ko nalang sya bago ko nilantakan 'yong pagkain ko.
"Dahan-dahan lang sa pagkain... 'wag mong ipahalatang gutom ka baka kasi isipin nila na ginugutom kita."
Huminto ako saglit sa pagsubo at tinignan sya nang masama.
"Shut up! Just eat."
Natawa nalang sya at saka kumain na rin.
"Solve!" masayang sambit ko habang hinihimas ang tiyan ko.
"Pfft! May dessert pa."
"Yiie talaga?" 'di makapaniwalang tanong ko.
"Naniwala ka naman."
Sumimangot ako dahil sa sinabi nya kaya naman tumawa sya.
"Just kidding." natatawang sabi nya.
"Saya mo 'no?" sarkastikong tanong ko.
"Syempre... Pinapasaya mo ako eh."
Hindi ko naitago ang pamumula ng pisngi ko kaya naman mas lalo syang tumawa. Susumbatan ko na sana nang may dumating na waiter at inilapag ang inorder pa nyang dalawang sundae at isang large fries.
"Oy Dabe... Try mo isawsaw 'yong fries sa sundae, masarap." sabi ko at sabay subo ng fries.
Napatingin naman ako sakanya at nakita kong nakakunot ang noo nya.
Problema nito?
"Anong tawag mo sa'kin?" seryosong tanong nya.
Ay shet! Ayaw nga pala niyang tinatawag ko siyang Dabe.
"Ahh-ehh hehehe... Sorry na, 'di ko sadya." sabi ko saka pilit na ngumiti. Inirapan nalang nya ako at nanlaki ang mata ko nang trinay nya 'yong sinabi ko kanina.
"Masarap, 'di ba?" nakangiting sambit ko.
"Not bad."
Naglalakad-lakad kami nang bigla syang huminto kaya nagtataka akong lumingon sakanya.
"Bakit ka tumigil?" tanong ko.
"Si Reeven 'yon 'di ba? Eh sino 'yong kasama n'yang babae?" turo ni Dave ro'n sa arcade.
"Baka 'yon na si Amanda."
"Who's Amanda?"
"Nililigawan ni Reeven." sagot ko.
"Ah okay,"
"Puntahan natin sila." aya ko at akmang hihilain ko na sya bigla naman nya akong pinigilan.
"Why?"
"H'wag na natin sirain date nila."
Sumimangot nalang ulit ako.
"Okay,"
Sinulit nalang namin ni Dave ang dalawang linggong magkasama kami kasi pagkatapos no'n ay start na ng pasukan.
No'ng una nagpunta kami ng tagaytay, dalawang araw at isang gabi kami ro'n. At sumunod nagpunta naman kami ng Ek, halos lahat ng rides sinakyan namin except sa drop tower. Pinipilit ko syang sumakay do'n kaso ayaw talaga nya. Kaya niyaya ko nalang syang kumain.
At ngayon, nandito kami sa Baguio. Nagcheck-in ulit kami sa hotel, dalawang kama ulit ang kinuha namin kagaya no'ng nasa tagaytay kami. Baka kasi may ibang mangyari kapag magkatabi kami.
"Your turn," napatingin ako kay Dave na kalalabas lang ng cr.
Tumayo nalang ako at kinuha ang tuwalya sakanya saka pumasok na ng cr para makapag half bath.
Hindi rin nagtagal ay natapos na rin akong maghalf bath.
"San tayo bukas?" tanong ko nang makahiga ako sa kama ko.
"Saan ba gusto mo?"
"Sa strawberry farm tayo." masayang sagot ko.
"Okay... And then?"
"Burnham park tapos sakay tayo sa swan boat. Naalala ko no'ng huling sakay ko ro'n is five years old kami ni Reeven." sabi ko.
"Are you okay?" nag-aalalang tanong nya.
Ngumiti naman ako sakanya.
"Oo naman... tulog na tayo, maaga pa tayo bukas 'di ba."
Bumangon sya sa pagkakahiga at lumapit sa'kin.
"Good night, babe." ani nya saka hinalikan ako sa noo.
"Good night."
Inayos nya ang pagkakakumot sa'kin saka sya bumalik sa kama nya. Maya-maya pa ay nakaramdam na 'ko ng antok kaya natulog na ako.
Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong humahalik sa'kin.
"Good morning beautiful." nakangiting bati ni Dave.
"Good morning handsome." I greeted back and I smiled at him.
"Get up, breakfast is ready."
Tumayo na 'ko at sabay kaming pumunta ng kusina.
"Ikaw nagluto nito? Or nagpa deliver ka?" tanong ko.
"Niluto ko 'yan." aniya.
"Marunong ka pala?" takang tanong ko, kumunot naman ang noo nya.
"Ano akala mo sa'kin? Hindi marunong?"
"Chill! Im just asking. Kain na nga tayo."
Nang matapos kaming kumain si Dave na ang nagprisintang maghugas kaya naman bumalik nalang ako ng kwarto para maligo at makapag-ayos-ayos na.
Binilisan ko ang pagligo ko dahil ang lamig ng tubig, may heather naman pero parang hindi ko ramdam. Iba talaga ang klima rito sa Baguio, buti nalang hindi kami rito nakatira kasi kung dito kami nakatira tutal lagi akong sinisipon dahil sa lamig. Hindi kasi ako sanay sa sobrang lamig.
Pagkalabas ko ng cr ay sya ding pagpasok ni Dave sa kwarto.
"Maligo ka na rin." sabi ko habang nagpapatuyo ng buhok.
"Gamit mo pa ang tuwalya." ay tanga! Oo nga pala hahaha.
"Sorry... Oh heto na." pagka-abot ko sakanya ng tuwalya mabilisan nya akong hinalikan sa labi bago pumasok sa cr.
Iba rin galawan nito.
Gaya nga no'ng sinabi ko kagabi, nagpunta kami ng strawberry farm. Tig-isang basket kami ni Dave at ang sabi ko paunahan kaming maka-puno ng basket namin. Pumayag naman sya kaya heto lahat nang madaanan kong pula ay kinikuha ko. Malapit ko nang mapuno 'yong akin nang magsalita si Dave sa likuran ko.
"Done," sabi nya kaya mabilis ko syang nilingon.
"Ang duga... Bakit ang bilis mo?" pagmamaktol ko.
"So pa'no ba 'yan? Three kiss ko." nakangising sabi nya.
"Dito talaga?" alanganing tanong ko.
"Yeah,"
Labag sa loob akong lumapit sakanya at binigyan sya ng tatlong halik. Lalayo na sana ako nang bigla nya akong hawakan sa batok ko at mas pinalalim ang paghalik sa'kin.
Nahampas ko sya sa dibdib nya nang kagatin nya ang ibabang labi ko.
"Baliw ka ba? Alam mong nasa public place tayo eh." sabi ko no'ng humiwalay sya.
"Why? Kaunti lang naman ang tao dito eh."
"Kahit pa, kita mong may kasama silang mga bata oh." panenermon ko sakanya.
Tumawa naman sya at hinila nya ako palapit sakanya para yakapin ako.
"Okay... Sorry na, tara na bayaran na natin 'to." hindi nalang ako umimik at nagpahila nalang sakanya.
Pagkatapos naming mabayaran 'yong mga strawberries, sunod naman naming pinuntahan ang burnham park.
"Picture tayo para may remembrance tayo." sabi ko at inilabas ang cellphone ko.
"Tama na yan... Ang dami na baka mafull storage ka na."
Sus! Palusot.
No'ng matapos kaming sumakay sa swan boat, nag ikot-ikot kami saglit ni Dave bago mapagpasyahang umuwi na.
Mahaba-haba ang byahe kaya naman buong byahe akong tulog. Nagising ako nang tapikin ako ng mahina sa pisngi ni Dave.
"What do you want to eat?"
"Kung ano nalang ang sa 'yo, 'yon nalang din ang akin." inaantok na sagot ko.
"Thank you," dinig kong sabi nya sa lalaking nagbigay ng order nya saka bumaling sa'kin. "Here."
"Thanks," sabi ko saka kumuha ng isang burger at nilantakan 'yon.
"Dahan-dahan sa pagkain." sabi nya pero hindi ko sya pinansin.
Sinubuan ko nalang sya para hindi sya mahirapang magdrive. Nagpatugtog nalang ako para hindi boring ang byahe namin. Gabi na nang makarating kami sa bahay.
"Thank you babe, thank you for making my day complete and for making me happy. Thank you for everything... I love you." pagkasabi ko no'n mabilis ko syang hinalikan sa labi at niyakap sya nang mahigpit.
"You're always welcome, babe... I love you more." bulong nya.
"Sige na... Papasok na 'ko, uwi ka na." sabi ko saka humiwalay.
"Alright, goodnight babe." aniya at hinalikan ako sa noo.
"Mag-iingat ka ha?"
"Yeah, I will."
Pumasok na 'ko sa loob at dumiretso na sa kwarto ko, naghalf bath muna ako bago matulog.
Patulog na sana ako nang magvibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko kung sino 'yong nag text.
From: Dave
Just got home. Sleep tight babe, I love you😚
Natawa ako sa emoji nya. May magpa cheesy rin pala 'tong lalaking 'to. Hindi ko na sya nireplyan dahil sobrang antok na ako.
---
nicsy:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top