Chapter 19

RAVEN POV

Pagkarating namin ni Dave sa hotel, hinatid nya ako sa tapat ng room namin at saka sya umalis.

"Bati na kayo?" nagulat ako nang biglang magsalita si Reeven kaya naman malakas ko syang hinampas sa braso.

"Aray naman! Nagtatanong lang ako eh... Ba't ka nanghahampas?" tanong nya habang nakahawak sa braso nyang hinampas ko.

"Eh sa nagulat ako eh,"

"Oh ano? Okay na kayo?" ulit na tanong nya

"Oo," maikling sagot ko. "Nga pala, nasaan si mommy?" tanong ko.

"Kasama nya si tita Diviña, nag-ikot-ikot sila."

"Eh? Anong oras na nag-iikot-ikot pa sila?"

"May nakita raw kasi si mommy kanina na bag tapos hindi nya nabili kasi wala silang dalang pera kaya bumalik sya rito para kumuha ng pera."

Tumango-tango nalang ako saka lumakad na papuntang kwarto para magbihis.

Nahiga nalang ako sa kama at nag-online nalang. Pagka-open ko ng messenger ko, bumungad agad sa'kin 'yong gc na ginawa ni Krystal.

Krystal:
Hello mga bruha! Kumusta bakasyon nyo?

Lyle:
Okay lang naman, kayo?

Raven:
Okay lang din

Krystal:
Taray uwak nasa boracay

Lyle:
Ayy weh? Sana all haha

Raven:
Paano mo nalaman Krystal? Chismosa ka talaga

Krystal:
Gaga! Nakita ko post ni Dave at alam mo ba caption?

Raven:
Ano?

Krystal:
'Walking in the seaside with my most beautiful girl in the world' oh 'di ba? Sana all yarnn

Hindi ko mapigilang mamula sa sinabi ni Krystal. Hindi talaga sya pumapalyang pakiligin ako.

"Hoy para kang baliw r'yan... ngingiti-ngiti ka pa ha isumbong kita kay Dave eh."

Inis kong binato ng unan si Reeven.

"Bwisit ka talaga! Sila Krystal kausap ko." sabi ko.

"Weh? Maniwala."

"Epal ka talaga Reeven, do'n ka nga. Punyeta ka!" sigaw ko.

Tatawa-tawa naman syang lumabas ng kwarto kaya naman inis akong bumalik sa pagkakahiga.

Makanood na nga lang.

"Labas na, kakain na tayo." napatingin ako kay Reeven na nakadungaw sa pintuan.

"Sunod na 'ko," simpleng sabi ko.

"Bilisan mo nasa labas si Dave."

Dali-dali naman akong tumayo kaya naman tumawa si Reeven. Sinamaan ko sya ng tingin at tumakbo palapit sakanya saka pinaghahampas sya.

"Ang epal mo talaga! Bwisit ka." inis na sabi ko habang hinahampas sya.

"Ahh-aray! M-Masakit ah! T-Tama na."

"Ang epal mo kasi! Sabi mo nasa labas si Dave." sabi ko habang masama pa rin ang tingin sakaniya.

"Nasa labas nga... kanina ka pa hinihintay."

"Anong tinatawa-tawa mo?" mataray na tanong ko.

"Wala... Tara na sa labas, kanina pa sya naghihintay sa 'yo."


Inirapan ko nalang sya bago naunang lumabas. At totoo nga ang sinabi nya, nasa labas nga si Dave.

"Why you took so long? Kanina pa namin kayo inaantay sa baba." sabi nya.

"Nakakabwisit kasi si Reeven, eh."

"Inasar ka na naman?" tanong nya saka mahinang tumawa.

"Tara na nga,"

Sabay kaming naglakad ni Dave pababa at nang makarating kami sa restaurant ng hotel ipinaghila pa nya ko ng upuan. Nag thank you nalang ako sa kanya.

"After ulit nating kumain... Manonood naman tayo ng ipinagmamalaki nilang fire dancing dito sa boracay."

Oh my? First kong makakita no'n. Nakaka excite naman.

"Yey! I can't wait to see them, mommy." maligayang sambit ni David.

"Really?" tanong ni tita, tumango naman si David.

"Okay, finish your food na para makaalis na tayo." nakangiting wika ni tita.

"Aye aye mommy!"

Cute haha.


Manghang-mangha ako sa mga taong sumasayaw habang may hawak silang dalawang pares ng poi na may apoy. Hindi ako makapaniwala, dati sa tv ko lang sila nakikita ngayon nasa harapan ko na.

Nabalik ako sa ulirat nang maramdaman ko ang braso ni Dave na nakayakap sa'kin.

"You're enjoying, huh?" hindi ko man nakikita pero habang sinasabi 'yon ni Dave alam kong nakangisi sya.

"Syempre... First time ko kayang makakita niyan." sagot ko.

"Im glad you're happy. I love you." pinatakan nya ng halik ang leeg ko kaya nahampas ko sya.

May kiliti ako ro'n!

"Why?" tumatawang tanong nya.

"May kiliti ako sa leeg." humiwalay naman sya sa'kin at saka tumawa kaya naman sumimangot ako.

Lumapit naman sya sa'kin. "Eh pa'no yan... Naadict na ako sa leeg mo." bulong nya

Hinampas ko ulit sya.

"Ang ano mo."

"Ano?" tumatawang tanong nya.

"Basta! H'wag ka ngang magulo. Nanonood ako eh."

"Okay fine."

No'ng matapos 'yong palabas, niyaya ako ni Dave na maglakad-lakad muna.

"Tara upo tayo roon." aya nya sa'kin saka hinila nya ako roon sa malaking bato.

Nang makarating kami ro'n inalalayan nya ako para makaakyat at nang makaakyat na ako pareho kaming naupo at tumingin sa langit na punong-puno ng mga bituin habang nakaharap kami sa dagat.

Relaxing.

Ipinikit ko ang mga mata ko habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.

Naramdaman ko namang umusog si Dave sa tabi ko at inakbayan ako kaya napamulat ako ng mata.

"Clingy mo ha." ani ko at mahinang tumawa.

"Pake?"

Tinanggal ko ang pagkaka-akbay nya sa'kin at nakakunot-noo ko syang hinarap.

"Ano sabi mo?" nakataas ang isang kilay kong tanong sakanya.

"I love you... 'Yon ang sinabi ko." nakangising sagot nya.

"Pasalamat ka mahal kita." sabi ko niyakap naman nya ako sa likod at hinalikan na naman ang leeg ko.

"Dave!" saway ko pero tumawa lang sya.

"Let's go back, malalim na ang gabi." tumango nalang ako saka sabay kaming tumayo.

Inalalayan nya ulit akong makababa. Muntik pa akong mahulog buti nalang at nasalo ako kaagad ni Dave.

"Gotcha!" pabiro ko naman syang hinampas.

Inihatid nya ulit ako sa tapat ng room namin. Nagpalitan pa muna kami ng 'good night' bago sya umalis at bago ako pumasok sa loob.

"Boo!"

"Ayy tokwa! Nyeta naman, Reeven!"

"What happen? Sweetie why are you shouting?" tanong ni mommy saka sinindi ang ilaw.

"Si Reeven po kasi mom, nanggugulat." sabi ko saka tumingin kay Reeven na nakangisi, sinamaan ko nalang sya ng tingin at saka inirapan.

"Kayo talaga... Sweetie, maghalf bath ka na ro'n para makatulog na tayo."

"Opo mommy," sagot ko saka pumasok na ng kwarto para kumuha ng damit pang palit bago ako pumasok sa cr.

Mabilisan lang akong maghalf dahil gabi na masyado. Nang makalabas ako ng cr, nadatnan ko si mommy na nakahiga na sa kama at ready na matulog, while Reeven, ngingiti-ngiti habang nakaharap sa cellphone nya.


"I think I'm inlove again~" pakanta ko at no'ng tumingin ako sakanya ay nakatalikod na sya.

Lumakad ako papunta sa kama nya at saka lumundag, nagulat naman sya kaya natawa ako.

"Anong nginingiti-ngiti mo r'yan ha?" tanong ko habang sinisilip ang phone nya.

"Matulog ka na nga. Ang kulit mo."

Lah? Ano ginawa ko?

"Kailan mo nga ipapakilala sa'min ni mommy 'yan?" tanong ko

"Soon nga."

"Eh kailan 'yang soon mo?"

"Raven kasi, do'n ka na sa kama nyo."

Nakangiti naman akong umiling.

"Ayoko nga... Unless, sasabihin mo sa'kin kung anong pangalan ng babaeng dahilan ng pagngiti mo." sabi ko

"Tsk, fine... Her name is Amanda." sagot nya.

"Nililigawan mo na?" tanong ko.

"Yup, and feeling ko malapit nya na 'ko sagutin."

"Wow, confidence." pang-aasar ko.

"Tss... Matulog ka na nga."

"Okay, goodnight brother." sabi ko sa nahiga na sa tabi nya.

"Hoy, do'n ka sa kama nyo." dinig ko pang angal nya pero hindi ko na sya pinansin at natulog nalang.

Maaga akong gumising dahil last day na namin ngayon dito sa Boracay. Nag-ayos na 'ko at after no'n sumabay na ako kila mommy na bumaba.


Binilisan namin ang pagkain dahil nag suggest si Dave na i-try raw namin 'yong banana boat at parasailing nila.


Tawa ako nang tawa dahil naka ilang beses nahulog si Reeven sa banana boat kaya sa sobrang asar nya lumipat sya sa parasailing.


Nang matapos naming i-try lahat ng activities nila dito sa Boracay lumipat naman kami sa pool. Sumaglit lang ako ro'n dahil aayusin ko pa 'yong mga gamit ko.

"Wala na kayong naiwan?" tanong ni mommy.

"Wala na po," sabay na sagot namin ni Reeven.

"Good... Tara na."

Magkatabi ulit kami ni Dave sa eroplano at sa sobrang pagod ay parehas kaming knockout.

Mahimbing akong natutulog nang maramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Dave sa pisngi ko. Nakalanding na pala 'yong eroplano namin.

Kima Reeven na ako sumabay dahil ayoko nang magpahatid kay Dave dahil katulad ko kailangan na rin n'yang magpahinga.

Nang makarating kami ng bahay dumiretso na agad ako ng kwarto ko at agad na humilata.

Iiglip na muna ako.

---

nicsy:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top