Chapter 18

RAVEN POV

"Raven? Okay na ba lahat ng gagamitin mo?" tanong ni mommy habang nakadungaw sa pintuan.

Ngayon na kasi 'yong alis namin papuntang boracay.

"Yes mom," sagot ko.

"Baba ka na, kanina pa naghihintay si Dave sa sala."

"Okay po, sunod nalang ako." tumango nalang sya at umalis na.

Bumaba na 'ko bitbit ang maliit na maleta ko at nang makita ako ni Dave ay agad syang tumayo para tulungan ako.

"Sa akin ka na sumabay." sabi nya kaya kumunot ang noo ko.

"Don't worry nasabi ko na kay tita and she said yes. So? Tara na." nauna syang lumakad palabas kaya sumunod na 'ko.

"Tita, una na po kami sa airport." paalam ni Dave.

"Uh sige... Sunod nalang kami ni Reeven." sagot naman ni mommy.

Pagkarating namin ng airport natanaw ko agad si tita na kumakaway.

"Kanina pa 'yan ganiyan," maya-mayang usal ni Dave kaya napatingin ako sakanya.

"Ang aga n'yang mangbulabog. Naiinis nga si David habang nag-aayos ng gamit nya kasi ang aga siyang gisingin ni mom." natatawang kwento nya.

"Masisisi mo ba si tita? Excited nga eh,"

Pagkababa namin ni Dave agad akong sinalubong ng yakap ni tita.

"Omg! You're here na... Btw nasaan na si mommy mo at si Reeven?"

"Parating na po sila tita... Oh ayan na po pala sila." sabi ko kaya lahat sila ay napatingin sa padating na sasakyan ni Reeven.

Dali-daling bumaba si mommy pagkahinto ng sasakyan.

"Oh my gosh, Trina!"

"Devy!"

Excited nilang sinalubong ang isa't-isa na parang ngayon lang uli nagkita.

"Daig pa mga teenager kung umasta." sambit ni Dave habang umiiling.

"Medyo naiirita nga ako kay mom kanina eh." sabi naman ni Reeven

"Why?" natatawang tanong ko.

"Atat makarating dito... Baka raw iniwan na kami." sagot nya kaya tumawa kaming tatlo.

Nasa loob na kami ng eroplano at imbis na si mommy ang katabi naging si Dave na kasi si mommy lumipat do'n sa tabi ni tita Diviña.

"Matulog ka muna, matagal pa bago tayo makarating do'n." sabi ni Dave.

Nginitian ko lang sya at umiling. "Hindi naman ako inaantok, eh."

"Okay, sabi mo eh."

Nakatingin lang ako sa bintana nang maramdaman ko ang ulo ni Dave sa balikat ko.

"Kita mo 'to... Sya naman pala ang inaantok tapos ako 'yong patutulugin nya." bulong ko saka inayos ang pagkakasandal sa ulo nya.

Inannounce ng piloto na ilang oras nalang ay lalapag na ang eroplanong sinasakyan namin kaya napatingin ako kay Dave na mahimbing pa rin ang tulog.

Mamaya ko na nga lang sya gisingin.

Pagkalapag ng eroplano ay sakto namang gumising na si Dave.

"Sorry nakatulog ako," nahihiyang paumanhin nya kaya mahina akong tumawa.

"Sira! Okay lang."

Kinuha na namin 'yong mga gamit at saka bumaba na.

"Mag-antay tayo nang kaunti rito, wala pa kasi 'yong magsusundo sa'tin." sabi ni tita.

Maya-maya pa ay mayroon ng humintong puting van sa harapan namin. Ito na siguro 'yong susundo sa'min kaya nilagay na namin lahat ng gamit bago pumasok sa van.

"Gosh! Ang ganda!" mang-hang sabi ni mommy pagka-baba ng van.

Nang mailabas na namin ang lahat ng mga gamit namin ay agad na kaming pumasok sa hotel na tutuluyan namin.

Nang makarating kami sa room namin may dalawang kama ang nandoon. Tabi nalang kami ni mommy ro'n at mag-isa ni Reeven sa isang kama.

Inayos ko na muna ang gamit ko saka nagpahinga saglit.

"Sweetie? Wake up. Kakain na tayo." gising sa'kin ni mommy kaya naman tumayo na 'ko at nag-ayos ng sarili saka sumunod na kay mommy.

"Mommy, I want that." dinig kong sabi ni David kay tita.

"Here darling. Oh? Trina, come on let's eat."

Pagkasabi no'n ni tita agad na kaming umupo at nagsimula nang kumain.

"After nating kumain i-try natin 'yong mga activities nila rito." wika ni tita.

"Sure! Gusto ko 'yan," masayang sang-ayon ni mommy.

Binilisan nalang namin ang pagkain at nang matapos na ay nagpa-baba muna kami ng kinain bago pumunta sa dagat.

"Jet ski tayo," napatingin ako kay Dave.

"Tara, sama natin si Reeven." sabi ko at bumaling sa gawi ni Reeven.

"Reeven!" tawag ko sakanya. "Jet ski raw tayo."

"Sige... Sunod na 'ko." sagot nya kaya nauna na kami ni Dave.

Tatlong jet ski ang gagamitin namin dahil gusto kong ma try 'yon. Muntik pa nga akong hindi payagan ni Dave, eh.

"Buti naman at naisipan n'yong tatlo ang gamitin natin." sabi ni Reeven na kararating lang.

"Actually, dalawa lang sana kaso nagpumilit 'tong kakambal mo na tatlo ang gamitin." walang-ganang tugon ni Dave

Ampota? Nagtampo.

"Nice one, Ven."

Naghabulan lang kaming tatlo... Ay mali, dalawa lang pala kami ni Reeven kasi si Dave ewan ko ba kung ano pumasok sa utak nya at nauna nang umayaw.

"Lagot ka nagtatampo." pang-aasar ni Reeven sa'kin.

"Hayaan mo muna sya. Mamaya ko na lang susuyuin." sagot ko pero tinawan lang nya ako.

Nang magsawa kami ay napagpasyahan na naming bumalik ng hotel.

"Una ka na sa kwarto, hahanapin ko muna si Dave."

"Sige ingat... And, suyo well sis."

Ang epal.

"Dave!" tawag ko sakanya na naglalakad 'di kalayuan sa'kin. Lumingon sya sa'kin saglit bago magsimulang maglakad ulit.

Shet naman! Pa'no ba kasi manuyo?

"Oy Dave, galit ka ba? Sorry na." sabi ko no'ng mahabol ko sya.

"Dave, pansinin mo na kasi ako." pagmamakaawa ko pero wala pa rin syang imik.

Bumuntong-hininga nalang ako saka dahan-dahang inalis ang kamay kong nakahawak sa braso nya.

"Sige babalik na muna ako sa hotel."

Tatalikod na sana ako nang maramdaman ko ang dalawang braso nyang nakayakap sa'kin.

"Bakit ba hindi kita matiis?" mahinang tanong nya.

"Hindi ka na galit?" tanong ko habang nakayakap pa rin sya sa likod ko.

Inalis nya ang pagkakayakap sa'kin at iniharap nya ako sakanya.

"Hindi ako galit,"

"Nagtatampo?" tanong ko umiwas naman sya ng tingin.

"Y-Yeah..."

Napangiti naman ako saka niyakap sya.

"H'wag ka na magtampo, babe... Mas mahal kita kaysa sa kakambal ko, 'no."

"Silly... I love you more, babe."

"Tara... Lakad-lakad tayo." aya ko sakanya.

Napahinto ako sa paglalakad nang may madaanan kaming nagtitinda ng mga necklace na gawa sa seashell.

"Try mo nga 'to Dave." sabi ko saka pinakita sakanya 'yong necklace na puro shell. Sinamaan naman nya ako ng tingin.


"Bakit hindi ikaw ang magsuot? Tutal ikaw naka-isip." pagsusungit nya kaya mas lalo akong tumawa.

"Mas bagay sa 'yo 'to. Magmumukha kang pinuno ng mga tribo." pang-aasar ko pa.

"Funny." masungit na sabi nya at naunang maglakad.

Tangina naman! Manunuyo na naman ako!

"Dave! Joke lang naman 'yon eh." sabi ko at kumapit sa braso nya.

"Tss."

"Sorry na... Ililibre nalang kita." sabi ko saka hinila sya papunta sa nagtitinda ng dried mangoes sa 'di kalayuan.

"Try mo kasi, Dave... Promise masarap sya."

Kanina ko pa sya pinipilit kumain no'ng binili kong dried mangoes kaso ayaw nya. Ang arte-arte nakaka-asar.

"I don't eat sour foods."

"Hindi nga 'to maasim." giit ko.

"Ayoko pa rin."

"Sayang naman 'tong binili ko. Ibibigay ko na nga lang ki–"

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang kuhanin nya sa kamay ko 'yong dried mango at kumain. Napatulala nalang ako sa ginawa nya.

"A-Akala ko ba ayaw mo ng maasim?" takang tanong ko sakanya.

"Hindi nga kita matiis 'di ba? Let's go, balik na tayo." sabi nya sabay akbay sa'kin.

---

nicsy:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top