Chapter 15
RAVEN POV
"Raven, iha. Are you okay?" tanong ni tita Trisha
Umiling ako. "Hindi ko po alam, tita. Wala na po si daddy, tita, eh. Iniwan na nya kami."
"Andito pa naman mommy nyo, eh." sabi nya. "Btw, happy birthday."
Napabuntong hininga muna ako bago magsalita.
"Where's Reeven, tita?" tanong ko.
"Nasa labas may binili yata." sagot nya, tumango nalang ako.
"Ahm tita, saan po ibuburol si dad?"
"Saan ba gusto nyo?"
"Pwede po bang sa bahay nalang?" tanong ko.
"Hmm, kung 'yon ang gusto nyo."
******
Pagka-uwi namin ng bahay, sinalubong ako ng yakap ni manang kaya umiyak na naman ako.
Peste! Bakit ba ayaw maubos ng luha ko? Pagod na pagod na 'kong umiyak!
"Tahan na, iha. Hindi magugustuhan ng daddy mong umiiyak ka lalo na't birthday nyo ngayon." sabi ni manang habang hinahagod ang likod ko.
"Ang hirap kasing tanggapin na wala na si daddy, manang eh."
"Wala tayong magagawa, iha. Hindi natin hawak ang buhay natin." sabi pa nya. "Tahan na, ipinag luto kita ng paborito mo."
Ngumiti naman ako. "Thank you po manang."
***
"Tita? Hindi pa po ba uuwi si Reeven?" tanong ko kay tita.
"Mamaya siguro, iha. Pupuntahan ko sya ro'n para ako naman ang papalit na magbabantay sa mommy nyo." sagot nya, tumango nalang ako saka pumunta sa sala kung saan nakaburol si dad.
"Raven, condolence." niyakap ako nang mahigpit ni Lyle.
"Thanks, Lyle. Upo ka muna at ikukuha muna kita ng makakain." sabi ko at saka tumungo na sa kusina.
Nang makakuha ako ng pagkain, bumalik agad ako sa sala.
"Here, kain ka muna."
"Thanks, Ven. Kasama ko nga pala si dad." sabi nya.
"Raven, iha. Condolence. Ikinalulungkot ko ang nangyari sa daddy mo." agad naman akong niyakap ni tito.
"Thank you po, tito."
***
"Kumusta si tita?" tanong ni Lyle.
"Hindi pa sure kung kailan sya gigising." matamlay na sagot ko.
Hinagod naman nya ang likod ko.
"If you need someone to talk to, I'm here, hmm?" sabi nya.
"Thank you sa inyo." sabi ko at niyakap sya.
******
"Iha? Magpahinga ka na ako na ang bahala rito." sabi ni manang.
"Maya-maya po manang." sagot ko.
"Sige, 'wag kang magpupuyat masyado ha?" tumango naman ako.
Lumapit ako sa kabaong ni dad at nagsimula na namang umiyak.
"Dad, kung nasaan ka man ngayon sana masaya ka. At sana po magising na si mommy." pinunasan ko ang luha ko at huminga nang malalim.
"Alam mo ba dad, ito 'yong first birthday na 'di ka namin kasama." ngumiti ako nang mapait.
May naramdaman naman akong humawak sa balikat ko at nakita ko naman si Reeven.
"Naka-uwi kana pala,"
"Bakit gising ka pa?" tanong nya.
"Ayoko pang matulog."
Umiling naman sya.
"Matulog ka na. Masyado nang late."
"Walang magbabantay kay dad." sagot ko.
"Magpahinga na kayong dalawa, ako na ang bahala rito." napalingon kami kay manang.
"Tara na, Ven." aya sakin ni Reeven.
"Samahan mo 'ko ha?" tanong ko.
Ginulo naman nya 'yong buhok ko. "Oo na, tara na." nauna na sya umakyat kaya sumunod na ako.
"Nga pala, gising na si mommy." sabi nya kaya mabilis akong umupo sa kama at tinignan sya.
"Puntahan natin sya bukas. Kailan daw sya makakalabas?" tanong ko.
"May ilang test pang gagawin sakanya then after no'n pwede na syang iuwi."
"Alam na ba nya?" tanong ko.
"Not yet. Kapag totally recovered na sya saka sasabihin. Matulog ka na."
"May nakakalimutan ka," sabi ko.
"What?"
"Ngayon birthday natin, engot!" sabi ko saka hinampas sya ng unan.
"Engot pala ha."
Naghampasan kami nang naghampasan hanggang sa mapagod kami.
"Happy birthday panget,"
"Happy birthday unggoy," bawi ko.
Nagtawanan naman kami.
"Matulog na,"
"Oo na, goodnight." sabi ko saka hinalikan sya sa pisngi.
"Goodnight sis."
Dinig ko pang sabi nya saka natulog na.
***
Kinaumagahan, nagising nalang ako sa lakas ng hilik ni Reeven, gigisingin ko sana kaso naalala ko puyat nga pala sya. Kaya bumaba na 'ko para kumain nang umagahan.
"Oh iha gising ka na pala halika na't kumain ka na, si Reeven?" tanong ni manang.
"Tulog pa po manang. Hindi ko po muna sya ginising kasi kulang po sya sa tulog eh." sabi ko tumango naman sya.
"O'sya sige at ako'y magdidilig muna."
"Sige po, manang." sambit ko at pumunta na ng kusina.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain ko nang may manggulat sa'kin.
"Punyeta ka Reeven kapag ako nabulunan ha!" sabi ko pagkatapos kong uminom ng tubig.
"Sorry na. Bakit kasi hindi mo ako ginising?"
"Alam mo kung bakit?"
"Pwet mo may raket?"
Sinamaan ko naman sya ng tingin. "Bwisit ka talaga kahit kailan!"
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ko hanggang sa matapos ako.
"Kumain ka na rin! Umagang-umaga naninira ka ng araw." sabi ko saka inirapan sya.
"Sungit! May tuldok ka 'no?"
"Wala! Katapusan pa. Hay kumain ka na nga r'yan dami mong alam." sabi ko saka iniwan sya sa kusina at pumunta sa sala.
Napahinto ako sa pagmumuni-muni ko nang may marinig akong humintong sasakyan sa labas. Lalabas na sana ako para tignan kung sino nang masalubong ko si manang.
"Manang sino po 'yon?" tanong ko.
"Mga kaibigan ni Reeven. Hali kayo pasok kayo." bumaling naman si manang kila Brix. Nagpasalamat naman sila bago pumasok.
"Condolence, Raven, nasaan si Reeven?" tanong ni Brix.
"Nasa kusina, kumakain." sagot ko.
Tumango-tango naman sya.
"Condolence, Raven." sabi rin ni Darwin.
Tipid naman akong ngumiti saka nagpasalamat.
Tinignan ko naman si Dave na walang imik.
"Dave upo ka oh." alok ko umiling naman sya.
"Tatayo na lang daw sya magdamag, Ven." singit ni Brix.
"Fvck you." mura ni Dave kay Brix pero tinawanan lang sya nito.
Napailing nalang ako sa kanilang dalawa.
"Pagpasensyahan mo na silang dalawa ha?" sabi sa akin ni Darwin.
"Okay lang. By the way, gusto niyo ng pagkain? Ikukuha ko kayo, wait." tatayo na sana ako nang pigilan nya ko.
"Okay lang, kumain na kami bago pumunta rito." sabi nya.
"Ahh okay, puntahan ko muna si Reeven." paalam ko, tumango naman sya.
Kaya naman agad na akong tumungo sa kusina.
"Reeven, bilisan mo r'yan. Nasa sala mga kaibigan mo." sabi ko.
"Tapos na ako," sagot nya.
"Nga pala, pupunta tayong hospital mamaya 'di ba?"
"Yeah, mamayang 8:30 alis na tayo." sagot nya.
***
"Tita, how's mommy?" tanong ko kay tita Trisha.
"She's okay now, pero kailangan pa nya ng kaunting pahinga." tumango naman ako.
"Ahmm, tita kain ka po muna. Dinalhan ka po namin ng makakain." sabi ko saka inabot sakanya 'yong pagkain.
"Thank you, sweetheart."
Nginitian ko nalang sya.
"Uh Raven? After ng libing ng dad mo gusto mo bang sumama sa 'kin sa Canada?" tanong nya.
Napakagat nalang ako ng labi ko dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
Yes, gusto kong pumunta ng Canada pero ayokong iwan sina Krystal at Lyle. Lalo na sina mommy at Reeven.
"Okay lang kung ayaw mo. I understand, pero kung magbago man ang isip mo just call me, okay?"
"Okay po, tita."
***
"Mommy, kumusta po?" tanong ko.
"Okay na ako sweetie. Ang daddy nyo, kumusta?" nagkatinginan naman kaming tatlo nila tita.
"Ahmm Trina 'wag kang mabibigla ha?" sabi ni tita, nagtaka naman si mommy.
"Why? What happen?" naguguluhang tanong ni mommy.
"Mom, wala na si dad." sagot ni Reeven.
"What do you mean?" naluluhang tanong nya.
"Daddy is dead, mom." ako na ang sumagot.
Umiling-iling naman si mommy at nagsimula nang umiyak. Niyakap naman sya ni tita Trisha.
"Shh, stop crying." pagpapatahan ni tita.
"I want to see him, where is he?"
"Nasa bahay po, mommy." sagot ni Reeven.
"Trisha please I want to go home, I want to see him." pagmamakaawa ni mommy.
"May test pang gagawin sa 'yo bago ka makalabas." sabi naman ni tita.
"Gumawa kayo ng paraan, please."
Nilapitan ko si mommy at niyakap. "Don't worry mom, bukas kakausapin namin 'yong doctor na payagan ka nang maadmit."
"Thank you," niyakap ko ng mahigpit si mommy.
---
nicsy:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top