Chapter 14
RAVEN POV
Arghhh! Nakakabwisit! Bwisit ka, Reeven. Ikaw ang nakakabwisit na kapatid sa buong mundo. I hate you!!
"Hey sis, aya pa?" at pinagtawanan pa ako nang loko, tignan ko lang kung makatawa ka pa mamaya.
Tinignan ko nalang sya nang masama sabay irap saka bumalik sa paglilinis sa napaka dumi nyang kwarto. Ayan ang dare nya sa'kin kanina.
"Bilisan mo r'yan, Ven. Gusto ko nang humiga eh." sabi nya.
"Edi ikaw na maglinis!" inis na sigaw sakanya.
"Okay chill."
"Raven! Reeven! Bumaba kayong dalawa rito!" dinig kong sigaw ni manang sa baba.
Nagkatinginan kami ni Reeven saka nag-uunahang bumaba.
"Bakit po manang?" hingal na tanong ni Reeven.
"Ang mommy't daddy nyo," pagkasabi no'n ni manang, hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan.
"Ano pong meron, manang? Malapit na po ba sila?" tanong ko at isiwinalang-bahala ang kaba na nararamdaman ko.
"Naaksidente sila." napakurap ako nang ilang beses.
Nagbibiro lang si manang, right?
"May tumawag kanina at ang sabi nabunggo raw sila ng truck." sabi pa ni manang.
Natulala nalang ako at hindi naka imik.
"Saang hospital po sila dinala?" tanong ni Reeven
"Saint Bernard Hospital." sagot ni manang.
"P-Puntahan natin, Reeven. Puntahan natin sila daddy." naiiyak na sabi ko tumango naman sya.
"Mauna ka na sa kotse kukunin ko lang 'yong susi." sinamahan ako ni manang papuntang garahe at hindi rin nagtagal ay lumabas na rin si Reeven.
"Mag-iingat kayo ha?" tumango nalang kami saka sumakay na ng kotse at pinaandar na ni Reeven.
Habang nasa byahe kami walang akong ginawa kun'di ang magdasal. Hanggang sa makarating na kami sa nasabing hospital.
"Reeven, walang mangyayaring masama sakanila, 'di ba?" umiiyak na tanong ko, niyakap naman nya ako.
"Shh tahan na. Walang mangyayari sakanilang masama." pagpapatahan nya sa'kin.
"Family of the patients?" tanong ng doctor na kalalabas lang ng ER.
"Kami po," sabay naming sagot ni Reeven.
"Dederetsohin ko na kayo, ha? Hindi maganda ang lagay ng mga magulang nyo. Lalong-lalo na ang daddy niyo." napatakip ako ng bibig ko at nagkatinginan kami ni Reeven.
Lord, tulungan mo po si daddy at si mommy. Hindi ko po kakayanin kapag mawala po sila. Please lang po Lord sana po maging maayos na po ang lagay nila.
"Raven, kumusta sila tita?" nag-aalalang tanong ni Krystal.
"Hindi raw maganda ang lagay nila." sagot ko. "Tal, natatakot ako. Natatakot ako kasi baka may mangyari sakanila." kinagat ko ang ibabang labi ko at nagsimula na namang umiyak.
"Shh, walang mangyayari sakanila. Kumain ka na ba?" tanong nya, umiling naman ako.
"Sakto may dala akong pagkain dito. Kain ka muna." sabi nya saka pinahid ang ilang luhang nasa pisngi ko.
Nang matapos akong kumain, nilibang ako ni Krystal para raw hindi ako mag-alala.
"Ano plano nyo bukas?" tanong nya.
Napabuntong-hininga nalang ako bago sumagot. "Hindi ko alam eh,"
"Bakit pa kasi nangyari 'to eh." sabi ko.
"Wala naman may gusto nito, Ven." sabi ni Krystal. "O'sya, uuwi na ako 9:20 na eh. Magpahinga ka na ha?"
Tumango naman ako. "Ingat ka. And salamat sa pagsama sa'kin dito."
"Anything for you. Bye." sabi nya saka umalis na.
Nagising ako dahil sa ingay ng mga doctor at nurse. Nagmamadali silang pumunta sa kwarto kung saan sila mommy.
Bigla akong kinabahan.
Hinanap ko si Reeven pero hindi ko sya mahanap. Ilang saglit pa ay may lumabas na isang doctor mula sa kwarto.
"Pasensya na pero hindi namin nailigtas ang daddy niyo."
Parang huminto ang mundo ko nang marinig ang sinabi ng Doctor. Nananaginip lang ako 'di ba?
"Doc, what happened?" tanong ni Reeven na kadarating lang.
"Hindi namin nailigtas ang daddy nyo, pasensya na. Ginawa na namin ang lahat pero wala talaga." napaluhod nalang ako at wala nang ginawa kun'di ang umiyak ulit. Mabilis naman akong niyakap ni Reeven.
"Excuse me," hindi na namin pinansin 'yong doctor.
Daddy, bakit? Bakit mo kami iniwan? Ang sabi mo icecelebrate pa natin 'yong birthday namin, pero bakit ganito?
Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.
Nagising ako dahil sa nakakasilaw na liwanag at napasinghap ako nang lumabas do'n si daddy. Kaya agad akong tumakbo sakanya para yakapin.
"Daddy," umiiyak kong tawag sakanya.
"My princess, sorry kung hindi ko matutupad 'yong sinabi ko ha?" sabi nya. "Don't worry hindi ko naman kayo papabayaan."
"Daddy, bumalik ka na sa amin. Please 'wag mo kaming iwan." pagmamakaawa ko.
"Kung pwede lang sana bakit hindi? Pero sweetie, hanggang dito nalang ako." No, dad. Please.
"Kailangan ko nang umalis, mag-iingat kayo ha? Huwag niyong pababayaan ang mommy nyo." umiling ako at niyakap ulit si daddy.
"Daddy, don't go please. Don't." pigil ko sakaniya.
"Hinihintay na nila ako ro'n sweetie. Paki sabi nalang sa kuya at mommy mo na mahal na mahal ko sila. Mahal na mahal ko kayo, sorry kung iiwan ko kayo." huling sabi nya bago sya tuluyang kunin ng liwanag.
"Daddy! 'Wag mo kaming iwan!" agad akong napabangon at umiyak nang umiyak. Agad naman akong inalo ni Reeven.
"Raven! Shh stop crying I'm here." niyakap ko pabalik si Reeven.
"Reeven, si daddy. Tuluyan na nya tayong iniwan." umiiyak na sabi ko.
"Shh, hindi nya tayo tuluyang iniwan Ven. Binabatayan at ginagabayan nya tayo." sabi nya. "Magpahinga ka nalang ulit. Titignan ko muna si mommy."
"How's mom?" tanong ko.
"She's in coma."
"Take a rest, babalik din ako agad." tumango nalang ako atsaka pinikit ang mga mata ko.
***
REEVEN POV
"Condolence bro," tapik ni Dave sa balikat ko saka tumabi sa akin.
"Thanks," I gave him a fake smile.
"How's Raven?" tanong niya
"Iyak nang iyak kanina kaya pinagpahinga ko muna."
"Be strong Reeven, Your sister needs you now."
"I know." I sighed.
"Eh si tita, kumusta?"
"Comatose raw si mommy." sagot ko.
"Alam na ba ng relatives nyo?" tanong nya.
"Yeah, tinawagan ko sila kanina. Pupunta raw sila bukas para tumulong mag-asikaso para sa burol ni dad." sagot ko.
"If you need help, just tell me."
"Thank you bro," tapik ko sa balikat nya. "Anyway, pwede bang bantayan mo muna si Raven? Bibili lang ako ng makakain."
"Yeah sure, ako na bahala." nagpasalamat nalang ako sakanya bago lumabas.
Pabalik na 'ko sa kwarto ni Raven nang may tumatawag sakin.
"Hello po tita?" sagot ko sa tawag.
"Nakarating na sa'kin ang balita, kumusta kayo? Kumusta si Trina?" tanong nya. She's tita Trisha, kakambal ni mommy.
"She's in coma, tita. And si Raven nagpapahinga po," sagot ko.
"Oww, okay. Don't worry baka bukas nand'yan na 'ko. Take care, Reeven, tita loves you."
"Take care tita." sagot ko bago binaba ang tawag.
"Kumusta sya? Hindi ba sya nagising?" tanong ko kay Dave.
"Hindi naman," sagot naman nya.
"Gusto mo?" alok ko sakanya umiling naman sya.
Nagkwentuhan kami nang ilang saglit bago sya magpaalam na uuwi na. Nang maka alis si Dave, pumunta ako sa couch para maka iglip muna kahit kaunti.
---
nicsy:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top