Chapter 13

RAVEN POV


"Nga pala Krystal, bakit uwak ka nang uwak sa'kin? Mukha ba akong uwak, ha?" tanong ko.


"Tangek! Raven name mo, 'di ba? Ano'ng tagalog ng Raven, uwak, 'di ba?" sagot nya. "Don't tell me ngayon mo lang nalaman ang tagalog ng Raven?"


Umiwas naman ako ng tingin. "Eh ano naman kung ngayon lang?"


"It's okay, love ka naman namin eh. 'Di ba Lyle." baling nya kay Lyle.


"Ha? Ah oo." sambit naman ni Lyle.


Pagkaraan ng ilang oras, sa wakas ay uwian na.


So 'yon, as usual sabay kaming pumunta nina Lyle ng parking lot.


"Bye na mga dzai, see you nalang tomorrow." si Krystal saka niyakap kami ni Lyle.


"Bye na rin, baka inaantay na 'ko ng sundo ko." paalam din ni Lyle.


"Sige, ingat kayo. See you tomorrow." sabi ko saka kumaway sakanila. Maya-maya rin ay dumating na rin si Reeven at syempre kasama rin mga kaibigan nya.


"Oy Raven! Okay na anit mo?" tanong ni Brix.


"Oo, okay na. Gusto mo try ko ring sabunutan ka? Para ma-try mo kung gaano kasakit." sagot ko


"Ang harsh mo talaga sa'kin." reklamo nya.


"So? Kwento mo sa pagong." pangbabara ko sakaniya.


"Reeven, kausapin mo nga 'tong kakambal mo. Masyado matabil ang dila eh." baling naman nya kay Reeven pero hindi sya pinansin nito.


"Let's go, Ven." tinignan ko nalang sya nang may halong pang-aasar.


"Magkambal nga talaga kayo! Parehas kayong masama ang ugali." hindi nalang namin sya pinansin bagkus ay pumasok nalang kami sa kanya-kanya naming sasakyan.


"Ang sasama ng ugali nyo!" dinig ko pang daing nya.


"Umuwi ka na nga lang. Ang dami mong satsat." sabi ni Reeven sakanya bago I start ang makina.


"Manang, tumawag na po ba sila mommy?" tanong ko kay manang nang makapasok kami ng bahay.


"Hindi pa nga eh. Kung gusto mo ikaw nalang ang tumawag." sagot nya.


"Ah sige po, akyat po muna ako." sabi ko, tumango naman sya.


Pagkarating ko ng kwarto, nagbihis na agad ako at pagtapos no'n kinuha ko na 'yong phone ko at idinial ang number ni mommy.


["Hello? Sweetie? Napatawag ka?"] boses ni dad.


"Ah dad, itatanong ko lang po kung anong oras po kayo makakadating dito sa bahay bukas."


["Baka gabi na kami maka uwi 'di ko lang alam kung anong exact time basta gabi."]


"Gano'n po ba, dad? Ingat nalang po sa byahe bukas."


["Yeah, thank you my princess. Btw anong gusto nyong regalo?"]


"Kahit 'wag na po dad. As long as you're with mom, that's a great gift for me and Reeven."


["Are you sure? Sige, ibababa ko na itong tawag dahil mag-aayos pa kami ng mommy nyo ng mga gamit namin."]


"Okay po dad. See you and i love you both."


["See you sweetie. Me and your mom loves you both."] Sabi nya saka binaba na ni dad ang tawag.


"Raven, naka-usap mo na sila?" tanong ni Reeven habang nakadungaw sa pintuan.


"Yeah, ang sabi ni dad baka gabi na raw sila makarating." sagot ko.


"Okay, baba ka na. Dinner is ready."


Tumango na lang ako. "Sige, sunod na 'ko."


Tumango nalang sya atsaka sinarado ang pintuan.


Kinabukasan.


Vacant namin ngayon, second subject before recess. Kaya heto kami ngayon parang mga nasa palengke.


"Raven, may sasabihin ako!" Kinikilig na sabi nya.


"Ano 'yon?" tanong ko, lumapit naman sya sa'kin para bumulong.


"Kami na ni Brix." bulong nya.


"Bakit ang bilis mong sagutin? Anyway, congrats!" masayang bati ko sakanya. "Pero, subukan ka lang nyang saktan lagot sya sa'kin."


"Aww! Ang sweet mo naman. Pa-kiss nga." agad akong lumayo sakanya no'ng akmang hahalikan ako.


"Ano ba Krystal! Si Brix nalang ang halikan mo 'wag ako!" sabi ko, sumimangot naman sya.


"Hoy, anong meron ha?" tanong ni Lyle saka umupo sa harapan namin.


"Sila na raw ni Brix." ako na ang sumagot.


"Ayy weh? Congrats tal, dalaga ka na!" natatawang sabi nya.


"Sira!" namumulang wika ni Krystal.


"Krystal, pinapatawag ka ni Brix sa canteen." sabi ni Kira.


"Bye na muna mga bebelabs ha? Do'n muna ako kay babe ko hihi." napangiwi nalang ako sa inasta nya.


"Haysst! Pano ba yan, Ven? Tayong dalawa na naman." nakapalumbabang sabi ni Lyle.


"Ayaw mo pa no'n? Wala kang sasawayin." sabi ko.


"Baliw." pabiro naman niya akong inirapan. "Ang tagal ng bell. Gutom na 'ko." nakangusong sabi ni Lyle.


"Ako nga rin eh," sang ayon ko.


Maya-maya pa, tumunog na ang bell. Hudyat na recess na. Kaya agad kaming tumayo ni Lyle at lumakad na papuntang canteen.


"Raven! Sama kayo sa'min." tawag ni Krystal sa amin.


"Saan naman?" tanong ni Lyle.


"Sa tambayan namin." sagot ni Brix. "Don't worry may mga pagkain na ro'n."


Hindi na ko nagsalita at sumunod nalang sakanila. Pagkarating namin sa tambayan nila, nakita ko si Reeven na nakahilata sa couch nila.


Wow! Sarap buhay.


"Andito na pala kayo. Raven, Lyle upo kayo." sabi ni Darwin at may hawak na dalawang upuan. Nagpasalamat naman kami ni Lyle bago umupo.


"So? Ano gagawin namin dito?" tanong ko


"Wala. Tutunganga lang," natatawang sagot ni Brix, napangiwi naman ako.


"Kumain na kayo, oh." sabi ni Reeven, saka binato sa akin ang dalawang burger.


Buti nalang nasalo ko!


"Ang epal mo talaga! Pwede mo naman iabot 'di ba?" reklamo ko, pero tinawanan nya lang ako.


Lagot ka sa'kin mamaya sa bahay.


Binigay ko ang isang burger kay Lyle at sinimulan na naming kainin 'yon.


"Alis na kami," paalam ko kila Reeven.


"Dito na muna kayo, Ven. Matagal pa naman ang bell, eh." sabi ni Krystal.


"Oo nga naman, Raven, dito muna kayo." sabi naman ni Darwin.


"Eh anong gagawin namin dito?" tanong ko.


"Laro tayo," suggest ni Brix.


"Ano naman?" tanong ni Reeven.


"10 lives," sagot nya.


"Paano naman laruin 'yon?" tanong ko.


"Madali lang. Example -1 kung may gusto ka or nagugustuhan ka ngayon. Kung meron ibabawas mo sa 10." paliwanag nya. "May consequence ang matatalo ha." sabi pa nya.


Nagumpisa na ang laro at si Brix ang host kuno.


"-2 kung nabuhusan ka na ng tubig dahil tulog mantika ka." bwisit 'to ah! Ako talaga tinatarget nya.


"Ang daya naman Brix!" reklamo ko.


"Hindi kaya." tanggi nya, napa-irap nalang ako.


Natapos na ang laro at ako nga ang talo. Ang epal kasi, eh.


"Pa'no ba yan, Raven ikaw ang talo. Sino gusto mag-utos sakanya?" tanong nya.


"Ako na," nakangising sagot ni Reeven


"Bwisit ka Reeven, ayusin mo ah." banta ko sakanya. Ngunit binigyan niya lamang ako ng nakakalokong ngiti.


Ayoko ng ngiti nya.


-

--

nicsy:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top