Chapter 12

RAVEN POV

"Raven, buti naman at pumasok ka na." sabi ni Krystal.

"Yes naman! I'm totally magaling na." sabi ko.


"Oo nga, baliw ka na eh." aniya saka tumawa.


"Letche! Wala kayong pinagkaiba ng sinabi ni Reeven." sabi ko, mas lumakas naman ang tawa niya.


"Ewan ko sa'yo!" galit-galitang sabi ko.


"Char lang naman bebe uwak. Labyu."


"Labyu mo mukha mo." taboy ko sakanya.


"Kita mo 'to, ikaw na nga nilalambing eh pakipot pa." Usal  nya.


"Sino ba kasi may sabing maglambing ka?" tanong ko.


"Wala!"


Bungangera bruha.


"Itong dalawang 'to ang aga-aga ang ingay-ingay na naman." sabi ni Lyle na kapapasok lang.


"Hoy babae, akala ko ba maaga kang papasok ngayon?" si Krystal.


"Eh sa late tumunog alarm clock ko." sagot naman ni Lyle.


"Bruhang 'to," sabi ni Krystal saka umirap.


Well, namiss ko 'to kahit ganito kami tuwing umaga.


"Ngayon nga pala 'yong sa science, 'di
ba?" tanong ko.


"Yep! Why?" tanong ni Krystal


"Wala lang, sakto 'yong pagpasok ko." sagot ko.


"Yeah, kasi kawawa naman si Dave kung mag isa lang sya." sabat naman ni Lyle.


Parang ang hirap naman magpa explode ng bulkan.


"Honestly, he can do it even without me." sagot ko.


"Oo nga pero mas maganda 'yong dalawa kayo magpapasabog." sabi ni Lyle.


"Well you're right, baka mamaya sabihin ni sir na wala akong naiambag do'n sa project kahit meron naman." sabi ko.


Nandito na kami sa tapat ng laboratory, at lahat kami ay hinahanda na 'yong volcano model namin.


"Hala! Bakit bumaba 'yong kanila?" tanong ko kay Dave.


"Baka nasobrahan sa tubig." sagot nya.


"Ay gano'n? Buti nalang 'yong sa'tin sakto lang. 'Yong atin lang yata 'yong hindi bumaba. Tignan mo 'yong kina Lyle." turo ko sa puwesto nila Lyle.


"Magaling ako gumawa eh." nanliit ang mata ko sa narinig ko.


"Excuse me! Baka kasama mo akong gumawa n'yan." turo ko bulkan namin.


"Oo nga, pero sino ba ang naghulma? Ako 'di ba?"


Napairap nalang ako. "E'di wow!"


Nadinig ko naman syang tumawa.


"Okay class! Let's start." sabi ni sir.


"Sir, sabay-sabay po ba kami?" tanong ni Queenie, v-pres namin.


"Yeah, para maganda tignan." sagot ni sir. "In a count of three, sabay-sabay niyong ibubuhos ang vinegar or lemon."


"1..."

"2..."

"3... Go!"


Pagkabuhos namin, napa 'wow' ako kasi ang ganda ng kinalabasan. Iba't-ibang colors pa 'yong lumabas sa kanya-kanya naming model.


"God job, class. You did great! Dahil d'yan may plus points kayo sa exam." nagdiwang kami sa sinabi ni sir.


Yes! I love you na sir!


Pinabalik na kami ni sir sa classroom dahil ilang minutes nalang ay recess na.


"Ah, mga dzai hindi nga pala ako makakasabay sa inyo mamayang recess." sabi ni Krystal, nagkatinginan naman kami ni Lyle.


"Bakit?" si Lyle


"Ahh... Ehh... Kasabay ko kasi ni Brix." sagot nya.


"Bruha ka! Ilang araw lang ako nawala tapos kayo na ni Brix?" tanong ko.


"Gaga! Ligawan pa lang nangyayari sa'min." sagot nya.


"Eh mamayang lunch? Sa'min ka sasabay?" tanong ni Lyle.


"Of course! After bebe time, best friends time naman." sabay naming binatukan si Krystal.


"Letche naman kayong dalawa! Kailangan sabay pa talaga?" reklamo nya.


"Ikaw may sabi na ligawan palang nangyayari sa inyo tapos bumebebe ka na d'yan. Bitayin kaya kita?" tanong ko.


"Doon na rin naman punta no'n." sagot nya.


"E'di ikaw na! Magdedate nalang kami ni Raven habang wala ka." sabi ni Lyle saka kumapit sa braso ko.


Nasa canteen na kami ngayon ni Lyle, sinamahan ko na syang mag-order kasi ayoko na ulit magpaiwan baka kasi mangyari uli 'yong nakaraan. Mahirap na haha.


"Buti pa si Krystal may lovelife na, eh tayo kaya, Kailan?" tanong ni Lyle.


"I don't know? Pero hayaan na. Darating din naman 'yan." sagot ko.


"Yeah, 'yong iyo nga nameet mo na eh." sabi nya.


"Wow Lyle, kailan ka pa naging manghuhula?" biro ko.


"Sira! Pero totoo nameet mo na sya."


Weird nya ha.


"Lyle! Stop that, kinikilabutan ako sa'yong bruha ka." hampas ko sakanya.


"Kain na nga tayo."


"Buti pa nga."


"Nga pala Ven, 'di ba sa friday na birthday nyo?" tanong nya.


"Hmm, why?"


"Kailan uwi nila tita?" tanong nya.


"Sabi ni manang bukas daw ng gabi."


"Ow, okay." sabi nya saka sumubo ng spaghetti.


Bumalik na kami ng classroom after naming kumain. Pero bago 'yon, pinuntahan ako ni Reeven para i-check na naman kung kumain na ako, at sabi ko 'oo' kaya ayon umalis na naman ulit basta-basta. Pero, bago ulit kami lumakad pabalik ni Lyle ng classroom. May babaeng sumugod sa akin.


"Kaya pala pinagtatabuyan na 'ko ni Reeven dahil sa'yo!" sabi nya saka dinuro-duro ako.


"Hey miss! What are you talking about? At wag mong dinuro-duro 'tong kaibigan ko ha." hinawakan ko yung braso ni Lyle para pakalmahin sya.


"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo. Tsaka sino ka ba?" tanong ko.


"Ako lang naman ang dating gusto ni Reeven pero hindi na ngayon kasi umepal ka."


Oww, so sya pala 'yong iniyakan ni Reeven? Mapagtripan nga.


"So, kasalan ko pa kung bakit hindi ka nya gusto ngayon?" tanong ko.


"What if I said yes!" taas noo'ng sagot nya.


Palaban si ate ghorl.


"Well, sorry ka nalang. Let's go Lyle." nakangising sagot ko. Nagulat nalang ako nang bigla n'yang hablutin 'yong buhok ko.


The heck! Ouch ha!


"Omg, Raven! Hoy ano ba! Bitawan mo nga sya. Ano bang problema mo?" awat ni Lyle pero hindi parin ako binibitawan ni ate ghorl.


"Kapag hindi mo pa sya binitawan tatawagin ko si Reeven." banta ni Lyle.


"Go ahead, I dont care!" sagot naman ni ate ghorl habang hawak pa rin ang buhok ko.


Putcha! Mapupunit na yata anit ko.


"O'sige wait ka lang ha?"


Gosh Lyle, don't leave me huhu.


"Tignan lang natin kung hindi magbago ang isip ni Reeven." sabi ni ate ghorl.


"Bakit ba pinipilit mo eh ayaw na nga sa'yo?" tanong ko.


"You don't care!" sigaw nya.


May pake ako kasi kakambal ko sya. Tanga!


"Bitaw nga! Ang sakit kaya!" reklamo ko.


"Bagay lang sa'yo yan. Malandi ka!"


Wow! Ako pa malandi?


"Raven! What the fvck, Sofia!" dinig kong sigaw ni Reeven.


Finally, dumating ka rin. Ang sakit na ng anit ko.


Lumapit sa'min sina Reeven at agad nilang inihiwalay sa'kin 'yong Sofia.


"What's your problem?!" galit na tanong ni Reeven sakanya.


"Sya!" turo nya sakin. "She's my problem, you know why? Kung hindi lang sya umepal e'di sana ako pa rin ang gusto mo." napatawa naman nang malakas si Brix, nandito rin pala 'tong isang 'to.


"Laught trip amputa!" sabi ni Brix saka tumawa nang malakas, siniko naman sya ni Darwin.


"What's funny, huh?" tanong ni Sofia.


Mas lalong lumakas ang tawa ni Brix kaya tumawa na rin ako.


"What are you talking about?" tanong ni Reeven. "Pinagseselosan mo kapatid ko?"


Kita naman ang gulat sa mukha ni Sofia.


"W-What? K-Kapatid mo sya?" hindi makapaniwalang tanong nya.


"Yep!" singit ko


"Why didn't you tell me right away?" napahiyang tanong nya.


"Paano nya masasabi eh sinabunutan mo agad sya." sabi naman ni Lyle.


"Wala kang masabi, 'no? Pahiya ka? 'Wag ka kasing sugod nang sugod, sis. Ano ka ngayon?" singit naman ni Krystal.


"Arghh! Whatever!" iritang sabi nya saka nag walk out.


"Kita mo 'yon, sya pa may gana mag walk out. Sabagay napahiya eh. By the way uwak, are you okay?" baling sakin ni Krystal.


"Medyo okay lang ako," sagot ko.


"Gaga! Bakit may medyo pa?"


"Aba! Kung ikaw kaya sabunutan no'n? Tignan lang natin kung maging okay ka." singhal ko.


"Anong ginawa mo bakit ka sinabunutan no'n?" tanong sakin ni Reeven.


"Ako agad? Grabe ha." angal ko, pinitik naman nya ang noo ko.


"Hindi ka naman sasabunutan no'n kung wala kang ginawa, 'di ba?" umirap naman ako.


"So ito na nga, pabalik na kami ng classroom ni Lyle tapos bigla na lang syang sumulpot tapos dinuro-duro ako. Tapos sabi nya dahil daw sa akin kaya mo sya pinagtabuyan. Tapos ayon sabi pa nya sa akin epal daw ako tapos tinanong ko kung kasalanan ko tapos sabi nya oo raw tapos sabi ko sorry nalang sya tapos boom!"


Whew! Hiningal ako roon ah.


"Ibang klase talaga si Sofia. Buti nalang hindi mo na gusto 'yon, Reeven." sabi ni Brix.


"Sige na, pumasok na kayo." si Reeven.


"Tara na mga bruha." hila sa amin ni Krystal.

---

nicsy:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top