Chapter 11

LYLE POV

"Hindi ako sanay nang wala si Raven," nakangusong sabi ni Krystal.


"Ngayon lang naman sya wala, eh. Bukas magaling na 'yon." sabi ko saka sumubo ng fries.


"Ihh! Kahit na. Nakakamiss din pala 'yong kaingayan nya 'no?" tanong nya.


"Ako hindi, alam mo kung bakit?" tanong ko sakanya.


"Oh, bakit?" natawa naman ako sa naisip ko.


Get ready Lyle, may lalanding na kamay mamaya sa katawan mo.


"Kasi andito ka. Kaya kahit na wala si Raven na maingay, nandito ka naman." sagot ko.


Gaya nga ng inaasahan ko, hinampas nya ako sa braso pero sa kasamaang palad ay naka iwas ako.


"Ang sama mo talaga, bwiset ka!" inis na sabi nya tumawa naman ako.


***

"Ano ba naman 'yan, Lyle! Bilisan mo nga!" sigaw ni Krystal sa labas. Uwian na kasi kaya atat syang pumunta sa bahay nila Raven.


Palibhasa may kasalanan.


"Saan sasakyan natin?" tanong ko.


"Sa sasakyan nyo," sagot niya.


Nanlaki naman ang mata ko at hinampas sya. "Hoy!? Bakit sa'min pa? Pwede namang 'yong sa inyo."


"Oo na, sa'min na. Kailangan may hampas 'te? Tara na nga!" sabi nya saka hinila ako papuntang parking lot.


Pagkarating namin sa bahay nila Raven, wala kaming sinayang na oras at pumasok na kami agad. Sanay naman na sa'min si manang Sally kaya okay na 'yon.


"Nasa kwarto si Raven, mga iha," sabi nya kaya nag 'thank you' kami bago umakyat papuntang kwarto ni Raven. Pagkapasok namin ni Krystal, nandatnan namin si Raven na balot-balot ng kumot.


"Manang, nand'yan na po ba si Reeven?" nanghihinang tanong nya.


"Raven, kami 'to," sabi ko, dahan-dahan naman nyang inalis 'yong kumot na nakabalot sakanya.


"Bakit kayo nandito? Baka mahawaan ko kayo, mga bruha." sabi nya.


"Timang ka! Okay lang. Tsaka hindi ako madaling mahawaan ng sakit." sabi ko.



"Ako rin," sabat ni Krystal.


"Hoy Krystal! Saan ka nagpunta kahapon? Bakit ka umabsent? Bwisit ka pinag-alala mo 'ko." sabi ni Raven, lumapit naman si Krystal sakanya.


"Sorry na, uwak. Sinundo kasi namin si daddy sa airport no'n tapos nag-aya syang mag ek kaya ayon hindi na ako nakapasok no'ng hapon." paliwanag ni Krystal. "Magpagaling ka, ha? Para bukas makapasok ka na."


"Oo na, medyo um-okay naman na pakiramdam ko, eh," sabi naman ni Raven.


"O'sya, tara na Krystal, uwi na tayo at para makapagpahinga na si Raven." sabi ko, lumapit din ako kay Raven tsaka niyakap sya. "Pagaling ka, ha? I Love you."


"I love you rin. Kitakits bukas. Bye uwak!" sabi ni Krystal with flying kiss.


"I love you both!" si Raven.


Pagkalabas namin ng kwarto nya, nasalubong namin si Reeven.


"Oh? Uuwi na kayo?" tanong nya.


"Ahh oo, eh." sagot ko


"Dito na kayo magdinner."


Mabilis naman akong umiling. "Naku hindi na, kinamusta lang namin si Raven. Salamat na lang."


"Gano'n ba? Sige ingat sa pag-uwi." nginitian ko nalang sya bago hilain pababa si Krystal.


"Uuwi na kayo?" tanong ni manang.


"Opo manang." sabi ko


"Mag-iingat kayo ha?"


"Opo, salamat po." sagot ni Krystal.


"Hatid mo 'ko sa bahay, ah." sabi ko kay Krystal.


"Mukha mo!" sinamaan ko sya nang tingin. "Charot! Ikaw naman 'di mabiro eh. Tara na nga." napairap nalang ako bago sumakay sa sasakyan nila.

******

RAVEN POV

Maaga akong nagising dahil papasok na 'ko ngayon. Papasok na sana ako ng bathroom nang biglang pumasok si Reeven sa kwarto ko.

"Oh? Ang aga mo namang magising?" tanong nya.

"May pasok ngayon 'di ba? E'di maliligo na." sagot ko, napataas naman sya ng isang kilay nya.

"And who said you're going to school now?" tanong nya.

"Magaling na 'ko, Reeven kaya papasok na 'ko ngayon." pagpupumilit ko.


"Bukas ka na pumasok, baka mabinat ka pa. At 'wag na 'wag ka nang aangal kasi kahit maglupasay ka pa r'yan hindi ka pa papasok ngayon." sabi nya, napairap naman ako.


"Fine! E'di hindi." sabi ko saka bumalik sa pagkakahiga.


"Don't be so stubborn, Raven. Bukas ka na pumasok, okay? I love you sis." sabi nya at saka hinalikan ako sa noo bago sya lumabas ng kwarto ko.


Nagmake face nalang nang makalabas sya ng kwarto ko.


Ano naman kayang gagawin ko rito sa bahay? Aishh!


"Raven, baba ka muna at kumain." dinig kong sabi ni manang sa labas ng kwarto ko.


"Opo manang, sunod na po ako." sagot ko saka pinause muna 'yong pinapanood ko.


"Nagluto ako ng paborito mong kaldereta." nakangiting sabi ni manang.


"Thank you po manang! For sure marami na naman akong makakain nito hihi." sabi ko saka sumandok na ng kanin.


"Yum! Sarap nyo po talagang magluto ng kaldereta, manang. Turuan nyo naman po ako magluto nito, manang. Para kapag nagkaasawa ako ipagluluto ko po sya ng ganito." natawa naman si manang sa sinabi ko.


"Ikaw na bata ka, napakabata mo pa asawa na agad 'yang nasa isip mo pero sige kapag wala kayong pasok tuturuan kita." napapalakpak nalang ako.


"Yey! Thank you manang." masayang sabi ko.


"O'sya bilisan mo na r'yan para mahugasan ko na 'yang pinagkainan mo."


"Ako na po maghuhugas, manang." sabi ko.


"Sigurado ka?" tumango naman ako. "Sige basta bilisan mo na r'yan," sabi pa nya kaya mabilis kong inubos 'yong pagkain ko at pagtapos ay hinugasan ko na bago bumalik sa kwarto ko.


Maghapon akong nakakulong sa kwarto ko. Kahit anong paglilibang ang gawin ko nabobored pa rin ako. Naka tatlong k-drama akong natapos kanina at pagtapos no'n wala na.


"Hay! Ang hirap talaga magkasakit, ang epal kasi eh." sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa kisame.


"Hey, wake up. Dinner is ready." nagising ako sa boses ni Reeven. "How are you feeling?"


"Okay na 'ko."


"Good. Bumangon ka na r'yan." tumango nalang ako saka bumangon. Bumaba na'ko at dumiretso na ng dinning area.


"Sure ka kaya mo na pumasok bukas?" tanong ni Reeven.

Inis akong kumamot sa ulo ko. "Oo nga, kulit."

"Naninigurado lang."

Pagkatapos kong kumain, tumayo na'ko tsaka dinala na sa lababo 'yong pinagkainan ko at umakyat na papuntang kwarto ko.

Kinabukasan, maaga akong gumising at pumasok na ng bathroom para maligo na. At pagkatapos kong maligo ay agad na 'kong nagbihis pagkatapos ay lumabas na at tumungong dinning area.

"Morning manang, morning brother." masiglang bati ko sakanila.


"Magaling ka na nga." sabi ni Reeven. "Maingay ka na eh."

Inirapan ko naman sya. "Happy ka?"

Malakas naman syang tumawa.

Kabagin ka sana, bwisit ka!

---

nicsy:)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top