Chapter 1
RAVEN POV
So 'yon, share ko lang. Bali three sections kasi ang fourth year highschool.
Sina Krystal at Lyle magkaklase, ang section nila is Garnet at kaklase rin nila sina Dave at Brix. Si Reeven at—ano name no'n? Ahh! Darwin, ang section nila is Sapphire. And lastly, syempre ako, ang section ko is Emerald. Oh 'di ba Sana all sa kanila, ako lang talaga ang nahihiwalay, eh. Ang duga.
"Raven," tawag sa akin ni Missy, class president namin.
Lumingon naman ako sakaniya
"Hmm, kailangan mo?"
"Ang tahimik mo kasi eh. Wala tuloy maingay, may problema ba?" nag-aalalang tanong niya.
"Hindi porket tahimik may problema na? Hindi ba pwedeng nag-de-daydream lang? " sabi ko, nagkibit balikat nalang siya bago bumalik sa upuan niya.
Nandiyan na kasi si ma'am eh.
Pagkapasok ni ma'am nagsimula na siyang mag discuss kaya naman wala na akong ibang magawa kun'di ang makinig kahit na wala akong naiintindihan.
Ganiyan ang nag aaral. Joke, hashtag 'wag tularan si Raven.
Mabilis lumipas ang oras at ngayon ay lunch na. Kaya naman lumakad na ulit ako papuntang canteen.
"Nauna na naman kami sa 'yo, Raven. Kahit kailan talaga napakakupad mo." galit-galitang sabi ni Krystal. "Kaya dahil d'yan ikaw ang mag-o-order ng lunch natin." Sabi niya.
"Ha?! Ba't ako? Tsaka ano bang magagawa ko kung matagal magdismiss si ma'am." reklamo ko.
"Naku naman Raven pati pag order ng lunch natin nagrereklamo ka." sabi niya.
"Ampotek! Sige na! Oo na! Ako na mag-o-order! Happy?!" irap kong sabi sa kaniya.
"Yan! Buti at nagkakaintindihan tayo... Oh, here's my pang bayad." Sabi niya sabay abot sa akin no'ng pera niya, padabog ko namang kinuha 'yon.
Bumaling naman ako kay Lyle.
"Eh 'yong iyo, Lyle?"
"Teka... Oh ayan."
Bwisit naman eh! Nakakainis na nakakagigil na nakakaasar!
Pagdating ko sa counter, nag order na ko agad ng kakainin namin at pagkatapos no'n ay bumalik na 'ko sa table namin.
Habang kumakain, hindi ko sila pinapansin. Bahala sila riyan.
"Oy Raven ang tahimik mo yata ha." Si Krystal, hindi ako umimik.
Umaktong nagulat si Krystal at may pahawak pang nalalaman sa dibdib nya. "Hala! Labag yata sa loob niyang umorder kanina."
Ampota! Sige pagtawanan mo pa 'kong letche ka!
"Hoy Raven!"
Bahala ka sa buhay mo.
"Sige ganyanan! Wag kang mamansin!"
Nye, nye! Bahala ka.
"Pwede ba!? Tumigil na nga kayong dalawa! Kanina pa kayo ah." saway samin ni Lyle.
Ngumuso naman si Krystal. "Ito kasi 'di namamansin."
"Hayaan mo na muna kasi!" sabi ni Lyle.
Nang matapos kaming kumain, akmang tatayo ako nang pigilan ako ni Krystal.
"O-Oyy, R-raven pansinin mo na 'ko." Nakayukong sabi niya.
Kumamot ako sa ulo ko. "Ikaw kasi eh."
"B-Bakit ako?" tanong niya.
"Ako kasi sinisisi mo kung bakit ang tagal kong dumating," sabi ko.
Pilit siyang ngumiti. "Eh nag-jo-joke lang naman ako ah."
"Tss.. whatever." Sabi ko.
Nagpapadyak syang parang bata. "Raven naman eh!"
"Oh? Tignan mo, sino ngayon ang maingay ha?" Sabi ko.
"Pssh! Pansinin mo na kasi ako." Sabi niya.
"Pinapansin na nga kita eh," sagot ko.
"'Di ka na galit sa akin ah?"
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Why would I get mad?"
"Ayy hindi ka ba galit? Akala ko galit ka eh." alanganing sagot niya.
Napabuntong hininga ako. "Tama na nga! Balik na tayong room. Ayokong makita 'yong pagmumukha ng bwisit kong kakambal." sabi ko narinig ko naman silang natawa.
"Hindi ka pa rin nakakamove on do'n?" Tanong ni Lyle.
Umirap nalang ako at walang gana silang tinignan. "Tara na kasi." sabi ko at inunahan na silang mag lakad.
"Raven, antayin mo kami!" dinig kong sigaw ni Krystal, pero derederetso lang ako ng lakad.
"Raven!" Putcha pie naman oh! Kasasabi lang na ayokong makita 'yong pagmumukha, eh. Hayst.
Tamad ko siyang tinignan. "Oh? Kailangan mo?"
"Did you eat your lunch?" tanong niya.
"Oo, katatapos lang." tamad na sagot ko.
"Ganoon kabilis?" takang tanong niya
Tss.. timang yata 'to eh.
Tinarayan ko siya. "So?"
"Ahmm nothing."
Kanina pa 'to english nang english ah.
"Sige." sabi ko at aastang lalakad na nang pigilan niya ko.
"Wait for me later in the parking lot." sabi niya.
"Oo na." iritang sagot ko saka naglakad na.
"Sinusuyo ka na nga nagpapabebe ka pa." dinig kong sabi ni Krystal.
"Kasalanan ko pa?" nakangusong tanong ko.
"Alam mo, Ven, kung hindi ko lang talaga alam na kapatid mo si Reeven aakalain kong mag-jowa kayo." si Krystal.
"Bakit naman?"
"Kasi grabe sya mag alala sa 'yo, eh. Tsaka every break chinecheck ka kung nakakain ka na ba or what." sagot nya.
"Normal lang 'yon dahil mas matanda siya sa akin." sagot ko.
"You're right, kuya mo siya kaya responsibilidad ka niya." si Krystal.
"Tss... Tara na nga." aya ko sakanila.
"Ay ven, sama ka mamaya?" Tanong ni Lyle.
"Saan naman?"
"Sa bahay, dumating kasi si daddy eh. May dalang pasalubong for us." sagot niya.
"Kasabay ko si Reeven eh," sabi ko.
Nagpout naman sya. "Awwts... Dalhin ko nalang bukas."
"Meron din sa 'kin?" tanong ni Krystal.
"For us nga raw, 'di ba? For. Us." sabi ko.
"Aba! Malay ko ba."
Kahit kailan talaga 'to.
"O'sige na, dito na kami. Pumasok ka na rin." sabi ni Lyle bago pumasok sa room nila.
Haysst! Mag isa nanaman ako—
"Raven miloves bakit naka simangot ka na naman?" potek kitang nag-da-drama ako rito eh, istorbo.
"Kailangan mo?" tanong ko kay Gabby, sira ulong kaklase ko. Kidding aside.
"Wala naman, masama bang tabihan ka?" tanong niya.
"Kung sayo... oo," sagot ko.
"Ouch! Sakit no'n Raven miloves ah." Sabi abi niya at humawak sa dibdib niya at umaktong nasaktan sa sinabi ko.
"Tss... 'wag mo nga akong artehan dahil hindi bagay sa 'yo." sabi ko sakaniya.
"Kung hindi bagay sa akin ang pag arte... E'di ikaw ang bagay sa 'kin." sabi niya saka ngumiti nang nakakaloko.
"Ikaw Gabby, tigil-tigilan mo 'ko ha!? Wala ako sa mood." sabi ko.
Tinaas niya ang dalawang kamay niya na parang sumusuko.
"Okay, chill ka lang okay? Love you, muah!" sabi niya with matching flying kiss pa.
Tss... Baliw.
Mabilis tumakbo ang oras at uwian na namin ngayon, kaya naman pumunta na 'ko sa tapat ng room nila Krystal para antayin sila.
"Wow! Himala nauna ka sa 'min." sabi ni Krystal.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Nye, nye! Tara na nga." sabi ko tumawa naman siya.
Hindi ko siya pinansin at bumaling kay Lyle. "Lyle, punta na lang ako mamaya sa inyo."
"Ahh sige." sagot niya.
"Ako rin Lyle ahh," sabat ni Krystal tumango nalang si Lyle.
"Tara na sa parking lot." sabi ko at nagsimula na kaming lumakad.
"Dito na ako, bye guys see later sa house ni Lyle." paalam ni Krystal saka sumakay sa kotse nila.
"Una na rin ako sa 'yo, Ven. Nandito na si manong, eh. Kita na lang tayo mamaya." sabi niya at sumakay na rin sa sasakyan nila.
Maya-maya pa ay dumating na rin si Reeven kasabay 'yong mga kaibigan niya.
"Oh! You're here." sabi niya
"Ano naman?" banat ko
"Nothing... Ahmm they will come to our house." Sabi nya saka tinuro 'yong mga kaibigan niya.
"Ano gagawin nila roon?" Tanong ko.
"Ahmm wala, they just want to go." sabi nya, tinignan ko naman sila isa-isa at saka tinalikuran sila.
Pagkadating namin sa bahay agad na akong bumaba sa sasakyan at dumiretso na sa kwarto ko.
Pagpasok ko sa kwarto ko pabagsak kong inihiga ang katawan ko. Nag-inat-inat muna ako bago magbihis.
"Ano kaya susuotin ko?" tanong ko sa sarili ko at saka dumiretso sa walk in closet ko at naghanap na ng masusuot.
Naghalungkat ako nang naghalungkat. "Hmm? Alin kaya rito?"
At nang wala na akong mahalungkat, I ended up with my white crop top and high waist skinny jeans.
After a couple minutes.. Charan! Ready na 'kong gumora!
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ng palda ko at itinext si Krystal.
To: Krystal panget
Tal! Otw na ko kina Lyle kitakits nlng
Send-
Maya-maya pa biglang nag vibrate 'yong phone ko kaya naman agad kong binuksan 'yon.
From: Krystal panget
Nandto nako kina Lyle haha
What the?! Ang bilis nyaa!
Hindi ko na siya nireplyan at nagmadali nang lumabas.
"Oh! Saan punta natin, Raven?" tanong ni Brix.
"Ako lang, hindi ka kasama." sagot ko tumawa naman siya.
"Ang sungit naman, bagay kayo ni Dave. Pareho kayong masungit." sabi niya kaya binatukan siya ni Dave.
"Shut up, dumbass." mura ni Dave Kay Brix.
"Where you going?" tanong ni Reeven na kalalabas lang galing kusina kasama si Darwin.
"Kina Lyle," sagot ko.
"Go home early." sabi nya.
"Oo na, oo na. Dumating kasi si tito at sabi ni Lyle may pasalubong daw siya sa'min kaya 'yon hehe." sabi ko.
"Am I asking?"
Anak ng tupa! Loko 'to ah!
"Bwisit ka talaga, Reeven! Heh! D'yan ka na nga." Inis na sabi ko saka tinalikuran sila narinig ko pa 'yong mga tawanan nila.
"Pikon." Dinig kong sabi ni Brix.
Sira ulo 'yon ah!
-
--
nicsy:)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top