Chapter 9

"It's a long-term plan. Your father needs you para maging kakampi si Jhon Rey."

It took me by surprise. It makes sense now kung bakit sinabi nila noon na ako ang pain nila and just be by myself lang. Even though it's a bit of a mess, I think I'm starting to get the feel of it. So, ganito katalino si dad? Ginamit niya ako para makuha si Jhon Rey dahil alam niyang mahal ko ang lalaking 'yon and me just being myself can make Jhon Rey fall in love and be part of his ally.

"It is the only way to defeat his rival. Using you to use Jhon Rey."

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil ginamit ako ni dad sa business niya but now I know, he's proud of me dahil naging successful ako sa pagkuha ng puso at loob ni Jhon Rey. Wala man akong alam sa plano niya, natutuwa ako. Lalo na ngayong nasa panig namin si Jhon Rey. My sacrifices and efforts are not in vain. Kahit ang bawat patak ng luha ay nagkaroon ng kapalit.

"But don't worry, payag naman si Jhon Rey na gawin siyang bait ng dad mo."

Napabuntong-hininga ako. Sana ay maging matagumpay si Jhon Rey sa kailangan niyang gawin para makapiling na namin ang isa't isa. I hope it is nothing to be scared of and is not so dangerous.

Lumipas ang mga araw na hindi kami nagkikita o nagkakausap ni Jhon Rey pero naiintindihan ko iyon. Ginagawa niya iyon para sa amin. Para sa future namin.

Kay Derrick na lang ako nakikibalita kung ano nang nangyayari. Ang sabi niya, pinaparatangan daw si dad na isang scammer dahil walang usad ang brilyanteng plano niya. Nagagalit ang mga investors dahil wala ngang nasisimulan sa plano. Hindi rin naman masimulan ni dad dahil kulang nga ang pondo.

Jhon Rey was there to help my dad to investigate about it. Gusto ko man siyang tanungin tungkol doon para mas maintindihan ko ang mga nangyayari ay ayoko siyang abalahin. Marami na siyang iniisip, ayoko nang dumadagdag pa. Ayoko nang mangialam.

Mabuti pang hintayin ko na lang siya rito kung saan niya ako iniwan. Madalas kong kalaro si Toto at inaaway namin ang stuff toy na bigay sa akin ni Jhon Rey noon. Kapag kasama ko sila, pakiramdam ko nasa paligid ko lang din si Jhon Rey. Sana nasa maayos siyang kalagayan.

Pumasok na ako sa school dahil ngayon ang unang araw ng graduation practice. Nakakalungkot lang dahil hindi namin makakasamang magtapos si Jhon Rey. I mean, ako, nalulungkot talaga ako. Lalo na't gusto ko siyang makasama at makitang nakatoga na tulad ko.

"Congrats, Sheen May!" pagbati sa akin ng mga kaklase ko.

"Thank you."

Sunod-sunod ang pagbati sa akin ng mga kaklase ko at ng iba pang mga taong nakakakilala sa akin. Sinasagot ko naman sila ng pasasalamat. Ngumingiti ako, pero hindi ko makuhang maging masaya kasi nangungulila ako kay Jhon Rey.

"Cum Laude, Sheen May Velasco, from Bachelor of Secondary Education Major in English."

Umakyat ako sa stage at pinilit na ngumiti. Practice palang ito, pero grabe na ang palakpakan nila para sa akin. Sa isang banda natutuwa ako dahil hindi man ako naging summa cum laude, naka-graduate pa rin ako with flying honors. Nakangiti kong binati si Dean bago nakipagkamay sa kaniya.

"Congratulations, dear."

"Thank you so much, Dean!" Napayakap ako sa kaniya.

Natapos ang practice at kumain na muna kami ni Anne Marie. Natanaw naman namin si Jhunel na may kausap sa telepono. Chinichika nga sa akin ni Anne na mukhang may nililigawan na ang ex ko. Ako nama'y natutuwa para sa kaniya. At least, tuluyan na siyang sasaya. Unti-unti niya nang nakakamit ang pangarap niya. Hindi pa nga siya tuluyang nakakagraduate, marami nang team ang gustong kumuha sa kaniya.

"Kumusta naman na ang kumpanya ng dad mo?" Anne asked as she sipped her recent favorite Macha milk tea.

"Ayun, hindi pa rin okay kasi kung okay na sana nasa piling ko na si Jhon Rey," matabang kong sagot.

"Wow ang daming sinabi, ha? Bakit hindi mo bisitahin si Jhon Rey kung nami-miss mo siya?" Inirapan niya ako.

"Ayokong maging abala sa kaniya. Masyadong mahirap ang ginagawa nila lalo pa't kalaban niya ang dad niya."

"Bakit kasi ang sakim ng dad niya? Akala ko talaga magkasundo na ang pamilya niyong dalawa ngayong kasal na kayo. Oops, nakalimutan ko. Peke nga pala ang kasal niyo."

"Are you trying to mess with me?" Pinanlinsikan ko siya ng tingin.

"I'm just kidding, Sheen May! Masyado ka kasing seryoso."

Napabuntong-hininga ako at napailing. "You know, sometimes, napanghihinaan ako ng loob. Para bang ayaw talaga ng tadhana na maging masaya kami ni Jhon Rey."

"Huwag kang masyadong mag-isip, Sheen May. Maghintay ka lang. Magtiwala ka lang kay Jhon Rey, malalagpasan niyo rin 'yan."

Napanganga ako. "Wow, akala ko ba ayaw mo sa kaniya?"

"Dati 'yon, pero nagbago na ang tingin ko sa kaniya," saad niya. "Gusto ko na siya para sa 'yo lalo ngayon na tinutulungan niya ang dad mo sa kompanya mo. Di ba? Bakit niya gagawin iyon? Hindi niya kailangang gawin 'yon, pero dahil mahal ka niya at nirerespeto niya ang pamilya mo, binubuhos niya ang sarili niya roon. Biruin mo, imbes na mag-request ng special final exam, nagdrop out siya."

Bumagsak ang mga balikat ko. Nalulungkot talaga ako para kay Jhon Rey. Naaawa at the same time. Gusto ko siyang bisitahin. Okay lang kaya?

Nagpaalam na si Anne sa akin. Ako naman ay hinanap ko si Derrick para makauwi na ako. 'Yon lang naman ang pinunta ko rito sa school, ang magpractice ng graduation march. Medyo matagal din kasi marami kaming magtatapos ngayong taon.

Pumunta ako sa parking lot para hanapin ang sasakyan ni Derrick kasi hindi ko siya makita. Madalas pa namang nakasunod lang 'yon sa 'kin. Pinatawag kaya siya ni Dad?

Kinuha ko ang phone ko habang naglalakad-lakad para hanapin si Derrick pero hindi ko talaga siya mahanap. And just as I was ready to give him a call, may magtakip sa mga mata ko. Muntikan na akong mapaluha nang ma-realize ko kung sino siya.

Hinawakan ko ang kamay niya at tinanggal ang pagkakapiring niya sa akin. Nilingon ko siya.

Sabi na nga ba't ang taong mahal ko.

"Tsk. Iiyak ka na naman? Palagi ka na lang umiiyak kapag nakikita ako," biro niya.

"Eh, miss na kasi kita tapos ngayon ka lang nagpakita sa akin," reklamo ko.

"Bakit kasi hindi mo ako tinatawagan?"

"Ayokong abalahin ka. Alam kong mahirap ang ginagawa mo."

"Sus, kailan ka naging abala sa akin? Halika nga rito."

Binigyan niya ako ng mahigpit na yakap. Napapikit ako at sandaling ninamnam ang pagkakataong iyon. Wala na akong paki kung may makakita man sa aming estudyante. Masyado ko siyang namiss para pigilan ang sarili ko.

"Kumusta ka?" tanong niya.

"Hindi ba halatang hindi ako okay? Miss na miss kita, Jhon Rey."

Natawa siya. "Ako rin, miss na miss na miss na kita. Kung alam mo lang kung gaano kita gustong makasama palagi." Hinaplos niya ang buhok ko, bago ako tingnan.

"Tumakas lang ako sandali dahil gusto kitang makita. Your dad is a hell strict when it comes to work. Mas strict pa siya sa dad ko. Nagtataka nga ako bakit naging pasaway ka," komento niya na para bang nakakatakot talaga ang dad ko at wala siyang pagpipilian kung hindi ang tumakas. Now, he knows. That's what I did too. Kahit muntik na akong patayin ni dad. Para lang makasama siya, tumakas ako.

"Nagtaka ka pa? Sinong hindi susuway kung ganiyang mukha ang ipaglalaban ko?"

Natawa siya. "So sinasabi mong nahulog ka nga sa 'kin dahil sa kagwapuhan ko?"

"Honestly speaking. Ikaw rin naman ah, naakit ka lang sa katawan ko. Lalo noong aksidente mo akong nakitang nakahubad."

Napatitig naman siya sa akin bago ngumisi. "Woah, you're becoming brave now. Tingnan nga natin kung saan aabot ang tapang mo. Pasok sa loob."

Kumunot ang noo ko, pero sinunod ko siya. Nakita ko ang kotse niya at binuksan niya ang pinto nito bago ako pinapasok.

Teka, parang alam ko na 'to, ah.

Nakaramdam ako ng kaba.

May gagawin ba kaming himala ngayon sa kotse niya?

Nagulat ako nang ipinaandar niya na ang sasakyan. The next thing I know ay nasa airport na kami.

"A-anong ginagawa natin dito, Jhon Rey?" tanong ko habang sinusubukang mag-isip ng dahilan kung bakit niya ako dinala rito.

"Tinatakas ka."

"Ano?!" Nakakunot noo kong tanong.

"Sasama ka ba sa 'kin?"

Napasinghap ako at ilang sandaling hindi nakapagsalita.

"O-oo naman! P-pero saan mo 'ko dadalhin?"

"Secret."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top