Chapter 50
"Baby, I'm sorry, I really have to go to work. I promise, maaga akong uuwi," paalam ni Jhon Rey tsaka humalik sa pisngi ko at sa noo ng anak namin. Narito kami sa may pintuan para ihatid siya sa labas.
"Kanina ka pa humihingi ng tawad. Oo nga, naiintindihan ko. Hindi naman maglalalaboy at trabaho ang pupuntahan mo."
"Promise, hindi ako mambababae."
Tinawanan ko siya. "Subukan mo lang. Putol talaga 'yan."
"Huwag naman. Paano pa ako bibira sa 'yo kung puputulin mo?"
"Gosh, kailan ba matitigil 'yang bunganga mo sa kabastusan? Kapag natuto talaga si Joshen sa 'yo, makakatikim ka sa 'kin!"
"Kaya nga sinasabi ko na habang baby pa siya kasi paglaki niya hindi na ako makakapag-dirty talk sa 'yo."
"Ewan ko sa 'yo, Jhon Rey. Sige na, baka mahuli ka pa sa trabaho. Nakakatakot magalit si dad."
"I know, I know. Kiss mo na ako para makaalis na ako."
I immediately reached his lips to give him what he requested.
"I love you."
"I love you too, Jhon Rey. Ingat ka."
Habol tingin ko siyang tinanaw hanggang sa tuluyan na siyang makaalis. Kami naman ni Joshen ay nanood na lang ng cartoons. Paminsan ay kinakausap ko siya at naglalaro kami. Nakakatuwa na parang naiintindihan niya na nga ako dahil sa eye movements niya. Minsan, sina-side eye niya pa ako. Hindi ko tuloy maiwasang maalala ang daddy niya.
Makalipas ang ilang oras ay nakatulog kaming dalawa ni Joshen. Nagising na lang ako nang may tumatawag sa phone ko. Nang makita kong si Jhon Rey iyon ay sinagot.
"Yes?" tanong ko.
"Lipat ka sa laptop. Gusto kitang makita."
"What? Wala ka bang trabaho?" dagdag ko pa tsaka kinuha ang laptop. Si Joshen ay nasa stroller at natutulog.
"Wala. Wala na akong ginagawa."
Inirapan ko siya. "Ang clingy, ha?" Nakalipat na ako sa laptop. Malaki na ang screen kaya kitang-kita ko na rin ang gwapong mukha ng asawa ko.
"What can I do? Miss na kita agad."
"I think you're obsessed with me."
"I think I just love you this much."
Natahimik ako sa hirit niya. "Where's our baby?"
"Tulog."
"Kumain na ba kayo?"
Umiling ako. "Hindi pa. Kagigising ko lang. Nakatulog ako habang nanonood ng tv. Ikaw ba? Kumain ka na?"
"Hindi pa rin. Hinihintay ko 'yung microwave. Ininit ko 'yong pagkaing inihanda mo para sa akin. Maraming salamat."
"Maliit na bagay. Sige na, kumain ka na. Kakain na rin ako."
"Sabay na tayo, baby. Wait tumunog na 'yung microwave. Kunin ko lang." Natawa ako. May microwave sa office niya? Ang cute niya naman. Kumuha na rin ako ng pagkain para sabay na kaming kumain ng asawa ko.
Hindi ko mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan siyang kinakain ang inihanda kong pagkain para sa kaniya. Hindi yata ako magsasawang ipagluto siya ng masasarap para kahit papaano ay maibsan ang pagod niya sa trabaho. Sa sobrang workaholic niya kasi, hindi siya sumasabay sa iba ng pagkain. Sayang daw ang oras ng pagbaba at pagbalik sa opisina. Masyado raw siyang maraming ginagawa kaya naman napagdesisyunan kong lagi nang gumising ng mas maaga para makapaghanda ng almusal niya at ng baon niyang tanghalian.
"Masarap?" tanong ko.
"Yes, baby. Masarap. Your cooking skill is the best. Thank God, you are my wife. Kain ka pa d'yan. Ang unti mo kumain."
"Parang hindi tinatanggap ng tiyan ko."
Kumunot ang noo niya at napatigil sa pagkain. "What do you mean, baby? What's wrong?"
"Parang nasusuka ako. Wait. Hindi ko kasi ininit sa microwave, eh." Inamoy ko ang pagkain ko. Hindi naman siya panis.
"Baka nalamigan ang sikmura mo. Okay ka lang ba? Ano pang nararamdaman mo? Uuwi na ako para madala ka sa hospital."
Natawa ako. "Napaka-OA mo talaga. Okay lang ako. Nasusuka lang. Sandali, nasusuka na talaga ako."
Mabilis akong tumakbo papunta sa lababo at doon dumuwal nang dumuwal. Para akong mahihimatay sa pagsusuka.
"Nalamigan nga yata ang sikmura ko," wika ko nang muling bumalik sa harap ng laptop habang hinihilot-hilot ang tiyan ko. "Nahihilo rin ako, eh."
"Baby... I think... hindi lang 'yan basta pagkahilo at pagsusuka."
Napalunok ako sa sinabi niya at dagling napatitig nang ilang segundo.
"Baby, what if may laman na? What if you're pregnant?"
I gasped. Mabilis akong tumayo para pumunta sa kwarto at kunin ang pregnancy test kit. Pumunta ako sa banyo para gamitin ito at para akong tinakasan ng lakas nang makita ang resulta.
"Baby? Are you still there? What happened? Okay ka lang ba?" sunod-sunod niyang tanong. Rinig ko sa tono ng boses niya ang pag-aalala. Umupo akong muli sa harap niya at hindi ko na napigilang lumuha.
"Jhon Rey..."
"Yes, baby, what happened? I'm worried. Gusto ko nang umuwi."
"Jhon Rey, I took the pregnancy test kit."
He bit his lip. "Tell me, my wife. Did I hit the bull's eye?"
Tumango ako. "Y-yes, Jhon Rey. T-two lines... P-positive."
Ipinakita ko sa kaniya ang kit at halos mapanganga siya sa pagkabigla. Kita ko rin ang ngiti sa kaniyang mga labi habang nangingilid ang mga luha sa kaniyang mga mata.
"God... thank you." Napasapo siya sa kaniyang mukha. "Sheen May... thank you."
Lalo akong napapaluha dahil sa reaksyon niya. "We're having another baby, Jhon Rey."
"Y-yeah, I can't believe it. Napakadaya. Hindi na sana ako pumasok. I want to be with you. Lalo kitang nami-miss. Gusto ko nang umuwi."
"Gusto na rin kitang makita. I need you here, Jhon Rey. Please go home as fast as you can."
"I will, I will. God, thank you. Thank you. Wait for me there. Pauwi na ako, baby."
Makalipas ang ilang sandali ay nakarating na si Jhon Rey. Mabilis niya akong nilapitan at imbes na salubungin ang yakap ko ay hinalikan niya ako nang agresibo. Nakaupo pa ako sa carpet nang lantakan niya ang mga labi ko.
I can't help but smile. This guy really became so into me which I never imagined.
Hinalikan niya rin ang tiyan ko. "I can't say any more words than to say thank you, Sheen May. I am in the clouds right now. I can't believe it."
Magsasalita pa sana ako nang muli niya akong halikan. Kung hindi ko pa siya tapikin ay hindi niya ako titigilan.
"Jhon Rey, hindi na ako makahinga sa ginagawa mo!" reklamo ko.
"Oh, sorry, sorry. I'm just so happy."
"Kumalma ka, please."
"I will, I will."
"Sheen May!" Napanganga ako nang makita si mom and dad sa may pintuan.
"Jhon Rey! Totoo ba?" Lumitaw din doon ang parents ni Jhon Rey na siyang ikinagulat ko. Nabanggit niya na kaagad sa kanila? Hindi naman halatang excited na excited siya?
"Sheen May! I am so glad! Congratulations!" Isa-isa nila akong niyakap. Natatawa na lang tuloy ako sa mga reaksyon nila. Nakakainis. Hindi ko na tuloy alam ang mararamdaman ko dahil hindi ko na-process nang maayos ang emosyon ko dahil sa biglaan nilang pagdating.
*****
"Galit ka?" tanong ni Jhon Rey. Narito kami ngayon sa may veranda at pinagmamasdan ang kalangitan. Nakayakap siya sa likod ko habang nilalambing ako.
"Hindi. Bakit naman ako magagalit?"
"Eh kasi, hindi ko alam na balak mo pala silang i-surprise. I'm sorry, na-excite lang ako. I'm sorry."
Natawa ako. "Wala naman akong magagawa. Sobrang saya mo, eh. Daig mo pa ang nanalo sa lotto."
"Tinatanong kasi ako ng dad mo bakit ako magpapaalam na uuwi nang maaga. Nasabi ko tuloy agad para payagan niya ako. Hindi ako makatakas, eh."
"Hayaan mo na. Ang mahalaga naman ay may laman na ang sinapupunan ko. Magiging apat na tayo, Jhon Rey. Kailangan mo nang magdoble-kayod."
"I will, I will. I promise. Huwag kang mag-alala. Ongoing na ang construction ng arena kaya sigurado akong hindi na babagsak muli ang mga kumpanya ng pamilya natin."
"I'm so proud of you, Jhon Rey. Wala akong dapat ipag-alala dahil ikaw ang asawa ko. Again, hindi ako galit." Hinalikan ko ang likod ng kamay niya.
"I can't wait to see him or her," pagtukoy niya sa ipinagbubuntis ko. "She or he may be Mearey or Sheon."
"Pangalan ba 'yan?"
"Yup, pinagsamang pangalan natin."
Natawa ako. "Ang sweet mo talaga, kaya mahal kita, eh."
"Mahal na mahal din kita, Sheen May. Napasaya mo na naman ako nang lubusan."
"Masaya rin ako para sa ating dalawa. Nagbunga na ang lahat ng paghihirap nating dalawa."
"Oo nga, eh. I'm so proud of you."
"Mas proud ako sa lakas ng semilya mo," biro ko. "Pakiramdam ko, susunud-sunurin mo ako."
"We're building an empire, of course. But don't worry, kapag ayaw mo pa, you can always swallow it."
"Gago ka talaga." Kinurot ko siya.
"Mahal mo naman." Hinalikan niya ang pisngi ko. "I told you, hindi ako nagkamali..."
"Saan?" tanong ko bago ko siya lingunin.
"That day, when I first saw you."
Kumunot ang noo ko. "Ha? Sa classroom? Nung college?"
"When I introduce myself..."
Muli kong naalala ang araw na iyon, nang magpakilala siya sa harap namin.
"I told you I am your Mr. Right, didn't I?"
Napaawang ang bibig ko kaya napaharap na ako sa kaniya. Nakangiti siya sa akin. "I wasn't hallucinating at that time? Sinabi mo talaga iyon?"
"Yup. I am Jhon Rey Carpio, and I am your Mr. Right."
Wakas...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top