Chapter 47

"Sheen!" tinis palang ng boses, alam ko na kung kanino nanggagaling iyon. Walang iba kung hindi sa best friend ko. "Sheen May! Saan ka ba nanggaling? Bakit ka nawala?" Nagulat ako nang bigla siyang umiyak at lumuhod. Napalingon tuloy ako sa paligid para tingnan kung pinagtitinginan na ba kami ng mga tao.

"Anne naman, umayos ka," wika ko habang hinihila siyang tumayo.

"Paano ko gagawin 'yon? Ngayon ka lang nagpakita sa akin! Binabaan mo pa ako ng tawag noong huling tawag ko sa 'yo! Nakakainis ka! Tapos malalaman ko na may baby ka na? Hindi mo ba talaga pinahahalagahan ang pagkakaibigan natin?"

Napakamot ako sa ulo. Nasaan na ba ang boyfriend nito para mapigilan siya sa pagiging oa?

"Tumayo ka na d'yan. Sige ka, hindi kita kakausapin."

Mabilis naman siyang tumayo kaya nahila ko na siya paupo sa table namin. Kasalukuyan kaming narito sa isang cafe kung saan niyaya ko siyang kumain at mag-usap. Malaki rin ang utang ko sa kaniyang paliwanag kaya naman narito ako sa harap niya para humingi na rin ng tawad sa nagawa ko.

"Kumusta ka?" tanong ko.

"Do I look okay?" Kumuha siya ng tissue at ipinampunas iyon sa pisngi niya. Siningahan pa nga niya. "Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sa 'yo? Ikaw lang mag-isa, tapos lumayas ka pa. At malalaman ko pang dinala ka ni Derrick sa kung saan man kasi tinatraydor niya ang dad mo. Now tell me, paano ako magiging okay kung wala akong magawa bilang bestfriend mo kahit na nakikita kitang nahihirapan?"

"I'm fine. Hindi naman ganoon kasama si Derrick. He helped me with my baby."

"Kahit na, inilayo ka niya rito sa amin. Ilang buwan, Sheen May. Ilang buwan kang nawala. No, parang taon na nga."

"That was my decision, Anne. Alam mo naman ang nangyari."

"Eh kasi tinawagan na kita, eh. Kung hindi mo lang sana ibinaba kaagad ang tawag, sana nalaman mo nang hinahanap ka ni Jhon Rey. Jhon Rey was really in a mess when you suddenly disappeared. Nasaksihan namin 'yon nila Rod at Aaron, alam mo ba? We were trying to cheer him up, pero sabi niya wala raw siyang karapatang maging masaya. Akala ko, hindi ka na talaga babalik, Sheen May. Akala ko kakalimutan mo na talaga kami dahil sa nangyari. Kasalanan ko iyong lahat. Kung hindi ko sana piniling sa bar ganapin ang birthday ko, kung wala lang sanang alak, kung wala sanang party, hindi kayo magkakahiwalay ni Jhon Rey. I swear, hindi na ako iinom ng alak. I became a bad friend and I am really really sorry."

"Okay na 'yon, Anne. Hindi naman kita sinisisi. Nangyari na ang nangyari. Hindi na natin maibabalik ang oras. Ang importante ngayon ay itatama na natin ang lahat para maayos."

Tumango-tango siya habang patuloy pa ring lumuluha. "Now, can I hug you? I really miss you, Anne. I am sorry for leaving you."

"Oo naman. Namiss din kita, sobra." Naglakad siya papalapit sa akin tsaka ako niyakap. I also hugged her tightly. Sandali pa kaming nanatili sa ganoong kalagayan hanggang sa maisipan na naming umorder ng pagkain at inumin dahil kumakalam na ang kapwa namin tiyan.

"Kumusta kayo ni Aaron?" tanong ko.

"Okay lang naman kami. Ako dapat ang nagtatanong, eh. Kumusta kayo ni Jhon Rey? Nagkabalikan na ba kayo?"

"Nakatira ako sa kaniya, doon sa dati naming bahay," sagot ko.

"How about your wedding? Kailan ang kasal ninyo?"

Umiling ako. "Wala pa."

"Bakit wala pa? Hindi pa ba kayo okay? Nagli-live in lang ba kayong dalawa?" Itinigil ni Anne ang pagkain ng carbonara at saka uminom ng lemon black tea.

"Okay naman kami. Pumayag na rin akong magpakasal sa kaniya."

"Pero bakit parang hindi ka masaya?"

Kumunot ang noo ko. "Masaya ako, ano ka ba?"

"Hindi, eh. Parang hindi na nga ikaw ang Sheen na nakilala ko."

"Hindi lang siguro ako ganoon ka-expressive ngayon, pero masaya ako, Anne. Masaya ako sa estado ng relasyon namin ni Jhon Rey. Natutuwa ako kapag nakikita ko silang magkasama ng anak namin."

Napanguso naman siya. "Kailan ko ba makikita ang anak ninyo? Bakit hindi mo siya dinala rito? Gusto ko siyang masilayan!"

"Gusto ko kasing magkaroon tayo ng oras na tayong dalawa lang kaya iniwan ko siya sa daddy niya. Tsaka, kamukha siya ni Jhon Rey. Kamukhang-kamukha. Siyam na buwan kong dinala sa sinapupunan ko na hindi kasama ang ama niya, magiging kamukha lang pala siya ng tatay niya."

Natawa naman si Anne. "Wala kang choice, siya ang ama, eh."

Ilang oras pa kaming nagkuwentuhan ni Anne bago kami nagpaalam sa isa't isa. Tinawagan ko si Jhon Rey para sunduin ako dahil siya naman ang naghatid sa akin dito, pero umalis din dahil igagala niya raw ang anak namin. Mayamaya lang ay dumating na si Jhon Rey kasama si Joshen at halos humagalpak ako sa tawa nang makita ang itsura nilang mag-ama.

"Anong nangyari sa inyo?" tanong ko nang makapasok ako sa sasakyan.

"Hindi niya binitawan, eh. Ayan, pareho kaming naka-onesie na aso."

"Where's mine?"

"Here, baby." Nanlaki ang mata ko nang tawagin niya akong gano'n. Sinubukan kong huwag ngumiti habang iniaabot ang damit na ibinibigay niya sa akin.

"Dito ka magpapalit?" gulat niyang tanong nang hawiin ko ang buhok ko papunta sa isang side.

"Bakit hindi? Naka-dress ako, eh. Mahihirapan akong kumilos kung hindi ko tatanggalin."

Napakamot naman siya ng ulo. "F-fine. Palagi mo na lang talagang sinusubukan ang pagkalalaki."

Natawa na lang ako sa kaniya. "Alangan namang bumalik ako sa cafe para magpalit ng damit. Makikita nila akong naka-onesie. Baka pagkamalan akong baliw."

Tumalikod ako sa kaniya. "Buksan mo 'yung zipper. Hindi ko abot."

"God, you're really tempting me."

"Oh, shut up, Jhon Rey! Buksan mo na lang!"

Naramdaman kong nanginginig ang kamay niya nang hawakan niya ang zipper ng dress ko. Nakikita ko ang repleksyon niya sa side mirror at natatawa ako dahil napapalunok siya ng laway. "Para kang baliw, Jhon Rey! Tingnan mo, tinatawanan ka ng anak mo!" pagtukoy ko kay Joshen.

"I can't help it. Tigilan mo na kasi 'yong mga ganiyan mong hirit, baka masundan na agad si Joshen."

Pailing-iling ako naghubad sa harap niya hanggang sa natira na lang ay ang underwears ko. What can I do? Ang sarap niya kayang asarin. Pakiramdam ko, nakakaganti ako sa kaniya dahil pinahihirapan ko siya.

"Nililigawan palang kita, pero nagpapakita ka na ng katawan sa akin. Gusto mo bang pakitaan na rin kita?"

"Gago! Umayos ka nga!" Mabilis kong sinuot ang onesie na ibinili niya rin para sa akin. Nakaramdam ako ng galak nang makitang kumikislap ang mga mata ni Joshen nang makita kaming parang mukhang aso dahil sa mga suot namin.

"He really likes dogs, doesn't he?" siwalat niya.

"Parang ikaw."

"Ibang dog ang gusto ko, Sheen May. I know you know it." He winked at me before he started the car's machine and drove.

Good lord! Alam ko ang tinutukoy niya! Damn it!

*****

"Pamamanhikan?!" hindi makapaniwalang tanong ko kay Jhon Rey. 

"Yes, baby. Kaya kita dinala rito sa mansyon niyo dahil mamanhikan na ako."

Hindi ko mapigilang matawa kay Jhon Rey. Kailan pa siya naging comedian?

"Papunta na rin sila mom and dad. Si Junix, bumalik na sa lungga niya."

Natawa naman ako, pero saglit lang iyon dahil kinakabahan ako sa naiisip niyang pamamanhikan. "God, Jhon Rey! You don't have to do this! Hindi ako sanay sa ganito! Bakit mamamanhikan ka pa? Pumayag na nga ako, hindi ba? And I'm sure, payag din sila mom and dad."

"Alam ko, but still, I want you to know that I am really taking everything seriously. Both of us started in a not so good situation. I want to change all of that and instead do it right. You deserve to be treated this way, Sheen May."

I smiled downward. Hindi ako makapaniwalang gagawin niya ito sa akin.

"Ito ba ang natutunan mo sa probinsya?" panunukso ko.

"Marami pa. Hintayin mo lang. Halika na muna sa loob. Naghihintay na ang mommy at daddy mo."

Kinuha niya mula sa akin si Joshen bago kami bumaba ng sasakyan. Everything is beyond my expectations. At hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaiba dahil hindi ako sanay na ganito siya sa akin—sobrang considerate. Ganito siguro ang nararamdaman ni Danica kapag may mga nanliligaw sa kaniya at binibisita siya. Para akong nahihiya sa sarili ko. Kailan ba ako masasanay?

"Sheen May! Jhon Rey!" pagbati nila mom and dad sa amin bago kami sinalubong ng yakap at halik sa pisngi. Nakaputi sila. Kaya pala ako pinagputi ni Jhon Rey, at nakaputi rin siya pati na rin ang baby namin. Buong akala ko ay bibisita lang kami dahil araw ng Linggo. May ganito pala siyang plano.

Mayamaya lang ay dumating na rin ang parents ni Jhon Rey. Halos mapaluha ako nang makitang nagkamayan at nagyakapan si dad at ang daddy ni Jhon Rey.

"I'm sorry for what I did, Mr. Velasco."

"No, it's okay. I'm glad that you're fine now, Mr. Carpio."

Si mom naman at ang mommy ni Jhon Rey ay nakangiti habang pinagmamasdan ang kani-kanilang asawa. I'm glad na nagkasundo na sila sa wakas, parang kami ni Jhon Rey.

Sinulyapan ko siya. Akala ko, hindi na magwawakas ang alitan sa pagitan ng pamilya namin pero heto kami, pagkatapos ng maraming delubyo, nagkita-kita at nagkasama-sama pa rin sa dulo. 

"You're crying, mahal ko." Pinunasan ni Jhon Rey ang gilid ng mata ko gamit ang likod ng hintuturo niya.

"Masaya lang ako, Jhon Rey."

"Masaya din ako, Sheen May. Masaya ako para sa ating lahat."

"Salamat at ginagawa mo ito para sa akin."

"Anything for you, my love." Hinalikan niya ang noo ko. Kung may pagkakataon man na maaari kong pahintuin ang oras, gusto kong ito ang pagkakataong iyon. Sobrang saya ng puso ko na ni minsan ay hindi ko inakalang matatamasa ko ito. Sa bahay na ito, napuno ng lahat ng sakit at hirap, hindi ko inakalang masasaksihan ng bahay na ito na lumuha kami dahil sa sobrang kagalakan.

"Halika na, bago pa bumaha ng luha. Pag-usapan na natin ang kasal ng mga anak natin," sambit ni dad. Napatingin ako sa kanilang lahat. Kapwa pala sila nanonood sa aming dalawa ni Jhon Rey.

"Mabuti pa nga."

Napuno ng tawa at iyak ang buong pag-uusap ng bawat pamilya. Hindi ko na rin kasi napigilan ang sarili ko dahil sa mga kwento nila. Panay nga rin ang paghingi ng tawad ng daddy ni Jhon Rey sa ginawa niya noon at tila nga daw ba nakarma siya, pero nangako naman siya na hindi na niya iyon uulitin lalo pa't totoo nang magiging isa na kaming pamilya.

Nabanggit din nila ang tungkol kay Quency at humingi din ng tawad ang daddy ni Jhon Rey sa akin. Nangako rin siyang gagawin niya ang lahat para makabawi sa lahat ng kasalanan niya at huwag daw akong mag-alala dahil hindi na makalalabas pa sa kulungan si Jameson at si Quency. Nabalitaan ko rin kasing nagising na si Jameson at dinala na sa koreksyonal. 

Mabuti naman at maayos na ang lahat. Nawala na rin sa dibdib ko ang kahit na ano pang takot dahil malaki na ang tiwalang muling nabubuo ni Jhon Rey sa akin at sa pamilya ko. He proved himself too much. He really loves me this time.

"So, kailan ang kasal?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top