Chapter 46

"Because it was his last money... the money he spent to bring you to Japan."

Nahulog nang kusa ang mga luha ko. 

"Oh, bakit ka umiiyak, anak?"

Umiling ako. "H-hindi ko lang po alam ang tungkol d'yan. All I know was he was so hardworking because it was his dream and it was because of his father but I did not know that there's something deep beyond his reasons."

At hindi ko alam na iaalay pa sa akin ni Jhon Rey ang huling pera niya para lang makapag-propose sa akin at madala ako sa pangarap kong lugar. 

"I hope you open up your heart to him, sweetie. He really loves you, I knew it from the start. Hindi lang niya siguro kayang i-handle ang nag-uumapaw niyang nararamdaman para sa 'yo. Sana ay bigyan mo pa siya ng huling pagkakataon. I know this time, magiging okay na ang lahat para sa inyo. Lalo na't may baby na kayo."

Napansin ko nga ang malaking pagbabago ni Jhon Rey simula nang malaman niyang may anak na kami. Para bang tuluyan niya nang naipakita sa akin ang right side niya. Naging mas maalaga siya sa akin, sa amin ng anak niya.

Nagpaalam na si mom at sandali niyang hiniram si Joshen dahil gusto niya pa raw itong makapiling bago kami umalis. Nabanggit na rin kasi namin sa kanila ang plano naming tumira na sa bahay namin noon.

Kahihiga ko lang sa kama nang bumukas ang pinto. Napalingon ako roon at nakita ko si Jhon Rey. "Tired?" tanong niya.

"Slight. Ikaw? Gusto mong matulog muna rito?"

"Can I?"

"Of course."

Ngumiti siya tsaka tumabi sa akin. "Anong pinag-usapan niyo ni dad?" tanong ko naman.

"Just a few things about us and what happened."

"Kinuwento mo ba ang nangyari sa akin?"

"I need to."

"What did he say?"

"He'll make sure that Quency will be in jail and that Jameson. Hindi rin ako papayag na hindi, Sheen May."

Napalingon ako sa kaniya. "Maraming salamat, Jhon Rey."

"Wala 'yon."

Matagal kaming nagkatitigan. At hindi ko alam kung ano na naman ang nagtulak sa aking halikan siya sa labi. Matagal bago niya ako binawian ng halik. 

"Pangalawang beses mo na akong hinahalikan, Sheen May. May ibig sabihin ba ang mga iyon?" pag-uusisa niya.

Ngumiti ako. "Nasanay lang siguro ako."

"Saan?"

"Na hindi ka tumatanggap ng thank you lang."

"Ahh." Napanganga siya at napangisi. "Right. Naalala mo pa pala?"

"Hindi ko naman nakalimutan."

"Pwede pala 'yon?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Ang alin?"

"Ang halikan mo ang isang tao kahit hindi mo na siya mahal."

Ako naman ang natawa. "Oo naman, ginalaw mo nga ako kahit hindi mo ako mahal noon. Nakalimutan mo pang gumamit ng condom."

Nahiya naman siya sa sinabi ko at napakamot ng ulo. "Right, I was such a jerk. Hindi ko inakalang kahit ganoon na ang mga salita ko sa 'yo, gusto mo pa rin ako. But I guess, posible pala, kasi ganoon ang nararanasan ko ngayon. Kahit anong masasakit na salita ang naririnig ko sa 'yo, mahal pa rin kita. Pakiramdam ko, kahit paglaruan mo ako, ayos lang basta kapiling kita. Naging baliktad na yata ang mundo. Ako na ang patay na patay sa 'yo, Sheen May."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Parang sinasabi mong patay na patay ako sa 'yo noon, ha?"

"Yon na nga, eh, hindi, eh. Ikaw lang 'yong taong kahit gusto na ang isang bagay, hindi mo ipinagpipilitang makuha. Kakaiba rin ang takbo ng utak mo. Ganiyan siguro kapag matatalino. Akala laging nire-reverse psychology."

Inirapan ko siya. "Akala ko ba nililigawan mo ako, bakit parang inaasar mo ako? What if hindi ako sumama sa 'yo sa bahay natin?"

"See? Kayang-kaya mo nang manakot at akong natatakot, natutuliro na at hindi alam ang gagawin kung paano ka susuyuin at aamuhin. Ano bang dapat kong gawin para mapa-oo ka?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. At kahit alam ko, hindi ko sasabihin."

Pailing-iling siyang sumagot. "Tama nga si Rod. Mabilis ka ngang matuto at kita mo, natatalo mo pa ako. I surrender now, Sheen May. Talo na talaga ako pagdating sa 'yo."

*****

Mabilis na lumipas ang mga araw, linggo at buwan. Nakatira na kaming dalawa ni Jhon Rey sa dati naming bahay. Nagtataka nga ako kung bakit nang muling tumira kami rito ay ni minsan ay hindi niya sinubukang galawin ako o yayain na magsiping. May mga araw nga na sinasadya kong akitin siya at iklian ang suot, pero tinititigan niya lang ako tsaka siya pumupunta ng banyo.

Minsan nga, natatawa na lang ako sa pagtitiis niya. Sineseryoso niya talaga ang panliligaw niya sa akin. Kahit na tuwing magkatabi kaming matulog ay wala siyang ginagawa kung hindi niyayakap lang ako. 

"Sheen May, can we visit my father?" tanong niya nang minsang gisingin ko siya dahil umuungot siya na para bang may masamang panaginip. Muli kong naalala ang kaniyang ama. Hindi pa rin pala ito gumigising simula nung mawala rin ako. Now I know how hard Jhon Rey was trying to cope all this time.

"Oo naman, bakit?"

"Masama kasi ang naging panaginip ko tungkol kay dad." Pinunasan ko ang luha sa mata niya. 

"Halika na. Puntahan na natin siya. Isama natin si Joshen, para makita rin siya ng mommy mo at maaliw kahit papaano."

Mabilis kaming kumilos para pumunta sa hospital. Ilang sandali lang ay nakarating na kami at sumalubong sa amin si Junix na lumuluha.

"Jhon Rey, si dad..."

Nabahala ako sa itsura ng kapatid ni Jhon Rey.

"Bakit? Anong nangyari sa kaniya?!" Madaling pumasok si Jhon Rey sa kwarto nang ama niya at maging ako ay nagulat sa nasaksihan.

"Sakto ang pagdating mo, gising na siya."

Maging ako ay napaluha nang makitang nakaupo na sa kama ang ama ni Jhon Rey habang sinusubuan ng pagkain ni mommy.

"Hindi pa ba darating si Jhon Rey? Tinawagan niyo na ba siya? Gusto ko siyang makita," litanya pa ng dad ni Jhon Rey na lalong nagpahikbi sa akin.

"Dad, I'm here..."

"Anak..." Sinalubong ng yakap ni Jhon Rey ang kaniyang ama. Nginitian naman ako ng mommy ni Jhon Rey nang makita ako. Tila ba masaya rin siyang nasilayan na ako at nagugulat dahil may kapit akong sanggol.

"Dad, I'm so glad you're awake. I've been holding back to tell you everything about me. The company is fine, mom and Junix are fine. I am now with my wife and son."

"S-son? You already have a son?"

"Yes, dad."

Kapwa sila sumulyap sa akin kaya naman lumapit na ako sa kanila upang ibigay sa kanila ang anak namin ni Jhon Rey. Kalong-kalong ng dad ni Jhon Rey si Joshen habang ang mommy naman ay maligayang sumusulyap sa apo niya.

"God, he really looks like you, Jhon Rey. I'm overjoyed."

Hindi natapos ang pag-iiyakan namin sa loob ng kwarto ng dad ni Jhon Rey. Unti-unti na ngang nagiging maayos ang lahat. Akala ko ay may masamang ibig sabihin ang panaginip ni Jhon Rey tungkol sa kaniyang ama. Ang totoo pala ay kabaliktaran ang mangyayari. Nagpapasalamat ako ng labis-labi sa Dios. Walang paglagyan ang galak ng puso ko.

"Alam mo ba? Ikaw ang bukang-bibig ni dad nang magising siya, Jhon Rey. Walang halong biro," sambit ni Junix. Balak yatang paiyakin ako ng kapatid ni Jhon Rey. Hindi niya ba alam na mababaw ang luha ko? Lalo na't nasaksihan ko kung paano tratuhin si Jhon Rey ng kaniyang ama.

"I'm glad na bumisita kayo rito, at masaya rin akong magkasama na kayong muli ni Sheen May, anak," singit naman ni mommy.

"Nililigawan ko pa rin siya, mom. How I wish sagutin niya na ako."

"Baka kaya ka hindi sinasagot ay dahil hindi ka nagtatanong?" sabat naman ni Junix.

Tama! Paano ako sasagot, kung walang nagtatanong?

Nagkibit-balikat lang ako nang sulyapan ako ni Jhon Rey. Nagdesisyon kami na bumili ng pagkain at iwan muna si Joshen sa piling ng lolo at lola niya. Magkasama kami ni Jhon Rey na binabaybay ang kalsada papunta sa pinakamalapit na restaurant na pwede mag-take out ng pagkain.

"Japanese?" tanong niya.

"Na ano?"

"Pagkain. Gusto mo?"

"Ang dad mo ang kakain, Jhon Rey."

"He can eat whatever is on the table. You are my priority so tell me what you want."

"I don't know what I want."

Natawa naman siya. "Of course. Then, I'll decide. Since it was the cuisine we enjoyed together, then let's go and grab Japanese cuisine."

Nagulat ako nang orderin niya lahat ng inorder kong pagkain noong nasa unit niya kami. Hindi ako makapaniwalang kabisado niya ang lahat ng kinain naming magkasama para sa one-week-project namin sa sociology. Ganito ba talaga kapag nanliligaw? Nagpapakitang-gilas?

Bumalik na kami sa sasakyan nang makabili na kami ng mga pagkain. Nagulat ako nang pagbuksan niya ako ng pinto bago siya pumunta sa driver's seat at umupo sa tabi ko. Akmang aayusin ko na ang seatbelt ko nang mabilis niya itong nagawa para sa akin. Natawa tuloy ako. 

"Para kang baliw, Jhon Rey."

"Anong parang? Totoo kaya!" biro niya.

"May kamay naman ako! Hindi naman ako tuod para hindi makayanang gawin ang mga ito para sa sarili ko."

"Eh gusto kong gawin, wala kang magagawa. Ikaw nga, hinahalikan ako kapag gusto mo, eh Pinigilan ba kita?"

Inirapan ko siya. "Malamang! Hindi mo talaga ako pipigilan kasi gusto mo rin!"

"Gusto ko nga. Akala mo ba, hindi ko napapansin? You were testing me, Sheen May. I am trying to preserve myself so we can do it after we get married, but you are always seducing me."

"W-what? Anong after we get married? Kailan ako pumayag maikasal sa 'yo?"

Tinuro niya naman ang singsing sa kamay ko. Right. Wala na akong kawala.

"Hindi ko lang matanggal kasi tumaba na ako. Masikip," pagdadahilan ko. Tsaka ako umiwas ng tingin.

"Ayaw mo bang maikasal sa akin? Tell me honestly." Muli akong napabaling sa kaniya ng atensyon nang marinig ko ang tanong niya. "Hindi mo pa rin ba ako mahal?"

May halong pagmamakaawa sa tono ng boses niya. "Wala ka na ba talagang nararamdaman para sa akin?"

"Bakit? Kung wala pa, anong gagawin mo?"

"Gagamitan na kita ng dahas."

Natawa ako sa sinabi niya. "Anong dahas naman 'yan?"

"Babagsak ang kumpanya niyo kapag hindi mo ako pinakasalan."

Mas lalong lumakas ang tawa ko. "Are you going to stoop low like that?"

Tumango-tango siya na parang tuta. Naalala ko tuloy sa kaniya si Toto. "Oo."

"Then fine."

Nasaksihan ko ang pagbabago ng reaksyon ng mukha niya. "Anong fine?!" gulat niyang tanong sa akin habang malapad na nakangiti.

"Fine, magpapakasal ako sa 'yo. Takot ko lang na bumagsak ang kumpanya ni dad."

Nawala naman ang ngiti niya. "So, pumapayag ka lang dahil para sa kumpanya niyo?"

I rolled my eyes and bit my lower lip. Oh, God, I can't take this anymore. Bakit nagpapa-cute siya ng ganito sa akin? Nakalimutan niya na bang minsan akong naging marupok sa kaniya?

"Huwag na lang muna kung gano'n. Gusto ko magpapakasal ka sa akin dahil mahal mo na ulit ako."

Kinalas ko ang seatbelt na sinuot niya sa akin kanina tsaka ako lumapit sa kaniya para abutin ang mga labi niya. Nakahawak ako sa batok niya habang hinahalikan siya nang malalim. "I love you, okay? I love you, Jhon Rey. Magpapakasal ako sa 'yo dahil mahal kita. Wala nang iba pang dahilan."

His lips curved down and a tear left his eye. "Ang iyakin mo naman! Nawawala ka sa character mo, Jhon Rey!" asik ko.

"Who's to blame, Sheen May? It is your fault. Why am I so in love with you that I am more scared of not ending up with you than my own death?"

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko tsaka ako tinitigan. "Mahal na mahal kita, Sheen May. Mahal na mahal."




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top