Chapter 42
"A-ano?!" gulat na tanong niya. "Si Jhon Rey ang nobyo mo noon?"
"Opo."
"Utang na loob! Ang liit ng mundo! Hindi ako makapaniwala! Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil dito kayo muling nagkitang dalawa. Para akong ginawang daan para magkita kayong muli. Ngayon, ano? Nagkabalikan na ba kayo?"
Umiling ako. "Hindi po."
"Ano? Bakit naman hindi? Hindi ka ba niya sinusuyo?"
Umiling ako. "Wala naman pong ganoong nangyayari. At saka, matagal na po 'yong amin, Aling Martha at okay na ako kung anong mayroon sa amin. Masaya naman ako at kuntento na kasama si Joshen."
"Oo nga at naroon na tayo. Okay ka na. Kaya mong alagaan ang anak mo nang mag-isa, pero sino naman ang mag-aalaga sa 'yo? Gusto mo bang matulad sa akin? Tingnan mo ang itsura ko, mag-isa na ako. Ganiyan na ganiyan ako kaganda noon kaso walang nag-aalaga sa akin kaya naging ganito na ako. Maagang kumulubot ang mga balat ko, Sheen May. Ako kasi halos lahat ang gumagawa. Wala akong katuwang."
Ngumiti ako para ikubli ang nagbabadya ko na namang mga luha. Kapag ganito talagang usapan, hindi ko mapigilang maging malungkot. "Pagod na po akong magpatawad."
Napatitig naman siya sa akin habang nakapamewang. "Bakit? Babaero ba ang lalaking 'yon? Sinasabi ko na nga ba. Akala ko pa naman mabait siya. Kapag may itsura talaga, hindi mapagkakatiwalaan."
Natawa ako sa hirit niya. "Hindi naman po sa ganoon, Aling Martha. Masyado lang pong magulo ang lahat para sa aming dalawa. Okay na po ako sa ganitong tahimik at payapa."
"Naiintindihan ko," sagot niya habang tumatango-tango. "Hindi ko alam bakit ganoon ang mundo. Nagiging masaklap ang mga bagay-bagay kapag nagmamahal ka. Sana ay makahanap ka ng taong magbibigay sa 'yo ng kapayapaan, Sheen May. Tipong hindi mo na kailangang mag-isip pa at lahat ng problema ay magiging magaan na lang kapag kasama mo siya."
Ngumiti na lamang ako bilang sagot.
"Oo nga pala, Sheen May, hindi ba't nabanggit mo sa akin noon na LET Passer ka? Bakit hindi ka mag-online teaching muna? Alam ko, may ganoon. Gusto mo ba pakabitan na natin ng malakas na internet ang kwarto mo para kahit papaano ay may income ka? Para kahit binabantayan mo si baby mo ay nagkakapera ka o kaya naman, kung may duty ka, ipabantay mo muna sa akin ang baby mo o kaya sa asawa mo, ibig kong sabihin kay Jhon Rey."
"Sige po, pag-iisipan ko. Maraming salamat."
Bumalik na ako sa kwarto ko. Matagal kong pinag-isipan ang sinabi ni Aling Martha at hindi ko namalayang inabot na pala ako ng takipsilim. Akmang bubuhayin ko na ang ilaw sa kwarto ko nang hindi ito gumana.
"Pundido na ba ang ilaw?"
Inilapag kong sandali si Joshen sa kama tsaka ako naghanap ng bumbilya na pamalit. Kinuha ko ang upuan para sana ay abutin ang bumbilya sa kisame nang makitang kapos ang naaabot ng kamay ko.
"No choice, kailangan ko ng tangkad ni Jhon Rey. Kailangan ko siya."
Lakas loob akong lumabas ng kwarto para katukin ang kwarto ni Jhon Rey pero walang sumasagot. "Umalis ba siya?"
"Sheen May? May kailangan ka?" Napalingon ako sa kabilang kwarto at nakita ko roon si Jameson. "Kanina ko pa naririnig ang pagkatok mo. May problema ba?"
"H-ha? Ano kasi... napundi na 'yong ilaw sa kwarto ko. Magpapatulong sana akong magkabit kasi hindi ko abot."
"Gusto mo ba, ako na?" tanong niya tsaka ako nilapitan.
"Okay lang ba? Hindi ba nakakaabala sa iyo?"
"Oo naman. Basic lang ito sa akin. Nasaan ba?"
"Narito sa loob. Pasok ka."
Pinagmasdan ni Jameson ang paligid. "Maganda rin naman pala ang kwarto mo, katulad ng sa akin," wika niya.
"Magkakapareho lang yata ang interior ng kwarto rito," sagot ko naman tsaka ko itinuro ang bumbilyang pundido na tatanggalin niya at kakabitan ng bago.
"May anak ka na pala?" Sumilip siya sa kwarto ko na naaabot-tanaw si Joshen.
"Oo, meron na. Hindi ba halata?"
"Hindi. Akala ko ay dalaga ka pa lang. Ang ganda mo kasi." Natawa naman ako sa biro niya. Inabot ko na lamang ang bagong bumbilya pagkatapos niyang ibigay sa akin ang luma. Nagkadampi pa ang mga kamay namin.
"Okay na, Sheen May," wika ni Jameson matapos niyang ikabit ang bagong bumbilya sa kisame. Lumiwanag na rin ang paligid nang i-on ko ang switch.
"Maraming salamat, Jameson."
"Wala 'yon. Kapag may kailangan ka, sabi ko naman, huwag kang mag-atubili na tawagin ako."
"Maraming salamat talaga."
Inihatid ko na si Jameson sa may pintuan. Sakto namang bagong dating si Jhon Rey at nakita niya kaming dalawa. Muli na lamang akong nagpasalamat kay Jameson bago pumasok sa loob ng kwarto ko, pero sandali lang ay may muling kumatok sa pinto.
Binuksan ko iyon at nakita ko si Jhon Rey na kababakasan ng inis sa mukha.
"Did he just leave your room?" matigas niyang tanong sa akin.
"Yeah?"
"Bakit?"
"Anong bakit?" nakakunot-noo kong tanong sa kaniya.
"Bakit siya narito sa kwarto mo? Pinapasok mo siya rito?"
Napabuntong-hininga ako. "Bakit ka ba naiinis? Malamang pinapasok ko siya. Ano bang problema?"
"Sheen May, nagpapasok ka ng lalaki. That's the problem."
"Ano naman? Ikaw nga pinapapasok ko rin dito."
"Iba ako sa kaniya, Sheen May. Kilala mo ba ang taong 'yon? Paano kung may gawing masama sa 'yo ang lalaking 'yon?"
"What?! Pumasok ka nga muna! Ano bang pinagsasasabi mo? Baka marinig ka niya!"
Hinila ko siya papasok sa kwarto ko, pero sana ay hindi ko na lang ginawa. Sana ay pinagsarhan ko na lang siya ng pinto dahil lalo lang pala kaming magtatalo.
"Ano naman kung marinig niya ako? Everyone should know that you are mine, Sheen May!"
"You were! It's all in the past, Jhon Rey! Wala na tayo, okay? At saka isa pa, tinulungan niya lang naman ako! The light here was busted! Ikaw nga dapat ang hihingian ko ng tulong pero wala ka naman!"
"Kaya lumapit ka sa iba?"
"What?! Siya ang available na tumulong sa akin! Nagpresinta siya and I just accepted! Ano bang ipinuputok ng butsi mo?"
"Dapat hinintay mo ako, Sheen May!"
"God, Jhon Rey! Hindi lahat ng oras ay kaya kitang hintayin!"
"Kaya tumatanggap ka na ng iba, at ako hindi mo na matanggap muli?"
"What?! Utang na loob! Ilaw pa ba ang usapan natin dito? My god! Iyang ugali mo! Napakaseloso mo! Wala naman akong ginagawang masama! Humingi lang naman ako ng tulong, ano ba?!"
Naumid ang dila niya na para bang may napagtanto. Para bang gulat na gulat siya na sinisigawan ko siya. Who wouldn't be shouting? Iniinis niya ako. Wala naman akong ginagawang mali. Paano maaayos ni Jameson ang ilaw sa kwarto ko kung hindi ko siya papapasukin? The hell?
"Right, I shouldn't be jealous," he uttered in defeat before backing off. "Wala akong karapatang magalit. Wala na akong karapatang protektahan ka kahit gustuhin ko pa. I was trying to fix everything but it looks like I was making it worse. I'm sorry for making you sick of me."
Then he walked out.
Just like how he left me that night.
He left me again.
Nabalitaan ko na lang kay Aling Martha na bakante na ang kwarto katapat ko.
*****
"Okay ka lang?" tanong ni Aling Martha nang minsang katukin niya ang pinto ko. Pinapasok ko siya sa loob at dumeretso kami sa sala.
"Opo, okay lang ako."
"I'm sorry, Sheen May. Hindi ko na napigilan si Jhon Rey na umalis."
"Okay lang. Palagi naman niya akong iniiwan. Sanay na ako. Sa ugali ko rin kasi."
"Huwag mong sisihin ang sarili mo, Sheen May. Ganoon talaga. Kapag lalo kasing pinipilit, lalong nasisira. Kailangan mo talaga ng panahon. Kayong dalawa."
Umiling ako. "Hindi po, Aling Martha. Hindi na talaga maaayos 'to. Sigurado na ako. Ngayon palang na hindi kami mag-asawa, nag-aaway na kami nang ganito. Paano pa kapag tinanggap ko siyang muli? Baka lalo kaming mahirapan at madamay ang anak namin."
"Sabagay, ang pag-ibig ay parang bulaklak. Nasisira ito sa bagyo." Napatingin ako sa flower vase na naroon sa lamesa ko. Nakatitig doon si Aling Martha... sa chamomile, na minsang ibinigay sa akin ni Jhon Rey na ngayon ko lang napansin na natutuyot na pala roon.
"Pero may mga bulaklak na kahit nabagyo na ay nananatiling matibay. Iyon pa nga ang nagpapatibay sa kanila. Sana ay malampasan niyong dalawa ang problema niyo. Nakikita ko namang mahal na mahal ka pa rin ni Jhon Rey."
Napasulyap ako kay Aling Martha.
"Noong narinig kong may nagtatalo sa taas, agad akong pumunta at nakita kong lumabas si Jhon Rey sa kwarto mo. Galit na galit siya pero sandali lang iyon. Nakita ko siyang umiiyak sa harap ng nakasarado mong pinto. Naawa ako sa kaniya. Hindi mo na ba talaga siya mahal?"
Umiling ako. "Wala na akong nararamdaman para sa kaniya, Aling Martha. Mas importante na para sa akin ang anak ko. Tingin ko ay hindi ko na kayang magmahal pa ng kahit na sino. Napagod na ang puso ko para roon."
Hinaplos niya ang balikat ko at hinagod-hagod bago tumango-tango. Sunod ay niyakap niya rin ako nang mahigpit na para bang nakikiramay siya sa nararamdaman ko.
Matagal kaming naroon sa ganoong kalagayan bago siya tuluyang nagpaalam paalis. Ilang araw ang lumipas na muli ko na namang natamasa ang kapayapaan—pero hindi ko alam na magiging ganito pala kalungkot. Nababalot na ng lamig ang puso ko. Pakiramdam ko ay para akong patay na nabubuhay. Mabuti na lang at narito sa piling ko si Joshen para kahit papaano ay may dahilan ako para maaliw.
Isang gabi nagising ako na umiiyak si Joshen. Nag-alala na naman ako na baka maulit muli ang nangyari na magkaroon siya ng lagnat pero laking ginhawa ko nang mahawakan ko siya at hindi naman siya mainit.
"Why, baby? Bakit ka umiiyak? Gutom ka na?" I carried him and tried to feed him, pero hindi naman pala siya nagugutom. Luminga-linga ako para maghanap ng kung anong pwedeng gawin para mapatahan si Joshen. May binili ba kami ni Jhon Rey na laruan?
Napakagat ako sa labi nang maalala ko si Jhon Rey. Umiling ako para subukang alisin siya sa utak ko.
"Wait lang, baby. Maghahanap lang ako ng toy, ha? Hintayin mo ako."
Lumabas ako ng kwarto para alalahanin kung kahit isa ba ay may binili kaming laruan para kay Joshen, pero parang lahat yata ay kinontra kong bilhin niya para sa amin. Kinuha ko ang bag ko. May napadpad kayang laruan na mula sa bahay nila Danica noong umalis ako? May pwede kaya akong gamitin para mapatigil sa pag-iyak ang anak ko?
Bumalik ako sa kama para doon maghalungkat ng gamit. Laking pagtataka ko nang biglang huminto sa pag-iyak si Joshen kaya naman napalingon ako sa kaniya. Kapit-kapit niya ang keychain sa bag ko—'yung puppy na keychain na binigay sa akin ng isang bata noong minsang magpunta kami ni Derrick sa palengke.
Napangiti ako. "Puppy lang pala ang magpapatigil sa pag-iyak mo, anak. Mahilig ka rin ba sa aso katulad ko? Mukhang namana mo sa akin iyan, ah?"
"Sheen May..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top