Chapter 41
Hinila niya na ang kamay ko papunta sa pinakamalapit na restaurant. Nagulat pa nga ako nang makitang may restaurant din naman pala rito sa probinsya although hindi ganoon ka-high end, pero natatawa ako dahil naka-corporate attire si Jhon Rey at hindi bagay sa ambience sa lugar kung nasaan kami. Tapos may baby carrier pa siya.
"Excuse me, may caldereta ba kayo rito?" tanong ni Jhon Rey sa server kaya napatingin ako sa kaniya.
"Nice. Isa no'n at dalawang mainit na kanin." Lumingon siya sa akin. "May gusto ka pa ba?"
"Sabaw," sagot ko.
"Okay." Ibinalik niya ang tingin sa server. "Tsaka sinigang, sir. Maraming salamat."
"Kape? Hindi ka magkakape?" tanong ko naman.
Simple siyang ngumiti. "Tsaka kape pala, sir. Thank you very much."
He looked at me with a smile on his lips as if he couldn't hide his happiness. Tsk.
"Akin na muna si Joshen. Baka gutom na siya," wika ko tsaka ako lumapit sa kaniya. Ibinigay niya naman sa akin ang anak namin. Nilagay ko rin ang balabal para mapa-breastfeed ko na ang baby ko.
"What?" matigas na tanong ko nang makitang kanina pa ako pinagmamasdan ni Jhon Rey.
"Nothing. I just... hanga lang ako sa 'yo."
"For what?"
"For everything. You seemed like a new person now."
"Ganoon siguro kapag ina na," simpleng sagot ko.
"Yeah, or maybe it is the real you that you kept on neglecting just for me. Jhunel, your ex, told me that you are so brave and vocal; strong and assertive whenever you talk to him and I can see that now, Sheen May. I must have really been special to you before because these days, you have been treating me like an ordinary person."
Tinitigan ko siya nang makahulugan. "Siguro kung hindi ka nagsinungaling sa akin, baka hindi ganito ang pakikitungo ko sa 'yo. That day when I saw you in the rain, I totally forgot everything that happened like you never asked for a breakup before. I was willing to forgive you. I was literally still blaming myself for all that happened that night. But I don't know what happened, in just a blink of an eye, nagising ako sa katotohanan na hindi lang pala ako ang may kasalanan sa nangyari sa ating dalawa, pareho tayong may pagkukulang. And I found myself sick of hearing you sorry and asking for forgiveness. Napagod ako, Jhon Rey."
He nods slowly. "I guess, hindi lahat ng paboritong pagkain ay kayang kainin araw-araw habangbuhay. Magsasawa ka rin talaga."
Magsasalita pa sana ako dahil naalala ko ang pag-uusap naming iyon noon, pero huli na ang lahat dahil dumating na ang server dala ang mga pagkain na inorder ni Jhon Rey.
"I can hold our baby so you can eat, Sheen May."
"Ako na. Kumain ka na. At saka, marami kang bitbit dahil sa mga pinamili natin."
"O-okay."
Tahimik lang kaming kumakain at napapansin kong nakayuko lang si Jhon Rey. Para bang ikinukubli niya sa akin ang lungkot ng kaniyang mga mata. Masyado bang masakit ang mga nasabi ko kanina? Kung gano'n bakit narito pa rin siya? Talaga bang wala siyang balak lubayan ako?
Natapos na ang pagkain namin. Katulad ng usapan ay siya ang may bitbit ng mga ecobags ng mga pinamili namin at ako ang may kalong-kalong kay baby Joshen.
"What if mag-trycicle na tayo?" tanong ko.
"I'm fine."
"You are, but what about me?"
Napabuntong-hininga naman siya. "Okay."
"Doon, may paradahan ng trycicle doon para makauwi na tayo kaaga." Itinuro ko ang toda kung saan pwede kaming makasakay pauwi.
"Hold on, Sheen May."
Napatigil ako sa paglakad nang may nilapitan siya-flower shop?
"Here, flowers for you."
Napalunok ako at napatitig sa kaniya nang matagal nang abutan niya ako ng palumpon ng chamomile. "Para saan?" tanong ko.
"Naalala ko, ni minsan ay hindi kita nabilhan at nabigyan ng bulaklak."
"Then why buy me now?"
"I just wanted to."
Hindi na ako nakaimik nang pumara na siya ng trycicle. Tinuro niya pa sa manong driver na may dala akong baby kaya naman nilapitan na kami ng trycicle para makasakay. Nasa loob ako samantalang siya naman ay nasa likuran katabi ng driver. Hindi ko maiwasang sulyapan siya. Did he just give me flowers?
Tiningnan ko ang bulaklak na hawak ko at inamoy iyon. Mabango ang mga ito at maganda. Kung ako pa siguro ang dating Sheen ay kikiligin ako nang lubos dahil binigyan ako ng bulaklak ni Jhon Rey, pero ngayon, bato na yata ang puso ko dahil wala itong maramdaman na kahit na ano. Ni hindi ko na nga alam kung tumitibok pa ba ito.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa apartment. Laking gulat ko naman nang salubungin kami ni Aling Martha.
"Jhon Rey! Akala ko ay nasa meeting ka, dahil natural na umaalis ka tuwing umaga pero nagtataka ako kung bakit hindi mo dala ang sasakyan mo," salubong nito bago napatingin sa akin. "Oh, magkasama pala kayo ni Sheen May. Nagkakilala na kayo?"
"Magkakilala po talaga kami, Aling Martha," sagot ni Jhon Rey.
"Ganoon ba? Mabuti! Hindi ka naman siguro magagalit kung paminsan ay marinig mo ang pag-iyak ng anak niya."
"Hindi po, Aling Martha. Bakit naman ako magagalit?"
"Eh 'di ba ayaw mo ng ingay?"
"Except kung sila."
Napangiti naman si Aling Martha tsaka tinapik ang dibdib ni Jhon Rey. "Ikaw, ha? Pinopormahan mo ba si Sheen May? Tamang-tama, single mom siya. Iniwan kasi siya ng nobyo niya, eh. Naaawa nga ako kaya tinanggap ko na siya rito. Kawawang dalaga, ang ganda-ganda pa naman."
Napakagat ako sa labi ko nang lingunin ako ni Jhon Rey. Hindi ko gustong tingnan niya ako sa ganoong paraan, na para bang mas lalo niyang sinisisi ang sarili niya sa nangyari sa akin.
"Anyway, happy birthday pala, Jhon Rey! Pinuntahan kita kanina sa kwarto mo para batiin ka, pero wala ka naman. Mabuti at nadatnan kita rito. Mamaya, dadalhan kita ng pagkain."
Nagpaalam na si Aling Martha sa amin habang ako naman ay naiwang nakakunot ang noo.
"Halika na sa taas," pagyaya sa akin ni Jhon Rey.
Nakalimutan ko ang bagay na iyon. "B-birthday mo?"
Tumango siya. "Naiintindihan ko kung nakalimutan mo na. Alam ko ang nangyari sa 'yo noon at trauma na dinulot sa 'yo ng araw na ito."
He was right. I was really stupid for him that time when I forced myself to go to his birthday party. Naghanda pa ako ng regalo para sa kaniya. Kinalaban ko pa si dad para lang makapunta sa kaniya, pero dahil sa pagpupumilit ko, naging magulo ang buhay ko. Nakagawa ako ng malaking kasalanan-iyon ay ang ibigay sa kaniya ang lahat at pagkatapos ay makaramdam na itapon na parang basura.
Nangilid ang mga luha ko habang naaalala ang mga nangyari, pero sinubukan ko pa ring huwag umiyak sa harapan ni Jhon Rey. Hanggang sa makapasok kami sa kwarto ko. Hinayaan ko lang si Jhon Rey na isalansan ang lahat ng pinamili niya roon sa kusina habang ako ay dumeretso na sa kama para ihiga si Joshen.
Doon pumatak ang luha mula sa mga mata ko. Kung hindi ako nagkamali, hindi ko makakapiling ang anak ko.
Hinalikan ko ang noo ni Joshen at pinagmasdan siya habang mahimbing na natutulog. Hindi makakaila, nakikita ko sa kaniya ang kaniyang ama. Kamukhang-kamukha siya ni Jhon Rey.
"Sheen May, tapos ko nang isalansan lahat," rinig kong sambit ni Jhon Rey mula sa may pintuan. Mabilis kong pinunasan ang luha ko, pero hindi ko siya nagawang lingunin dahil natatakot akong muling bumagsak ang mga luha ko kapag humarap na ako sa kaniya.
"Maraming salamat. Pwede ka nang umalis."
Sandaling katahimikan ang namagitan sa aming dalawa. Hinaplos ko ang mukha ng anak ko.
"O-okay. Thank you rin at hinayaan mong makapiling ko kayo ngayong araw."
"Wala 'yon. Isara mo na lang ang pinto kapag lumabas ka na."
"S-sige."
Narinig ko ang malakas niyang buntong-hininga bago ang mga yabag ng paa na papalayo sa akin. Kasunod ay ang pagpinid ng pinto. Sa pagkakataong iyon, tuluyan nang kumawala ang mga luha ko.
*****
Ilang linggo ang lumipas nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. It was Aling Martha.
"Good morning, Sheen May! May bagong lipat na lalaki sa tabing kwarto mo. Si Jameson. Sandali at tatawagin ko para makita mo. Jameson!"
Napatingin ako sa kwarto sa tabi ko. Nakabukas ang pinto at lumabas roon ang isang malaking lalaki na maganda rin ang pangangatawan. Naka-tank top ito.
"Yes, Aling Martha? How can I help you?" nakangiting tanong nito.
"Halika muna at ipakikilala kita sa magiging kapitbahay mo." Itinuro ako ni Aling Martha. "Siya si Sheen May. Kapag may mga kailangan ka at wala ako, pwede mo siyang tanungin. Sheen May, ito si Jameson. Tingin ko ay magkasing-edaran lang kayo kaya for sure magkakasundo kayong dalawa."
"Hi, Sheen May. Ako nga pala si Jameson." Inilahad niya ang kamay niya na siyang tinanggap ko naman. "Ako si Sheen May."
"Ikinagagalak kong makilala. Kung may kailangan ka rin, pwede mo akong hingian ng tulong. I'm just one call away." Ngumiti siya nang matamis sa akin.
"S-salamat."
Kukunin ko na sana ang kamay ko nang hindi niya iyon bitiwan. Bumukas ang pinto sa unahan ko at lumabas roon si Jhon Rey na naka-corporate attire. Mabilis siyang napatingin sa mga kamay naming dalawa ni Jameson. Kita ko ang paggalaw ng lalagukan niya nang lumunok siya.
"Jhon Rey, ikaw pala! Tamang-tama! Jameson, ito nga pala si Jhon Rey. Ayaw niya ng maligalig kaya huwag kang masyadong mag-iingay lalo na sa gabi."
Mabuti naman at binitiwan na ni Jameson ang kamay ko upang ilahad naman doon kay Jhon Rey.
"Jhon Rey... nice meeting you, pare."
Tiningnan nang masama ni Jhon Rey ang kamay ni Jameson bago iyon tinanggap. "It is not nice to meet you." Ilang segundo silang nagkatitigan na para bang nag-uusap sila mata sa mata. Nagkatinginan na nga lang kami ni Aling Martha at sabay na nagkibit-balikat.
*****
"Nililigawan ka ba ni Jhon Rey?" tanong ni Aling Martha na siyang ikinabigla ko. Kasalukuyan akong narito sa hardin at nagbibilad kasama si Joshen. Si Aling Martha naman ay nagwawalis.
"Naku, hindi ho!"
"Maniwala? Noong nakita ko kayong magkasama, pumasok din siya sa kwarto mo. Noong birthday niya. Bakit naman siya papasok roon? Close na ba kayo?"
Umiling ako. "Ang totoo po niyan, Aling Martha, si Jhon Rey ang ama ng anak ko."
"A-ano?!" gulat na tanong niya. "Si Jhon Rey ang nobyo mo noon?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top