Chapter 40
"Why are you being like this?" tanong niya na hindi sinagot ang tanong ko.
"What do you mean by why am I being like this, Jhon Rey? Hindi ba't iyon ang usapan natin? Babantayan mo lang ang anak natin saglit para makatulog ako. Tapos na. Nakakain na rin ako. Pwede ka nang bumalik sa kwarto mo at ibigay mo na sa akin si baby Joshen."
"Hanggang kailan mo balak ilihim sa akin ang anak natin? Kung hindi kita nakita rito, kung hindi nagkaroon ng lagnat ang anak natin, hindi ko malalaman ang totoo. Why would you do this?"
Napabuga ako. "Talagang tinanong mo pa ako. Nakalimutan mo na ba ang lahat? Tell me, why would I do this? Ask yourself."
"Bakit tayo nagkaganito, Sheen May?"
Nangilid ang luha sa mga mata ko, pero sinubukan kong pigilang umalpas. No, hindi na ako iiyak.
"Kaya ba hindi ka uminom ng alak ng gabing iyon ay dahil buntis ka?"
Siya ang tumulo ang luha para sa akin. Now, mas lalo akong nakukumbinsi na parang hindi na siya ang Jhon Rey na kilala ko. Ako ang madalas umiyak sa aming dalawa, pero bakit siya umiiyak sa harapan ko?
"Now I see why you said those words... you were supposed to marry him after all, right? At dahil sa mga nagawa ko, tama nga, tama talaga na siya ang piliin mo kaysa sa akin. I don't know when I will forgive myself, Sheen May. I hate myself but here I am being greedy, holding our baby just to feel a little bit of relief because for all of the wrong I've done in my life, here he is... the only right thing I did. Having you pregnant with this cute little boy."
I averted my gaze. Tama siya, paano nga ba kami napunta sa ganitong sitwasyon? Masyado bang tutol ang langit para sa aming dalawa kaya nangyayari ang mga ito?
At ngayong nakita ko siyang muli, tsaka ko pa naramdamang pagod na pagod na ako? And worst of all, I don't love him anymore.
"Here." Iniabot niya sa akin si baby Joshen tsaka ako tinitigan nang matagal. Nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko. Hindi ako nakapalag dahil hawak-hawak ko na ang anak ko. "I know your eyes and they don't look at me the same way. I understand why that happened." Ngumiti siya, ngiting hindi masaya kung hindi puro pait. "If ever you need someone to take care of the baby, just call my name. I would be glad to take that chance to see him and see you, Sheen May."
"I'm sorry, Sheen May. I'm sorry for everything."
Iniwan niya na ako sa kwarto ko kasama si baby Joshen at tuluyan na siyang lumabas. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa naging sagutan namin ni Jhon Rey.
*****
Lumipas ang ilang buwan na hindi kami nagkakausap ni Jhon Rey. Hindi ko rin naman kasi kailangan ng tulong niya. Kaya ko ang sarili ko at isa pa, hindi naman ganoon kahirap ang alagaan ang isang sanggol. Nangailangan lang talaga ako ng tulong noon dahil nataranta ako.
Hindi naman din ako kinukulit ni Jhon Rey o kung ano pa man. Alam ko lang na nariyan siya sa katapat na kwarto. Wala akong ideya sa kung anong ginagawa niya dahil minsan lang naman kami magkadaupang palad. Tinatanguan nga lang namin ang isa't isa kapag nagkakasalubong kami na para bang wala kaming naging relasyon noon.
I'm glad dahil hindi niya pinipilit na umuwi ako sa amin. Marami lang akong tanong kung bakit narito siya, pero hindi ko magawang maitanong dahil unang-una bakit ko naman iyon itatanong sa kaniya?
"Let's go, baby Joshen! Pupunta tayo sa grocery! Samahan mo ako, ha? Hindi naman kita maiiwan dito sa bahay. Hindi ko naman gustong ipabantay ka kay Aling Martha dahil alam kong abala din siya," pagkausap ko sa anak ko habang nakapatong siya sa baby carrier. Ngumiti lang siya.
"Aba, mukhang excited ka, ha? Let's go na!" masigla ko pang sambit tsaka lumabas ng bahay. Nagulat naman ako nang lumabas din mula sa katapat na pinto si Jhon Rey, at mukhang nagulat din siya sa paglabas ko. Napatingin siya kay baby Joshen at nawala ang pagkakunot ng noo niya.
"Saan kayo pupunta?" tanong niya.
"H-ha?"
"I mean, can I know that?"
"O-oo naman. Sa grocery lang naman kami."
"Oh, really? Sakto, papunta rin ako roon." May tinago siya sa likod niya. "Samahan ko na kayo. Okay lang ba?"
"Sigurado kang sa grocery ka pupunta?" nagtataka kong tanong. "Dahil base sa outfit mo, mukhang sa ibang lugar ka pupunta. Naka-formal attire ka, oh. May meeting ka ba?"
"Wala. I was from the meeting kaya ganito ang suot ko. I forgot to go to the grocery earlier—"
"And you also forgot to change clothes?" naghihinala ko pang sabat sa dahilan niya.
"Y-yeah, I'm too tired to do that. Mamaya na lang pagbalik. Samahan ko na kayo. I mean, sabayan." Ngumiti siya.
Siningkitan ko naman siya. "We're fine. Kung gusto mo, ako na lang ang bibili ng kailangan mo. Pumunta ka na sa meeting mo."
Nawala ang ngiti sa mga labi niya at seryosong tumingin sa akin. "I said, I have no meeting."
"You're lying."
"I am not."
Inirapan ko siya. "You are." Nilampasan ko na siya at bumaba sa hagdan. "Pumunta ka na sa meeting mo. Kaya ko ang sarili ko. Joshen and I will be fine."
"But I won't be."
Napatigil ako sa paglakad.
"I know you can handle everything by yourself now. I know you don't need me anymore, but I won't be at ease. You will go to the grocery by yourself with our baby. How would you manage to do that?"
"Hindi naman ganoon karami ang bibilhin ko," sagot ko.
"But still, please let me go with you."
"How about your meeting?"
"I said, I have no meeting, Sheen May."
Napabuntong-hininga ako. "You promise?"
"I hate attending meetings and now I have a reason not to go there."
I rolled my eyes. "But—"
"No buts, please?" Napaatras ako nang kapitan niya ako. "I'll carry our baby. Put the carrier on my body."
Wala na akong nagawa nang kunin niya sa akin si Joshen. Tuluyan na kaming nakababa ng hagdan at nagtataka ako kung bakit hindi kami pumunta sa garahe para sumakay sa kotse niya.
"We won't be using my car."
"Maglalakad tayo? Masyadong malayo," entrada ko.
"The farthest, the better."
Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko. "T-teka, Jhon Rey!"
He even intertwined his finger with mine. What is happening?
Pinagtitinginan kami ng mga tao habang naglalakad kami sa kalsada. Actually, hindi ko nga sure kung kami ba talaga ang pinagtitinginan o siya lang. Bakit kasi siya naka-corporate attire, eh pupunta lang kami sa grocery store?
At isa pa, bakit kami naglalakad eh may sasakyan naman siya?
I rolled my eyes when I realized something. Napapailing na lang ako habang hinahayaan siya sa gusto niya. Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa grocery store at siya na rin ang kumuha ng cart. We look like a happy family strolling around when in fact deep in our hearts, we are broken. Si baby Joshen lang ang namamagitan sa aming dalawa.
"What about these? We should buy our baby some clothes, don't you think? Sandaling panahon lang ay lalaki na siya. How about stroller? Hindi natin mamamalayan maglalakad na rin ang anak natin."
Napabuga ako. "Matagal pa 'yon, Jhon Rey."
"Then should we buy a crib instead? Right, I didn't see one in your room."
"Dahil katabi ko siyang matulog. Malawak naman ang kama ko kaya roon ko siya inihihiga para magigising akong kaagad kung sakaling umiyak siya."
"I see, I'll build one in your room. Also, we should buy some toys and milk."
"I will play with him all the time and breastfeed him so don't waste your money," pagkontra ko.
Napatigil naman siya sa pagkuha ng kung ano-ano at maging ang malawak na ngiti ay nawala. "I am not wasting my money, Sheen May. In fact, I am working all my ass off for you and for our future family."
Napalunok ako tsaka bumaling ng tingin sa iba. "There won't be any future family for us, Jhon Rey. We are not getting back together even if you do this."
"Why?"
Tinagpo ko ang mga mata niya. "You saw my eyes, didn't you? I don't love you anymore, Jhon Rey. I'm only letting you be near me because of our child."
I saw how his jaw tightened. "I know. But still, whether you like it or not, my money is for you and for our baby. I would be glad to spend every cent of it for you and for Joshen."
Ngumiti ako. "Why? So it will lessen the guilt you felt inside?"
I don't know what's in me but my words are like swords these days.
"No, because it is my responsibility as the father of our child, Sheen May. I know I've made a lot of mistakes and these things won't suffice for everything I did. I already know that. But know that I am not doing this to lessen the guilt I have, I am doing this because I want to do this at least. Seeing you alone bothers me. It kills me. I was supposed to be with you."
"Not anymore. So let's just finish this quickly so we can go back home early."
Tinalikuran ko siya at akmang maglalakad na nang magsalita siya. "Then, I'll be stupid and childish today. I don't want to go back home early, Sheen May. I wanna be with you longer this time, with our baby. I'm planning to be with you for the whole day."
"What?! Anong trip mo sa buhay?" Nilingon ko siya pero tinulak niya na ang cart at nilampasan ako. Wala na akong nagawa kung hindi ang maki-cooperate sa kaniya. Sa bawat tanong niya sa akin ay oo na lang ang sinasagot ko para matapos na, pero makulit siya at pagkatapos naming mag-grocery ay nagyaya pa siyang kumain kami sa isang restaurant.
"Wala ka namang gagawin, hindi ba? Kumain muna tayo."
"Ayoko!"
Napabuga siya. "Hindi porque maganda ka, magsusungit ka na, ha?"
"W-what?" I was caught off guard.
"Let's go and eat. Gutom na ako."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top