Chapter 39

"Sheen May?" Bumuhos ang luha mula sa mga mata ko. At maging ang paghinga ko'y hindi naging normal. "Sheen May, anong ginagawa mo rito?"

"J-Jhon Rey, it is not the right time to talk about that. Help me. Please help me bring my baby to the hospital."

"O-okay."

Agad niya akong hinila paalis ng bahay. Mabilis niya akong dinala sa kotse niya at pinaharurot ang sasakyan papunta sa hospital.

I am praying that my baby is fine. Wala naman akong ginawa para magkasakit siya. Why would Joshen have a fever?

Pabalik-balik ako ng lakad sa harapan ng emergency room kung saan dinala si Joshen. Kanina pa rin ako palinga-linga habang hinihintay ang doctor na lumabas.

"Sheen May, calm down."

Napalingon ako kay Jhon Rey na ngayon ay nakaupo sa steel chair.

"How am I supposed to do that, Jhon Rey? My baby is in there!"

I bit my nails, pero nilapitan niya lang ako at tinanggal ang kamay ko sa aking bibig. "Sheen May, everything will be fine. Calm down."

"What if not, Jhon Rey? What did I do? Saan ako nagkulang? Bakit siya nilalagnat? Wala ba akong kwentang ina?"

"No, I know, that's not true. Come here." Hinila niya ako paupo sa steel chair. Napatunghay naman ako sa kaniya nang hawakan niya ang magkabila kong balikat habang nakatayo siya sa harapan ko. Kusang tumulo ang mga luha ko. 

These past few days, I was waiting for him... and now he's finally in front of me but why do I feel like he's too far away from me?

Napaiwas ako ng tingin at napayuko. Inalis ko rin ang mga kamay niya sa balikat ko.

"Things like this happened unexpectedly, Sheen May. It is not your fault, okay?" Umupo siya sa tabi ko.

"Then whose fault is this, Jhon Rey?" I glanced at him. Nagkatagpo naman ang mga mata naming dalawa. "Palibhasa kasi wala kang pakialam."

"Paanong wala?" Nakita ko ang pagkainis sa kaniyang mukha. 

"Nawalan na ako ng isang beses, Jhon Rey. Hindi mo alam na nakakabaliw na mapunta na naman sa ganitong sitwasyon."

Magsasalita pa sana siya nang lumabas na ang doctor. Napatayo na ako para salubungin ito.

"Kumusta po siya, Doc? Kumusta ang anak ko?"

"The baby is fine. Thank God nadala niyo kaagad siya rito."

"Bakit po, Doc?" singit na tanong ni Jhon Rey.

"He was bitten by a mosquito. Thank God, hindi naman napunta sa dengue. It was just a normal fever. Hopefully after hours of observation, bumaba na ang lagnat niya so you can bring your baby home." Bumaling ang atensyon ng doctor kay Jhon Rey. "Daddy, make sure na ang baby ay napoprotektahan sa lamok. Maraming namamatay sa dengue. May mga nabibili ngayon sa pharmacy to prevent mosquito bites. Make sure na mabilhan siya no'n at ng mini kulambo. Panatiling malinis ang bahay at well-ventilated para maiwasan na ang mga ganitong pangyayari."

Marami pang ipinaliwanag ang doctor at nakita kong atentibong nakikinig si Jhon Rey. Nang matapos ay tuluyan na itong nagpaalam sa amin.

"Malamok ba sa kwarto mo?" tanong ni Jhon Rey. 

"Bakit mo tinatanong?"

"Hindi malamok sa kwarto ko. Gusto mo bang doon muna kayo ng baby mo?"

Nadurog ang puso ko sa tanong niya. Doon ko naalala, hindi niya nga pala alam na anak niya si baby Joshen. Hindi niya alam na buntis ako noong hiniwalayan niya ako.

"No, the baby is ours, right, Sheen May? I've been dying to ask that since earlier. Based on what I saw, the baby was just a newborn and if my calculations are right, you were pregnant even before we broke up. Am I right?"

Nakakunot ang noo niya na para bang nagpipigil ng luha. "The baby is mine, right, Sheen May? I am the father of the child we brought here." Umalpas na ang luha mula sa mga mata niya. Kanina lang ay ako ang hindi mapakali, pero ngayon, nakikita kong siya naman ang parang nababaliw at nadidismaya sa kaniyang sarili.

"Why? What if you are, what will you do now?"

His lips curled downward. Pinunasan niya ang kaniyang luha. Kita ko ang pagsisisi at disappointment niya sa kaniyang sarili.

"I'm sorry... I'm sorry, Sheen May. I'm sorry, if you went all through this alone." Napapakamot pa siya sa kaniyang ulo habang patuloy na umiiyak. "You were wrong, I did not become a good father, Sheen May. I left you, I left our child. I am really a piece of shit, bullshit. I'm sorry that I did not know yet I said those worst things you did not expect to hear from me. I broke up with you without hearing and understanding your explanations. I am so stupid. I don't deserve any of your forgiveness... any of your chances."

Sa pagkakataong 'yon... may napagtanto ako habang nakikinig ako at pinagmamasdan ko siyang humihingi ng tawad sa akin. Sa isang iglap, bigla akong walang naramdaman na kahit na anong awa.

Now that he's here in front of me, I realized, hindi ko na siya mahal katulad ng dati dahil tuluyan na akong napagod.

*****

Magkasama kami ni Jhon Rey na bumalik ng apartment kasama si Joshen. I already told him the name of our baby which is the promise we made for each other a long time ago. Madidiskubre niya naman 'yon dahil kasama ko siya sa hospital.

"Maraming salamat sa tulong mo, Jhon Rey," wika ko tsaka ko tinanggal ang seatbelt. Kalong-kalong ko na si baby Joshen ngayon habang mahimbing na natutulog. Thank God, he's really fine.

"You don't have to say thank you, Sheen May."

"But still, napuyat ka dahil sinamahan at tinulungan mo ako sa hospital. Ngayon na lang tayo nakabalik dahil inumaga na tayo roon."

"Wala sa akin ang mapuyat."

Natawa ako. "Hindi ba't kinakalampag mo na nga ang pinto kahapon dahil sa ingay ng iyak ni baby Joshen."

"Oh, about that. I'm sorry. I was just in a zoom meeting with the clients."

"Really? So you were in a meeting but still chose to go with me?"

"Why would I not?"

I shrugged. "I don't know. Siguro, nasanay lang akong palagi kang nasa trabaho noon kaya hindi ko inaasahang uunahin mo kami. Anyway, I apologize for that. Should I treat you to breakfast for the inconveniences I brought you?"

"You were not an inconvenience to me, Sheen May."

Ngumiti ako. "Then, good. Mauna na ako sa kwarto namin. Gusto ko na ring magpahinga. Maraming salamat."

Lumabas na ako sa kotse niya at dumeretso na sa kwarto ko. Pasalampak na ako sa kama nang may kumatok sa pinto.

When I opened the door, I saw Jhon Rey standing before me. "Yes? May nakalimutan ka o ako ang may nakalimutan?"

"While you were taking some rest, should I watch over the baby?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit mo naman gagawin iyon?"

"Ayoko lang na mangyari ang nangyari kanina na magkasakit siyang muli."

"What do you mean?"

"Should I bring the baby inside my room and take care of him while you are asleep?" tanong na sagot niya.

Tumaas ang kilay ko. "Ilalayo mo sa akin ang anak ko?"

"Then, should you go to my room also?"

"No, get inside my room instead," seryoso kong litanya, bago ko binuksan pa ang pinto para makapasok siya.

"A-alright. Thank you."

"I'll just sleep for an hour, para hindi ka maabala. You still have meetings to attend that you lost last night, right?"

"Don't think about it anymore. You can have your full rest while I am taking care of the baby."

Siningkitan ko siya ng mata bago kinilatis. "Do you know how to?"

"Better than you do, Sheen May."

Tinaasan ko siya ng kilay, pero nakumbinsi niya naman ako. "Gisingin mo na lang ako kapag may kailangan ka. Huwag mong ilalayo sa akin ang anak ko!"

"I promise, I won't." Jhon Rey flashed a smile as if he was so excited to hold his son. Iniabot ko naman sa kaniya si baby Joshen at pinaliwanagan ng iba pang bagay. Namangha naman ako sa kung paano niya ito hawakan. In fairness, marunong nga siya.

"Sige na, matulog ka na. Ako na ang bahala sa lahat," wika pa niya. Pumasok na ako sa kwarto at walang isang segundong pagkahiga ko ay nakatulog na akong kaagad.

*****

Nagising ako at mabilis na tiningnan ang orasan sa side table. Oh, fuck. I was asleep for four hours straight. What the hell did I do?

Madali akong bumangon at napansin kong may kumot na nakayapos sa akin. Did Jhon Rey put this on me? So did that mean he went inside this room? Why would he do that? 

Magkasalubong ang kilay ko nang lumabas ako nang kwarto ngunit nawala din iyon nang makita ko si Jhon Rey na nakasandal sa sofa at natutulog habang nasa dibdib niya at kalong-kalong ang baby naming si Joshen.

Napatitig ako sa kanilang mag-ama. Hindi ko inakalang makikita ko ang ganitong tagpo ng buhay ko—na mapagmamasdan ang anak kong mahimbing na natutulog kasama ang ama niya.

Pumunta na lang ako sa kusina para maghanda sana ng pagkain nang makitang mayroon nang nakahain doon.

Hindi ko alam kung maniniwala ba akong si Jhon Rey ang nagluto at naghanda nitong lahat—omelette, crab and corn soup at carrot shake. May salad pa. Sa pagkakaalala ko ay basic lang ang kaya niyang lutuin noon.

"Gising ka na pala, Sheen May." Nilingon ko si Jhon Rey at nakita kong tinatapik-tapik niya nang mahina ang anak namin. "Kumain ka na. Hinanda ko 'yan para sa 'yo. Alam kong gutom ka na."

Aapela pa sana ako nang kumalam ang sikmura ko.

"Sige na, kain ka na." Tumayo siya at lumapit sa akin habang buhat-buhat pa rin niya ang natutulog naming anak. Nakatitig lang ako sa kaniya nang hilahin niya ang upuan para sa akin. Anong ginagawa niya?

Hindi siya ganito. Hindi ko siya nakilalang ganito.

"Ikaw? Kumain ka na ba?" matabang na tanong ko.

"Hindi pa. Mamaya na lang pagkatapos mo. Ako muna ang bahala kay baby Joshen, baka magising siya. At least, hindi maaabala ang pagkain mo."

Napakagat ako sa loob ng pisngi ko. Posible bang magbago ang isang tao sa isang iglap lang? Bakit para bang iba ang kislap ng mata niya ngayong nahahawakan niya ang anak namin?

"O-okay."

While I was eating what he prepared for me, hindi ko mapigilang mag-isip kung masyado bang matagal kaming hindi nagkasama ni Jhon Rey para hindi siya makilalang ganito. Usually, he would be agrressive and asked if something was wrong with me. At tandang-tanda ko pa rin ang mukha niya noong gabing nakipaghiwalay siya sa akin. Pero, muli ko ring naalala ang tagpong naroon kami sa ulan. 

Siya ba talaga iyon katulad ng sinabi nila Neil? Kung gano'n, hinanap niya nga ako kagaya ng sinabi ni Jhunel matapos niyang ipaliwanag kay Jhon Rey ang lahat? Then, why would he choose to tell everybody to keep his existence from me? At bakit makikita ko siya ritong nakatira?

"Okay na. Tapos na ako. Pwede ka nang umalis," litanya ko kay Jhon Rey na natagpuan ko sa veranda. Hawak niya pa rin ang anak naming mahimbing pa ring natutulog. Hindi ako makapaniwalang natutulog nang mahaba si Joshen. Madalas ay mabilis itong maalimpungatan kapag kapiling ko. 

"Kukunin ko na ang anak ko. Maraming salamat sa tulong mo," dagdag ko pa.

"Anak natin, Sheen May." Nawala ang ngiti sa mga labi ni Jhon Rey. "Anak ko rin si baby Joshen."

Napabuntong-hininga ako. "Anak natin. Happy? Now, give me back our baby and go back to your room."

"Why?" 

Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Anong why? Hindi ba't sa kabila ka nakatira?"

"Why are you being like this?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top