Chapter 37

I was surprised to see Neil. Magpinsan sila ni Jhunel?

"May? Magkakilala kayo ng pinsan ko?" tanong nito habang naglalakad papalapit sa amin ni Jhunel.

"Yes, Neil. She's my ex-girlfriend and ex-fiancee."

"What? Hindi ba't si Jhon Rey ang ex-fiancé niya?"

Kumunot ang noo ko. "Kilala mo si Jhon Rey, Neil?"

I saw him gasp. "Oh, fuck. I wasn't supposed to say that."

Iniiwas niya ang tingin sa akin. "What do you mean, Neil? Paano mo nakilala si Jhon Rey? May alam ka ba tungkol sa kaniya? Noong birthday ko, may sasabihin ka dapat sa akin, hindi ba? Ano 'yon?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

Napalunok naman si Neil tsaka sumulyap ng tingin kay Jhunel na para bang kumukuha ng lakas ng loob sa pinsan niya. But both Jhunel and I are waiting for his answers. I've been dying to hear it.

"I know him because I saw him, May. I saw Jhon Rey that day."

Bumigat ang paghinga ko.

"Sinundan ko rin si Rey noong sundan ka niya. I am also worried about you because you are our friend. Rey and I saw the truth. You were with your man. Kasama mo siya sa ulan, May. Totoong kasama mo si Jhon Rey."

Napatakip ako ng bibig. Ilang butil ng luha ang bumagsak mula sa mga mata ko. "Then, why did you lie? Bakit kayo nagsinungaling sa aking lahat? Bakit pinagmukha niyo akong tanga at baliw?!" Hindi ko mapigilang pagtaasan siya ng boses.

All this time... Jhon Rey was here? And they are not telling me that truth? Why? Why the hell?

"Because Jhon Rey told us to do so, May. I am sorry. Ang totoo nga ay hindi ko na kayang makita ka pang nahihirapan at nasasaktan. Gustong-gusto ko nang sabihin sa iyo, pero pinipigilan ako ni Rey dahil ayaw niyang masaktan si Danica."

Mas lalong kumunot ang noo ko. "Bakit naman masasaktan si Danica? Anong kinalaman niya rito?"

"Dahil wala siyang alam sa nangyayari, May. Hindi niya rin alam ang tungkol kay Jhon Rey. At mas lalong wala siyang alam sa ginagawa ng kapatid niya."

"K-kapatid niya? You mean, si Derrick?"

"Yes, May. Jhon Rey told us to keep his existence a secret because he didn't want you to be in danger. Nasa poder ka ni Derrick at madali lang niyang magagawang saktan ka."

"But Derrick is treating me right, Neil! Siya nga ang nag-aalaga sa akin! Imposibleng may gawin siyang masama sa akin! Imposible ang mga ibinibintang niyo!"

Napahinga siya nang malalim bago muling tumingin kay Jhunel. "May, nasa sa iyo kung maniniwala ka sa amin, pero hindi mapagkakatiwalaan si Derrick. I heard, their parents died because of your family."

Napatigil ako sa pagkurap sa narinig ko.

"At posibleng kaya ka niya dinala rito ay para maging hostage niya laban sa mga magulang mo."

Nanlalaki ang mga mata ko at tila ba nakalimutan mo nang huminga. No, this can't be the truth. Derrick is kind towards me. Hinding-hindi niya ako sasaktan. He was there when I needed someone the most.

"Sheen May, I can't let you go to his house. Ayokong mapahamak ka," giit pa ni Jhunel habang sinusundan akong maglakad. "Ngayon pang nakita na kita, hindi ako makakapayag na mawala ka ulit. Kailangan lang nating hanapin si Jhon Rey para magkaayos na kayong dalawa. Hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo. Hindi mo kailangang mag-stay pa sa traydor na 'yon."

Hinarap ko siya. "No, Jhunel! I need to know the truth! Hindi ako naniniwala sa mga ibinibintang niyo kay Derrick! Mabuti siyang tao! Kung ang mga magulang ko ang dahilan ng pagkawala ng mga magulang nila, sigurado akong hindi niya ako gagamitin para makapaghiganti!"

"But May—!" Hindi na natapos pa ni Neil ang salita niya nang itaas ko ang kamay ko.

"I trust him. Siya na lang ang pinagkakatiwalaan ko ngayon. Ayokong pati siya ay lolokohin din ako. Kailangan kong malaman ang totoo."

"God, Sheen May, you don't need to do this. I'm begging you. Let's just go home. I'll bring you to your parents. I swear, hahanapin ko si Jhon Rey."

"Kahit si Jhon Rey ay hindi ako mapapabalik sa pamilya ko," matigas kong sagot. "If anything bad happens to me, hindi mo na ito kasalanan, Jhunel. This is my decision. Labas ka na rito. If you're doing this to be forgiven, then I'll forgive you if you stop suppressing me." Tiningnan ko si Neil. "If ever you know where Jhon Rey is, tell him that I hate him so much and don't fucking mention that the baby inside me is his."

Sinara ko ang gate nang makapasok na ako sa bahay ni Derrick. Humugot ako ng buntong-hininga bago ko tinahak ang daan papunta sa walang kasiguraduhang kapahamakan.

Pinunasan ko ang luha ko. I need to confront him. I need to know the truth.

"May, saan ka galing?" salubong na tanong ni Danica pero hindi ko siya pinansin. Dumeretso ako sa kwarto ni Derrick at nakita ko siyang may kausap sa telepono.

"No, Quency, what do you mean kill her baby? Are you fucking insane?"

Napaawang ang bibig ko. I can't believe this.

"So you're really conspiring with her?"

Napalingon sa akin si Derrick. He looked shocked and immediately ended the call on his phone.

"Miss Velasco..."

Padabog ko siyang nilapitan at binigyan ng malakas na sampal. "You're planning to kill my child, how dare you?!"

Namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko. My teeth gritted in rage. "I can't believe this, Derrick! I trusted you!"

"Miss Velasco... I-I can explain."

"What else are you going to explain? Isn't what I heard enough already? You were talking to that wench! Is this all her plans? What about the wedding? That wedding invitation? Was that fake also? Answer me, Derrick!"

"Miss Velasco... I-I'm s-sorry..."

"You're sorry? Are you really sorry?" Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko. "Kailan pa? Kailan mo pa ako niloloko? Kailan ka pa nakikipagsabwatan sa kaniya? Bakit? Was it because of your parents? Tama ba ang narinig ko? Naghihiganti ka kaya ginagamit mo ako? Kaya ba wala ka sa city dahil niloloko mo si dad? Did you just go to our family to get revenge? All this time? And what are you planning to do to me? Kill me? Kill my child?"

"No, no... I won't do that, Miss Velasco. I swear. I am keeping you here because I want you to be safe."

"Safe? Safe from where? When you're conspiring to that woman! How am I supposed to believe that? Kasi ang nakikita ko kaya mo pinilit na dalhin ako rito ay para makapaghiganti ka sa pamilya ko!"

"Yes! That's what I thought about when I brought you here!" he shouted. "But that was before, Miss Velasco! Kaya nga ako umalis dahil ayoko nang ituloy! Ayoko na!  Ayoko nang saktan ka! Yes, I discovered your parents were the reason why my parents died. Your father bought our land here without our permission, which caused my parents to be depressed. They were forced to leave without a home. I was too young, both Danica and I. We don't have a home and we're living in the streets with a sum of money that isn't enough to buy another land. The next thing I knew they were dead.

"You don't know how much pain I tried to cover and I've been keeping you here not because I want to hurt you but because I want your parents to feel a little revenge from me. Pero naaawa ako sa 'yo. Hindi ko magawang saktan ka dahil masyado ka na ring nasaktan ng mundo katulad ko. Ako na lang ang mayroon ka ngayon. Kahit na puno ako ng galit sa pamilya mo, hindi ko magawang maghiganti dahil sila rin naman ang dahilan kung anong meron kami ngayon. At para bang ikaw pa nga ang tumanggap ng lahat ng parusa na sila ang may kasalanan.

"I can't hurt you, Miss Velasco. I can't hurt the woman I love."

I saw a glimpse of tears left from his eyes. I can't believe it. He finally said it.

Jhon Rey was right all this time. This guy has feelings for me.

*****

"May, kailangan mo ba talagang umalis?" tanong ni Danica habang pinipigilan akong mag-impake. "Hindi ba pwedeng dumito ka muna sa amin? You see, mas mahihirapan ka. Malapit ka nang manganak."

Napatingin ako sa may pintuan ng kwarto ko. Derrick wasn't there. In fact, he left... after the last time I confronted him.

"Ano bang pinagtalunan niyo ni kuya Derrick? Pinapaalis ka na ba niya rito? Bakit? Kasi kauusapin ko siya at pipiliting dumito ka muna kahit mga ilang buwan pa. Nag-aalala ako sa 'yo. Mas kailangan mo ng makakasama ngayon."

"I'll be fine, Danica. Masyado na akong matagal na naninirahan dito. Mas makabubuti kung aalis na ako."

"Please, May, kahit hanggang sa manganak ka lang. Please. After that, I will let you go kahit na hindi pa talaga pwedeng hayaan kang mag-isa. Please, please, just stay. Mababaliw ako kakaisip sa kalagayan mo kung aalis ka na ngayon."

Napabuntong-hininga ako habang kagat ang ibabang labi. Wala siyang alam sa naging pagtatalo namin ng kuya niya. Hindi niya alam na namatay ang mga magulang niya dahil sa pamilya ko. And Derrick did not bother to tell her all about this. Wala pa ngayon ang kuya niya at maiiwan siyang mag-isa rito kung aalis na rin ako.

"A-alright. I'll be staying hanggang sa manganak ako."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top