Chapter 36

"It is a boy," wika ni Doctor Paraiso. "Look at his nose, ang tangos, oh," dagdag pa niya. Hindi ko mapigilang mapaluha habang nakikita si Joshen sa screen. I am currently here at the clinic, lying on the bed having an ultrasound. Kasama ko rin si Derrick na inaalalayan ako.

"Ang cute," komento pa ng isang nurse. Malakas ang pagtibok ng puso ko at nagiging emosyonal ako habang pinanonood ang baby ko sa sceen. Hindi ako makapaniwala na ilang buwan na lang ay lalabas na siya mula sa sinapupunan ko. Ilang panahon na lang ay makakapiling ko na ang anak ko.

Hindi ko pa rin maiwasang isipin ang ama niya, pero madalas ay pinipilit kong kalimutan dahil ayokong maalala na ikakasal na siya sa iba. Sana lang ay matanggap ni Joshen na iniwan kami ng tatay niya.

"Tatlong buwan na lang ay makikita na natin kung sino ba ang magiging kamukha ni baby boy. Si mommy ba o si daddy?" biro ni Doctor Paraiso. Napalingon ako kay Derrick.

"Oh, about that, Doctor Paraiso. I am not the father of the baby."

Nawala ang ngiti sa mga labi ng doctor. "Ah, ganoon ba? I-I'm s-sorry... Akala ko ikaw. Palagi kasing ikaw ang kasama niya." Tinuro ako ng doctor. "I'm sorry, hija."

"Okay lang po. Wala pong ama ang batang nasa sinapupunan ko. Iniwan niya po ako, Doctor Paraiso. Magpapakasal na po siya sa iba." 

Napasinghap ang ibang nurse na nakikinig din sa amin. Lalong naging awkward ang atmosphere at pinanalangin kong sana ay matapos na ang ultrasound at ang check-up ko.

Nagngingitngit ang ngipin ko nang lumabas na kami ni Derrick sa clinic.

"Bakit kailangan mong sabihin 'yon sa doctor?" tanong ni Derrick.

"Ang alin?" Nilingon ko siya.

"Na iniwan ka ng ama ng batang dinadala mo."

Nagngitngit ang mga ngipin ko. "Bakit? Totoo naman, ah? Tsaka, ikaw ang nagsimula, Derrick. Sinabi mong hindi ikaw ang ama."

"Hindi naman talaga ako ang ama, Miss Velasco," malumanay niyang sagot. "Itinama ko lang siya."

Nanubig ang mga mata ko. "Alam ko naman 'yon, eh. Hindi mo naman kailangang ipamukha sa akin." Tumulo na sa pisngi ko ang luha. "Ginusto ko naman 'to, eh, kasi naniwala ako sa kaniya. Kasi nagtiwala ako. Minahal ko siya. Nagpabuntis ako, dahil akala ko hindi niya na ako iiwan. Akala ko gusto niya na ring magkaanak kami. Sorry kung pati kayo nadadamay sa katangahan ko. Sorry kung nagiging pabigat na ako.

"Sorry kung napakabobo ko. Sorry kung hindi ko inaayos ang buhay ko. Hindi ko rin alam kung paano ako napunta sa ganitong sitwasyon, Derrick. Hindi ko alam kung paano ko lalampasan ang mga problema ko. Masyado ba akong tanga sa pagdedesisyon sa buhay o hindi lang ako paboritong anak ng Panginoon kaya nararanasan ko itong lahat? Hindi ko alam kung paano ko pa aayusin ang buhay ko. Lalaki si Joshen nang walang ama. Makakagisnan niya ang mundong kami lang dalawa."

"Kung gano'n, gusto mo bang ako na lang ang tumayong ama ni Joshen?"

*****

Hindi ako nakatulog ng mga sumunod na araw simula nang sabihin iyon ni Derrick. Hindi ko inasahang lalabas 'yon sa bibig niya.

"Saan ka pupunta, Miss Velasco?" tanong ni Derrick nang makita niya akong lumabas ng bahay.

"Ah... m-magpapaaraw lang," simpleng sagot ko.

"Huwag kang lalayo. D'yan ka lang sa tanaw kita."

"O-okay."

Tuluyan na akong lumabas ng gate para maglakad-lakad. Si Danica naman ay abala sa pagtanggap muli ng manliligaw. Si Rey at Neil ay wala at nahihiwagaan ako kung bakit hindi sila bumibisita nitong mga nakaraang araw. May nangyari ba na hindi ko alam? Nag-away na naman ba si Rey at Danica?

Palibhasa kasi ay palagi lang akong nasa kwarto. Ni hindi na nga ako makapagturo sa bahay dahil madalas ay gusto kong humilata. Bumibigat na rin kasi si Joshen. Hindi ko na rin tuloy sigurado kung pumupunta pa si Rey at Neil.

Sandali, speaking of Neil. Naalala kong may sasabihin nga pala siya sa akin noong birthday ko, pero hindi niya na natuloy. 

Should I go to him? Should I ask him about that?

I was about to go to him when I saw a familiar face. Nanlaki ang mga mata ko nang makita niya ako. Agad akong tumalikod pero huli na dahil nakilala niya ako.

"Sheen! Sheen May!"

Muling bumalik sa alaala ko ang lahat. That night, because of him... I ended up being in a mess.

"Sheen May!"

Pinilit kong maglakad nang mabilis pero dahil buntis ako, nahirapan akong gawin iyon.

"Sheen May!"

Tuluyan niya na akong nahawakan.

"Sheen May, ikaw nga!" Maluha-luha niya akong tiningnan. Hindi siya makapaniwala na nakikita niya ako. Pero ako, siya ang pinakahuling taong gugustuhin kong makita. Siya ang dahilan ng bangungot na itong lahat.

"Bitiwan mo ako, Jhunel," matigas kong litanya sa kaniya. "Huwag mo akong hawakan!"

"Sheen May... no, I promise. I won't harm you."

"Naniwala na ako sa 'yo noon at tinanggap kita bilang kaibigan ko, pero anong ginawa mo?! Ikaw ang dahilan kung bakit kami nagkahiwalay ni Jhon Rey! Ikaw ang dahilan kung bakit hiniwalayan niya ako!"

"Nagkahiwalay kayo ni Jhon Rey? He broke up with you?" Bakas ang pagkagulat sa kaniyang mukha. Nakita niya ang tiyan ko. "Ibig sabihin, ang ipinagbubuntis mo... hindi sa kaniya iyan? Nag-asawa ka na ba rito? Kaya ba umalis ka sa atin? No, I can't believe this. Ang alam ko hinahanap ka niya. Matagal ka na naming hinahanap, Sheen May. Ako, matagal na kitang hinahanap, kami nila Anne, ng pamilya mo. Gustong-gusto kong magpaliwanag sa 'yo. Humingi ng tawad sa nagawa ko."

Tumulo ang mga luha mula sa mga mata niya, pero hindi na ako mapapaniwala ng mga iyon. 

"Hindi ko na kailangan ng paliwanag mo. Sira na ang buhay ko, Jhunel, and it is your fault. Bitiwan mo ako." Marahas kong tinanggal ang kamay niya sa braso ko. Nagulat ako nang lumuhod siya.

"Sheen May, please. I'm sorry. I was drugged. I was drugged that night. I already explained it to Jhon Rey. I swear, if I was in my right mind, I won't do that. I respect you and your relationship with Jhon Rey. Humingi na rin ako ng tawad sa kaniya."

Hindi ako nakapagsalita. Sinusubukan kong maniwala sa kaniya pero hindi na ako nakukumbinsi.

"It is my fault, not yours, Sheen May. Please, listen to me. I'll do everything para magkaayos kayo ni Jhon Rey."

Napabuga ako. "Hindi na kailangan. Nakausap mo siya 'di ba? Then that means, hindi niya talaga ako mahal."

"Anong hindi ka niya mahal?"

Tumulo na ang luha sa pisngi ko. "Kasi kung naipaliwanag mo na sa kaniya ang lahat, kung mahal niya ako, hahanapin niya ako, pero bakit magpapakasal siya sa iba? Bakit magpapakasal siya kay Quency?"

"W-what?!" He unbelievably asked that made him stand up. "Anong kasal? Putang ina, anong kasal, Sheen May? Kanino galing ang balitang 'yan? Kaya ba biglang nawala ang hayop na 'yon dahil magpapakasal siya sa iba? I can't believe this. Was that the truth? I am not convinced. Last time I checked he was mad at me, he wanted to kill me because of what I did. That also confirmed that he loves you, but why the hell he'll get married to that bitch? I told him, I was drugged that night and Quency did that to me. Hindi ba siya naniwala sa akin?"

"I don't fucking know, Jhunel, kaya bitiwan mo na ako. Hindi ako natutuwang nakikita kita."

"I know, I know, but what the hell is happening? I didn't know this." Pinunasan niya ang luha sa mga mata niya. "Kung alam ko lang na magiging ganito kagulo, sana hindi na talaga ako nagloko noon. I hate myself, Sheen May."

"As you should, Jhunel. You should be. You should hate yourself to death. Hindi ka pwedeng maging masaya habang miserable ang buhay ko," puno ng pagkamuhi kong sagot sa kaniya.

"I know, I know, and I'm really sorry. I can't believe this. I'm really sorry, Sheen May." Niyakap niya ako at sa sandaling iyon, hindi ko napigilang tanggapin ang yakap niya. Hindi ko na rin napigilang umiyak nang malakas.

"It is your fault, Jhunel. It is your fault." I punched his chest. "It is your fault."

"It is. It is, Sheen May. And I am really sorry. I'll fix this. I swear to God. I swear."

*****

Hindi ako makapaniwalang makikita ko si Jhunel dito sa probinsya. At hindi ko alam bakit kasama ko siyang naglalakad pabalik sa bahay.

Bakit ang bilis kong magpatawad at makalimot?

"Sheen May, are you sure you don't want to come back home? Hinahanap ka na ng mga magulang mo. Lalo na si Anne, she wanted to apologize for what happened at her birthday party. At sa tuwing nagkukrus ang mga landas namin, parang gusto niya na akong patayin. I mean, I understand."

"I don't have any plans to go back as of now, Jhunel. Hindi ko kaya. Knowing na ikakasal si Jhon Rey sa iba, hindi kakayanin ng puso ko. Baka ikamatay ko."

Bumuntong-hininga siya. "Are you really sure that he's gonna marry that girl?"

"I'm sure. I received a wedding invitation."

"Wedding invitation? Hindi ako kumbinsido. Kasi kung ikakasal si Jhon Rey at si Quency, siguradong laman iyon ng balita dahil mula sila sa malalaking pamilya."

"I don't know. Baka secret wedding?" Parang tinutusok ng libo-libong kutsilyo ang puso ko.

"Kanino mo ba nakuha ang wedding invitation na 'yan? Pinadalhan ka ni Jhon Rey? I don't understand."

"Derrick gave it to me, Jhunel."

"Derrick? You mean, 'your father's minion?"

Tumango ako. 

"Really? Paano naman siya magkakaroon ng wedding invitation ni Jhon Rey at Quency? Does it sound right?"

"Hindi naman magsisinungaling sa akin si Derrick. Bakit niya naman ako bibigyan ng pekeng wedding invitation kung gano'n?"

"I don't know. Hindi ba siya kahina-hinala?"

Umiling ako. "Bakit ko naman siya paghihinalaan? Siya nga ang tumulong sa akin."

Napatigil siya sa paglakad kaya napalingon ako sa kaniya. "What do you mean he helped you?"

"H-ha? Sa kaniya ako tumutuloy. Noong gabing umalis ako sa amin, dinala niya ako rito."

"Oh, God. This is not good, Sheen May."

"What do you mean?"

"Did I tell you before that he's kinda creepy?"

"H-huh?"

"He's been tailing you ever since we started dating, Sheen May, or maybe even before that. And from what I heard from you, he must be hiding something."

"Hindi kita maintindihan."

"Mas makabubuti kung hindi ka na babalik sa kaniya, Sheen May."

"At bakit?"

"Sumama ka na lang sa akin."

Napabuga ako. "W-what?! No?! Bakit ako sasama sa 'yo?! Ni hindi ko nga alam bakit ka napadpad rito!"

"Oh, about that. I totally forgot. I was about to meet my cousin."

"Your cousin?" 

"Jhunel?" Pareho kaming napalingon ni Jhunel nang may tumawag sa kaniya. "May? Magkakilala kayo ng pinsan ko?"


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top