Chapter 32

Kinabukasan, maaga akong nagising nang marinig ko ang ingay sa labas ng bahay. Laking gulat ko nang dumungaw ako sa veranda nang makita ang hanay ng mga lalaking naroon at naghihintay.

Don't tell me, lahat ng mga iyon ay manliligaw ni Danica?

"Ganiyan talaga iyan sila tuwing umaga."

Napalingon ako at nakita kong kalalabas lang sa kwarto ni Danica. Halos mapanganga ako nang makitang ayos na ayos na siya habang suot ang kaniyang simpleng bestidang puti samantalang ako ay mukha pa ring bruha na lumabas ng kwarto sa kamamadali. Namamaga pa nga ang mga mata ko dahil sa walang humpay na kaiiyak kagabi habang kakuwentuhan si Danica.

"Kahit ilang beses ko na silang tanggihan, bumabalik at bumabalik pa rin sila para patunayan ang kanilang mga sarili."

Hindi ko maiwasang magdamdam. Bakit si Jhon Rey, hindi ganoon? Tatanggapin ko naman siya kung sakaling humingi siya ng tawad sa akin at bawiin niya lahat ng sinabi niya.

Lumipas ang oras na nanonood lang ako kay Danica mula rito sa isang gilid habang kinakausap niya ang iba't ibang mga lalaki sa hardin. Ako na nga lang ang kumukuha ng mga bulaklak at pagkaing ibinibigay sa kaniya. May kung anu-ano pang regalo. Ganito ba talaga ang panliligaw sa probinsya? Kahit isang beses ay hindi ako nakatanggap ng bulaklak noon.

May mga nag-aalay pa ng mga kanta, may mga tumutula rin at mula sa di kalayuan ay napansin kong naroon din si Neil kasama ang kaibigan niyang si Rey.

Nagtagpo ang mga mata namin ni Rey. Sa isang sandali, bumalik na naman sa alaala ko si Jhon Rey.

"May, para sa 'yo nga pala." Napatunghay ako upang siguraduhin kung ako ba ang kinakausap. Napatunayan kong ako nga dahil nakita ko si Rey sa harap ko na may hawak na bulaklak. "Gusto kong humingi ng tawad sa inasal ko kagabi. Sorry kung inakala kong gusto mo rin akong makasayaw. Hindi na talaga mauulit. Patawarin mo na ako."

Tuluyan nang kumawala ang luha sa mga mata ko.

"M-may? B-bakit ka umiiyak?"

Tumayo ako mula sa upuan upang lumabas, pero sinundan niya lang ako. "Sandali, May! Saan ka pupunta?"

Nagpatuloy lang ako sa paglakad para makalayo sa kaniya. Ayokong makita ang mukha niya. Naaalala ko lang si Jhon Rey. Naaalala ko lang ang gabing tinapos niya ang lahat sa amin. Naaalala ko lang na kahit anong paglayo ang gawin ko, hindi niya ako hahanapin dahil hindi niya ako totoong mahal. Hindi siya hihingi ng tawad sa akin at hindi niya babawiin ang mga sinabi niya. Na sa pag-alis ko at paglayo sa kaniya, ako pa rin ang talo, ako pa rin ang kulang, dahil ako lang naman ang nagmamahal sa aming dalawa. Ako lang ang may pakialam sa kaniya.

Tuluyan nang bumuhos ang ulan at kasabay no'n ang lalong panlalabo ng mga mata ko.

Jhon Rey, bakit ba palaging ako lang ang nahihirapan?

Huli na nang malaman kong may bato sa harapan na ikatatalapid ko. Mabuti na lang at may humigit ng kamay ko kaya hindi ako nasubsob sa lupa.

"Sheen May!" Nasalo niya ako. "Sheen May! Sheen May!"

Para akong nawala sa sarili na nakatulala dahil hindi makapaniwala sa nakikita. Mas lalo akong humagulgol nang makita ko sa harapan ko ang lalaking dahilan ng pag-iyak ko.

"Jhon Rey! Jhon Rey!" Mahigpit ko siyang niyakap. "Jhon Rey... narito ka... nahanap mo ako. Jhon Rey..."

Malakas ang pag-iyak ko na para bang wala akong pakialam sa mga tao sa paligid na nakakakita sa amin. Wala na akong pakialam. Kakalimutan ko na ang lahat ng nangyari. Narito na siya. Narito na ang mahal ko. Hinanap niya ako.

"Jhon Rey... I'm sorry. I'm sorry, umalis ako. I'm sorry."

"No, baby. I'm sorry. Ako ang may kasalanan. I'm sorry. It is my fault. I'm sorry." Hinahaplos niya ang likod ko at ang buhok ko at katulad ko ay umiiyak na rin siya. "I'm sorry, I was eaten by jealousy. I'm sorry I said those hurtful words. I'm sorry, I promised to be a better man but I left you. I'm sorry. I'm so stupid. I'm sorry. I'm sorry, Sheen May. I won't do it again. I promise."

Tumango-tango ako, pero sandali lang ay naramdaman ko nang dumilim ang paningin ko. Ang naaalala ko na lang ay bumagsak na ako nang tuluyan sa kaniya.

"Anong nangyari? Bakit mo ba kasi siya hinahabol, Rey?!"

Nagising ako sa boses ng isang babae.

"Gusto ko lang namang humingi ng tawad. Ito pa nga 'yung bulaklak, peace-offering ko, pero katulad ng ginawa niya noong una kaming magkita, umiyak na naman siya! Nagtataka nga ako, eh! Wala naman akong ginagawa!"

"Eh kasi ayaw niya nga sa 'yo, 'di ba?! Bakit ba ang kulit mo?"

"Sinusubukan ko lang namang makipagkaibigan."

Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko. What welcomed me was my room that Danica lent me.

Unti-unti akong bumangon upang hanapin ang huling taong nakita ko bago ako mawalan ng malay.

"May, gising ka na." Lumapit sa akin si Danica. Naroon din si Rey at Neil, pero ang taong hinahanap ko ay wala.

"S-si Jhon Rey?"

"Jhon Rey?" tanong nila.

"Oo, si Jhon Rey, ang asawa ko. Nasaan siya?"

Nagkatinginan silang tanong.

"M-may asawa ka na? At kahawig pa ng pangalan ko? Kaya ka ba umiiyak palagi kapag nakikita ako?"

Kumunot ang noo ko sa mga tanong ni Rey. "Hindi ako nakikipagbiruan. Kasama ko si Jhon Rey kanina. Muntikan pa nga akong matalapid pero sinalo niya ako. Siya ang kasama ko kanina sa ulan. Siya ang kayakap ko. Danica, nahanap na niya ako. Uuwi na kami. Humingi na siya ng tawad sa akin at binabawi niya na ang lahat ng sinabi niya."

"May, walang Jhon Rey. Si Rey ang kasama mo sa ulan kanina. Siya ang nagdala sa 'yo rito sa bahay."

Nawalan ako ng hininga sa sinabi niya. Agad akong bumangon at lumabas ng kwarto para hanapin si Jhon Rey. "No, Danica! Alam ko ang nakita ko! Nayakap ko siya! Niyakap niya ako! Jhon Rey was there! Huwag niyo nga akong lokohin!"

"P-pero, May, si Rey lang talaga ang kasama mo kanina."

Napatingala ako sa hagdan. Tatlo silang naroon na nakatingin sa akin.

"Sinasabi niyo bang nababaliw na ako?! I swear! Nakita ko siya kanina! Kasama ko si Jhon Rey!"

"May, huminahon ka. Bumalik ka na rito. Kailangan mo pang magpahinga. Mataas ang lagnat mo."

"No! Hindi ako babalik sa kwartong iyan hangga't hindi ko napatutunayang si Jhon Rey nga ang kasama ko kanina!"

Umiling-iling ako at hindi nagpaawat na pumunta sa may labas kahit pa malakas ang ulan. Umaasang sa pagbukas ko ng gate ay makikita ko si Jhon Rey, pero iba ang nakita ko...

"Miss Velasco, what are you doing here in the rain?" It was Derrick, looking so worried about me.

"Derrick, ibalik mo na ako sa amin. Gusto ko nang umuwi. Nakita ko si Jhon Rey kanina. Pinuntahan niya ako. Nagsorry na siya sa akin. Uuwi na ako."

"S-si Jhon Rey? Narito siya?"

"Oo, kanina. Nakita ko siya sa ulan, pero nawalan ako ng malay. Paggising ko wala na siya."

"Are you sure that it was him? Paano ka niya matutunton dito? It is impossible, Miss Velasco. At isa pa, kaya nga ako narito para ipaalam sa 'yo ang lahat."

"A-anong lahat?"

Bumigat ang paghinga ko nang makita ko ang inilabas niyang isang sobre. Hindi lang basta isang sobre kung hindi isang wedding invitation.

Nawalan ako ng lakas nang makita ko ang mga pangalang naroon.

Jhon Rey & Quency

"N-no. No, Derrick, This is not true. Paanong magpapakasal si Jhon Rey at Quency? No! Hindi ito totoo! Ako ang mahal ni Jhon Rey! Ako ang mahal niya! Napatunayan niya na iyon sa akin! Nakita mismo ng mga mata kong ako na ang mahal niya, Derrick!"

"I'm sorry, Miss Velasco, but this is the truth. Nagkabalikan na si Jhon Rey at Quency. Niloko ka nila. Niloko ni Jhon Rey ang pamilya mo. Hindi totoong mahal ka niya. At ngayon, masaya na siya sa piling ng totoong mahal niya. Malapit na silang ikasal ni Quency."

Nadurog ang puso ko ng balitang iyon. Para akong masisiraan ng bait. Nanghihina ang mga tuhod ko at napasalampak na lang ako sa sahig. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos ng mga luha ko.

No. This can't be. Jhon Rey, you can't betray me like this. I loved you. I deeply trusted you. Bakit sasaktan mo ako nang ganito? Sobra ka naman.

"Miss Velasco, listen to me." Umupo sa harapan ko si Derrick. "Going back to your hometown will just bring you deepest despair so I suggest take your time living here. Narito kami. Tutulungan ka naming makabangon. Hindi mo kailangan ng lalaking paglalaruan lang ang puso mo. For now, let yourself heal and recover. Magpalakas ka."

Paano ako magpapalakas? Gusto ko na ngang mamatay. Ganito na lang ba palagi? Dahil ba hinahayaan kong gawin ito sa akin ng taong mahal ko, kaya paulit-ulit niya akong pinagmumukhang tanga?

I can't believe this. Muli na naman akong naloko. Hindi ako makapaniwalang napapaikot talaga ako ng taong iyon at hanggang ngayon, sarili ko ang sinisisi ko at hindi siya, dahil ako ang naging tanga.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top