Chapter 31
"Ayos ka lang, May?" tanong sa akin ni Danica nang makaupo kami sa isang kainan dito sa bayan. Tumango ako. Nanibago pa ako sa paraan ng pagtawag niya sa akin.
"Totoo? Nakita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha mo noong magpakilala si Rey John. Namumula rin ang mga mata mo. Lumuha ka ba? Bakit? May mali ba sa pangalan niya?"
Umiling ako. Nagbabadya na namang pumatak ang mga luha ko. "N-naalala ko lang 'yong nobyo ko."
"M-may nobyo ka?"
"Dati, pero nakipaghiwalay siya."
Nakita ko siyang ngumanga. "I'm sorry to hear that. Kaya ka ba narito para makalimutan mo siya?"
Umiling ako. "Hindi ko makakalimutan ang taong mahal ko. Masyadong mahirap at imposible."
"Kung gano'n bakit ka narito?"
Tumingin ako sa kaniya. Nakita ko sa kaniya ang pagkabahala na parang kahit ngayon ko lang siya nakilala ay handa siyang makinig at hindi ako huhusgahan. Parang nagkaroon ako ng Anne Marie dito sa lugar na ito.
"Para maging ligtas ang batang dinadala ko sa lahat ng sakit."
Mas lalong nanlaki ang mga mata niya. "B-buntis ka?"
Tumango ako. "At inilayo mo ang bata sa ama niya? Tama ba ang pagkaintindi ko?" Halatang nagpa-panic siya sa mga nalaman niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil naaalala ko si Anne sa kaniya.
"Hindi ko nasabi sa kaniyang magkakaroon kami ng anak. Balak ko kasi sana siyang sorpresahin sa kasal namin."
"Ano?! Ikakasal ka na dapat? Sandali, hindi ko kinakaya ito!"
Kumuha siya ng tubig para inumin at kahit malamig sa lugar kung nasaan kami ay nagbukas siya ng pamaypay para paypayan ang kaniyang sarili.
"Bukod sa nababahala ako para sa 'yo, nag-aalala lang din ako sa kapatid ko. Alam kong mayaman ang mga taong nakapaligid sa kaniya at lalo na sa 'yo. Ano na lang ang gagawin nila sa kuya ko kapag nalaman ng magiging asawa mo na tinago ka ni kuya rito? Gayong buntis ka pa sa ex mo?"
"Hindi alam ng kuya mo na buntis ako. At sisiguraduhin ko namang hindi siya mapapahamak dahil sa akin. Kaya huwag kang mag-alala, kung mahanap man nila ako, hindi ko idadamay ang kapatid mo."
Tila ba nakahinga siya nang maluwag. "Hindi ako makapaniwala. Kaya ayokong mag-asawa, ginagawa niyang komplikado ang buhay."
Natawa ako sa paratang niya.
"Bakit? Hindi ka pa ba nakakaranas magmahal?"
Nakita kong nag-iba ang reaksyon niya. "H-hindi pa." Pero mukhang nagsisinungaling siya dahil nakita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi.
"Crush? May crush ka, ano?"
"Hindi ako lumalabas ng bahay kaya paano ako magkaka-crush?" sambit niya.
"Syempre, pinupuntahan ka. Siguro isa sa mga manliligaw mo, crush mo," pang-aasar ko pa. Mabuti naman at nalihis ang usapan namin tungkol sa kaniya dahil ayokong umiyak dito sa kainan. Masyadong maraming tao.
"Hindi 'no! Kumain na nga lang tayo!"
Natawa ako bago piniling tigilan na ang pang-aasar sa kaniya. Natuwa ako dahil bumili siya noong pork na maliliit ang pagkakahiwa into cubes and then may kasamang onion and chili. Pinatakan din iyon ng kalamansi. Ngayon lang ako nakakain nito pero solid ang sarap.
Pagkatapos naming kumain, niyaya naman niya ako sa peryahan. Kaya pala may kasiyahan dito sa plaza ay dahil malapit na ang pyesta. Hindi ko na naman tuloy maiwasang maalala ang pagpunta namin ni Jhon Rey noon sa isang fair.
Mabuti na lang at iba ang nilaro namin ni Danica. 'Yong hinahagisan ng piso 'yung box para may makuhang premyo. Ang sabi niya ang target niya raw na makuha ay 'yong isang set ng plateware kasi maganda raw ang design. Sumang-ayon naman ako at naubos nga ang mga barya namin para lang mapanalunan ang prize na 'yon. Tingin ko mas makakatipid kami kung bumili na lang.
Nawala ang ngiti ko nang makita ko ang malaking ferris wheel. Hindi ito kasing taas at ganda ng pinuntahan namin ni Jhon Rey pero dahil parehong ferris wheel, naalala ko na naman siya. Imposible talagang makalimutan ko siya dahil kahit anong bagay ang makita ko siya ang naaalala ko.
Nakarinig kami ng malakas na tugtog mula sa gitna ng plaza. Doon sa may maliit na stage na may nagsasalitang babae na nagpapahayag kung anong oras na. Hindi ko namalayang inabot na rin pala kami ng hating gabi ni Danica rito sa labas.
Naglakad kami papunta roon dahil na-curious kami kung anong mayroon sa gitna. Mabagal na ang kanta at nag-iba na ang mga ilaw na sumasayaw sa hangin.
"Hindi pa ba tayo uuwi, Danica?" tanong ko.
"Tingnan mo, May, may nagsasayawan," sambit niya sabay turo sa mga taong nasa gitna ng plaza. May mga babae't lalaking magkakapareha habang magkayakap na sumasayaw.
Napabuntong-hininga ako. How I wish I can dance like that with Jhon Rey too.
Hindi pa man kami nakakaupo sa may bleacher ay may lumapit na sa aming mga lalaki. Si Rey John at hindi ko kilala ngunit ang hula ko ay siya ang tinutukoy na Neil kanina. Nakatingin ang lalaking iyon na may pagka-tan ang kulay which made him so manly sa babaeng katabi ko. Medyo kulot ang buhok niya pero hindi mo rin naman maipagkakailang mabibilang sa top 10 na gwapo sa lugar na ito.
"Danica, kay ganda ng mga bituin ngayong gabi at tila ba sila'y kumikinang para sa 'yo na para bang ikaw ang reyna nila."
Napanganga ako sa sinambit ng lalaking iyon. Hindi ko inaakalang tutunog palang katanggap-tanggap sa damdamin ang mga linyahang iyon kung manggagaling sa isang probinsyano. I give him 10 out of 10.
"Ako nga ang reyna nila kaya katulad nila ay hindi mo rin ako maaabot."
Nagulat ako sa pambabara ni Danica sa pobreng lalaki. Sad! Hindi umabot sa kalingkingan ni Danica ang banat niyang iyon. Mukhang may maagang uuwi sa bahay at magmamaktol.
"Miss Beautiful, pwede ba kitang maisayaw?"
Napatingin ako kay Rey John nang ilahad niya ang kaniyang kamay sa harap ko. Agad akong lumingon kay Danica para tulungan akong pigilan ang lalaking nasa harap ko. Seryoso ba siya?
Pero nakatitig lang si Danica kay Rey John na para bang sumama ang timpla niya sa tinuran ng binata. Parang nakapansin ako ng kakaiba. Tama kaya ang hinala ko?
Umiling ako kay Rey John. "Hindi ako marunong sumayaw."
"Madali lang iyon. Halika tuturuan kita."
Hindi na ako nakatanggi nang hawakan niya ang kamay ko at hinila niya na ako sa may gitna. Lumingon ako kay Danica at nakatingin siya sa dako namin. Kita ko ang lungkot at doon ko nasigurong tama nga ang hinala ko. May lihim na pagtingin si Danica sa mokong na ito.
Sinamaan ko ng tingin si Rey John nang ilagay niya ang mga kamay ko sa balikat niya. Pati na rin ang mga kamay niya sa bayawang ko.
Doon ako kinilabutan. Lalo na nang inihakbang niya ang kaniyang paa at para bang tinuturuan ang paa kong sumunod sa galaw niya. Napakagat ako sa labi ko habang may napagtatanto. Tama, hinahayaan ko lang sila na gawin ito sa akin na para bang wala akong choice. Na para bang takot akong mapahiya sila kaya pinapabayaan ko lang. Hindi ko ba kayang ipaglaban ang sarili ko? Hindi ko ba kayang sabihin at panindigan na ayaw ko? Kaya siguro ganoon na lang nagalit si Jhon Rey sa akin dahil hinayaan ko lang si Jhunel na halikan ako. Hinayaan kong mangyari iyon.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ito tama. May anak na ako, bakit pa ako papayag na isayaw ng lalaki?
Inalis ko ang mga kamay ko sa balikat niya. Napatigil naman siya sa ginawa kong iyon.
"May problema ba, Miss Beautiful?"
Tinitigan ko siya. Halata sa mukha niya ang tanong kung may nagawa ba siyang mali.
"Hindi ko gustong sumayaw kaya huwag mo akong pilitin," sambit ko bago ako umalis sa harap niya. Nagmadali akong maglakad papunta kay Danica na ngayo'y ginagambala ng Neil na iyon.
"Danica, halika na. Umuwi na tayo."
"B-bakit? Bakit uuwi na kaagad kayo?" tanong ng lalaki na para bang naba-badtrip dahil hindi pa niya nakakasama nang matagal ang taong gusto niya.
"Bakit hindi?" sagot ko. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tapang na iyon. Kay Danica ba?
"Kung kayo lang din naman ang sisira ng gabi namin. Bakit hindi pa kami uuwi?" mataray ko pang sagot na ikinagulat ni Danica.
"Kapag ayaw namin, ayaw namin! Huwag niyo kaming pilitin! Kapag sinabing hindi ka gusto, hindi ka gusto!" sigaw ko pa na nakapukaw ng atensyon ng iba.
Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero napalingon siya sa lalaking humabol sa akin. "Rey, anong ginawa mo? Bakit siya nagagalit sa akin?"
"Pinilit ko kasi siyang sumayaw," sagot naman ni Rey John bago siya tumingin sa akin. "Pasensya ka na. Akala ko'y gusto mo rin."
Kumunot ang noo ko. "Ano sa pag-iling ko ang hindi mo naintindihan?"
Naramdaman kong hinawakan ni Danica ang balikat ko na para bang pinatitigil niya ako. "Hindi siya ang nobyo mo kaya huwag ibunton sa kaniya," bulong pa niya na naging dahilan para himasmasan ako.
"Sorry na. Hindi na mauulit. Hayaan niyong ihatid namin kayo sa inyo para makabawi sa nagawa naming mali," saad niya. "Kung iyon lamang ang iyong mamarapatin."
Napasinghap ako. Mabilis naman pala siyang matuto. Tutal, it was almost midnight, mabuti ngang may kasama kaming lalaki sa daan para hindi kami mapaano unless kung sila 'yung gagawa ng masama sa amin.
"Hindi kami lalapit sa inyo. Sa likod lang kami. Tatanawan lang namin kayo. Pangako," sabat naman ni Neil na para bang nagkasundo sila ng kaibigan niya sa pamamagitan lang ng pagtingin at pagtango.
Sumulyap ako kay Danica. Mukhang gusto rin naman niyang makasabay ang lalaking palihim niyang natitipuhan. Eh di, hayaan ko na lang na ihatid nila kami.
"Sige, siguraduhin niyo lang na hindi niyo kami gagawan ng masama dahil hindi niyo kilala ang pamilya ko," banta ko na mukhang ikinatakot naman nila.
Pakiramdam ko isa akong nanay na may tatlong malalaking anak plus may ipinagbubuntis pa. Although mukhang malalapit lang ang mga edad namin ay para akong nagmukhang matanda dahil sinusunod nila ako. Ganito ba ang tingin nila sa mga bagong salta sa probinsya?
Ilang minuto pa kaming naglakad nang makarating kami sa tapat ng bahay nila Derrick.
"Umuwi na kayo! Salamat sa paghatid sa amin!" sigaw ko bago ko pinapasok si Danica at sumunod ako. Sinara ko nang maigi 'yong gate.
Wow, parang ako ang may ari.
"Anong nangyari sa inyo ni Rey? Bakit mo siya iniwan kanina sa dance floor?" tanong ni Danica hindi pa man kami tuluyang nakakapasok sa veranda.
Sinulyapan ko siya. "Alam ko kasing magseselos ka kaya umalis ako," sambit ko dahil hindi ko naman gustong sabihin ang dahilan ko na naalala ko ang nangyari sa akin noon.
"Ha? Anong selos? Bakit ako magseselos?" Nagmamaang-maangan niyang tanong bago tuluyang maghubad ng sandals at pumasok sa bahay.
"Bakit nga ba?" tanong ko bago ko hulihin ang kaniyang mga mata.
"Hindi mo maililihim sa akin ang mga matang iyan. Ganiyan ko rin tingnan ang boyfriend ko. Puno ng pagmamahal."
"Hindi ko naman mahal si Rey," pagpapatuloy niya bago kumuha ng tubig sa ref at ininom iyon.
"Gusto palang? Hayaan mo, wala naman akong balak sabihin sa kaniya. Dapat lalaki ang unang gumagawa ng move. Huwag na huwag kang aamin sa kaniya."
Napahinga siya nang malalim. "Mukhang tatanda talaga akong dalaga," pagkompirma niya sa paratang ko sa kaniya.
Sinasabi ko na nga ba.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top