Chapter 28

"Well, honestly speaking, I still have feelings for my ex, Jhon Rey."

Tang ina kung pwede lang magmura.

Bakit kailangan niyang sabihin 'yon sa harap ni Jhon Rey?

Bakit? Bakit ba pinili kong pumunta rito? Bakit ako pumayag?

Base sa mga naririnig ko sa mga kaklase ko, mukhang nagulat din sila sa sinabi ni Jhunel. Kailan niya ba balak tumigil?

Binigyan din ako ni Anne ng masamang tingin, but all she did was shrug and inform me that she had no control over the situation.

Hindi ko mapigilang isipin ang nararamdaman ni Jhon Rey. Seloso pa naman ang isang ito. Ano na lang ang iisipin niya at mararamdaman?

Nakita kong uminom siya ng alak.

"Jhon Rey..." pagtawag ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin. Halata sa ugat niya sa gilid ng noo ang pagkainis. Paano ko pakakalmahin ang isang ito?

"Okay! Ako naman!" Jhunel announced as he approached the table. Mabilis niyang pinaikot ang bote at kapwa napatingin sa akin ang lahat nang makitang tumapat iyon sa akin. "Truth or dare?" tanong ni Jhunel habang nakatitig sa akin. The hell, what's with him? I'm pissed off.

"Dare na 'yan!" giit ni Anne. "Puro na kayo truth, nagiging boring na ang laro!"

Napabuntong-hininga na lamang ako. Kung hindi lang talaga birthday nitong kaibigan ko, tatanggihan ko siya.

This party, which had the purpose of unwinding our stress, became the cause of my breakdown.Why am I stuck in this situation?

"Dare," bigkas ko.

"Okay. I'm going to make it simple for you. I dare you to tell Jhon Rey that you do not love him and that you prefer to be with me."

"Ano?" singhal ko. Nasisiraan na ba siya ng utak?

"Don't take it so seriously, Sheen May. Unless, totoo." Napabuga ako.

"Sheen May, you have the option to not tell him that. You can drink alcohol, right?" suhestiyon ni Aaron na para bang naiinis na rin sa nangyayari. Siya lang talaga ang parang kakampi ko ngayon.

"Yeah, you can choose to drink that bottle of beer," may diing sabi sa akin ni Jhunel na para bang may pinaaalala sa akin. Tama, hindi ako pwedeng uminom ng alak dahil buntis ako.

"Or tell him that you don't love him at ako ang totoo mong mahal."This is complete bullshit. A pure ficking game that has the potential to ruin our relationship.

Pero maiintindihan naman ni Jhon Rey ang gagawin ko, hindi ba? Hindi ako pwedeng uminom sa sitwasyon ko.

Huminga ako nang malalim bago ako humarap kay Jhon Rey. Our eyes met, and I could clearly see how disappointed he was with me dahil para bang alam niya na kung anong gagawin ko.

"I'm sorry, Jhon Rey, hindi kita mahal. Si Jhunel ang mahal ko at ang gusto kong makasama."

I saw how he wanted to curse but chose to take the glass of wine before gulping it down. Padabog siyang tumayo bago lumabas ng kwarto. "Wait, Jhon Rey!" Hinabol ko siya, pero ang bilis niyang maglakad. Naalala ko tuloy noong araw na nag-date kami sa BGC. "Jhon Rey, hintayin mo ako! Saan ka pupunta?"

Napansin kong pumunta siya sa likod ng bar kung saan ako naroon kanina. "Teka lang, Jhon Rey! Sandali!"

Tumigil siya sa paglakad tsaka lumingon sa akin. I saw the rage written all over his face.He loosened his necktie before staring at me darkly.

"Did you do it here?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya.

"Huh?"

"Dito ba kayo naghalikan? Ano pang ginawa niyo? I saw him coming out of here after you."

My breathing went shallow as my pulse quickened. Hindi ako nakapagsalita kaagad. Nauuna ang takot at kaba sa dibdib ko dahilan para hindi ako makahanap ng salita para ipaliwanag sa kaniya ang lahat. Maging ang tapang ko'y nawawala.

"Are you having an affair? Nagkikita ba kayong dalawa habang nakatalikod ako at nagtatrabaho para sa future natin?! Sabihin mo, Sheen May, sumasalisi ba kayong dalawa?!" sigaw niya na punong-puno ng galit sa akin.

"No, Jhon Rey, why would I do that?"

"Sana hindi mo na lang ako niyaya rito kung ganito lang pala ang madadatnan ko! Sana ginawa niyo na lang palihim! Siguro, gusto niyong makita ko talaga, ano?!"

"No, Jhon Rey."

"I feel belittled! Pinagkakaisahan niyo ako sa loob, eh, Sheen May! I keep telling myself to keep my cool, but the more I think about it, the more I want to hit him in the face. Baka nga napatay ko na ang lalaking 'yon kung hindi ko pinigilan ang sarili ko. Why are you doing this to me? Gusto mo bang nasasaktan ako?"

Bumagsak ang luha sa pisngi ko. Hindi ko maatim ang mga masasakit na salitang binibitawan niya para sa akin. Para akong sinasaksak, sinisira ang puso kong walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin siya. Na para bang nawala na parang bula ang Jhon Rey na mahal na mahal ako. Nakikita ko ang galit niya sa akin dahil nasasaktan siya.

I bit my lip as I tried to calm him down. "There's nothing between us, Jhon Rey. Please believe me. Ikaw ang mahal ko."

"But you chose to tell our classmates that you don't love me, and you love your ex-boyfriend and even want to be with him. Anong gusto mong paniwalaan ko ngayon?"

"That was just a game, Jhon Rey," paliwanag ko.

"Putang inang laro 'yan, Sheen May!" He yelled, causing some people in the restroom to look at us. I saw that Jhon Rey noticed that, so he walked away. Fuck, even in this situation, he still thinks about me.I followed him because I didn't want this day to end with us fighting. I want to fix this.

"Jhon Rey, please, hayaan mo akong magpaliwanag. Hindi ko sinabi sa 'yo ang nangyari kanina dahl ayokong magselos ka o kung ano man. Natatakot akong sabihin sa 'yo. Hindi ko naman ginustong ilihim sa 'yo na hinalikan niya ako kasi maging ako'y nagulat din."

Napahawak siya sa kaniyang sintido na para bang hindi makapaniwala.

"Hinalikan ka niya, at pinili mo pa ring mag-stay sa lugar na ito? At pinili mo ring sabihin sa mukha ko siya ang mahal mo." Sarkastiko siyang tumawa.

"I can't believe this. I've been trying to do my best to treat you better and to compensate for all the things I've done before, pero ganito ang isusukli mo. Siguro nga kasalanan ko itong lahat kaya wala akong karapatang magreklamo." Huminga siya ng malalim.

"Hindi ako makapaniwala. Sana inabisuhan mo ako. Pinipilit kong matapos nang maaga ang trabaho ko para mapuntahan kita agad at masolo kita nang walang nang-aabala kasi alam ko namang nawawalan na ako ng oras sa 'yo, pero hindi ko lubos maisip na ganito ang-" Nabasa ang boses niya. Nakita ko ang kaniyang pag-iyak na pilit niyang ikinukubli sa pamamagitan ng pagtakip sa kaniyang mukha.

Sinubukan ko siyang lapitan pero umatras siya. "Natatakot ako na baka maghanap ka ng iba dahil nawawalan na ako ng oras sa 'yo, pero heto na nga, nangyayari na."

Muli niya akong tiningnan, kasabay ng pagpunas niya ng kaniyang luha at pagtitig sa akin na parang blangkong papel. "Napakamakasarili ko naman kung isisi ko sa 'yo itong lahat dahil unang-una ako naman ang nagkulang. What do you think, Sheen May? Should we give it a time?"

Napugto ang hininga ko. "A-anong ibig mong sabihin? What are you talking about?"

"Do you want to rethink it all over?"

Umiling ako. "No, no, please no, Jhon Rey, don't do this. Nakikiusap ako sa 'yo. It was all just a misunderstanding."

"No, actually, I understand you. I have a lot of things on my plate, and I can't prioritize you well. How can I be your husband if I have no time for you? It will just cause a big mess, and eventually, you'll find someone else because I can't give you enough for your needs even if I give it all I have. This is my fault. Jhunel kissed you because he thought you weren't happy with me. He wouldn't think that way if I just took care of you as I promised.

"And you can't even be honest and share things that bother you with me as if I weren't reliable enough."

Nanlumo ako. Puno na ng mga luha ang dalawa kong mata. Nasasaktan ako nang todo. Hindi ko gustong mangyari itong lahat sa amin. God, please tulungan mo ako. Ayokong magkahiwalay kaming muli.

"Let's just meet again once you find yourself being honest with me."

That completely shatters my life.

"Nakikipaghiwalay ka na ba sa akin, Jhon Rey?" hindi makapaniwalang tanong ko. Napakadali lang ba sa kaniyang sabihin iyon? Na maghiwalay na kami?

"That's what we need. Our relationship needs some break." Muli niya akong binigyan ng makahulugang tingin.

"Let's break up."

And there he left me.

At hindi na siya lumingon pang muli.

That was the last time I saw him.

And everything went black.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top