Chapter 25
Binati akong kaagad ni Anne nang makita niya akong lumabas ng examination room. "Oh, my god, Sheen may! Grabe ang kaba ko! Hindi ko alam kung tama ang mga sagot ko! Paano kung bumagsak ako?!" sobrang OA niyang bitaw.
"Napakaimposible. Alam kong mas matalino ka kaysa sa akin. Magaling lang naman ako sa acads kasi palagi akong nag-aaral, pero ikaw naturally inborn na matalino."
"Heh! Huwag mo nga akong lokohin! You're just being humble! Ako itong na-mental block kanina at lahat ng inaral ko biglang nawala sa isipan ko ng makita ko ang mga punyetang papel na 'yon! Tingnan mo ang eyebags ko! Parang nawalan ng saysay lahat ng paghihirap ko! Babagsak yata ako!" Natawa naman ako nang ituro niya sa akin ang ilalim ng mata niya. Walang makakapagtago ng mga eyebags na 'yon kahit ilang concealer pa ang pagpatungpatungin.
Wala pang isang minuto nang dumating naman si Jhunel na siyang kalalabas lang din sa kabilang exam room. Kinawayan niya kami bago siya lumapit sa amin.
"Sheen! Anne! Tuloy ba ang birthday party mo mamayang gabi?" tanong nito.
"Oo naman! Sinong may sabing hindi?" bira ni Anne Marie. "Bakit mo tinatanong? Binabalak mo bang hindi pumunta?"
"Hindi, ah. Pupunta ako. Sinisigurado ko nga kung tuloy, eh. Dadaan lang ako sa practice game bago pumunta sa party mo." Tuluyan nang nagpaalam si Jhunel sa amin. Nakakatuwa naman na kahit ngayong araw ay may practice sila ng laro. At walang bakas ng pagrereklamo sa kaniyang mukha. Mukhang nag-eenjoy talaga siya sa basketball.
"By the way, Sheen May, I'm just wondering what happened to Quency now."
Napatigil naman ako sa biglaang tanong ni Anne. Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam. Bakit mo naman naitanong?"
"Wala naman. Bigla ko lang siyang naalala. Di ba nabanggit mo sa akin noon na kasabwat ng dad ni Jhon Rey ang pamilya ni Quency sa pagnanakaw ng funds ng kumpanya. Kung gano'n, posibleng ang kasunduang iyon ay kapalit ng pagpapakasal sa kaniya ni Jhon Rey. Nagegets mo ba ang sinasabi ko?"
"Bakit? Ano bang pinupunto mo?"
"I just feel strange. Baka katulad ng ginawa niya noon, she's lying low to prepare for her comeback on getting what's yours now," litanya niya. I can see how curious and worried she is at the same time. My best friend's words made my chest race. I feel so anxious.
"Pero 'yon na nga, baka ako lang naman. Hindi mo naman kailangang mag-alala dahil sigurado akong hindi na hahayaan ni Jhon Rey na mangyari ang nangyari noon. Hindi na siya papayag na magkalayo kayo."
Ngumiti ako at tumango. "Oo, mahal na mahal ako ni Jhon Rey." At alam kong hindi na siya maiimpluwensyahan pa ng ex niya, pero hindi mawala sa akin ang pagkabalisa kung anong pwedeng gawin sa amin ni Quency para magpaghiwalay kami. I don't know if I'm just being paranoid pero katulad ng sinabi ni Anne, alam kong hindi papayag si Quency na maging masaya kaming dalawa. To think na nagawa niya ngang makipagsabwatan sa dad ni Jhon Rey para lang sa kondisyon na ipakasal ito sa kaniya. I know, she'll be in rage.
Nagpaalam na si Anne sa akin kaya naman narito ako ngayon at naghihintay na sunduin in Jhon Rey. He promised na susunduin niya ako dahil sabay kaming pupunta mamaya sa event ng best friend ko.
Mag-aala una na nang may matanggap akong text message mula kay Jhon Rey na hindi niya raw ako masusundo dahil nagkaroon ng unexpected appointment sa isang importanteng kliyente. Kaya naman tinawagan ko na lamang si Derrick para sunduin ako.
Sabi rin ni Jhon Rey ay hindi niya ako maihahatid sa party, pero ipinangako niyang pupunta siya.
I put on some make-up and a simple dress. At about six in the evening, I decided to ask Derrick to take me to the bar. I have no intention of drinking because, first of all, I'm pregnant. Gusto ko lang talagang pagbigyan si Anne dahil birthday niya ngayon.
Naghanda rin ako ng regalo na alam kong magugustuhan niya. Hindi na ako makapaghintay na makita ang reaksyon niya kapag nakita niya ito. This is my revenge for the previous occasion when she forced me to wear a thong.
Hindi naman nagtagal ay naihatid na ako ni Derrick. Niyaya ko pa nga siyang maki-party sa amin kung gusto niya at para makakilala naman siya ng babae dahil mukhang si dad na lang ang kilala niya sa buhay. Pero tinanggihan niya ang nakakatawa kong alok sa kaniya. Tawagan ko na lang daw siya kung kailanganin niya ako. Naku, kung marunong lang talaga akong magdrive hindi ko na siya aabalahin pa.
Pumasok na ako sa bar at agad na bumungad sa akin ang sobrang ingay na nagmumula sa dancefloor. Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong ka-wild na lugar dahil 'yong una kong napasukan dati ay medyo disente pa. Hindi ko alam kung papaano nalaman ni Anne ang lugar na ito.
Nakakabulag ang mga naglalarong ilaw. Kaliwa't kanan din ang usok na nagmumula sa sigarilyo. Tsk. Nasaan na ba ang kwartong nirentahan ni Anne Marie at gusto ko nang ipahinga ang tainga ko. Kung anong tahimik sa labas ay ganito kagulo sa lugar na ito.
Nakatakip ako ng tenga habang binabaybay ang aking paningin sa mga tao sa paligid. Wala akong mamukhaan ni isa. Akmang tatawagan ko na si Anne nang may tumawag sa pangalan ko.
"Sheen May?" Nagulat ako nang lingunin ko siya.
"Rod? Long time no see! Narito ka rin pala?"
Lumapit siya sa tainga ko. "Oo, invited si Aaron, eh, at niyaya niya rin ako kung gusto kong pumunta. As a reward for finishing my bar exam, pumayag na rin ako," sagot niya. I then remembered that he's a psych major. I bet he'll pass his exam too.
"Mabuti naman! Ang tagal na rin nating hindi nagkikita. Anyway, nasaan na nga ba sila?" Mabilis niyang tinuro ang pinakadulong kwarto. Mabuti na lang at doon napili ni Anne para naman hindi masyadong nakakabingi dahil malayo sa dance floor.
As soon as I walked through the door, napansin kong inaasikaso ni Anne ang mga kapwa namin estudyante. Si Aaron naman ay naroon din at tinutulungan ang girlfriend niya. Para bang kanina pa nagsimula ang party dahil mukhang mga lasing na ang mga kaklase ko.
Napansin ko rin ang napakaraming pagkaing nakahanda sa lamesa. Hindi kapanipaniwala sa dami. Parang mas marami pa sa pagkaing meron kami nung kasal. Charing. Masyado na akong naging OA.
"Sheen May!" pagtawag sa akin ng best friend ko na mukhang lasing na lasing na rin. "Akala ko hindi ka na makakarating!"
Nilapitan niya ako at niyakap. "Happy birthday, Anne!" pagbati ko sa kaniya tsaka iniabot ang regalo. She was about to open it in front of me when I stopped her.
"Mamaya mo na buksan," wika ko tsaka siya kinindatan. Nanlalaki namang ang mga mata ng bruha na para bang nahulaan niya kung ano ang regalong ibinigay ko sa kaniya.
"Wow, you've changed na Sheen May, huh? Porque naikasal ka na," dagdag pa niya bago ako pinagpapalo nang mahina. "But thank you for your gift; I'll use it well." Tumawa-tawa naman siya.
"So, nasaan na ang asawa mo? Pupunta ba siya? Akala ko isasama mo?"
"Ang sabi niya susunod na lang daw siya," sagot ko bago umupo sa tabi niya. "Sobrang busy rin kasi ng taong iyon kaya baka ma-late siya."
"Okay, basta pupunta siya, ha?"
"Oo, sigurado 'yon."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top