Chapter 20
The next thing I knew, we were rushing to the hospital where Jhon Rey's father had been taken. Ang sabi ng mom ni Jhon Rey, inatake raw sa puso si Mr. Carpio.
Nakikita ko sa mga mata ni Jhon Rey kung gaano siya nasasaktan sa balitang narinig niya, at dahil doon, lalo kong napatutunayan na may mabuti siyang puso. Sa kabila ng masamang pagtrato sa kaniya ng kaniyang ama, narito pa rin siya nag-aalala sa kapanan ni Mr. Carpio. Ni hindi niya nga naisip na magpalit ng damit at heto, naka-jacket siya at pink na sweatpants na pinasuot ko sa kaniya kanina habang nagmamaneho. Nakatsinelas na pambahay lang din siya.
Mabuti na lang din at may suot na akong underwear dahil naisip kong tapos na ang labanan namin ni Jhon Rey.
Hinakawan ko ang kamay niya. Alam ko kung gaano kahirap ang kalagayan niya ngayon dahil naiisip ko palang na baka mangyari din ito kay dad, hindi na ako makagalaw.
Makalipas ang ilang sandali, ay tuluyan na kaming nakarating sa hospital. Dumeretso na si Jhon Rey sa intensive care unit kung saan naroon ang kaniyang ama. Ako naman ay hinayaan lang siya roon, at narito ako sa labas ng kwarto. Nakita ko namang papalabas ang mom ni Jhon Rey na namamaga rin ang mata sa kaiiyak.
"Sheen May..." pagtawag niya sa akin. Niyakap ko siya nang mahigpit. "M-mom, magiging maayos din po ang lahat."
"Sana nga, Sheen May. Alam ko kung gaano kalala ang ginawa ng asawa ko sa pamilya niyo at baka nga karma na ito sa kaniya, pero hindi ko kayang wala siya sa buhay ko, Sheen May. Nasasaktan akong nakikita siyang nasa ganitong lugar at nakaratay sa malamig na kamang iyon nang mag-isa."
Muling bumagsak ang luha mula sa mga mata niya. Nang tingnan ko ang pintuan ng kwarto ng kaniyang asawa, nakita ko si Jhon Rey na nakaupo roon sa gilid at pinagmamasdan ang kaniyang ama. Nalulungkot ako na nakikita siyang nalulungkot din.
"Ang sabi ng doctor, napakaswerte daw natin dahil nadala siya during golden hour. Actually, hindi ko rin alam ang gagawin ko dahil unang beses lang itong nangyari. Ang sabi lang sa akin ay na-cardiac arrest daw siya, but I'm keeping my fingers crossed that he'll wake up within the next week. Hopefully, Sheen May."
"Sana nga po, Mom."
Pagkatapos ng get-together namin noon kasama ang pamilya ko, hindi ko na nakita pa ang mom ni Jhon Rey. Ngayon na lang ulit at kapansin-pansin ang malaking pinagbago ng kaniyang itsura. Marahil ay dahil sa stress. I felt guilty that I hadn't seen her recently since I was also scared that she could feel badly towards me and my family as a result of how things are going for their company. I really do feel terrible for her.
We stayed in that situation for a while, hanggang sa makatanggap ang mama ni Jhon Rey ng tawag. Nagmadali itong pumasok sa ICU kasama ako.
"Jhon Rey, nasa airport ang kapatid mo. Please, puntahan mo siya. Sunduin mo siya."
Sinulyapan ko ang mukha ni Jhon Rey. Naaawa ako sa itsura niya. Kanina lang ay masayang-masaya kami, ngayon naman ay para kaming pinagsakluban ng langit at lupa. It breaks my heart to see him like this. I need to be strong now so he can lean on me.
Tumango naman si Jhon Rey bilang pagpayag sa request sa kaniya ng mom niya. Mabilis niyang kinuha ang kamay ko paalis. Kahit hindi siya magsalita, I could tell how much pain he was in because of the way he was holding my hand. I wanted to make him feel better, but instead, I chose to show him that I understood how he felt by being silent.
Narito lang ako, Jhon Rey.
Nanatili kaming tahimik sa buong biyahe namin papunta sa airport. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa kapatid niya dahil ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala siya. Akala ko ay solong anak lang siya katulad ko. Pero mas pinili ko na lang palipasin ang mga tanong sa isipan ko. I'll just ask him some other time.
"He's my half-brother," wika ni Jhon Rey na para bang nababasa ang laman ng utak ko.
"Sa father's side?"
"Kay mom." Hindi ko 'yon inaasahan. "Mas matanda siya sa akin, at siya ang paboritong anak ni dad. Umalis siya dahil ayaw niyang maging tagapagmana ng kumpanya ni dad, dahil hindi raw siya karapatdapat doon. He told us I have more rights to be the heir since I am the biological son."
Napakunot ang noo ko kasabay ng realization na marami pa talaga akong hind alam tungkol sa kaniya. Kahit ang edad niya o kaarawan ay wala akong ideya. Napakagat ako sa labi ko. Sa kabila ng lahat, umaarte kaming parang mag-asawa kahit na hindi namin alam ang nakaraan ng isa't isa. O posible kayang alam niya ang tungkol sa akin at ako lang ang walang alam tungkol sa kaniya?
"Why a sudden sigh?" he asked.
Umiling ako. Kailangang gumawa ako ng paraan para at least may alam ako sa kaniya. Tatanungin ko si Derrick tungkol dito mamaya.
Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na kami sa airport. HIndi naman kami naghintay nang matagal dahil may tumawag sa pangalan ni Jhon Rey na siyang nagpalingon sa aming pareho. Laking gulat ko nang makita ko ang mala-toreng lalaki dahil sa ubod nitong tangkad. Wow, kamukhang-kamuka niya ang mom niya. Ang balat niya ay medyo kayumanggi na mas darker kumpara sa balat ni Jhon Rey. Kakaiba rin ang gupit niya na parang pang-military, at nakakatakot ang itsura niya na parang mercenary.
"Long time no see, bro," sambit niya bago niyakap ang kapatid niyang si Jhon Rey.
"Long time, no see."
Kung ikukumpara kay Jhon Rey, matangkad lang naman siya. Si Jhon Rey kasi ay lamang na lamang sa kaguwapuhan. Sandali nga, bakit ko ba sila pinagkukumpara?
Nilingon ako ng lalaking iyon at natakot ako sa paraan ng pagtitig ng kaniyang berdeng mata. Idagdag pa ang nakakakilabot niyang pagngisi. Gusto ko tuloy magtago sa likod ni Jhon Rey.
"Is this your wife, Jhon Rey?" tanong ng lalaki.
Hinawakan naman nang mahigpit ni Jhon Rey ang kamay ko. "Yeah, she is mine, so don't bother smiling at her because it won't make any impression on her."
Natawa naman ako sa pagbabanta ni Jhon Rey. "Kaya ilagay mo na 'yang gamit mo sa trunk para makaalis na tayo." Pinagbuksan naman ako ni Jhon Rey ng pinto at pinaupo sa passenger seat.
"Chill, bro. Hindi ko naman siya aagawin unless siya ang pumunta sa akin."
Napanganga ako.
"Oh, shut up!" Umirap si Jhon Rey bago pumasok at umupo sa tabi ko. "He's a playboy, so you need to be careful, Sheen May."
Natawa naman ako. "Ah, may pinagmanahan ka pala."
"What?" Sinamaan niya ako ng tingin.
"Bakit? Tama naman, ah?"
"Tsk."
"Bakit? Selos ka na naman ba?" Hinawakan ko ang baba niya at iniharap sa akin ang kaniyang mukha. "Well, tama ka naman. Wala siyang epekto sa akin kaya huwag ka nang magselos. I'm all yours, Jhon Rey."
"Talaga? Kiss mo nga ako."
I was about to kiss him, when his brother proceeded to climb into the rear seat. "Baka nakakalimutan niyong narito ako. Sa bahay na kayo gumanyan."
I cleared my throat before fixing myself to my seat. "Ano naman? Inggit ka lang!" singhal ni Jhon Rey bago nagsimulang magmaneho.
"So, uhmm, what's your name again, wife of Jhon Rey?" tanong ng kapatid ni Jhon Rey. Sinilip ko siya sa rearview mirror.
"Sheen May," simple kong sagot.
"Such a lovely name. By the way, my name is Junix. It's a pleasure to meet you."
He made the gesture of offering his hand to me. When I looked across at Jhon Rey, he had a stern expression on his face. Mabilis ko na lamang na kinamayan si Junix bago muling ibinalik ang mga mata sa kalsada. Agad din namang hinawakan ni Jhon Rey ang kamay ko habang ang kaliwa niyang kamay ay nasa manibela. Tsk. Napakaseloso talaga.
Pinanood ko lang siyang magmaneho at pasimple akong kinikilig habang pinagmamasdan siya. Utang na loob, Sheen May, hindi ito ang tamang oras para pagpantasyahan mo ang fiance mo. Nasa malaki siyang problema kaya pakalmahin mo ang sarili mo.
"Mom didn't send me back here to fix the company, right?" seryosong wika ni Junix. Sinilip ko siya sa salamin at natakot ako sa mukha niyang para bang papatay.
"Hindi ko alam," sagot ni Jhon Rey habang nananatiling nakatingin sa kalsada. "Nasa coma si dad. Baka nga tama ka sa hinala mo, since the only thing I know for sure is that you are the one dad wants to inherit the company. Kailangan ka ng kumpanya dahil nasa crisis ito pagkatapos ng ginawa ni Dad sa pamilya ng mga Velasco."
Napalunok na lamang ako habang nakikinig sa usapan nila.
"At anong alam ko sa pagpapatakbo ng business, Jhon Rey? Kahit na turuan nila ako, hindi magbabago ang isip ko. I won't try to take what is rightfully yours," saad ng lalaki. I can see how he cared for Jhon Rey despite the rivalry between them caused by their father.
"Hindi na ako umaasa sa kumpanya ni Dad dahil may kumpanya na akong inaasikaso. 'Yon ay ang kumpanya ng dad ni Sheen May. Kung gusto mong pangalagaan ang kumpanya ng pamilya natin, malaya kang gawin iyon."
Muling umiling si Junix. "No, Jhon Rey. Lalo lang babagsak ang kumpanya ni Dad kapag ako ang humawak. Kung hindi ipamamana sa 'yo ni Dad ang kumpanya niya, eh 'di bilhin mo na lang gamit ang kapangyarihan ng mga Velasco."
Napasinghap ako. Maging ang kapatid ni Jhon Rey ay kakaiba rin mag-isip. Kung ako rin naman ang nasa kalagayan niya, hindi ko aangkinin ang bagay na hindi naman para sa akin. Hindi ko alam bakit ayaw ni Mr. Velasco na ipamana niya ang kumpanya sa totoo niyang anak.
"Even if I'm forced to, I won't agree to that, Jhon Rey. Kilala mo ako," Junix firmly said.
Muli ay nakarating na kami sa hospital. Naroon na ang isang lawyer na inayayahan kaming pumunta sa kabilang kwarto para pag-usapan ang mga plano ni Mr. Carpio tungkol sa kaniyang kayamanan kapag may nangyari sa kaniyang masama. Isinama ako ni Jhon Rey sa loob. Naroon din ang mom niya at si Junix.
The lawyer, Atty. Jonathan Geroso introduces himself before pulling out a file from his case. Binasa niya iyon sa harap namin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top