Chapter 16


Malakas na tugtog ang bumibingi sa tenga ko dito sa bar kung nasaan ako. Hindi ko alam kung anong oras na, pero wala na akong paki. Tama, bingihin niyo ako. Ayoko nang makarinig pa ng mga kasinungalingan. Kahit na palagi na lang ganito, patuloy ko pa rin siyang pinagkakatiwalaan. Hindi ko alam, but I guess I deserve the love that I tolerate. Tino-tolerate ko siya sa pagsisinungaling niya sa akin, sa pagwasak niya sa puso ko nang ilang beses, at sa huli ay tinatanggap ko pa rin siya nang buong-buo. How could I be so dense?

Lumipas ang ilang oras na nilasing ko lang ang sarili ko. Hindi naman ako nakipagdaupang palad sa mga tao sa gitna dahil ayokong makakuha ng atensyon mula sa mga lalaki, I've reached the point in my life where dealing with just one man is enough to give me a headache and heartache. At isa pa, mag-isa lang ako at walang magtatanggol sa akin kapag binastos ako.

Napabuntong-hininga ako at muling tinungga ang alak sa harapan ko. Gusto ko lang talagang uminom para mamaya pag-uwi ko, hindi na 'ko iiyak dahil kusa na akong makakatulog sa kalasingan. Ayoko ring makita ako ni Toto na umiiyak.

Alas onse na ng gabi nang makauwi ako sa amin. Nakakarinig ako ng mga boses hindi pa man ako tuluyang nakakapasok. I guess, lasing na lasing na talaga ako kaya pasuray-suray na rin ako.

"Mr. Velasco, wala rin daw po sa bahay nila Miss Anne Marie."

"Then, where is she?"

"She told me sandali lang siya, hindi niya sinabi kung saan siya pupunta."

Tuluyan na akong nakapasok sa bahay at biglang tumahimik ang paligid. Bumungad sa akin ang mga mukha nilang nakasalubong ang mga kilay habang nagtataka.

"Sheen May, saan ka galing?"

Pinilit kong mukhaan ang taong lumalapit sa akin, maging ang boses na puno ng pag-aalala akong tinatanong. Sandali, bibilangin ko ang mga taong narito. Alam ko si mom lang ang kasama ko kanina. Bakit parang nadagdagan ng tatlo? Tatlong lalaki.

May kumapit sa akin. I squinted to see his face. Napangisi ako bago ko siya tinulak. "Don't touch me, you asshole."

Kumunot ang noo niya. "Sheen May, lasing na lasing ka. Saan ka galing?"

"Huwag mo akong kausapin!" sigaw ko bago ako naglakad papalayo sa kaniya. Bakit nandito siya? Bakit nandito si Jhon Rey? Hanggang dito ba naman sa pamamahay ni dad ay lolokohin niya kaming pamilya ko?

Sinulyapan ko ang mga magulang ko. "Mom, pasok na ako sa kwarto ko. Dad."

Yumuko ako bago nagpagewang-gewang na naglakad papunta sa hagdan pero bago pa ako tuluyang makaakyat ay may humawak sa kamay ko.

"Sheen May, ano bang nangyayari sa 'yo?"

Nag-igting ang panga ko sa pagpigil ng iyak. Tangina wala 'to sa plano. Ang sabi ko matutulog na ako pag-uwi, but why did he appear in our house and cause all the pain that I forcibly forgot a while ago to be back? Naiinis ako.

Suminghot ako bago ko tiningnan ang kamay ko. Walang pagdadalawang-isip na hinubad ko ang singsing na binigay niya sa akin noon. "Huwag mo nang pag-isipan. Pwede ka nang magpakasal sa iba."

Kinuha ko ang kamay niya bago ibinalik sa kaniya ang singsing. Bakas sa mukha niya na hindi siya makapaniwala. Hinawakan ko ang balikat niya. "Huwag kang mag-alala, hindi makakarating kay dad ang nalaman ko."

Tinalikuran ko na siya pero hindi ko inaasahang sisigaw siya sa pamamahay namin. Sa harap ng mga magulang ko.

"Sheen May, ano bang sinasabi mo?! Bakit mo sinasauli 'tong singsing? Hindi mo na ba ako mahal?!" Nabasag ang boses niya.

"Anong hindi kita mahal? Kaya nga pinalalaya na kita kasi mahal kita! Kaysa naman ipagtabuyan ka ng ama mo para lang sa akin! Ayan, ayan na ang singsing na ibinigay mo sa akin sa Japan! Pakasalan mo na si Quency! Huwag mo nang pag-isipan pa! Siya naman ang mahal mo, hindi ba?! Panakip-butas mo lang ako!"

Tuluyan nang kumawala ang mga luha mula sa mga mata ko. Hindi siya nakapagsalita kaya natawa ako. "Ano? Hindi ka makapaniwala na alam ko ang lahat? Pinuntahan kita kanina dahil miss na miss na kita. Pumunta ako sa 'yo para sorpresahin ka pero ako sinurpresa mo. Bakit mo pa ako sinama sa Japan para alukin ng kasal kung hindi naman pala bukal sa loob mo? Bakit gumastos ka pa para sirain ako? Bakit sa paborito ko pang lugar, Jhon Rey?"

"N-narinig mo ang pag-uusap namin ni dad?"

"Oo! Narinig ko! Pero huwag kang mag-alala hindi naman ako masyadong nasaktan. Sanay na ako sa 'yo."

Nagulat ako nang yakapin niya ako at tila ba nawala ang pagkalasing ko sa ginawa niya. "Tsk, hindi daw sanay, eh, iiyak ka na nga."

Naguguluhan akong tinulak siya. "A-anong ginagawa mo? Bakit mo ako niyayakap? Akala mo ba, makukuha mo ako sa ganiyan? Hindi, Jhon Rey! Umalis ka na!"

"Bakit ako aalis? Eh, pinuntahan nga kita rito dahil miss na miss na kita."

Nagsalubong ang mga kilay ko. "Miss na miss mo ako? Inaaning mo ba ako?"

"Minamahal kita." Napabuga ako saka tiningnan sila dad na naroon sa sala.

"Ayoko ng drama. Halika na sa loob," rinig kong sambit ni dad bago siya umalis. Natatawa naman si mom na sumunod kay dad habang umiiling. Umalis na rin si Derrick at ang iba pang maids namin.

A-anong meron?

Napuntang muli kay Jhon Rey ang atensyon ko nang pisilin niya ang ilong ko at hawakan ang balakang ko. Sinimulan niyang halikan ang pisngi ko na para bang nilalambing ako. "Hindi mo ba tatanungin bakit nandito na kami?" tanong niya sa akin.

"Hindi ko alam. Sumasakit ang ulo ko. Tigilan mo nga ako!" Umupo ako sa hagdan tsaka napasapo sa noo at pilit na iniintindi ang mga nangyari. Tinabihan naman ako ni Jhon Rey. Nakatuon ang mga siko niya sa kaniyang mga hita.

"Masyado ka kasing maraming iniisip. Kung ano man 'yong nakita o narinig mo kanina, it was part of the plan. Dahil sa sinabi ni dad kanina, nalaman na namin kung saan niya dinadala ang perang nawawala."

Napalingon ako sa kaniya. "Saan?"

"Sa pamilya Llenaresas."

Hindi ako nakapagsalita. "A-anong ibig mong sabihin?"

"Kasabwat ang pamilya ni Quency sa ginagawa ni dad."

Napakagat ako sa labi. Kaya pala biglang naglaho sa picture si Quency dahil pumapailalim pala siya ng laban para makuha sa akin si Jhon Rey. At dahil sa ginawa kong pagsauli ng singsing kay Jhon Rey, mukhang naisahan niya na naman ako.

"Pero, ang bait ng dad mo, Sheen May. Hindi niya ipakukulong si dad sa kabila ng ginawa niya. Hahabulin na lang daw ni Mr. Velasco ang mga perang nakuha ni dad sa mga investors tutal naman nakuha na ng dad mo ang tiwala ng investors kaya hindi niya na kailangan pa ang tatay ko. Wala na ang Carpio-Velasco Corporation," paliwanag niya pa, pero wala roon ang isip ko.

"Eh kay Quency?"

Kumunot ang noo niya. "Anong tungkol sa kaniya?"

"Sabi mo pag-iisipan mo."

Pinitik niya ang noo ko. "Baliw. Lasing ka na talaga. Kung hindi naman parte ng plano 'yon, hindi naman ako papayag. Kaya nga ako nag-propose sa 'yo dahil ikaw na ang gusto kong pakasalan at makasama habangbuhay. Kaya isuot mo na itong muli. Ang mahal-mahal ng binili ko rito sa singsing na ito tapos isasauli mo lang sa akin? Akala mo ba, hindi ako nasasaktan?" Kinuha niya ang kamay ko at muling isinuot sa daliri ko ang magandang singsing. Nakatitig lamang ako sa kaniya habang ginagawa niya iyon at hindi ko mapigilang mapaluha.

"Sorry, akala ko kasi iiwan mo ako. Akala ko hindi mo ako tunay na mahal."

Tinagpo niya ang mga mata ko, bago hinaplos ang pisngi ko. "Mahal na mahal kita, Sheen May. Kaya huwag mo nang huhubarin ang singsing na ito, ha? Totoong masasaktan ako kapag ginawa mong muli. Natatakot akong iwan mo rin ako. Ikaw na lang ang meron ako, hindi mo ba nakikita? Kaya nga narito ako sa 'yo dahil hindi ko na gustong mawala ka." Pumatak ang luha sa pisngi niya. Pinunasan ko iyon bago ko siya niyakap.

"Mahal na mahal din kita, Jhon Rey."

Ilang segundo kaming naroon sa ganoong kalagayan hanggang sa buhatin niya ako.

Nakayakap pa rin ako sa kaniya maging ang mga hita ko habang naglalakad siya. "Hindi mo man lang ba naisip na kampihan ang dad mo, Jhon Rey?" tanong ko. "Blood is thicker than water, sabi nila."

"At mawala ka naman sa akin?" Umiling siya sabay lapit sa tenga ko. "Sperm is thicker than them."

Nahampas ko siya sa kabastusan niya. Labas na labas talaga ang pagkamanyakis niya kapag ako ang kausap niya, at natatawa ako dahil doon. Parang kanina lang ay umiiyak ako, ngayon naman ay humahalakhak na parang baliw.

"Aray, kanina mo pa ako sinasaktan. Sinauli mo pa 'yong singsing. Didn't I tell you to trust me?"

"Tsk. Wala akong maalala."

"Sinabi ko sa 'yo noong nasa eroplano tayo. Sabi ko, whatever happens here in the Philippines pagbalik natin, ang gusto ko lang ay pagkatiwalaan mo ako. Nagulat ako sa 'yo, akala ko kung ano na namang ginawa ko."

"Wala kang ginawa. I'm sorry. Ako 'yong may kasalanan. Sorry, Jhon Rey." Hinalikan ko ang pisngi, noo, ilong at labi niya.

"Tsk. Halika na, ihahatid na kita sa kwarto mo. Matulog ka na. Lasing na lasing ka na."

"Ayoko pa, gusto pa kitang makausap."

"Anong oras na? Uuwi na ako. Magkita na lang tayo bukas."

"Tsk. Okay. Ibaba mo na ako."

Tumigil naman siya sa paglakad nang makarating na kami sa tapat ng kwarto ko. Akmang bababa na ako nang hawakan niya ang braso ko. "Why are you being so stubborn, Sheen May?"

"Huh? No, I'm not. Sabi mo, magkita na lang tayo bukas kaya ibaba mo na ako para makatulog na ako."

"Why do you sound like you're mad? What do you want?"

"Huh? Hindi, ah. Bakit naman ako magagalit? Ikaw nga itong dapat magalit sa inasta ko. Sige na, ibaba mo na ako para makauwi ka na rin. Naiintindihan ko naman na pagod ka rin pero hindi ka pwedeng matulog kasama ko, kaya sige na, papasok na ako. Uwi ka na."

"Are you sure?"

"Yeah?"

"Hindi mo man lang ako pipigilan?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top