Chapter 15
It was our graduation day.
Mom was here with me waiting na tawagin ako sa stage. Hindi ko naman kailangang magspeech dahil sa summa cum laude lang 'yon. Mabuti na lang dahil hindi ko rin alam ang sasabihin.
I can't be happy dahil bukod sa wala si dad, hindi ko rin makita si Jhon Rey. Kanina pa ako nagpapalinga-linga dahil baka nasa gilid-gilid ko lang siya, pero wala talaga siya. Mararamdaman ko naman kasi ang presensya niya kung narito siya.
Nakalimutan niya na ba ang pangako niya?
"Sheen May Velasco, Bachelor of Science in Secondary Education, Major in English, Cum Laude, with a general weighted average of 1.552," the speaker announced.
Kasabay ng pagtayo ko ay ang palakpakan ng mga kapwa ko estudyante sa akin. Umakyat ako sa stage upang abutin ang aking diploma at makipagkamay sa board of regents. Nakangiti ko silang pinasasalamatan habang hawak ko ang katibayang nakapagtapos na ako ng apat na taon sa kurso ko. At last, after all the deaths that came to me, I am now able to resurrect with a big round of applause and a standing ovation from my audience.
Tiningnan ko ang kabuuang estudyante na nasa harapan ko ngayon na pawang ang atensyon ay nasa akin.
"Congratulations!" bulalas ko, bago ako pumikit at nagbow sa kanilang lahat.
Natapos ang graduation ceremony nang hindi nagpakita sila dad at si Jhon Rey. Mom is comforting me and telling that they must be busy. Siguro nga. At dapat ko silang intindihin dahil sino ba naman ako? Gagraduate lang naman ako. Wala naman masyadong espesyal sa araw na ito.
Anne Marie congratulated me, maging si Jhunel. Naroon din si Aaron para samahan ang girlfriend niya. Nakakatuwa naman na makita silang masaya.
"Wala pa po bang balita sa kanila?" tanong ko kay mom nang makasakay kami sa sasakyan. Hindi si Derrick ang driver namin ngayon, marahil ay abala din siya sa mga utos sa kaniya ni dad. Pakiramdam ko nasa long-distance relationship na ako kasi kahit malapit lang siya sa akin, pakiramdam ko ang layo-layo niya.
"Wala pa, anak. Kahit ako'y nag-aalala sa kanila, pero sanay na rin kasi ako. Masasanay ka rin, Sheen May."
"Ayokong masanay, mom. Malugkot ang buhay kapag mag-isa."
"Kaya nga ginawa ka namin, Sheen May, para hindi ako makaramdam ng lungkot kapag wala ang ama mo. Kaso ngayon, hihiwalay ka na rin sa amin dahil magsasama na kayo ni Jhon Rey. Kaya bigyan mo ako ng maraming apo, ha?" biro ni mom na alam ko namang pinagagaan niya lang ang loob ko.
Baka nga siguro busy lang sila kaya hindi nakarating si Jhon Rey sa graduation day ko. Sana okay lang sila roon.
Pero ang isang linggo ay naging ilang buwan. Lumaki na rin si Toto pero wala pa ring paramdam mula kay Jhon Rey. Ni hindi siya tumatawag. Natatakot naman akong tawagan siya. Siguro'y nagka-trauma na kasi ako noon dahil noong minsang tawagan ko siya ay sinagot iyon ng ex niya.
I sighed, trying to overcome this overthinking of mine. I shouldn't have to think too much.
"Sheen May, kailan ang exam mo for LPT?" Mom asked. We were at the table eating breakfast. It was so plain not to have Dad at the table.
"Next next week po," tugon ko tsaka kinain ang toast na ginawa niya.
"Okay naman ba ang review class mo?"
Umiling ako. "Hindi ako makapag-focus, mom."
Sinulyapan niya ako. "Bakit?"
"I'm worried; ilang buwan nang hindi umuuwi sila dad. Ano ba talagang ginagawa nila?"
"I don't know either, anak. Hindi naman ako madalas magtanong sa ama mo. Siya lang ang nagkukwento sa akin, pero madalas nagkukwento siya kapag tapos na dahil ayaw niyang mahadlangan ang mga plano niya."
Ako naman ang napabuntong-hininga dahil sa frustration. Hindi ko alam kung paano natitiis 'to ni mom kasi ako hindi ko na talaga kaya. Kailangang may gawin ako. Hindi ako makakapagreview nang maayos kung hindi ko alam kung anong nangyayari kay Jhon Rey.
"Mom, aalis lang ko sandali," paalam ko.
"Saan ka pupunta?"
Hindi ko na siya sinagot at kinuha ko na lang ang bag ko bago ako tuluyang sumakay ng taxi. Ibinigay ko ang address kay manong driver. Address ng kompanya ni dad.
Jhon Rey's been out there since he proposed to me tapos wala na akong balita sa kaniya. Nangungulila na ako. Was it a bad idea to surprise him today?
Agad akong tumakbo papasok ng building. Nakilala naman ako ng guard kung kaya't hindi niya na ako hinarang. Sumakay ako sa elevator. Ewan, hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung saan ko matatagpuan si Jhon Rey, pero ang lakas ng tibok ng puso ko. Nandito lang siya. Sa isa sa mga kwartong ito. Nararamdaman ko.
Nagulat ako nang pagkalabas ko ng elevator ay nadatnan kong nagkakagulo ang mga tao. Hindi ko alam kung anong meron, pero kanina napansin ko ngang may nagwewelga sa harap ng building.
Lalo tuloy akong kinabahan. This is my first time getting to this place, and I must say, my timing was really bad in coming here. I should surrender for now.
I was about to exit nang makita ko ang isang matangkad na lalaki na naka-puting long sleeves. Inaayos niya ang neck tie niya at mukhang galit siya. Napalunok ako bago nagtago. Hindi niya siguro ako nakita. He seemed to be in a bad mood. Maybe this was the reason he was really busy. Things about here in the company exhaust him, while I don't understand any of it.
Ang lakas ng kabog ng puso ko habang pinagmamasdan ang likod niya. Pumasok siya sa isang room kasunod no'n ay ang kaniyang ama. Hindi ako nagdalawang isip na sundan sila.
Narinig ko ang kanilang pagtatalo.
"Isa lang ang pwedeng maghari sa taas, Jhon Rey. Hindi pwedeng dalawa kami ni Velasco. Ngayon, kanino ka kakampi? Alam mo na kung anong ginagawa ko sa kompanyang ito. Ginagawa ko ito para lumaki ang pangalan natin. Tatraydurin mo ba ang sarili mong ama?"
Hindi nagsalita si Jhon Rey. I was in shock.
So Derrick was right—the man behind this all was Jhon Rey's father.
He's trying to destroy my father.
"Come on, you were raised by me. Is your loyalty to me shaken by his daughter?
I gulped when I was mentioned.
The chills went down my spine.
"Ginagawa mo 'to para mapakasalan ang anak niya,am I right? Tingin mo ba may maipagmamalaki ka sa kaniya kung talikuran mo kaming pamilya mo? Anong kaya mong ibigay kay Sheen May? Ang ipapasahod sa 'yo ng kaniyang ama mismo?"
Napaatras ako. I never thought he will hurt and insult Jhon Rey like this. Those words are below the belt. He shouldn't have to say those things. At ako ang mas lalong nasasaktan dahil mahal ko ang taong sinasabihan niya ng mga 'yon. Hindi niya na nirespeto ang kaniyang sariling anak.
"Kung siya ang pakakasalan mo, hinding-hindi mo makukuha ang pagpayag ko," litanya ng ama ni Jhon Rey.
"Kung gano'n, sinong gusto mong ipakasal sa akin?"
"Si Quency Llenaresas. Hindi ba't siya ang gusto mong pakasalan noon? Pumapayag na ako sa inyong dalawa. Kapag siya ang pinakasalan mo, ipamamana ko sa 'yo ang kompanya natin at ang lahat ng kayamanang mayroon ako."
Napaatras ako nang marinig ko ang pangalang iyon. Lalo na nang tumawa si Jhon Rey.
"Sige, pag-iisipan ko."
Ngumisi naman ang tatay ni Jhon Rey. "Sinasabi ko na nga ba't sa 'kin ka kakampi. Blood is thicker than water."
Nakita ko silang nagshake hands. So, niloloko nila si dad? Niloloko niya na naman ako?
Nangilid ang luha sa mga mata ko. Sabi na nga ba't isang pagkakamali ang pumunta pa ako sa lugar na ito. Gusto ko lang naman siyang kumustahin sana pero iba ang nadatnan ko. Ako ang nasurpresa.
Pesteng buhay 'to. Naloko na naman ako.
Hindi ko alam kung bakit ko naisipang pumunta sa isang bar kahit hindi naman ako mahilig pumunta sa mga ganoon.
Gusto kong makalimot, mawala ang sakit na nararamdaman ng puso ko.
Why can't I even hate Jhon Rey after all this time? Am I being a martyr or just numb to all the wrong things he did to me?
"Binigyan niya pa ako ng singsing kung madali lang pala siyang masisilaw sa kayamanan," sambit ko habang pinagmamasdan ang singsing sa daliri ko.
Ininom ko ang binigay sa aking alak ng bartender. Hindi ko rin alam kung anong tawag sa alak na ito basta mapula at matapang. Gumuguhit sa lalamunan kapag nilalagok ko, pababasa tiyan papunta sa ulo kaya nakakaramdam ako ng pagkahilo.
Tama, hiluhin niyo ako. Tutal, hilong-hilo na ako sa pagpapaikot sa akin ng taong mahal ko, at akong si tanga, naniniwala pa rin, nagmamahal pa rin.
Bakit mo ba ako palaging sinasaktan, Jhon Rey?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top