MR. PRINGLES (ONE SHOT!)
Mr. Pringles (ONE SHOT)
Aking ikekwento kung paanong nagkaroon ako ng lovelife dahil sa Pringles.
Alam niyo ba kung ano ang Pringles?
Pringles is a brand of potato and wheat based snacks produced by Procter & Gamble.
Wala, nasearch ko lang yan sa google. Anyway highway...
Pauwi akong Bicol nun galing manila ng magstop over ang bus na sinasakyan ko sa isang resto.
As usual, yung ibang pasahero nagsibabaan. Yung iba kakain. Iihi. Eebak at gaya ko, pupunta sa isang convenience store para bumili ng pagkain.
Nasa loob na ako at isang pagkain lang ang hinanap ng mata ko.
PRINGLES!!
At ayun! Spotted. Naka zoom in ang vision ng mata ko. The original flavor pringles na namumukudtangi sa lahat.
Wala akong pakialam sa presyo. Ang importante masarap siya.
Palapit na ako ng marealize kong, nag-iisa na lang siya. Oh well. Ako na ang bibili sakanya.
Parang slow motion ang nangyari habang kukuhanin ko siya ng may ibang kumuha nito.
Bakit ganun? Slow motion siya kanina pero nung my ibang kumuha eh parang na fast forward siya 16x?!
"Uhh, excuse me po! Ako unang nakakita sa Pringles!" Malumanay pero may halong inis kong sabi. Pinilit ko pang ngumiti kahit naasar ako.
"Ah ganun ba? Finders keepers!" sabi nung lalaki saka umalis.
Ano daw?! Finders keepers?! Mukha niya!!
"Hoy kuyang mang-aagaw ng Pringles ako unang nakakuha niyan!!" sigaw ko kaya napatingin yung tindera. Mabuti nga kung isipin nilang shoplifter ang lalaking to!
"Ang bagal kasi ng kamay mo eh!! May paslow motion ka pang nalalaman! Pwede namang hablutin agad. Ayan tuloy naunahan ka!!" Saka siya dumeretso sa counter na pangisi-ngisi. Nakakainis!! Ugh! Kapal talaga! Gwapo pa naman! Pero kahit na!
Nanlulumo akong bumalik sa bus. Para akong naagawan ng boypren! Ang saket dre!
Umupo ako sa seat ko at inis na nagcross arms.
Sinalpak ko na lang earphone ko saka nakinig sa music.
Ang sakit sa bangs! Naagawan ako ng Pringles! Nakuu!! Mabilaukan sana yung lalaking yun!!
Habang naghihintay sa ibang pasahero, ako naman nag eemote. Sabayan pa nito ang pang broken hearted song sa songlist ko.
Ajujuju. Pringles ko!! Alam ko iniisip niyo. Ang OA ko at pwede naman akong bumili sa susunod na stop over ng bus.
*ting* Oo nga noh? Hahaha. Talino mo talaga Moira!
Nawala na yung masama kong pakiramdam at napalitan ng excitement sa susunod. Siguro naman maraming Pringles sa next stop. At SIGURO naman wala nang mang-aagaw.
Habang nagbibiyahe pa ang bus, hinawi ko ang kurtina ng window. Medyo traffic siya sa Quezon Province kaya mabagal ang usad. May isa pang kasabay ang bus na halos kasabay lang sa speed.
Para namang nag-init ulo ko ng makita ko kung sino ang sakay sa kabilang bus.
THAT PRINGLES' STEALER!!!
He saw me looking at him kaya humarap siya sa akin at kumuha ng isang pringles at painggit na kinain niya to. Bwesit talaga!!
He is grinning like a devil! GRRR!!
Inis kong sinarado yung kurtina. Nakakainis siya!! Makita talaga ng lalaking yun! NAKUU!! Ipapasagasa ko siya sa tren!!
Nanlumo naman ako ng makita ko kung saan na kami. Nasa Cam. Sur na at malapit na sa terminal.
"Ate huminto po ba yun bus sa convenience store kanina?" tanong ko. Nakatulog kasi ko di ko namalayan na nasa Camarines Sur na kami.
"Oo miss. Tulog ka kasi kanina eh." napatango na lang ako.
Maya-maya lang sinabi ng conduktor ng bus na nasa terminal na. Di naman hassle sa pagbaba kasi isang back pack lang naman dala ko.
Pagbaba ko ng bus, nakita ko agad ang sundo ko. Bago pa kasi ko umalis ng manila kanina tinext ko na si kuya para sunduin ako kaya alam niya kung anong oras ako dadating.
"Kuyaaa~~" kumaway ako. Patakbo akong lumapit.
"Bunso. Natagalan ka ata ng dalawang oras. Kanina pa ko dito naghihintay."
"Sorry kuya. Traffic kasi sa Quezon Province eh." paliwanag ko. Ngumiti lang siya saka ginulo buhok. Tss. Kuya talaga.
"Ok lang. Nauna pa ngang dumating yung kaibigan kong magbabakasyon sa atin eh. Kaya hinatid ko muna siya sa bahay. Antok na daw siya eh."
"Ganun ba? May bisita pala tayo."
Sumakay na ako sa 4x4 pick up truck ni kuya. 20 minutes lang naman ang byahe pauwi sa amin kaya di na ako umidlip. Ang dami pa lang nagbago dito sa amin. Nakakatuwa na isang taon lang akong nawala ang dami na agad nagbago.
Pagdating namin sa bahay, agad akong sinalubong ni yaya.
Wondering where our parents are? They're on canada.
"Mas gumanda ka ata ngayon Moira ah." salubong sa akin ni yaya. Syempre tumawa lang ako. I'm not the kind of person na dinidibdib ang mga compliments na natatanggap ko.
"Yaya talaga. Sa dating kwarto ko pa din ako tutuloy ah." ani ko.
"Syempre naman. Di ka naman pwede sa guest room at nandoon ang kaibigan ng kuya Mario mo." Napatango lang ako.
"Sino bang kaibigan ni Kuya ya?" i asked.
"Di ko din alam. Sabi ng kuya mo, classmate niya daw nung elementary." tumango uli ako. Di ko naman kilala mga kaibigan ni kuya. Limang taon ang agwat namin ni Kuya kaya hindi ako gaanong kainteresado sa mga kaibigan niya.
"Sige yaya. Pahinga lang muna ko." Pumasok ako sa kwarto ko at humiga sa kama.
***
Gabi na ng magising ako. Kasabay ng paghikab ko ay ang pagkalam ng tiyan ko. Huhuhu. Alas syete y media na pala. Bumangon ako at pumunta sa kusina.
Ano kayang niluto ni yaya?
Nakita ko si Kuya at si Yaya kumakain. Si yaya kasi sabay na sa aming kumain kasi parang pamilya na din anmin siya.
"Nasaan yung bisita mo Kuya?" Tanong ko habang nakupo sa hapagkainan.
"Ay lumabas. May bibilhin daw sa centro." Si Yaya ang sumagot.
"Ah ganun ba? Alam niya ba ang pasiko-siko dito? Ano ba'ng pangala niya?" Kumuha na ako ng kanin at ulam.
"Taga dito yun noh. Nag high school lang sa manila. Imposible namang mawala siya dito. Upakan ko yun si Andrew." Napatango lang ako. So Andrew pala pangalan niya.
Pagkatapos kong kumain, agad akong pumanhik sa kwarto. Kahit nakatulog na ako kanina medyo inaantok pa ako. Parang nabugbug ang katawan ko sa biyahe.
Susulitin ko na lang ang bakasyon ngayong summer. Pamatay din kasi ang kurso kong Pharmacology sa UP. First year pa lang kami tinatadtad na kami sa mga memorization. Pero ok lang, dun ako magaling.
Nagbasa lang ako ng mga librong nabili ko sa Book Sale last week. Dito ko inubos yung natira kong pera. Mahilig kasi akong magbasa at magsulat din. Hindi ko alam pero i really appreciate English Literature lalo na yung Pride and Prejudice. Favorite writer ko si Jane Austen eh.
Kinuha ko na lang yung laptop ko at nagtipa ng pwedeng ikekwento. May sarili kasi akong sariling websites at doon ko pinopost ng libre ang storya ko. Katuwaan lang naman. Marami din akong followers pero hindi nila ako kilala. May pen name kasi ako eh. Ayokong may makaalam na mahilig akong magsulat.
Alas dose na ng gabi ng may marinig akong tunog sa baba. Agad akong bumangon para silipin yun. Baka kasi si Yaya nakabasag nanaman ng gamit. Minsan kasi inaatake siya ng Parkinsons disease niya kaya kailangan kong alalayan.
"Ya? Ya, ikaw ba yan?" Tanong ko habang papalapit sa kusina. Doon kasi yung ilaw. Pagdating kong kusina, walang tao pero may gumagamit ng CR. Nakabukas ang ilaw nito at naririnig ko ang paglagas ng tubig. Si kuya ata naliligo.
Napukaw naman ng tingin ko ang ang isang plastik na may lamang mahabang lalagyan at kulay pula. Laking gulat ko ng makita ko kung ano yun.
"Pringles." Mahina kong sambit. Para namang nakaramdam ulit ako ng gutom. Tatlong canister ng Pringles ito. Hindi mahilig si Kuya ng Pringles kaya bakit siya bibili nito? Ah~ Baka binili niya para sa akin. Hihihi. Ang thoughtful naman talaga ng kuya ko.
Agad kong kinuha ang supot na may lamang Pringles at dumeretso sa kwarto ko. Patalon talon pa ako habang naglalakad. Ang saya ko. Eto pala yung kapalit ng inagaw sa aking Pringles. In every good deeds talaga, may kapalit. Eto na yung good karmang bumalik sa akin kasi naagawan ako ng Pringles. Siguro yung lalaking yun maagawan din yun ng Pringles, hindi lang isa. Doble-doble pa.
Hindi pa ako nakakarating sa pinto at agad kong binuksan ang takip ng lalagyan at tinapon sa kung saan yung seal niya. Takam na takam talaga ako. Paborito ko ito at walang makakapagbawal sa akin para kumain nito. May tatlo akong Pringles para i-enjoy buong gabi. Hihihi.
Pumasok ako sa kwarto at ni-lock yung pinto. Ngingiti-ngiti akong bumalik sa higaan ko. Sinara ko ang laptop ko at nagsalang ng DVD sa player. Manunuod na lang ako ng favorite kong movie na Becomng Jane. Kahit ata ako makarami ng movie ngayon ok lang dahil sa Pringles.
***
Nagising ako dahil sa ingay na nariririnig ko sa labas ng kawarto. Parang may nagtatalo. Nabosesan ko si Kuya at isang boses ng lalaki.
Bubuksan ko na sana ang pinto ng marinig ko ulit magsalita si Kuya.
"Dude! Alam mo namang hindi ako kumakain ng Pringles diba? Kaya imposibleng ako ang kumuha nun!" Sabi ni Kuya. Pringles?
"Baka pinagtitripan mo ako! Alam mong paborito ko yun kaya tinago mo!" Bintang nung lalaki. Mas lalo kong nilapit ang tenga ko sa pinto para mas marinig ko sila Kuya.
"Hindi ako mangtitrip dahil sa Pringles! Natuto na ako sa kapatid kong isa ring addict sa Pringles kaya hindi ko yun gagawin sayo!" Sagot ni Kuya. Naalala ko noon nung tinago ni Kuya yung Onion flavor Pringles ko dahil hindi niya gusto ang amoy nun. Gumanti ako at nilagay ko lahat ng briefs niya sa bag niya nung papasok na kami sa school. Elementary kami nun. Sinugod ako nun ni Kuya at umiiyak dahil sa ginawa ko.
"Eh sino pala kumuha nun?! Kapatid mo?!" Parang nang-iinis na sabi nung lalaki.
Hindi ko man makita pero pakiramdam ko nagkatinginan sila at parang may light bulb na lumabas sa ulo nila.
*TOK! TOK! TOK!*
"Moira? Moira, gising. May itatanong lang si kuya." Malumanay na sabi ni Kuya.
UH OH! I'm not gonna open that door. Baka lamunin ako sa galit ng kaibigan ni kuya. Huhuhu. Naubos ko pa naman yung tatlong Pringles. Ay indi pala kasi may natira pang kalahati sa last canister.
"Moira, wake up na bunso. May importante lang na itatanong si Kuya." Sabi ulit ni Kuya. Napalayo ako sa pinto at umakyat sa kama ko.
MY GHAD! Ano na ang gagawin ko!
"Moira~"
"Hintayin na lang nating magising ang kapatid mo." Sabi nung kaibigan ni Kuya. Nakita kong nawala yung anino nila sa ilalim ng pinto kaya nakahinga ako ng maluwang.
Pero hindi pa nawawala ang problema ko. Paano ko maibabalik ang Pringles? Siguro agalit sa akin si Lord kasi naging matakaw ako. Isa lang naman yung naagaw sa aking Pringles pero tatlo ang kinuha ko.
Huhuhu. Lord, sorry na! Patawarin niyo na ako for being a glutton!
Para namang merong bright idea na pumasok sa utak ko.
Agad kong binuksan ang bintana ko sa kwarto. Pwede akong tumakas tapos bibili akong tatlong Pringles tapos ilalagay ko siya sa ilalim ng dinig table then voila! Hindi ako mapapagbintangan. WAHAHAHA. Ang tali-talino mo talaga Moira Cruz.
Nagpalit lang akong sweat pants at fitted blouse saka hinanda ang sarili sa pagbaba. Hindi naman mahirap bumaba sa bintana dahil hindi naman ito gaanong kataas at gawain ko na ito bata pa lang ako.
Agad kong kinuha yung bike saka lumabas ng bahay. Mabilis akong nagba-bike saka huminto sa malapit ng convenience store. Hindi na ako nagtagal pa at agad akong kumuha ng Tatlong Pringles saka dumeretso sa counter.
Magbabayad na sana ako ng maalala ko na wala pala akong dalang pera. SHEMAY! Kapag minamalas ka nga naman.
"296.25 pesos po Miss." Sabi nung cashier. Chineck ko yung bulsa ko at nagbabakasaling may pera pero wala. Huhuhu. Ganun na ba talaga ako kamalas?
"A-ate.. Pwede po bang lumabas muna? Nakalimutan ko kasi yung wallet ko sa bahay. Mapalit naman yung--"
"Pinaglololoko mo ba ako, Miss?! Magbabayad ka ba o ipapadampot kita sa guard?!" Nakapameywang na sabi ni Ateng cashier.
"Hindi po pramis! Hindi ko kasi talaga sinasadyang naiwan yung--"
"How much?"
Pareho kaming napaangat ng tingin ni Ateng Cashier. Napakunot ako para titigan ng mabuti ang lalaki.He looks familiar.
"I said how much? Tutulala ka na lang ba? Ako magbabayad." Naglabas siya ng wallet saka kumuha ng pera.
"296.25 po." Parang natataeng sabi ni Ate.
"Here. Keep the change." Sabi niya sabay kuha nung nakaplastik ng Pringles. Lumabas siyang dala ang Pringles.
PRINGLES KOOOO~
Tumakbo ako palabas at hinabol yung lalaki.
"Kuya! Kuya wait!" Tumigil siya at lumingon sa akin.
Bigla na lang may nagflashback sa akin.
--
"Uhh, excuse me po! Ako unang nakakita sa Pringles!" Malumanay pero may halong inis kong sabi. Pinilit ko pang ngumiti kahit naasar ako.
"Ah ganun ba? Finders keepers!" sabi nung lalaki saka umalis.
Ano daw?! Finders keepers?! Mukha niya!!
"Hoy kuyang mang-aagaw ng Pringles ako unang nakakuha niyan!!" sigaw ko kaya napatingin yung tindera. Mabuti nga kung isipin nilang shoplifter ang lalaking to!
"Ang bagal kasi ng kamay mo eh!! May paslow motion ka pang nalalaman! Pwede namang hablutin agad. Ayan tuloy naunahan ka!!"
--
"OMG! YOU!! IKAW YUNG MANG-AAGAW NG PRINGLES SA CONVENIENCE STORE!!!" Dinuro ko siya. Naningkit naman mata niya tapos biglang nanlaki ng maalala niya.
"AH~ Si Ms. Slowmotion girl. HAHAHA" Natatawa niyang sabi. Napasimangot lang ako at nameywang.
"Akin na ang Pringles. Babayaran na lang kita." humalukipkip ako para kunwari ma-intimidate ko siya.
"Paano mo naman ako babayaran? Wala ka ngang pera, remember?" He grinned.
"Malapit lang bahay ko. Sige na. Please? Importante lang kasing makabili ako ng Pringles." Pagmamakaawa ko. Nag-puppy eyes pa ako pero mukhang hindi uubra sa lalaking ito.
"Malapit lang naman pala bahay niyo eh. Eh di umuwi ka tapos bumili ulit. I paid this, so this is mine." Sabi niya saka naglakad na. UGH! Wala akong choice kunin ang bike ko at sundan ang lalaki.
Naglalakad siya habang sumisipol-sipol pa. At yung dalawang kamay sa likod niya at bitbit ang nakaplastik na Pringles.
Kung hablutin ko kaya sabay takas? Tutal naka-bike naman ako.
Agad akong umiling. Ang bad ng naisip ko. Magmumukha ako niyang snatcher.
Sinabayan ko na lang siya paglalakad niya habang ako mabagal na nagpepedal.
"Sinusundan mo ba ako?" Sabi niyang hindi nakatingin sa akin.
"Excuse me?!" Aba! Ang kapal naman talaga ng pagmumukha niya.
"Sabi ko kung sinusundan mo ako!"
"Pauwi ako samin at hindi kita sinusundan! Tse!" Sabi ko kaya medyo binilisan ko ang pagpedal. Konti lang ang layo ko sakanya at narinig ko siyang tumatawa. BALIW!
Nakita ko sa di kalayuan si kuya na nakaabang sa labas ng gate. Napakunot siya ng makita ako tapos tumingin sa likod ko tapos binalik sa akin ang tingin.
"Saan ka galing? Kanina pa ako katok ng katok sa kwarto mo." Sabi niya. Bumaba ako sa bike saka napanguso. Sasabihin ko ba kay Kuya na lumabas ako para bumili ng Pringles kasi ako yung kumain ng Pringles ng kaibigan niya kasi akala ko pasalubong yun sa akin ni Kuya?
"Oh Andrew. Bumili ka ng bago??" Sabi ni Kuya kaya napalingon ako sa kinakausap niya.
Halos malaglag ang panga ko ng mawari kung sino ang Andrew na tinutukoy ni Kuya.
Napatingin siya sa akin at ngumisi.
"What a small world." He commented kaya napataas ang kilay ko.
"S-siya.. K-kuya sigurado kang yan yung tumutuloy sa bahay natin?" Tanong ko kay Kuya.
"Oo, si Andrew. Lumabas ulit kasi nawawala yung Pringles niya. Pareho kayong addict sa pringles eh. Teka nga, ikaw ba yung kumuha ng Pringles niya?" Tanong ni kuya pero parang hindi naman nambibintang. Napalunok ako.
"Mukhang hindi naman siya yung kumuha ng Pringles ko. In fact, galing siya sa convenience store kanina to buy the exact flavor and number of my LOST pringles." Sabi niyang nakangisi. UGH! Nakakaasar. Mukhang alam niya.
"Bumili ka, Moira? Saan yung binili mo?" Tanong ni Kuya. Mukhang wala man lang siyang ideya sa nangyayari.
"Ay nandito. Hawak ko. Ayaw ko kasi siyang magbitbit kasi nagba-bike siya." Kibit nung Andrew kaya napatingin ako sakanya.
"Ganun ba? Oh sige pasok na kayo at naghanda si Yaya ng agahan." Agad akong tumango at dali-daling pumasok sa gate at pinarada ang bike sa gilid saka pumasok sa bahay.
Dumeretso ako sa kwarto at sumalagpak sa kama. Kinuha ko yung unan at tinakip sa mukha ko.
"WAAAAAHHHH~ Nakakainis na nakakahiyaaaa~~" Sigaw ko habang takip ang unan sa mukha.
Sa dinami-dami ng kaibigan ni Kuya na tutuloy sa bahay, bakit yun pa? Yung mang-aagaw ng Pringles!! Ang yabang niya!!!
Bumangon ako saka determinadong tumayo. This is my house. Hindi ako matatakot o ma-iintimidate sakanya. Siya ang mahiya kasi makiitira siya! Tama. Kung guguluhin niya ako, mas guguluhin ko ang buhay niya!
***
Sunday ngayon at kakatapos lang naming magsimba. As usual kasama ko ang dalawang Kuya ko daw. Ang totoo kong kuya at itong Andrew na ito na kahit ayaw kong tawaging kuya ay napipilitan ako kasi ayokong masabihan ng walang galang.
"McDo na lang kayo magbreakfast ah. Hindi ako makakasama sainyo muna." Sabi ni Kuya na ikinakunot ng noo ko.
"Ayoko! Kuya naman eh!" H'wag mo akong iiwan sa lalaking ito. Yun ang gusto kong idagdag.
"Naghihintay sa akin si Alyanna eh."
"Sino si Alyanna?"
"Nililigawan ko." Sabi niya. Natahimik ako. May nililigawan na ang kuya ko at somehow, parang hindi ko yung matanggap. Nasana akong ako lang ang Prinsesa niya.
"Sama na lang kami sayo." Suggest ko.
"Moira, ngayon lang. Please? Sige na, kay Andrew ka na muna sumamang kumain. Parang kuya mo nanaman siya diba?" Napatango na lang ako ng pilit. Tinignan ko si Andrew-- i mean kuya Andrew pero nakangisi ito. I can't believe this. Isang kasinungalingan ang mga pinapakita niya sa aking kabaitan kapag nakaharap si kuya.
"Bye. Magtataxi na lang ako. Si Andrew nagddrive. Ingat kayo" Tapos nun nawala na si kuya.
I looked at him disgustedly. Biglang nawala yung mala aso niyang ngiti sa labi at naging seryoso.
"Come. Gutom na ako." sabi niya saka naunang naglakad papunta sa parking lot.
"Saan mo gustong kumain?" Tanong niya ng makasakay kami sa sasakyan.
"Kahit saan." Malumbay kong sagot. Hindi ko alam kung bakit ako nalungkot bigla. Basta nawala yung saya ko kanina habang nagsisimba kami.
"Baka kasi crowded sa McDo ngayon eh." Sabi niya tapos sinimulan ng magdrive. Himala ata at mabait siya?
"Greenwich?" Suggest ko.
"Sure. Let's have Pizza." Nakangiti niyang sabi.
Ang wierd lang. Sa Isang linggo ko kasing nakasama itong kaibigan ni kuya, lagi na lang akong inaasar o kaya tinatakot kapag nakatalikod si kuya kaya nakapagtataka talaga na mabait siya sa akin kahit wala si kuya.
He parked the car sa harap ng Greenwich centro. SM Greenwich kasi baka crowded din kaya mas ok na din dito, peaceful.
Naupo kami sa window side para makita ang mga tao sa labas. Siya naman tumayo na at siya daw mag-oorder. After minute bumalik siya at may hawak na number. Alam kong matagal magserve ang Greenwich kaya kinuha ko ang phone ko saka naglaro.
"Mahirap ba ang BS Pharmacy?" tanong niya bigla na kinagulat ko kaya nahulog yung dalawa kong zombie sa cliff.
"Huh? Medyo pa lang. First year pa lang ako." Sagot ko saka nag new game.
"Bakit yun yung naisip mong course? Yun ba yung nagtitinda ng gamot sa drug store?"
"Pwede naman. Pero mas gusto ko sa laboratory." Sabi ko. Eto na ata ang pinaka civilized naming topic ah.
"To invent drugs?"
"Medicines." Pag-cocorrect ko sakanya.
"Yeah. Medicines... But why do you want to invent Medicines? May sakit ka ba? May gusto ka bang pagalingin?" Dumating yung order namin kaya hindi ko na siya nasagot. Napangiti ako sa order niya. May regular size na hawaiian Pizza, Lasagna and Garlic.
"Nasabi kasi sa akin ni Mario na paborito mo ang Lasagna at Garlic nread stick. Ok lang ba?" Sabi niya.
"Ok na ok." Sagot ko tapos kinagat ang garlic bread.
"Hehehehe." Tumawa siya tapos nagsimulang mag-slice ng pizza. Tahimik lang kaming dalawang kumakain.
Nahahati na namin ang kinakain namin pero hindi pa din kami nagsasalita. Nararamdaman ko na ang awkward feeling.
"Ah~ Bakit ka nga pala sa amin nagbabakasyon? Akala ko taga dito ka?" Tanong ko. Napatingin siya sa akin tapos nagpunas ng napkin sa bibig.
"Wala na kasi kaming bahay dito. Pinagbili na ng pamilya ko ng tumira na kami sa Bulacan. Nagkita kasi kami ni Mario nung may project siyang ginagawa sa Bulacan tapos yun, niyaya niya akong magbakasyon dito. Pumayag naman ako kasi matagal na akong hindi nakakabalik ng Bicol."
Sabi niya. Napatango lang ako. Bakit ba iba siya ngayon? Dati lang lagi niya akong iniinis.
-Flashback-
3 days ago..
Naglalakad ako papasok sa bahay ng makita kong nakaupo si Adrew sa porch at kumakain ng Pringles!
"Boar!" I whispered but enough for him to hear.
"Pig!" He answered. For four days na nakasama ko siya, lagi niya akong iniinis and he's perfectly annoying!
Pababa na ako sa hagdan ng patidin niya ang paa ko na dahilan para muntikan akong matumba. Mabuti na lang at nabalance ko ang sarili ko.
"Pisti ka!" Singhal ko sakanya.
"Oh? Naano kita?" Innocente niyang sabi sabay subo ng Pringles. Bwesit talaga!
"Kung hindi ka lang kaibigan ni kuya matagal na kitang pinatay!!" Galit kong hasik sakanya. He make faces and mimic my expression.
"Oh i'm so scared! Beat me!" He acted like a scared stupid guy.
2 days ago
"Ilipat mo nga sa BTv." He commanded pero hindi ko siya pinansin. Pinagpatuloy ko ang panunuod sa MTv.
"Nasaan na yung remote? Sa BTv mo na lang kasi laban ngayon Heat at Spurs." Irritado niyang sabi. I glared at him.
"This is not your house. May TV sa kwarto mo so umalis ka sa harapin ko!" Matalas kong sabi sakanya pero hindi siya natinag. He smirked at me.
"Eh sa gusto ko dito eh! May magagawa ka ba?" He mocked.
"Ugh! KUYAAA~" Inis kong sigaw. Isusumbong ko na talaga siya sa kuya ko.
"Nasa taas ng kwarto ang kuya mo. Hindi ka niya marinig." Lumabi siya.
Tumayo ako saka umalis sa sala.
I HATE HIM! I REALLY SUPER DUPER HATE HIM!!!
End of Flashback
Napatayo ako bigla sa kinauupuan ko kahit hindi pa kami tapos kumain. Mukha naman siyang nagulat sa ginawa ko kaya napakunot siya.
"Ayaw mo na ba?" Tanong niya. Tinignan ko siya ng masama.
"Is this part of your dark schemes nanaman para inisin ako? Kukunin mo loob ko tapos may gagawin ka nanamang masama sa akin?" Bintang ko sakanya.
"What? Moira, what are you talking about?" Tanong niya.
"Don't deny it, ok?! Sa isang linggo kang nakatira sa bahay, puro pang-iinis at pang-aasaar ang ginawa mo sakin. You're not nice to me. Then here you are, talking like we don't hold grudges to each other! Wala si kuya, ok?! You don't have to pretend na ok tayo!" I said then leave him hanging. Uuwi na ako. Sawa na ako sakanya.
Sa mga pang-aasar niya sa akin, kahit lumalaban ako nasasaktan din ang damdamin ko. Everytime he calls me by many not so nice names, i get hurt. Kahit kailan hindi pa ako na-bully.
"Moira, wait! Moira ano ba!" Rinig kong sigaw niya sa likod ko. Nasa waiting shed ako at naghihintay ng taxi na madadaan.
"Don't be such a childish, Moira." He said. Mas lalong nag-usok ang tenga ko sa narinig.
I angrily turned to him and glared.
"So i'm the childish now?! Ikaw ang isip bata dahil pumapatol ka sa isang teenager na kagaya ko!" I retorded.
"Look. I'm sorry ok? I'm sorry for treating you that way. Hindi ko din alam kung bakit enjoy na enjoy akong asarin ka. I just find you cute everytime i see you pissed." He said. I looked at him with disbelief. So he thinks i'm cute? Naiwaksi ko ang naisip ko. That's not the point.
"You're an asshole! I didn't deserve your treatment! As much as you enjoy seeing how pissed i am just looking at your horrible face, you still have no right to just.. to just treat me badly! I am your bestfriends little sister! Haven't you forgot that?!" I almost shout at him. Napayuko siya bigla saka tumingin ulit saakin.
"That's the point, Moira. You are my bestfriends little sister. Kaya kahit alam kong.. ugh! Never mind. You'll never understand me. Kasi tanging nakikita mo lang sa akin ay yung bad sides ko." He said. Napakunot ako. What does he mean by that?
"Kasi yun din yung pinapakita mo sa akin!"
"Hindi naman yun ang gusto kong ipakita sayo eh! Elementary pa lang kai ni Mario at sinusubukan kong makipagkaibigan din sayo pero lagi mo akong binabato kasi ayaw mo saakin. Noon pa lang ayaw mo na sa akin. We are grade six and you're grade 3. Ikaw ang tumataboy sa akin, Moira!" Sumbat niya.
Hindi ko alam kung paanong doon napunta ang usapan.
True, salbahe ako sakanya noon. Pero masisisi niya ba ako? Bata pa ako at mahilig nagtaray at magsuplada.
"H'wag mo ngang ibahin ang usapan! Past is past at sa totoo lang hindi kita gaanong naalala noon. Ang issue ngayon ay kung bakit ganun ka sa akin. Ang sama-sama mo sa akin. You call me Pig, glutton at kung ano-ano pang ibang term ng katakawan!" Naiiyak na ako. Never pa akong may nakaaway ng ganito na as in nagkakasagutan na kami. Siya lang. Siya pa lang.
"Gusto mo bang malaan kung bakit ako masama sayo?" He asked. Tumango ako kahit labag yun sa gusto ko.
"..because from the start, gusto na kita! Elementary pa lang tayo crush na kita!"
Para naman akong mabubuwal sa kinatatayuan ko dahil sa sinabi niya. Say what?
"NangtitrIp ka nanaman ba?!" Galit kong sabi.
"Yun ang totoo. Nung nagkita kami ng kuya mo sa Bulacan, ikaw agad ang naging rason ko para magbakasyon dito sa Bicol. Gusto kitang makita. Nasabi ko pa sa sarili ko na hindi na kita crush. Curious lang ako kung ano na ang hitsura mo lalo na't hindi naman nagpapakita ng picture mo si Mario." Hindi ako makaimik sa sinabi niya. Nag-iba bigla yung naramdaman ko. Hindi bago sa akin ang may nagtatapat sa harapan ko. Pero iba si Andr-- Kuya Andrew.
"..Yung tungkol sa convenience store, hindi ko alam na ikaw yun. I swear. Alam mo bang naging paborito ko ang Pringles dahil sayo? Alam kong matakaw ka sa Pringles at nagawa mo noong parusahan ang kuya mo sa pagtatago niya sa Pringles mo." Parang gusto kong mapangiti pero pinipigilan ko. Nakakatawang isipin na nasa harap kami ng Greenwich sa parking lot at heto siya, nagtatapat?
"..Inaasar kita kasi gusto kong pansinin mo ako. Gusto kong kausapin mo ako."
"..Nung nagtatalo kami ni Mario tungkol dun sa nawawalang Pringles ko, alam ko ng ikaw ang kumuha noon. Sinadya kong sa harap ng kwarto mo kami magtalo para lumabas ka."
"..Laking tuwa ko nga nung malaman kong ikaw yung niligtas ko sa cashier ng convenience store kasi walang pambayad. Feeling ko noon isa akong hero. Pero narealize kong hindi hero ang tingin mo sa akin kundi isang mayabang na binata." I heard him sigh.
"K-kuya Andrew." Hinihintay kong sabihin niyang 'Joke' o kaya naman 'Nauto kita' pero wala. Ayokong maniwala.
I hearhim chuckled. Parang tinatawanan niya sarili niya.
"Uwi na tayo?" He beamed. I nodded. Inalalayan niya akong sumakay sa sasakyan but i refuses. Pakiramdamn ko nagkaroon na akong malisya sakanya.
***
Gabi na. At kumakain kami sa hapagkainan. Kaming tatlo. Si Yaya ako at Kuya. Wala si Kuya Andrew. Sabi ni kuya masama daw ang pakiramdam at ayaw lumabas. Pakiramdam ko tuloy iniiwasan niya. Wala naman akong kasalanan ah. Siya ang nagtapat. Hindi dapat ako guilty.
After we ate, nagtambay ako sa labas ng bahay. Walang gaanong stars pero napapatingin talaga ako sa taas. Ganun ako kapag nagmumuni-muni.
Parang lahat kasi ng sinabi ni Kuya Andrew saakin, nag-eecho pa din. Naiirita na nga ako sa sarili ko eh. Feeling ko naman ang haba ng hair ko at may isang lalaki na nagtapat sa akin. Nag-aassume ako. Baka pinagtitripan lang talaga ako nun.
Nung medyo malamig na, pumasok na ako sa bahay. Wala ng tao sa sala. Madilim na at dim na ang ilaw sa loob. Papasok na akong kwarto ng makita kong lumabas ng kwarto si Kuya Andrew.
"Moira.." He says my name. And for the first time, it gives me goosebumps.
"K-kuya.." Sambit ko sa pangalan niya.
Lumapit siya sa akin at kinabigla ko ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit.
"I'm sorry. Sorry sa lahat ng mga ginawa ko. Promise hindi na kita muling aasarin pa." Mahina niyang sabi.
Tapos niya akong yakapin ay umalis siya at bumalik sa kwarto. And wierd naman niya.
Pumasok na akong tuluyan sa kwarto at doon ko nailabas ang ngiting kanina ko pa nilalabanan. Hindi ko maitangging nagiging attracted na din ako sakanya.
Haay, Kuya Andrew. Ano ang ginawa mo sa akin? Bakit ako kinikilig?
Sana tuloy tuloy na ito. Magiging ok na kami. Hind ako nag-eexpect ng kung ano, pero sana ok na ang pakikitungo niya sa akin.
Kinaumagahan, maaga akong gumising. Ewan ko kug bakit pero alam kong my kinalaman si Kuya Andrew sa pagiging masigla. And sigla na biglang nawala ng sabihin sa akin ni Kuya ang balita.
"Umalis na ang kuya Andrew mo."
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. I know hindi dapat, pero nasaktan ko. Hindi dapat kasi wala naman siya sa akin. Tama nga ako. Jinojoke nanaman niya ako. Pinaniwala niya ako para kahit wala na siya, magugulo niya pa din ako.
"Ah ganun ba? Mabuti naman. Wala na akong kaagaw ng Pringles at Remote." Pinilit kong ngumiti kay Kuya. Ayokong mahalata niyang apektado ako sa pag-alis ni Kuya Andrew.
Imbes na kumain ng agahan, bumalik ako sa kwarto ko.
Umupo ako sa kama ko at napansin ko ang isang maliit na note sa table side ng kama.
Moira,
I'll wait for you.
Love, Andrew.
Lahat ng inis, galit, at lungkot ay biglang nawala sa simpleng note niya.
Hihintayin niya ako? Hindi ko mapigilan ang ngumiti.
Sana lang tuparin mo, Kuya Andrew. I'll wait for you too.
..................................................................................................................................
At the right side is Moira and Andrew. :))
XOXO
-Thyriza
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top