Epilogue

Epilogue

° ° °

Makalipas ang maraming araw, buwan at taon...

* * *

Third person's POV

•••••

Parehas na school ang pinasukan nila Aecy at Allen. Ginawa nila ang lahat para maging proud ang kanilang mga magulang.

At sa wakas! Nagbunga rin ang lahat ng paghihirap nila Aecy at Allen na maka-graduate na may honor palagi. Kasi hanggang ngayong graduation nila sa college, si Aecy ang magna cum laude at si Allen naman ang suma cum laude. Ang galing nila hindi ba?

Ang hindi alam ni Aecy, may sorpresa ang boyfriend niya para sa kanya. Dahil hindi na nga ito makapaghintay, mas minabuti na niyang maaga niyang yayaing magpakasal sila ni Aecy. Tutal, may naipon naman na ang dalawa. Kaya excited na kinakabahan ngayon ang lalakeng magpo-propose sa taong mahal na mahal niya.

Kaya ngayon niya napiling yayain ang mahal niya para magpakasal. Tutal, tapos na rin na subukin sila ng mga ama nila at tsaka may karanasan na sila sa trabahong nakataya para sa kanila.

Nang matapos ang program, nagre-ready na ang lahat sa pag-uwi. Pero, nagulat silang lahat nang biglang namatay ang mga ilaw at nang biglang may nagsalita sa harapan ng stage kaya napatingin ang lahat doon.

* * *

Aecy's POV

•••••

"Allen?!" Napatitig ako sa lalakeng nasa stage ngayon at nasa kanya ang buong atensyon.

Teka nga? Ano bang ginagawa ni Allen sa itaas? Tsaka ano na namang pakulo ito? Hay...

"Ngayon, gusto ko lang po sanang tawagan ang pinakamamahal kong babae sa buong mundo. Ms. Aecy Recca Santos?" Laking gulat ko nang marinig ang pangalan ko na kayang binagnggit sa harap ng madla, kaya nilingon ito.

Napatingin ang lahat sa akin. Kahit na wala akong kaalam-alam, lumapit ako at nagpunta sa itaas ng stage.

Nang makalapit ako kay Allen, kunot ang noo ko siyang tinitigan. "Ano na naman bang pakulo 'to?" Pero nginitian niya lang ako at may kinuha sa bulsa.

Ano bang pinaggagagawa nitong mokong na 'to?

"Aecy... Alam ko, na alam mo, na hindi maganda yung una nating pagkakakilala. Pero, habang tumatagal, nag-iiba 'yon kasi natutunan na kitang kilalanin at mahalin."

Lumuhod siya sa harapan ko. "Alam kong hindi pa ito ang tamang oras para dito. Pero, sana maintindihan mo ako. Ayaw ko lang kasing maagaw ka ng iba kaya... napaaga ako ng desisyon."

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Para akong naidikit ng matunding pandikit sa kinataayu ko. Hindi ao makagalaw! Hindi ko din alam kung anong mararamdaman ko. Hindi ko alam kung kakahaban ba ako, o magiging masaya, o maiiyak, o maiinis.

Kasi naman eh! Kung ano-anong sinasabi nitong Allen na 'to!

Binuksan niya ang kahon na siyang ikinagulat ko ng sobra.

"Aecy? Will you... will you marry me?" Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko pero, hindi ko mapigilang maluha! Hindi dahil sa galit ako dahil napaaga ang pag-aaya niya. Kun'di, naiiyak ako dahil sa sobrang saya at sa sobrang pagpapasalamat dahil dumating siya sa buhay ko at pinagtagpo kaming muli para pagdugtungin ang naudlot na kwento namin, muling bigyan ng kulay ang bawat araw na mayroon kami

Magkahalong kilig at sobrang saya ang nararamdaman ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko! Ang mga tig-iisang patak ng luha ko ay napalitan ng maraming luhang kahina ko pa pinipigilan, at tuluyang nagsiagusan na nga sa makinis kong mukha ang mga luhang bunga ng naararamdamang saya ko ngayon.

Nakaabang ang mga tao sa harapan namin ngayon kung ano ang isasagot ko. Nakita ko si Daddy na nag thumb's-up. Payag na ang Daddy ko and... pati si Mom! So, I gave my whole attention to Allen and I answered him...

"Yes! Yes, Allen! I will marry you, of course I will!"

Nasaksihan ko ang pagtayo ng lahat ng mga tao sa kanilang mga upuan at nagsipalakpakan. Napuno ng ingay ang buong venue ng graduation.

Tumayo si Allen at nilapitan ako saka kinuha ang kanang kamay ko ay isinuot ang singsing sa daliri ko. Silver with an expensive diamond on top. Ang ganda sa kamay ko! I'm so thankful because I met him.

Niyakap niya ako ng napakahigpit kaya, niyakap ko na rin siya. Lumingon ako sa side nila Daddy at Mommy. Kitang-kita ko ang saya sa kanilang mga mukha. Wala nang hihigit pa sa sayang nararamdaman ko ngayon.

Ang then, natapos ang araw na iyon ng masasayang pangyayari na naganap sa buhay ko. Mabuti na lang talaga at kami ni Allen ang itinadhana para sa isa't isa. Dahil sobrang swerte ko sa kanya. Kaya nga wala na akong ibang mahihiling pa. Dahil nasa kanya na ang lahat.

Lumabas na ang lahat sa auditorium. Pati kami lumabas na rin. Pero sa loob, naiwan ang parents ni Allen, ni Daniella, ni Austin at ang parents ko. Kaya kaming apat lang ang magkakasamang lumabas na para makapag-usap-usap kami ng kami-kami lang.

"So, ano ng balak ninyo?" basag ni Ella sa katahimikang bumalot sa amin.

"Kailan nga pala ang kasal? Bukas?" Loko-loko talaga ang Austin na 'to! Eh, kung iuntog ko kaya sa semento ang utak nito para matauhan ito sa mga pinagsasasabi niya.

"Heh! Tumahimik ka na nga, Austin!

Hahaha! Ayan! Inupakan siya ng girlfriend niya.

"Aray ko!" reklamo nito.

Hahaha! Ang cute talaga ng couple na 'to. Maya't maya nag-uupakan sila. Pero hindi matalo-talo ni Austin yung best friend ko. Ayaw niya daw labanan dahil mahal na mahal niya si Ella.

Hay... Iba talaga kapag in love ka.

Parang ako, handang magpakatanga para sa pagmamahal ko kay Allen. Siya naman daw, handang ibuwis ang buhay at gawin ang lahat para lang hindi ako mapahamak at masaktan.

Sa pag-ibig, hindi mo kailangang magmatigas dahil hindi mo hawak ang future mo. Hindi mo rin hawak ang kapalaran mo sa love kaya huwag mong sasabihing ayaw mong mainlove dahil once na dumating ang prince charming mo, hindi mo makakayang sabihin na hindi ka mafo-fall.

Kaya nga sobrang napabilib ako ng kapangyarihan ng love eh. Dahil sa pamamagitan ng powers niya, nagagawa niyang palambutin ang sinuman na hindi marunong magmahal.

Parang kami ni Allen. Nagawa ng love na pagtagpuin at pagkasunduin ang mga utak at puso namin para mapaniwala niya kami na totoo ngang may FOREVER.

---

---

---

---

---

THE END.

========

========

========

Thank you po sa mga votes! Ito na po talaga. Tapos na po talaga 'to. Salamat po sa pagsusubaybay noong ON GOING pa lang. Thank you so much po.

Don't forget to follow me here! And leave some comments kung may mga pangyayari kayong hindi maintindihan. Salamat po sa suporta! Naaapriciate ko po ang bawat votes niyo. :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top