38
° ° °
Ella's POV
•••••
Makalipas ang isang taon...
Bumalik kami ng Pilipinas. Nakagraduate na rin kami ng high school. So, we're now going back to the Philippines for enrollment in college. Kasama ko na ngayon si Aecy at siyempre, ang boyfriend niyang habulin ng mga babae. Si Allen. Oo, naging sila na. Hay... Sa kabila ng ng pagtataray ng bestfriend ko, nagawan niya pa ng paraan para hindi tumandang dalaga. Hahaha! Pero joke lang, masaya ako para sa kanilang dalawa.
Kung tatanungin niyo yung tungkol sa amin ng my loves ko, okay naman kaming dalawa. Minsan, nagkakatampuhan pero nagkakaayos rin naman. Hindi kasi kami sanay na tumatagal o pinapatagal yung tampuhan naming dalawa. Ang gusto namin, bubuo kami ng mga memories na walang halong bad. Lahat pampagood vibes lang. Kasi ang gusto naman, palagi lang masaya.
Namiss ko talaga ng sobra ang Pilipinas! Yung spaghetti talaga ng nga Pinoy ang gusto ko pagkadating ko ng bansa. Yiippiiee! Ang sarap sigurong balikan lahat ng mga alala namin sa lumang school. Hayyy...
* * *
Dave's POV
•••••
Si Aecy, masaya sa piling ni Allen. Si Austin naman, masaya sa piling ni Daniella. Grabe talaga ang mga 'to! Iniwan na akong single. Huhuhu!
Dati nga, nalaman ko na lang na pinagseselosan na pala ako ng boyfriend ni Aecy kaya nilayuan ko na siya no'n. Ngayon, sila na.
Aba! Nagbago ang bruhildang Aecy nang dahil lang sa iisang lalake!
"AAAAAAAAAAAAH! May sunog dito sa eroplano! Bababa na raw tayong lahat!" sigaw ko sa kanila, pero hindi lang din nila ako pinansin kaya hinayaan ko na lang sila.
Hirap nila i-distract!
Kakausapin ko na nga lang si Claire. Ipapaalam ko na gusto kong manligaw sa kanya. Para hindi na ako nahuhuli dito sa mga pinsan kong may ka-couple na.
Tinawagan ko si Claire.
"Hello, Claire? Pwede ban—" hindi pa ko natatapos nang magsalita siya sa kabilang linya.
["Wait... Tanong ko lang. May balak ka bang ligawan ako?"]
Grabeng tanong 'yan. Bigla na lang sumusulpot, 'di tuloy ako agad nakapag-react.
"Ahm... O-oo... sana. Bakit? Bawal ba?" Hayst, nandito ka na, Dave! Kakayanin mo 'to!
Sana pumayag siya.
["Hindi naman. Sige lang, manligaw ka lang. Huwag kang mag-alala, hindi ka aasa sa panliligaw mo sa akin."]
What?! So, ibig sabihin ba no'n may chance na maging kami?
"Thank you, Claire! Thank you." Patuloy akong nagpapasalamat sa kanya dahil binigyan niya ako ng chance.
Hindi ko mapigilang mag imagine kung magiging kami nga ni Claire. Yung dadalhin ko siya sa iba't ibang sulok ng mundo. Yung kakain kami sa iba't ibang restaurant sa buong Asia. Yung bonggang engagement party at bonggang kasal.
["You're welcome, soon to be my boyfriend. Hindi na sana kita papayagan pang manligaw pero kailangan ko pang kilalanin ka ng maigi eh."]
Hala! Ibig bang sabihin nito, gusto niya rin ako at dapat boyfriend na niya ako kaso gusto niya pa akong kilalanin ng mabuti? Aba! Kayang-kaya ko yata 'yan. Para sa taong mahal ko.
"Okay, my future girlfriend. See you later. I'll treat you."
Masaya kong pinatay ang tawag nang masabi ko na iyon. Hay... Sa wakas, magkaka girlfriend din ako.
* * *
Allen's POV
•••••
This day...
June 3, 2020...
Today is my 20th birthday. My special day. Kasi, last year, sa gabi na iyon ako sinagot ng taong mahal na mahal ko. Sobrang saya ko that night. Sa tuwing naaalala ko 'yon, hindi ko mapigalang mapangiti na lang ng basta, basta.
"Cutie pie, naaalala mo ba yung date na 'to? June 3. Yung gabi na sinagot kita. Yung naging tayo. Yung sinabi ko rin sayo na mahal kita. Sa tuwing naaalala ko kasi yung gabi na 'yon, naiiyak na lang ako." Napakunot na lang ako ng noo sa sinabi niya. Kung ako napapangiti, siya naman naiiyak? Ano 'to? Pinagsisisihan niya bang sinagot niya ako?
"Bakit naman? Napilitan ka lang ba na sagutin ako that night?" nagtataka kong tanong.
Umayos siya ng upo at tinitigan ako sa mga mata, saka hinawakan ang mga kamay ko. "Hindi 'no! Hindi ako napilitan. Naiiyak ako kapag naaalala ko 'yon kasi sa kabila ng katarayan ko, may magmamahal pa sa akin, at sobrang swerte ko sa sinagot kong lalake that night. Dahil sa kanya ko ipaparamdam ang buong pagmamahal ko tulad ng pagmamahal ko sa sarili ko."
"Ang taong 'yon ay wala ng iba pa kun'di ang nasa harapan ko ngayon. Ikaw 'yon, cutie pie," dugtong niya saka ako nginitian.
I'm so thankful because I met her. I don't want to lose her. Hinding-hindi ko na siya pakakawalan pa. Gusto ko siyang maging masaya sa piling ko.
I pinched her nose. "Pinapakilig mo na naman ako, cutie cake eh."
"Ouch! Don't touch my nose! Ang sakit kaya," reklamo niya na siyang ikinatawa ko. Ang cute niya kasing mainis. Hahaha!
* * *
Maiba naman tayo...
Nang makapagtapos na kami ng high school ni Aecy, ipinaalam na nila Tito Chrystoff at Daddy na susubukin daw nila ang galing namin sa pagpatakbo ng mga
kumpanya at maging sa pagpapatakbo ng mga gawain sa palasyo. After siguro ng eight years pa naman, sqaka pa lang kami magbabalak na magpapakasal ng cutie cake ko.
Sa ngayon, ang iniisip muna namin ay kung paano namin pagsasabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho. Pero sana, makaya namin. Sana nga.
***
Nang makababa na sa airport sa pinagsakyan naming private plane, inalalayan kong makababa ang prinsesa ko. Syempre, baka matapilok. Ayaw ko kaya siyang nakikitang nasasaktan 'no!
Nang makababa na kaming lahat, pumunta kami kaagad sa sumalubong sa amin sa airport. Yung mga dati kong katulong sa bahay at ang ilang bodyguards na namin ni Aecy ang kumuha ng mga bagahe.
Nagpaalam ako sa cutie cake ko na uuwi muna ako ng bahay para maiayos yung mga gamit ko sa kwarto ko bago dumating sila Mommy galing Nevada. Sabi kasi nila, susunod sila after naming makarating. Baka next week, nandito na sila sa Pilipinas.
Nang makarating ako sa bahay namin, nakita ko ang dalawang mokong kong kaibigan na masayang nagre-relax habang nanonood ng Lola Basyang Datkom na ngayon ko lang nalaman dahil kararating ko lang.
Tsk! Mga isip-bata nga naman talaga oh.
Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papuntang kwarto ko. Siguro ilang saglit lang ang nakalilipas, napansin rin nila ako dahil sa tunog ng mga maletang dala ko paakyat ng hagdan. Tinawag kasi nila yung name ko. Pero nang hindi ko sila pansinin, sumunod sila sa room ko at kinulit-kulit ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top