36
° ° °
Allen's POV
•••••
Masaya akong nahiga sa kama ko. Sa wakas! Maliligawan ko na si Aecy! At sa wakas, may dahilan na ako para hindi na ako ipakasal sa ibang mga babaeng hindi ko naman gusto at mahal.
Pipikit na sana ako nang tumunog ang phone ko. Si James pala. May pinagawa kasi ako sa kanya. Baka tapos na niyang gawin. Kahit kailan talaga, maasahan ko siya.
"Hello, James," sagot ko sa tawag.
["Yes, Sir. Tapos na po. Pwede ka na raw pong lumipat sa King Section bukas. Naiayos ko na po lahat-lahat,"] tugon naman ni James mula sa kabilang linya.
"Thanks, James. Maaasahan talaga kita! Sige, kunin mo sa apartment mo yung dagdag-sweldo mo," saad ko sa kabilang linya saka pinatay na ito at natulog na.
* * *
Aecy's POV
•••••
Hindi ako makatulog! Nakakainis! Kanina ko pa pilit na ipinipikit yung mga mata ko pero ayaw talaga eh.
Bakit ba sa tuwing pipikit ako, palagi na lang bumabalik yung pangyayari kanina sa beach. Kanina pa ginugulo itong utak ko. Kanina pang hinatid ako ni Allen dito sa palasyo. Kanina nga rin, lutang ako eh. U! Bakit ba ako nagkakaganito?!
Kanina ko pa kasi pinagiisipan yung sagot ko. Kung sasagutin ko si Allen, baka ipagpalit niya ako sa iba. Kasi hindi naman natin mapipigilang lapitan ng ibang babae si Allen eh. Baka may mahanap siyang ibang babae at ipagpalit ako. Ako rin yung masasaktan sa huli.
Oo, aaminin ko na gwapo siya. May kaya sila at matalino rin. Sabihin na nating isa siyang perpektong tao. Yun nga lang isang POPULAR na suplado. Kaya maraming nagkakandarapa makuha lang siya.
Kung hindi ko naman siya sagutin, baka gayahin niya yung sa mga napapanood kong k-drama na sisirain ang buhay dahil hindi sila sinagot ng taong gusto nila. Magpapakalasing gano'n.
Hayst! Ang hirap naman ng ganito!
Nagulat ako nang biglang bumukas yung pinto ng kwarto ko at iniluwal si Ella na parang taranta na ewan. Ano bang problema nito?
Lumapit siya sa akin at umupo sa bandang dulo ng kama ko habang nakatitug pa rin sa phone niya na nanlalaki pa ang mga mata.
Huminga siya ng malalim bago nagsimulang magsalita. "May information akong nakalap sa mga fan girls ni Allen, Aecy!" Ewan ko ba kung kinakabahan siya o naeexcite siyang nagkukwento.
Umupo ako ng diretso sa kama at nagatakang tumingin sa kanya.
"Ano naman 'yon?" tanong ko.
Bakit ba napaka tsismosa ng kaibigan kong 'to? Saan ba ipinaglihi ito? Sa tsismis?
Tiningnan niya yung phone niya saka ipinakita sa akin sabay sabing...
"Totoo ba na sinundan ka ni Allen dito? Tapos, nag-comment yung si Oliver na kaibigan ni Allen. Ang sabi niya, mahal ka na daw ni Allen kaya ka niya sinundan. Totoo ba 'to, Aecy?"
Napayuko na lamang ako. Naalala kong wala pa pala siyang nalalaman tungkol sa mga nangyayari sa akin.
Tumango na lamang ako saka unti-unting timingin sa kanya. Baka kasi magtampo siya dahil hindi ko siya ina-aware tungkol sa mga nangyayari sa akin.
Sinubaybayan ko kung anong magiging reaksyon niya. Pero nginitian niya lang ako. "Nice! Sana sagutin mo kaagad si Allen ah. Tapos sabihin ko, iwan ka niya agad para masaya," sabi niya saka tumawa na parang mangkukulam.
Tinitigan ko ito ng masama. "Tse! Eh kung isubsob kaya kita d'yan sa cellphone mo. Gusto mo? Lumabas ka na nga! Ginugulo mo utak ko! Istorbo!" sigaw ko rito.
Tumayo siya pero bago ang lahat, lumingon muna siya. "Ako ba talaga ang gumugulo sa utak mo o si... Allen?" Aba! Talaga ngang iniinis ako ng gurang na 'to.
Pinagbabato ko siya ng unan. "Lumayas ka na nga dito!"
"Oo na! Lalayas na ako! Bye!" ani 'to sabay takbo palabas ng kwarto ko. Aish! Bakit ba sinasagad niya pa pasensya ko bago siya tumalima? Grrr!
Naiinis kong pinulot ang mga unan na nagkalat sa sahig saka bumalik sa pagkakahiga para makatulog na ako. Maaga pa ang pasok ko bukas.
Pero hanggang ngayon, ayaw pa ring matulog ng mga mata ko! Bakit ba nagkakaganito itong mata ko? May problema ba 'to? Magpapacheck-up na ba ako? Aish! Grabe ka namang mata oh! Bakit ba pati ikaw gusto mong alalahanin ko?! Kainis naman ng ganito oh!
* * *
*Kinabukasan...*
Nagkita-kita kami sa main park ng school. Kasama ko ngayon sina Austin at Ella. Maaga kasi kaming nakarating sa school. Kaya naisipan naming tumambay muna.
Nasa kalagitnaan sila ng tawanan nang bigla silang tumahimik.
"An'yare sayo, Ate? Bakit ang laki ng eye bags mo? Napuyat ka ba? Naku! Kawawa naman ang Ate Aecy ko. Buti na lang kami ni my loves ko nakatulog ng mahimbing."
Iba ka rin, Austin eh 'no. Nang-iinis ka talaga eh.
"Hahaha! Ganyan talaga kapag walang lovelife. Bakit kasi hindi na lang niya sagutin si Allen para wala na siyang pinoproblema? Hahaha!" sabat naman ni Ella habang binubuksan ang pagkain niyang binili sa canteen.
Dumaan kasi sila kanina sa canteen. Nagugutom daw kasi itong mukhang pagkain na si Ella.
Tinitigan ko ito ng masama kaya napasimangot siya bigla. "Wala ba kayong ibang mapagtripan na hindi AKO? Tsk! P'wes, huwag ako."
Kalmado ko silang iniwan at lumipat na lang ng bench na pag-uupuan.
Argh!
Kapag nag stay pa ako doon, baka kung ano pa'ng magawa ko sa kanila. Baka mapag-umpog ko sila nang wala sa oras. Bad trip na nga lang ba-bad tripin pa nila ako. Kainis!
Inilabas ko ang earphone ko saka binuksan ang paboritong libro ko at nagbasa na lang with my favorite music. Mas masaya kapang ako lang kasi walang mangiinis at mangiistorbo.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang may maramdaman akong tao na tumabi sa akin. Dahan-dahan ko itong nilingon. Nagulat ako nang makita kung sino iyon. Kaagad akong tumalikod at kinuha ang polbo ko sa bag at i-napply sa mga eye bags ko. Nakakahiya naman na makita niya akong may eye bags 'no!
Aray ko!
Napuwing yata ako!
Nalagyan yata ng polbo yung mata ko! Hmp! Kainis naman oh!
Nilapitan ako ni Allen. "Oh, an'yare sayo? Halika nga!" Iniharap niya ako sa kanya na polbo, polbo. Kahit na nahihiya ako, wala akong magagawang iba kasi ang sakit kaya sa mata nung polbo. Saka ang kati pa.
* * *
Allen's POV
•••••
Mas maganda pala si Aecy sa malapitan. Ngayon ko lang kasi naramdaman yung ganito.
Yung tipong mahawakan ko lang mukha ni Aecy, feeling ko kumpleto na ako, na wala na akong ibang gusto kun'di tanging siya lang.
Saglitan akong napatitig sa mga mata niya at pati na sa buong parte ng mukha niya.
Nagulantang na lang ako nang biglang magsalita ang kaharap ko kaya napakurap-kurap ako.
"Huy! Hipan mo na ah! Ang kati na eh!" bulyaw niya sa akin kaya ginawa ko na lang yung pinapagawa niya. Saka niya ako nilayuan at nagpasalamat. Nginitian niya ako kaya nginitian ko na lang din siya.
Ang awkward! Shuta 'yan! Hayst!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top