35
° ° °
Aecy's POV
•••••
Maaga akong nagising. Kinuha ko muna ang laptop ko at nagtype sa messenger ko. Minessage pala ako ni Austin. Ang sabi niya..
From: Austin Santos
- Hindi ko alam kung anong problema ni Tita Refena at ako ang pinagbantay rito sa hospital hindi kayo. Letseng buhay naman oh!
Aba! Nagawa pa niyang magreklamo ah? Pasalamat nga siya ini-excuse pa siya nila Tita sa school. Bilang paggalang na rin sa pinakamayaman na isa sa pamilya ng mga Santos, pumayag sila. So, walang aalalahanin si Austin na mga homeworks niya.
Hindi ko na lang siya ni-replayan. Binuksan ko na lang yung mga i-piprint ko para matapos na ako ngayon. Mamaya na kasi ang deadline nito. Baka malate pa ako sa pagpasa. Baka bumaba pa yung grades ko.
Nasa kalagitnaan ako ng pagtatype sa studying are ng kwarto ko nang marinig ko ang phone ko na nagriring. Mukhang may tumatawag. Kaya nilapitan ko iyon at tinignan ang screen.
It is from Unknown number. Oh! It's Allen nga pala. Ano na naman bang kailangan nito sa akin?
"Ano?" panimula ko nang masagot ko na ng tawag.
["Ahmm.. Pwede ka bang bumaba saglit? Makikipag-usap lang ako tungkol sa atin. Nandito kasi ako sa gate ng palsyo niyo. Ayaw akong papasukin ng mga guard niyo eh."]
A-anong tungkol sa amin ang pinagsasaaabi nitong mokong na 'to? Nababaliw na ba siya?
"S-sige. Basta saglitan lang. Okay?" Wala akong nagawa. Dahil pagdating sa kanya... Ewan ko ba! Nagiging marupok ako. Madali na niya akong mapapayag ngayon.
["Okay,"] sagot niya mula sa kabilang linya saka iyon pinatay.
Bumaba ako kaagad.
Hindi naman kasi ako excited na makita siya. Ang gusto ko lang malaman ay yung tanging pakay niya lang. Oo, 'yon lang. Wala ng iba pa.
Pagbaba ko nakita ko siyang nakatayo at nag-aabang sa labas ng gate. Nilapitan ko siya kaagad at pinagbuksan ng pinto.
"Ano bang kailangan mo sa'kin?" naiirita kong tanong sa kanya nang makalabas na ako mula sa gate.
Walang ano-anong hinila niya ako papasok ng itim na kotse niya at inilock iyon. Doon na ako nakaramdam ng konting kaba.
Pinaandar niya kaagad yung kotse niya nang hindi man lang ako kinukunsulta kung okay lang ba sa akin yung ginawa niya. Saan ba ako dadalhin nitong lalaking 'to?!
Wala kaming imikang dalawa. Sa tingin ko naman, walang may balak magsalita sa amin eh. Saka okay na rin siguro 'to.
Ang akala ko mabibingi na ako sa katahimikang lumulukob sa akin. Mababasag rin pala iyon ni Allen. Tsk! Alangan namang ako. Ako na nga ang isinakay ng basta-basta sa sasakyan niya eh.
"Ahm... Sorry doon sa ginawa ko ah. Don't worry wala naman akong gagawing masama sayo eh," basag ni Allen sa katahimikan.
"Dapat lang," bulong ko sa hangin nang hindi man lang tumitingin sa gawi niya. Hindi ko alam kung narinig niya ba o hindi.
"Ano?"
Naku! Narinig yata niya.
"Ah—eh... Ang sabi ko, dapat lang na... bilisan mong magdrive. Mukha mo kasing pinapabagal ng sobra eh." Ano ba naman 'yan oh! Kung ano-ano kasing lumalabas sa bibig mo, Aecy eh!
Sinunod naman niya yung sinabi ko na bilisan yung takbo ng kotse niya kaya bumilis at hindi naman gaanong nagtagal, huminto na ang sasakyan niya. Ano bang lugar 'to?
Inalalayan niya akong nakababa ng kotse niya, at doon ako namangha sa nakita ko. Pero, nakakapagtaka? Anong gagawin namin dito sa isla?
"Anong ginagawa na'tin dito?" tanong ko sa kanya. Wala kasi akong naiisip na dahilan eh.
Hindi niya ako sinagot. Ang tanging ginawa niya lang ay hilahin ako papunta sa kung saan na naman. Bakit ba lahat na lang ng tanong ko hindi niya sinasagot?
Pipi na ba siya?
Dinala niya ako sa tabi ng dagat. Umupo siya at pati ako dinamay niya pa. Hinila niya ako kaya pati ako napaupo na sa tabi niya.
Ano ba talagang problema nito? Bakit ang hilig niya manghila? Nakakainis na ah!
Ilang saglit pa ang nakalilipas, tumayo na ako hindi dahil sa naiinip na ako dahil ang sarap panoorin ng mga alon. Kaya lang.. NAIINITAN NA AKO! SINO BA NAMAN KASI ANG GUGUSTUHING PAUPUIN KA SA BUHANGINAN SA ILALIM NG NAPAKATINDING INIT NG ARAW?! Argh! Seven o'clock na kaya 'noh!
"Uy! Bakit ka umalis? Uy! Aecy!" pilit niya akong tinatawag pero hindi ko siya nilingon. Pumunta na lang ako sa isang cottage doon para magpahangin.
Hindi ko napansin na sinundan niya pala ako. Huminga ako ng malalim saka siya hinarap nang mapansin kong nasa likuran ko na siya. "Hindi mo ba nakikita 'yang araw?! Ang taas na kaya oh! Ang init, init kaya!" Ang sakit kaya sa balat nung init ng araw.
"Okay, fine. Sorry again. Sige, dito ko na lang sabihin yung tungkol sa pag-uusapan natin," sabi niya saka umupo sa part na upuan sa harapan ko.
Inayos ko ang upo ko. Ipinatong ko ang dalawang braso ko sa lamesa. At ang ikinagulat ko, nang biglang kunin ni Allen ang kanang kamay ko at halikan.
Nababaliw na ba talaga ang lalaking 'to? Noong una, hinalikan na ako sa pisngi ngayon naman sa kamay.
Tiningala niya ako matapos niyang halikan ang kamay ko. "Naalala mo ba yung ginawa kong paghalik sa pisngi mo tapos sinabi ko sayo na namiss kita?"
I slowly nodded.
"Hindi mo ba alam na totoo 'yon?"
Umiling ako.
"Now, I'll tell you everything you want to know. Do you want to know the truth? And the main reason why I'm here in Thailand?"
Tumango ako bilang tugon.
He replied me a warm smile. "I'm here... and it's because of you, Aecy."
Namilog ang aking mga mata nang dahil sa pagkabigla. Hindu naman kasi ganito ang pakikitungo niya sa akin noon.
"I want to tell you that... I'm slowly falling in love with you."
Hindi ko mapigilang maluha...
Hindi ko alam kung bakit.
"I tried to deny it. But... I can't!"
Napayuko na lamang ako nang dahil hindi ko na talaga mapigilan ang mga luha ko na patuloy pa ring tumutulo.
"I'm sorry... I'm just in love. You know? Like what I feel kapag kasama kita. I feel like, I'm totally completed. So, I hope you'll answer me a yes..."
Pinunasan ko ang aking mga luha. And still, wala pa rin akong imik. Gulat at kaba ang nararamdaman ko ngayon.
Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan bago nagsalita habang hawak-hawak niya pa rin ang kamay ko.
"Can I court you?"
Feeling ko namanhid buong katawan ko nang dahil sa sinabi niya. Grabe kasi, binibigla ako eh. Hindi ko pa nga tukoy kung gusto ko din ba siya o nag-aassume lang ba ako, o ano. Haha!
Nginitian ko ito, tsaka gusto ko rin namang malaman kung gusto ko rin ba talaga siya or hindi. Kaya, tumango na lang ako.
Aish! Wala akong choice. Ayaw ko namang masaktan siya ng dahil lang sa pagtanggi ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top