34
° ° °
Aecy's POV
•••••
Maaga akong pumasok sa school. Maaga rin akong nakarating dito. Wala pa ngang gaanong estudyante eh.
Nabobored na ako kaya naisipan ko na lang na pumunta sa music room. May gitara doon. Pwedeng pampalipas oras. Kaya kumanta muna ako.
Nang nagsawa na ako kakakanta, dumiretso ako sa cafeteria at bumili ng lugaw, cake at ice cream na mga pabirito ko. Comfort food ko silang lahat. Pero ang pinakapaborito ko talaga ay ang cake at ice cream.
Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang may lumapit sa akin na lalake. Pero hindi ko lang siya pinansin at ipinagpatuloy ko lang ang pagkain ko.
"Pwede bang makiupo?" Napatigil ako nang marinig ang boses na pamilyar sa akin mula sa lalakeng nakatayo sa likuran ko. Tiningala ko iyon. At tama nga ang hinala ko, si Allen nga ang naririto. Pero anong ginagawa niya dito sa school?
"A--Allen?!" gulat akong tumayo at linapitan siya sa pinisil ang pisngi niya. Totoo nga! Siya nga ito.
Bumalik ako sa pagkakaupo at itinuloy ang pagkain. "B--bakit nandito ka?" takang tanong ko nang hindi man lang tumutingin sa kanya.
"Ahmm.. Dito na ako nag-aaral? Saka sorry nga pala sa ginawa ko sayo. Yung.. alam mo na." nang dahil sa ipinaalala niya, diretso ko na siyang hinarap. Bahala na kung anong lumabas sa bibig ko, iyon na lang.
"It's okay. 'Yon lang ba ang tanging kailangan mo? Kasi kumakain pa ako oh. Pwede ka ng makaalis." Nang dahil sa sinabi ko, napakunot ang kanyang noo.
Ano bang problema nito?!
"Bakit mo ako pinapaalis? Eh kakain rin naman ako. Kaya tinanong ko nga kung pwedeng makiupo dito eh." inirapan ko na lang siya para maitago ko ang kilig na nararamdaman ko nang maalala ko yung paghalik niya sa pisngi ko.
* * *
Austin's POV
•••••
Nakakainis naman! Bakit pa kasi ako ang pinagbantay nila Mommy kay Andrea. Andrea Santos-Lungkhoptem, my cousin. Siya yung ikakasal sana na hindi natuloy dahil sa isang car accident. Kaya ayun, comatose siya ngayon.
Hindi na ako nakapasok sa school dahil kailangan kong bantayan si Andrea. Wala akong magawa. Dahil kapag hindi ko sinunod si Mommy, mababawasan yung allowances ko. Argh! Kainis!
Buti na lang at kasama ko ngayon si Ella, my loves ko. Oo, siya ang kasama kong nagbabantay dito. Wala naman kasing ibang maaasahan sila Tita Refena para magbantay sa anak nila kun'di ako na pinsan ng anak nila. Busy raw kasi ang lahat ng mga pinsan ko. Lalong-lalo na si Kuya Dave. Argh! Isa pa 'yon! Nagbibusy-busyhan para hindi lang mautusan dito sa ospital! Kainis!
AND, siya rin ang dahilan kung bakit hindi ako nagtagal doon sa Quezon. Ano bang naisipan niya para gawin sa buhay niya ang ganito? Tsk! Hindi niya ba alam na hindi niya mararanasang magmahal ng totoo kapag namatay siya ng maaga?
Hay... Kung ako sa kanya ipaglalaban ko ang karapatan ko na magpakasal sa isang taong totoong mahal ko at totoo ring mahal ako. Tulad namin ni my loves.
Hindi yung kailangan pang kitilin ang buhay para lang hindi matuloy ang isang bagay na ayaw mong matuloy.
Sa totoo lang, hindi mo naman kailangang magpakamatay para lang malutas yung isang problema na alam mong may iba pang paraan para maresolba iyon.
Bakit? Kapag namatay ka ba ng maaga maso-solve na ba yung problema mo? Tulad ng sitwasyon ng pinsan ko. Oo, hindi nga natuloy na ipakasal ka, namatay ka naman ng maaga. Oh 'di ba? Nakabuti ng kaunti pero ang laki ng ikinasama.
Nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni nang may biglang tumabi sa akin kaya napalingon ako kaagad sa tumabi. Si Ella, my loves pala.
"Ano namang minumuni-muni mo d'yan? Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" sunod-sunod niyang tanong.
Hinawakan ko ang mga kamay niya saka ipinatong sa aking mga hita. "Iniisip ko lang kasi kung bakit nagawa ni Andrea na magpakamatay dahil lang sa pagpayag ng mga magulang niya na maikasal siya sa isang taong hindi naman niya lubusang kilala."
Kunot ang noo itong lumingon sa akin. "Bakit? Sinadya niya ba yung 'car accident'? Kung sinadya niya sana 'yon, eh 'di sana ang lumabas sa imbistigasyon, suicide. Hindi naman eh."
Tumayo siya bigla at inagaw ang kamay niya na hawak ko saka ako dinuro.
"Ikaw, bakit ba palagi na lang kapalpakan 'yang laman ng kokote mo? Hindi ba't pinsan mo si Aecy? Bakit hindi ka nagmana sa lahi ninyong matatalino? I mean, lahi nila. Hmp! Bahala ka na nga d'yan!"
Hala! Iniwan ako!
Oo nga naman. Bakit ba hindi ako nagmana sa ibang mga pinsan kong matatalino? Bakit ang bobo, bobo ko? Bakit nga ba?
Hayst! Huwag ko na ngang isipin! Sumasakit tuloy yung sintido ko kakaisip ng dahilan! Peste naman kasing utak 'yan oh! Magaling nga ako sa academics pero ang hina ko naman sa mga common sense na nangyayari sa paligid ko.
* * *
Ella's POV
•••••
Iniwan ko na lang si Austin doon na nakaupo sa tapat ng room ng pinsan niya. Ewan ko ba! Sumasakit yung ulo ko kapag iniisip ko yung dahilan kung bakit ganun siya mag-isip kung minsan. Common sense na nga lang, hindi pa ma-gets.
Nagulantang ako nang biglang mag ring ang phone ko. Tinignan ko yung screen nito at pangalan ni Aecy ang lumitaw.
Ano na naman kayang problema nito? Hayst! Masagot na nga lang at ng matigil na!
"Hello!" pabulyaw kong sagot sa tawag.
["Heh! Huwag mo nga akong sigawan! Nakakasakit ng tenga! Pati tuloy sa speaker ko naaamoy ko yung mabaho mong hininga."]
What, Aecy?! Anong sinabi mo?!
Just don't listen to her. Tsk!
"Heh ka din! Ikaw na nga lang ang tumawag, ikaw pang may ganang magalit! Teka? Ano ba talagang pakay mo at napatawag ka ng wala sa oras?"
["Hindi mo pa ba alam na dito na sa school natin nag-aaral si Allen?"]
Hmp! Minsan talaga, hindi ko mapigilang mainis sa best friend ko. Loka-loka rin eh.
"Eh, paano ko malalaman? Nakikita mo ba ako na nand'yan? 'Di ba wala? Hay nako, Aecy!" inis kong sagot sa kanya.
"Teka? Anong sabi mo?! D'yan na nag-aaral si Allen? Hindi kaya..." dugtong ko na siyang ikinagulat ko sa naisip kong dahilan. "Hindi kaya, sinabi ng Daddy mo kay Allen kung saan ka nag-aaral ngayon? Tayo. 'Di ba?" dugtong ko pa.
["Siguro nga. Oh siya, baka nakakaabala na ako. Bye na. May gagawin pa ako. Malapit na kasi ang third subject and fourth subject time ko."] sabi niya sa kabilang linya saka ako binabaan ng phone.
Aish! Naiinis na talaga ako dito sa bestfriend ko! Grrrr!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top