32
° ° °
Aecy's POV
•••••
Maaga akong nagising. Tumawag ako ng tatlong Yaya namin para mag-prepare ng pagkain, baon at mga damit ko. Pinasabi ko na rin sa car washer namin na ihanda yung sasakyan kong kotse para sa pasok ko ngayon.
Ginising ko na rin si Austin at si Ella. Kapag kasi mga Yaya namin ang gigising sa kanila, babaliwalain nila. Pero kapag ako, hindi pwede 'yon 'noh. Kailangan nilang sumunod.
Inis silang bumangon sa mga sarili nilang kama. Sabay-sabay kaming bumaba papunta sa dining room para kumain na ng pang-umagahan.
* * *
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng umagahan nang may maalala akong itanong sa Daddy ko.
"Dad? Paano kayo nagkakilala ni Allen? Saka paano kayo nagkakilala ng Daddy niya?" basag ko sa katahimikang kanina pa lumulukob sa amin.
"Anak, mahabang kwento pero papaiklihin ko na lang. Nakilala ko ang Daddy ni Allen noong pumunta kami ng Nevada kasama ko noon ang Mommy mo. Tapos, naging magkaibigan kami. Naging close hanggang sa parang magkapatid na ang turingan namin.
Yung kay Allen naman, nakilala ko siya nang pumunta sila dito sa palasyo natin. Ang sabi niya noon, first time niya lang daw makapunta sa isang palasyo kaya hinayaan ko siyang libutin ang buong palasyo. Wala ka noong mga time na 'yon kasi nagbabakasyon ka sa Tokyo, Japan. Kaya hindi kayo nagkita." paliwanag ng Daddy ko.
"Alam mo bang dating hired gun ko si Allen? Magaling siya sa barilan. Pero ginagamit niya lang ang skill niyang iyon kapag kinakailangan." dugtong ng Daddy ko saka sumubo ng pagkain.
Thanks to my Daddy, nakilala ko na ng kaunti si Allen. Now, may balak ako. Susubukan ko ang galing niya sa pakikipaglaban. Kung mananalo siya laban sa akin, kukunin ko siyang hired gun ko.
Pero bago ang lahat, papasok muna ako ng school. Last quarter na ito. Ayaw ko ng umabsent. Sayang ang grades kapag bumaba. Sisikapin kong maging valedictorian sa school kahit na anong mangyari.
Nagmadali akong pumasok sa school. Alam niyo naman ng ayaw kong nalelate 'di ba? Kaya maaga akong pumapasok.
Sila Ella? May sarili silang sasakyan. Si Austin at si Ella, tig-isang motor sila ng dala. Ako kasi kotse ang sasakyan ko.
* * *
Allen's POV
•••••
Tinawagan ko ang mga alalay ko na ayusin ang papeles ng pagta-transfer ko sa ibang school. Gusto kong sa school rin ako ni Aecy mag-aral. Siya lang naman kasi ang dahilan kaya ako nandito sa Thailand. Kaya susulitin ko na.
Tinanong ko kasi kagabi kay Tito Crystoff kung saan nag-aaral si Aecy. Buti na lang at sinabi niya. Hindi na ako mahihirapang hanapin siya dahil dati ko na palang alam kung saan siya nakatira.
["... Sir, tapos na po. Pwede na raw po kayong pumasok ngayon para makahabol para sa pag-uumpisa ng forth quarter,"] sagot ni James mula sa kabilang linya.
"Okay. Thanks, James," sagot ko saka pinatay na ang tawag.
Nagmadali na akong nagbihis saka nagmadaling umalis ng apartment para pumasok ng school. Excited ako na kinakabahan. Excited ako kasi sa iisang school na lang kami mag-aaral. Kinakabahan ako dahil sa ginawa kong paghalik sa pisngi niya.
Kapag naaala ko yung ginawa ko, naiinis ako sa sarili ko. Imbis kasi na yung nararamdaman ko yung dapat na sinasabi ko sa kanya, kagaguhan pa ang nagawa ko. Bwisit talaga!
Ngayon, wala na akong pake kung para lang ba sa dare ang gagawin ko o tototohanin ko na. Basta isa lang ang sure akong alam ko, mahal ko na si Aecy at gusto ko ng sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
* * *
Ella's POV
•••••
Nasa hallway kami ngayon papuntang classroom namin nila Aecy. Mali kayo ng pagkakaintindi. Hindi kami magkaklase ni Aecy. Magkatabi lang kami ng room.
Nasa King Section sila ni Austin at nasa Queen Section naman ako. Nandoon kasi ang mga estudyanteng ipinanganak sa isang royal family at sa section naman namin ang ipinanganak lang talaga na mayaman o may kaya. Pero lahat ng mga nandito, mayayaman tulad namin.
Break time namin ngayon kaya binabagalan namin ang paglalakad. Tapos na kasi kaming kumain kay pabalik na kami ng classrooms namin.
"Pansin mo ba, my loves?" biglang tanong ni Austin sa akin sabay angkla sa braso ko.
Kunot ang noo kong napatanong rito. "Ang alin?"
He sighed. "Yung mga ikinikilos ng best friend mo. Hindi mo ba napapansin na parang wala siya sa sarili niya ngayon?" Hay nako, nahawa na ba sa akin ang boyfriend ko sa pagka chismosa ko?
Tinitigan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya. "Hayaan mo na, baka may prinoproblema. Hayaan mo,kakausapin ko siya mamaya. Hindi ko pa nga naitatanong sa kanya yung tungkol sa pagpunta rito sa Thailand ni Allen eh," saad ko saka ibinalik ang tingin sa dinaraanan.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad. Ngayon, ako na ang naka angkla sa braso ni Austin. Ang badoy kasing tignan kung siya ang naka angkla sa akin. Nagmumukha tuloy siyang bakla.
Nang papasok na kami sa mga classroom namin, hinila ko palayo si Aecy. Kaya panay ang reklamo niya.
"Ano ba, Ella?! Nasasaktan ako! Bitawan mo nga ako!" Pilit siyang kumakalas sa pagkakahawak ko sa kanya. Nang makakalas na siya, hinawakan niya ang kamay niyang hinawakan ko ng pagkahigpi-higpit.
Tumingin siya sa akin ng masama. "Ano bang problema mo, Ella?! Bakit ka ba nagkakaganyan?!" inis niyang sabi sa akin.
Ang tanging ginawa ko na lang ay taasan lang siya ng kilay. Magsisimula pa lang sana kasi akong magsalita ng marinig ko ang bell na tumunog.
KRIIIIIIIIIIING!
Kaya nawala ang pagkakataon na makapag-usap kami ni Aecy. Mamaya na lang siguro pag-uwi sa palasyo. Doon ko na lang siya tatanungin.
"Mamaya ko na lang siguro sasabihin yung dahilan. Sorry nga pala sa ginawa ko. Bye!" sabi ko rito saka tuluyan nang pumasok sa klase ko.
Aish! Dahil sa kagustuhan kong makausap ang bestfriend ko, nasaktan ko pa tuloy siya. Nakakainis ka naman, Ella! Bakit mo naman ginawa sa kanya 'yon?! Katangahan nga naman oh!
Argh! Nandito na naman ako sa mga kaklase kong tahimik lang. Walang ibang iniisip kun'di ang kagustuhang maging valedictorian. Hay... Sana naging kasing talino ko na lang si Aecy, para mapapantayan ko yung mga utak ng mga kaklase ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top