31
° ° °
Aecy's POV
•••••
Kinabukasan...
Nagising na lamang ako dahil sa araw na tumatama sa mga mata ko. Umupo ako sa kama kung saan ako natulog kagabi.
Nang mapansin kong wala yung mga favorite pillows ko sa tabi ko, nagsimula na akong kabahan. Kinusot ko ang aking mga mata. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto.
Mukhang apartment ang kinalalagyan ko ngayon. Sa lahat ng mga napansin ko, iisa lang ang tumawag ng pansin ko. Ito ay ang lalakeng nakahiga sa sofa na mukhang tulog na tulog.
Binalak kong tumayo pero biglang sumakit yung ulo ko kaya napaupo ako sa kama. Argh! May hangover ako! Kamalasan nga naman oh! May pasok pa pala ako ngayon sa school.
"Gising ka na pala."
Nagulat ako sa pamilyar na boses na aking narinig. Pero imposibleng masundan niya ako dito.
Ano 'to? Nasa apartment ako ni Allen Mitherford?
Kinusot ko ang mga mata ko para maaninag ng mabuti ang nakaupo na ngayong lalake sa sofa at nakaharap sa akin.
Kumurap-kurap ako. Nagulat ako ng maaninang ko ang mukha ng kaharap ko.
"Allen?!" gulat kong sabi.
Tumango-tango siya. "Yes, ako nga," tugon niya saka ako nginitian.
Umiwas ako ng tingin. "B-bakit nandito ka sa Thailand?" nauutal kong tanong sa kanya.
"Ahmm... Sinundan kita?" Nanlaki ang mga mata ko sa isinagot niya kaya napatitig ako sa kanya.
"Pumunta ka dito para lang sa akin?!" gulat kong tanong.
"Oo." diretso niyang sagot.
Pero bakit niya ginawa 'to? Ayaw kong mag-assume na ako nga talaga ang pakay niya. Tsaka, gusto ko na siyang kalimutan.
Teka? Gusto ko nga ba?
Argh! Ewan ko na! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ng isip kong kalimutan siya pero hindi kaya ng konsensiya ko na baliwalain ang nararamdaman ng puso ko para sa kanya.
Ang nagpagulat pa sa akin ng sobra ay ang pagtabi niya sa akin at paghalik sa pisngi ko sabay sabing... "I miss you so much, Aecy," sabay alis sa tabi ko at tuluyan ng lumabas ng apartment.
Hinaplusan ko ang pisngi ko. Hindi ko alam ang ire-react ko. Kung kikiligin ba ako o magagalit. Pero kahit na pilitin kong magalit, ayaw lumabas ng mga pangil ko. Hindi ko mapigilang kiligin ng sobra.
Hayst! Ano ba itong nararamdaman ko?! Hindi ako pwedeng ma-in love sa kanya!
Ayaw kong ma-in love kay Allen. Ayaw kong mahulog sa kanya. Baka paglaruan niya lang yung feelings ko. Eh alam ko namang maraming girls ang nagkakandarapa, makuha lang siya.
* * *
Allen's POV
•••••
Lumabas ako nang hindi nagpapaalam kay Aecy. Nahihiya kasi ako sa ginawa kong paghalik sa kanya. Hindi ko na kasi nagawang gumalang dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Pero mali pa rin yung ginawa ko kahit na saan ko man banda tignan.
Alam mo ba kung anong ginawa mo, Allen?! Argh! Pa'no na niyan? Baka magalit pa sa akin si Aecy dahil sa ginawa ko.
Hayst!
Bahala na nga! Wala naman akong ibang magagawa. Kailangan ko siyang ihatid sa kanila.
Pumasok ako ulit sa apartment. Kahit na kinakabahan ako, pinilit kong magsalita. Grabe naman oh! Ganito ba talaga kapag nagkakagusto sa isang babae?! Ang hirap!
"Ahm... G-gusto mo bang... Ahm... Ihatid na kita sa inyo?" Hayst! Kinakabahan talaga ako!
Tumingin siya sa akin ng diretso. Pero ako, nanatiling nakayuko lang. Nahihiya talaga ako eh. Sana hindi siya galit. "Hindi na, magpapasundo na lang ako. Salamat na lang." walang emosyon niyang sagot saka lumabas na ng apartment ko.
Teka? Galit kaya siya? Kung ano-ano kasing pinaggaagawa mo, Allen! 'Yan tuloy, galit na siya sayo. Hayyst! Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya.
Sinundan ko siya palabas ng apartment building. Naabutan ko siya sa parking lot na may kausap na lalake. May katangkaran. Malaki ang katawan at naka unipormeng aakalain mong driver siya ng isang royal family.
Pagkatapos makipag-usap ni Aecy sa kanya, kitang-kita ng dalawang mata ko na pumasok si Aecy sa loob ng kulay itim na kotse nung lalake.
Kahit na gusto ko siyang sundan, parang naidikit ng shoes glue yung paa ko dito sa kinatatayuan ko. Pinanood ko na lang ang sinakyan nila Aecy na umalis sa parking lot ng apartment building.
Bumalik na lang ako sa apartment ko. Kailangan kong umisip ng paraan para makabawi man lang dahil sa ginawa ko sa kanya, kay Aecy.
* * *
Aecy's POV
•••••
Aish! Sigurado akong gigisahin na naman ako ng tanong ni Ella pagdating ko. Eh kapag nag-aalala kasi 'yon sa akin kapag may pinupuntahan ako, ginigisa ako pagdating ko.
Nang makarating ako sa palasyo, pumasok ako kaagad ng kwarto ko. Hindi pa ako nakakaakyat, narinig ko na ang boses ng bestfriend kong chismosa.
"Aecy?!" tawag niya sa akin kaya napalingon ako sa baba. Umakyat siya papunta sa akin at niyakap ako ng pagkahigpit-higpit.
Nang bumitaw siya sa pagkakayakap, tinawag niya sila Mommy at Daddy. Pati na rin si Dave. Grabe talaga itong bestfriend ko. Isinigaw ba laman na nandito na ako sa palasyo. Pssh.
Nang makarating na sila Mommy at Daddy, umakyat sila papunta sa kinaroroonan ko saka niyakap saka bumitaw rin.
"Buti naman at nakauwi ka na. Buti na lang at mabait yung lalakeng nakausap ko kanina na sumagot sa phone mo at tsaka kilala pala ng Dad mo ang Daddy niya. Sabi niya nga sa amin ng Daddy mo, kaibigan mo daw siya. Si Allen Mitherford ba 'yon? Nakatulog ka raw sa apartment niya dahil sa kalasingan mo kagabi mula doon sa bar," paliwanag ng Mommy ko na siyang ikinagulat ko.
"Oo, anak. May tiwala naman ako kay Allen eh. Kaibigan ko yung Daddy niya. Kaya malalaman ko kaagad kapag may ginawa siyang mali sayo," dugtong ni Daddy na mas lalo pang nagpagulat sa akin.
Kung gano'n, kilala pala nila ang Familia Mitherford?! Pero pa paano?
* * *
Allen's POV
•••••
Nasa kalaginaan ako ng pagrereview dahil nasa school nga ako ngayon nang biglang magring ang phone ko kaya sinagot ko iyon.
"Hello, Tito Chrystoff? Bakit po?" panimula ko mula sa kabilang linya.
["Thank you dahil pinatulog mo diyan yung anak ko. Pakisabi sa Daddy mo, makipagkita sa akin bukas sa central park ng USA okay? Ngayon ang flight ko. Pasensiya na, nagmadali na ako,"] tugon ni Tito sa kabilg linya.
"Okay, Tito. I'll take care your daughter po."
["Thank you, Allen,"] sabi ni Tito sa kabilang linya saka pinatay na ang tawag.
Nagtataka ba kayo kung bakit magkakilala kami ng Daddy ni Aecy? Ganito kasi 'yon.
•••••
Throwback...
Kilala ni Daddy si Tito Chrystoff dahil sa kanilang mga negosyo. Kaya doon nagsimula ang pagkakaibigan ng mga Santos at ng pamilya namin.
Hindi ko pa noon kilala si Aecy dahil hindi ko siya nakita sa palasyo. Ang sabi kasi ni Tito, nagbabakasyon daw kasi yung anak niya, si Aecy, sa ibang bansa kaya hindi ko siya nakita at nakilala
Nilibot ko ang buong palasyo. Kasi bata pa ako noong unang punta ko doon eh. Mga thirteen pa lang ako that time.
May mga naka display na pictures sa lamesa malapit sa sofa sa sala. Tinignan ko ang mga iyon. May dalaga akong nakita sa picture. Siguro siya ang anak ni Tito. Ang ganda niya kasi.
Napaigtad ako nang bigla akong tawagin ni Daddy. Aalis na daw kasi kami. May pupuntahan pa kasi si Daddy sabi niya. Kaya ayon, nagpaalam na kami bago umalis ng palasyo.
End of throwback...
•••••
Kaya nang malaman ko na anak pala ni Tito Chrystoff si Aecy, bigla na lang nawala ang plano ko kay Aecy at yung dare na kagagawan nila Oliver.
Aish! Kapag nalaman nila na gusto ko na talaga si Aecy, baka asar-asarin lang ako ng mga 'yon. At sabihin yung pakay namin. Ah--este nila. Nag-iba na kasi ang plano ko. Gusto ko ng makasama ngayon si Aecy at hinding-hindi ko na siya papakawalan pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top