30
° ° °
Allen's POV
•••••
"Aecy?... Aecy... Aecy? Are you okay?" gising ko kay Aecy habang tinatapik ang pisngi nito. Mukhang nalasing ng sobra kaya mukhang tulog na nga.
Saan ko niyan dadalhin 'to? Alangan namang... Alangan ng sa apartment ko 'no?! Ayaw ko ngang dalhin siya doon! Mas mabuti pang kuhanan ko na lang siya ng kwarto sa hotel.
Pero kung hotel, mag-isa lang siya doon. Walang magbabantay sa kanya. Psh! Wala akong ibang choice niyan kun'di ang patulugin siya sa apartment ko. Argh! Sige na nga!
Dinala ko siya sa apartment ko. Kahit na ayaw ko, wala akong ibang magagawa. Ayaw ko naman siyang iwan mag-isa sa hotel. Baka mamaya, may magbalak ng masama sa kanya doon. Kasalanan ko pa. Baliw na kung baliw. Eh, ayaw ko lang namang mapahamak si Aecy ah.
Ibinaba ko sa kama si Aecy. Dito ko na lang siya patutulugin at sa sofa na lang ako matutulog. Pero bago ang lahat, pumunta muna ako ng kusina. Kukuha lang ako ng bottled coffee ko sa ref bago ako matulog.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom nang biglang mag-ring ang telepono ko. Dinukot ko iyon sa bulsa ng black kong pantalon.
Tinignan ko ang screen.
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala kong gig pala namin ngayon. Kaya pala tumatawag si Shun.
Sh*t!
Hindi ko na sinagot ang tawag ni Shun at nagmadali na akong nagpunta sa bar. Tinawagan ko ang butler ko na bantayang mabuti si Aecy at huwag siyang magkamaling galawin siya. Dahil kung hindi, ako ang tatapos ng buhay niya.
Pagdating ko sa bar, nanliit ang mga mata ko. Nakatingin kasi lahat ng mga special costumers dito. And speaking of special costumers, bakit nandito si Aecy? Bakit kasama siya dito sa mga Princesses?
Dahil sa curios nga ako, tinanong ko si Shun kung kilala niya ba si Aecy. Tumango siya. Chance ko na 'to para makikilala pa si Aecy.
"... Ahh... Si Princess Aecy Recca Santos? Oo kilala ko siya. Siya ang nag-iisang tagapagmana ng trono sa AC Kingdom," paliwanag ni Shun.
Princess?! Tagapagmana?! AC Kingdom?! Kung gano'n, isa pala siyang prinsesa?!
"Bakit?" digtong na tanong niya.
Napakurap-kurao na lamang ako. "W-wala. Oo, wala. Naitanong ko lang," nauutal kong sagot dito.
Ipinagpatuloy na namin ang pagtugtog. Mga kantang tungkol sa love ang mga kinakanta namin. Buti na lang wala yung mga fan girls ko dito. Kung hindi, magkakagulo na naman nang dahil sa akin.
* * *
Ella's POV
•••••
Nasa kalagitnaan ako ng pag-inom ng juice sa glass ko nang may maalala akong itanong kay Aecy.
Teka? Nasaan na ba 'yon?
Hinanap ko siya dito sa loob pero sa kasawiang palad, hindi ko siya nahanap.
Nasaan na ba talaga ang mataray kong best friend? Nang mabuti pa ay tawagan ko na nga!
RIIIIIIING! RIIIIIING! RIIIIIIIING!
Ring lang ng ring yung phone! Walang sumasagot! Ano na kayang nangyari doon?!
Kinakabahan na ako!
Nasa kalagitnaan ako ng paghahanap sa kanya nang may makabungguan ako. Kaya napalingon ako dito.
Si Austin pala.
Teka...
Alam na kaya niyang nawawala si Aecy?
Mag-uumpisa pa lang sana akong magtanong nang maunahan niya akong magsalita kaya napatigil ako.
"Ella! Nakita mo ba si Ate Aecy? Kanina ko pa kasi tinatawagan yung phone niya pero hindi niya sinasagot. Baka alam mo naman kung nasaan siya oh."
Umiling ako. "Hindi ko nga alam eh. Ewan ko ba doon! Kung saan-saan nagsususuot iyang pinsan mo!" naiinis kong komento.
Hinawakan niya na lang bigla ang kanang kamay ko at hinila palabas. "Tara, my loves. Hanapin na'tin si Ate. Baka nakahandusay na sa gitna ng daan 'yon dahil sa kalasingan." Walang hiya rin pala itong babaero kong boyfriend. Sinisiraan ba naman niya sa akin yung sariling pinsan niya?! Grabe talaga!
Tumigil ako at saglitang napaisip. "Huwag na lang, Austin. Baka nagpahatid na sa palasyo 'yon dahil siguro sa kalasingan nga niya. Tara, balik na lang tayo sa loob." Hinwakan ko na si Austin sa kamay at hinila pabalik ng bar. Ang sarap pa naman ng bartender—ah este... ng alak. Oo, yung alak. Hehe!
* * *
Allen's POV
•••••
Medyo late na ng gabi nang matapos ang party. Lahat siyempre ng special guests, may sundo. P'wera lang kay Aecy. Siguro hindi alam ng butler niya o driver niya na pumunta rito si Aecy. Or siguro... Hindi ipinaalam ni Aecy.
Ang ipinagtataka ko lang, bakit nandito si Ella? Ang akala ko ba for Royal Princesses and Princes lang ito? Bakit nandito siya? Huwag niyang sabihing, isa rin siyang prinsesa. Tsk!
Bakit ba sila ang napagdidiskitahan ko? Ang mabuti pa siguro, umuwi na ako sa apartment. Baka gising na si 'Princess Aecy' at pagbintangan pa akong kinidnap ko siya. Magmumukha pa akong masama sa paningin niya.
Nang makarating ako sa apartment ko, dumiretso ako kaagad sa closet ko. Kumuha ako ng damit ko na pamalit at nagtingong banyo para magbihis.
Nang makapagbihis na ako, pumunta akong kusina para kumuha ng mailulutong pagkain. Nagugutom kasi ako. Baka gisingin ko na rin si Aecy. Kasi baka, nagugutom siya or wala pa siyang nakain magbuhat kanina. Pana'y alak siguro ang laman ng sikmura niya.
Niluto ko ang recipe ko na itinuro sa akin ng ilan sa Yaya namin sa bahay sa Pilipinas. Sana magustuhan ni Aecy 'to.
Sinubukan kong gisingin si Aecy sa pagkakahiga sa kama ko pero ayaw niyang magising. Kaya hinayaan ko na lang siya na matulog doon. Ako na lang ang kumain ng pagkaing niluto ko. Baka bukas na lang siya kumain kasi baka hindi niya rin kayaning bumangon dahil sa kalasingan.
Nang matapos na akong kumain, natulog na ako sa sofa. Sinubukan kong ipikit yung mga mata ko pero, ayaw talaga. Hayst!
Ano bang nangyayari sa akin at bakit ganito ako na hindi makatulog? Idagdag pa na palaging si Aecy ang laman ng lahat ng mga panaginip ko. Pero, hindi mabubuti. Masasama ang mga napapanigipan ko tungkol sa kanya. Hindi kaya, nasa panganib ang buhay niya nang hindi niya alam?
Sa tuwing nakikita ko kasi siya, yung sayang nararamdaman ko, nahahaluan ng kaba at takot nang hindi ko naman alam ang ibig ipahiwatig no'n. Siguro, tama nga ang desisyon kong sundan siya dito sa Thailand. Dahil ako lang ang pwedeng prumotekta sa kanya. Kahit na ano pang mangyari, hinding-hindi ko na siya hahayaan pang masaktan. Kahit na ikamatay ko pa ang pagtatanggol sa buhay niya. Basta alam kong ligtas siya.
---
---
---
Sorry talaga kung may mga typos pa ako sa ibang parts. Hindi ko kasi maiwasang magkamali minsan eh. Saka sorry rin sa mga wrong grammars ko. Basta, intindihin niyo na lang si author. Hindi naman kasi lahat ng tao magaling sa english words 'di ba? Kaya pagpasensiyahan niyo na ako.
- @SleepingSinger
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top