3
° ° °
Aecy's POV
---
KLING!
From: Allen Mitherford
- Hi :)
Pfft. Bahala siya d'yan. I don't care kung mabulok sa unread messages ko yung message niya. Whatever.
KLING!
From: Allen Mitherford
- How are you?
*hindi pinansin*
KLING!
From: Allen Mitherford
- Can I date you?
Aba! Ang lakas naman ng loob ne 'to! At ang kapal ng mukhang magyaya ng date!
Inis ko siyang nireplay-an.
To: Allen Mitherford
-Hindi mo ba talaga ako titigilan?!
Bwisit kong ibinaba yung phone. Pagkababa na pagkababa pa lang, nagsunod-sunod ng tumunog yung messenger ko.
"I-silent mo nga! Ang ingay ng messenger mo! Sino ba 'yan?!" inis na sabi sa akin ni Ella. Nakakunot ang noo akong sumagot.
"Si Allen! Hindi ako tinitigilan!" dahil sa isinagot ko, nanlaki ang mga mata niyang tumitig sa akin.
"Weh?! Patingin nga!" hindi ko siya pinigilang galawin ang phone ko. Wala naman kasi akong sikreto doon.
*scroll scroll scroll*
"Ayyiiee! Nagso-sorry na siya sayo oh. Akalain mo 'yon. Si Mr. Popular na ang nagso-sorry ngayon. Sana ako na lang yung nakabungguan niya kanina."
Hayy... Nagpapantasiya na naman itong bestfriend ko. Pero nagso-sorry na ba talaga siya sa akin ngayon?
"Amina nga 'yan." kinuha ko ang phone ko at binasa ang mga messages niya.
From: Allen Mitherford
- Galit ka pa rin ba dahil sa sinabi ko sayo kanina?
From: Allen Mitherford
- I'm sorry. Sorry na. Okay?😥
From: Allen Mitherford
- Please forgive me. I'm really sorry. 😢
From: Allen Mitherford
- Promise. Hindi ko na uulitin 'yon.😊
From: Allen Mitherford
- Kaya please... Forgive me na. 😢
Help me please. Sumasakit sintido ko! Nakaka-high blood naman 'tong lalakeng 'to! Jusko! Ilan na bang mga babae ang pinaiyak niya? Nasa tatlong daan na ba?
"Ella, tapos ka na ba?" pang-iiba ko ng usapan. Nandito kasi siya sa tabi ko. Hindi ko alam kung tapos na siya sa paghuhugas ng pinggan o hindi pa.
"Oo. Kanina pa. Bakit?" ahh~ kaya naman pala nakikiusyoso na. Tapos na pala.
"Okay. Can I go to my room na? I'm sleepy na eh." s'yempre. Acting ko lang 'yan. Hindi pa naman ako naaantok. Hehehe!
"Sige na. Tapos naman na ako eh. Tulog na tayo." aya niya na tinanguan ko naman.
Nang makarating ako sa kwarto ko, nilock ko kaagad at saka kinuha ang laptop at nag-type sa keyboard ng isang title ng thai drama na kinaaadikan ng lahat. Naku! Lilitaw eyebags ko bukas!
* * *
Kinabukasan...
"Wala naman yata tayong pasok eh. Namilit-milit ka pa kasi! Sabi na nga lang sa group chat natin na wala ng pasok, namilit ka pa ring pumasok!" galit na pangangaral sa akin ng katabi ko. Bestfriend ko malamang. Wala nang hihigit pa sa bibig niya. Putak ng putak!
"Tumahimik ka nga d'yan! Parang inipit ng kung ano yung ano mo! Umuulan na nga lang ng malakas, malakas pa yung sigaw mo! Peste ka!" siyempre hindi ako papatalo 'noh.
"Ang taray-taray naman ne'to." reklamo niya. Eh totoo naman kasi. Napakaingay niya!
Ilang saglit pa ang nakalilipas, may paparating na mga teachers. Siguro, para tignan ang paligid kung may mga estudyanteng pakalat-kalat.
"Good morning teachers." sabay bati namin sa mga teacher ng makalapit na sila sa amin. Magtatanong siguro.
"Oh, ano pang ginagawa niyo rito. Wala kayong pasok, mga anak. Hindi niyo pa ba alam?" tanong sa amin ni Mrs. Barbara. Ang Science Department Head Teacher namin dito.
"Ah~. Ganun po ba? Sige po. Mauna na po kami." ako na ang nagsalita. Baka unahan pa ako ng bestfriend ko kapag hindi ko siya naunahan. Nilakihan ko ng mga mata si Ella para sumunod na sa akin papauwi. Nang maka-excuse na siya, hinila ko na siya papuntang parking lot.
"Ouch!" reklamo niya. Binitiwan ko siya saka lumingon.
"Tara na. Uwi na tayo." walang emosyon kong sabi saka pumasok na sa kotse ko. Gano'n rin naman ang ginawa niya saka namin pinaandar at umalis na sa parking lot.
Nang malapit na kaming makarating sa gate ng bahay, may naaninag akong isang itim na kotse sa tapat ng gate. Sa pagkakaalam ko, wala naman kaming inimbitahang pumunta ngayon dito sa bahay. Sino kaya 'to?
Ihininto ko ang kotse saka kinuha ang payong ko at lumabas sa kotse ko. Aalamin ko kung sino ang taong nandito sa tapat ng gate namin at kung ano ang kailangan niya sa amin.
Pumunta ako sa sasakyan ni Ella na nakahinto rin ngayon dahil nakahinto sa harapan ng kotse niya ang kotse ko.
Binuksan niya g bintana ng kotse niya at tinanong kung bakit.
"Mauna ka na sa loob. May aasikasuhin lang ako dito sa labas." sasagot na sana siya nang bigla ulit akong magsalita.
"Huwag kang mag-alala. Mabilis lang ako. Oh siya, sige na. Pumasok ka na." utos ko na sinunod naman niya. Binukasan ko ang gate kung saan siya dadaan.
Nang makapasok na siya, isinara ko rin 'yon. Kumatok ako sa bintana ng taong nandito sa loob ng kotse para ipaalam na napansin ko siya. Papansin lang talaga ang peg ko.
Napayukom ang mga kamao ko nang makita ko kung sino ang nasa loob ng kotseng iyon. It's Allen. Again!
"Ano bang problema mo't sunod ka ng sunod sa akin?!" inis kong tanong. Hindi kasi ko tinitigilan eh.
"Pasok." sabi niya saka binuksan ang isang side ng car niya. Siyempre, hindi ako sumunod. Nanatili lang ako sa labas.
"Okay. Dito ko sa loob ng car ipapaliwanag kung ano talaga ang kailangan ko sayo." dahil sa sinabi niya, nakumbinsi niya akong pumasok sa loob. Eh curious ako ih.
"Okay. Nandito na ako. So, anong kailangan mo at bakit mo ako kinukulit saka sinusundan. At hanggang dito pa talaga sa bahay namin ni Daniella huh?" unang gisa ko sa kanya.
"Ahhmm.. I'm sorry." ang kulit-kulit naman ne 'to!
"Alam mo? Naririndi na talaga ako sa kasasabi mo ng 'sorry'. Wala ka naman pa lang sasabihing maganda! Makapasok na nga lang sa bahay. Tsk!" naiinis na talaga ako. Konting-konti na lang ang pasensyang meron ako.
Lumabas na ako ng kotse niya. Papasok na sana ako ang bigla siyang magsalita.
"Tss. Ang arte mo." dahil sa sinabi niya, napahinto ako't napakunot ang noo. Ang kapal rin pala ng mukha nitong lalakeng 'to. Siya na nga ang may kasalanan, siya pa ang magsasabi na ang arte ko daw! Ang kapal! Grrr!
Humarap ako para ipamukha sa kanya na talagang inis na inis na ako sa ugali niya! Pero nakaalis na pala siya ng hindi ko namamalayan. Pssh. Papasok na nga lang ako sa loob. Baka kanina pa ako hinihintay ng bestfriend ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top