29

° ° °

Allen's POV

•••••

Unang araw pa lang ng pasukan, marami na akong naging kaibigan dito. Pero panay boys lang naman. Ayaw kong makipagkaibigan sa mga girls 'noh! Mamaya pagkamalan pa akong bading. Mahirap na.

Nandito ako sa park ng campus at sinasagutan ang mga assignments namin nang may biglang dumating.

"Allen! What are you doing?" masiglang lumapit sa akin si Park Shun Jin. Isang transferee na Half Korean at Half Filipino. Isa siyang drummer dito sa campus. Kasali siya sa banda. Nagtatrabaho din sila sa mga bar.

"Nothing," walang emosyon kong sagot nang hindi siya tinitignan.

"Pwede ka ba mamayang gabi?" tanong nito.

Tumango ako bilang tugon sa kanya.

"Good! Nice! Pwede ka bang imbitahin naming sumali sa grupo mamaya? Umalis yung guitarist namin sa grupo kahapon kaya kailangan namin ng bagong papalit sa kanya bilang ka-bandmate. Sa tingin ko naman, magaling ka kaya ikaw ng naisipan kong i-reto kay Sir. Don't worry, Filipino si Sir at mabait," paliwanag niya.

I sighed. "Okay, I'll come. I-text mo na lang ako kung saan ang bar na 'yan." Ayos rin kasi kapag may sarili akong pera na natatanggap at hindi yung humihingi lang ako sa mga magulang ko. Ang gusto ko, yung may pinaghihirapan akong pera habang nandito ako sa Thailand.

He nodded. "Okay. See you later!" paalam niya saka umalis na.

* * *

Aecy's POV

•••••

Maaga akong nakauwi sa palasyo. Kahit na medyo matagal ang klase namin kanina, nagawa ko pa ring umuwi ng maaga. Eh hindi naman kasi ako palatambay na tao.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtitimpla ng kape ko dito sa kusina nang biglang tumunog ang phone ko kaya nagmadali akong kunin iyon sa bulsa ko. Tinignan ko ang screen. It is from unknown number. At kilala ko kung sino 'yon. Iisa lang naman ang number na hindi naka phonebook dito eh. Si Allen lang. Kaya hindi ako pwedeng magkamali kung sino nga itong tumatawag.

Hindi ko iyon sinagot at pinabayaan ko lang na mag ring ng mag ring. Magmula ngayon, ifofocus ko muna ang life ko sa pag-aaral ko at sa pagkanta ko.

Nagulantang ako ng biglang sumulpot sa harapan ko si Ella na may dalang envelope. Ibinigay niya sa akin 'yon.

"Ano 'to?" takang tanong ko sa kanya.

Kumunot ang kanyang noo. "Hindi mo ba naalalang birthday ng pinsan mong si Princess Annie ng LA Kingdom?" Naiinis siyang umupo sa sofa.

Oo nga pala si Annie Peyalam-Santos na babaeng pinsan ko na anak ni King Andrew at Queen Lannie.

Binasa ko ang nasa envelope. Sa isang bar gaganapin ang party niya. Sa Veloncem Bar mamayang seven o'clock. Mukhang lasingan na naman itong party na 'to.

Lumapit sa akin si Ella na may hawak na rin ng isang tasa ng kape. "Ano? Punta ka? Kapag pupunta ka, sasama ako," saad niya saka humigop ng kape.

Nilingon ko ito. "Pupunta ako, malamang! Pinsan ko 'yon eh," tugon ko saka umakyat na papuntang kwarto ko para magbihis.

* * *

Allen's POV

•••••

Inaprobahan na ng manager na ako na ang papalit sa dating ka-bandmate nila Shun. Ayos 'to! Para hindi rin ako ako mabored saka may paglilibangan ako tuwing gabi ng Monday to Thursday. Yes, iyan ang schedule namin.

6:45 pm

Konting minuto na lang at mag-uumpisa na kaming tumugtog. Medyo kinakabahan ako. Unang pasok ko sa banda 'to kaya dapat galingan ko. This is my chance to show on them what talent I have.

Ilang saglit lang ang nakalilipas, nag-ayos na kami sa mini stage ng bar para sa performance ng banda namin.

Nang nakapag-ayos na kami, nag-umpisa na kaming tumugtog. Ako ang nagsilbing guitarist plus vocalist ng banda namin. Ang saya ne'to!

***

7:00 pm

At pagdating nga ng tamang oras, nagsimula na ang pagtugtog namin. Marami na ring mga tao. Saka isinarado na ng guard yung pintuan. Mukhang special occation 'to ah.

"Shun, is this a special occasion nor... party?" I asked to my bandmate.

"Sa pagkakaalam ko? It is... yes. This is a special party for one of the princesses here in Thailand. This special occasion is for her birthday. Kung nagtataka ka kung bakit dito nila si-net ang party dahil suki sila ni Sir," sagot ni Shun.

Kaya naman pala. Kaya pala ang dami-daming tao.

* * *

Aecy's POV

•••••

Sa wakas! Nagsimula na rin ang party. Kasama ko ang siyam kong pinsan na sina Austin, Chan Santos-Kim, si Dave na kauuwi lang galing Pilipinas, Chelsea Manubat-Santos, Vince Fortter-Santos, Juster Wadubree-Santos, Thell Khaoreum-Santos, Sandy Megator-Santos and our birthday girl, si Annie. Hindi namin kasama yung dalawa naming pinsan. Yung isa nasa hospital at yung isa naman, busy sa trabaho.

Pero ako ang pinakamataas at pinakamataray sa kanila. Pwede rin namang pinakamaganda rin. Si Annie ang pinakamabait. Si Dave ang pinakamaasarin. Si baby Austin ang pinakabatang makulit. Si Chan pinakasuplado sa amin. Si Juster ang pinakatorpe pagdating sa mga naguhustuhan niyang girls. Si Thell ang pinakagwapong habulin naming pinsan. Si Vince ang pinaka playboy namin at si Sandy ang pinaka cute naming pinsan. Baby face kasi 'yon. Parang hindi tumatanda tulad namin. Nakakainggit nga eh. Sana ako rin.

Pumunta ako sa front bar. Humingi ako ng alak na kapag ininom ko 'yon, malalasing ako kaagad. Ewan ko ba! Kung bakit gustong-gusto kong uminom ngayon. Basta... Gusto ko lang naman.

Lumapit sa akin si Ella. "Oh, bakit nandito ka? Ang akala ko ba sasayaw ka kasama kami?" tanong niya. Pero binaliwala ko lang iyon at pinagpatuloy ang pag-inom. Ang tamis eh. Ang sarap!

Pero nang tumayo ako nang matapos kong inumin ang sa tingin ko'y fifteen shots na nakalagay sa shot glass, nakaramdam ako ng hilo na nagresulta ng pagsakit ng ulo ko. Argh! Anong nangyayari sa ulo ko?! Sh*t! Bakit ang sakit?!

Pinilit ko ang sarili ko na pumunta ng parking area kahit na alam kong medyo hindi ko na talaga kaya hanggang sa nabuwal na nga ako pero buti na lang at may sumalo sa akin. Hindi ko na mamukhan kasi umiikot na talaga yung paningin ko. Ipinikit ko na lang dahil hilong-hilo na talaga ako. Sana lang hindi ako rape-in ng lalakeng ito. Dahil baka ano pa ang magawa ng butler ko sa kanya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top