28
° ° °
Allen's POV
•••••
Rumenta ako ng isang apartment unit dito sa Thailand. Nagpa-enroll na rin ako sa pinakamalapit na University dito.
Dito ko na kasi naisipang ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Ilang months nan na at gagraduate na ako. Kung hindi ko lang naman kasi gusto si Aecy, hindi ko gagawin lahat ng ito.
Hindi alam nila Oliver at Barry na lumipad ako papuntang Thailand. Siguradong babaha na naman ang mga bulong-bulong tungkol sa pag-alis ko ng bansa.
RIIIIIING! RIIIIIIIIIING! RIIIIIIING!
And speaking of my friends. Tumatawag si Barry ngayon via Skype. Aish! Siguradong kasama niya si Oliver niyan.
["Hey! Nasaan ka?"]
Boses iyon ni Oliver na bigla na lang sumulpot sa camera.
Sabi na nga ba eh. Kukuha sila ng info. Tsk! Kapag nalaman nila kung nasaan ako, susunod at susunod sila.
"I don't want to tell you, bastard. Just don't call me again, bye!"
Pinatay ko na ang video call at ibinaba ang phone sa kama ko. Pumunta akong dining area. May refrigerator na isa dito. May closet din. Halos lahat nandito na. Bibili nga lang ng pagkain dahil walang lutuan. Bibili pa lang ako.
Tinawagan ko ang isang guard ko. Pinabili ko siya ng rice cooker at tig dadalawang plato, kutsara, tinidor, at baso. Tapos isang chopping board at kutsilyo. Wala kasi dito eh. Pinabili ko na rin siya ng gas stove na may tanke ng gasul na.
Pinagmamasdan ko ang apartment ko. Medyo maluwang at maganda. Mas maayos kaysa sa kwarto ko doon sa bahay namin sa Pilipinas. Doon kasi, makalat ang kwarto ko. Pero dito, I'll make sure na wala ng kalat pa ang makikita. Nakaligpit na ang lahat. Simula ngayon, babaguhin ko na ang sarili ko.
Ilang saglit pa ang nakalilipas, dumating na yung mga inorder kong mga appliances. Yung ibang guards ko, iniayos ang mga iyon. Nang maayos na nila, lumabas ulit sila. Kaya nag-umpisa na akong mamalengke online ng mga paborito kong pagkain na ilalagay sa refrigirator.
Nang maideliver na ang lahat ng nga gulay at mga prutas sa apartment ko, nagsimula na akong maglagay doon sa ref.
Nasa kalagitnaan ako ng paglalagay ng mga binili ko nang biglang mag ring ang phone ko. Dinukot ko ang phone ko sa bulsa ko at tiningnan ang screen. Si Mommy ang tumatawag.
"Hello, Mom?"
["Allen! Nasaan ka ba?! Ang akala ko nasa bahay ka. Bakit wala ka doon? Kakatanong ko lang sa ilang kasambahay natin. Wala ka daw doon! Nasaan ka ba talaga?!"] sigaw ng Mommy ko mula sa kabilang linya.
"Mom, calm down. Nandito ako sa Thailand. May hinahanap kasi akong tao na gusto kong makausap. Kaya, I'm sorry po kung hindi ko nasabi sa inyo. Biglaan po eh." palusot ko mula sa kabilang linya.
["What?!"] gulat niyang tugon.
"Yes, Mommy. I'm sorry. Tsaka baka hindi na po ako sa school na'tin mag-aral. Baka dito na rin po. Nandito po kasi ang mga gusto kong courses sa college na wala po sa school na'tin. I'm sorry talaga, Mom," sagot ko.
"... Sir, may sulat pong ipinadala ang International Thailand Academy," singit ng butler ko saka may ibinigay na brown envelope. Kaya nagpaalam muna ako sa Mommy ko na may kailangan pa akong asikasuhin. Mamaya na lang niya ako busisiin ng busisiin.
Binuksan ko ang envelope. Ayon sa sulat, pwede na raw akong pumasok bukas kung okay lang daw sa akin. Kung hindi naman daw, next week na lang. Pero ayaw kong ma-bored dito sa loob ng apartment. So, I decided to go in a mall near at my apartment para bumili ng mga kailangan sa pagbabalik-school ko. I'm not excited but, I need to do this while I'm searching for my girl here in Thailand.
Hinding-hindi ako magsasawang hanapin siya hangga't may hininga pa ako at kaya ko pang maghanap. Kung hindi na talaga kaya ng tuhod ko at nawawalan na ako ng pag-asa, sige.. titigil na ako.
* * *
Aecy's POV
•••••
Balik-iskwelahan na naman ako kung saan ako unang nangarap at nagsimulang matutong kumanta. Sa paaralang kung saan nandoon ang mga alaalang kasama ko pa ang dating mga kaklase ko na nagkakatuwaan.
Sa King and Queen Thailand Academy lang naman iyan. It is for highest social class students like me. But, I'm not a snob like the other students here. Hahaha!
"Aecy!" tawag ni Ella sa akin. Nasa cafeteria ako ngayon at bumubili ng makakain. Nilingon ko si Ella na papalapit kasama si Austin.
Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang biglang tumunog ang phone ko. And in my surprise, its Dave!
"Hi, baby boy! Anong meron at napatawag ka?" panimula ko mula sa kabilang linya.
["Baby girl! I miss you so much, couz. Balita ko, kasama mo daw si Ella at si..baby Austin natin?"] tugon niya sa kabilang linya.
Kung nagtataka kayo kung bakit ganon ang tawag namin kay Austin, it is because he's our the youngest cousin. So we call him a baby Austin.
"Yep! And... we're here at KQTA. Sa school na'tin dati? Alam mo bang dito na nag-aaral si Daniella Menjola?" masaya kong sagot mula sa kabilang linya.
["Woah... Woah! That's... amazing!.. Woah~"]
He's shocked! Wala siya dito sa Thailand eh. Naiwan siya sa Pilipinas kasama ang butler niya.
"Hahaha! Sayang. Hindi mo kami makakasama. Nand'yan ka sa Pilipinas eh. Tsaka sayang din at hindi ka namin kasama dito sa Academy namin ngayon. Nakakapanghinayang."
Sa totoo lang, ang lungkot din kapag wala itong lalakeng 'to sa tabi naming magpipinsan. Eh, siya kaya ang pinamakulit sa amin.
["Oo nga eh. Pero don't worry, malapit na akong dumating d'yan. Namiss ko yung mga luto ng Mommy mo talaga, Aecy! Sobra."]
Aish! Alam ko namang hindi ako nito namimiss eh. Pana'y na lang luto ni Mommy ang namimiss niya. Nakakaiyak naman! Nakakatampo!
"Eh?! Heh! Tumahimik ka na nga d'yan! Pana'y na lang si Mommy! Pagdating mo talaga dito, humanda ka sa akin!Or else, huwag ka ng babalik ng palasyo kahit kailang peste ka!" pagbabanta ko sa kanya mula sa kabilang linya.
Binabaan ko na lang siya ng phone. Bahala siya sa buhay niya! Hmp!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top