25
° ° °
Ella's POV
•••••
Maaga akong nakapasok ngayon. Hindi ko pa nakikita si Aecy magmula kanina. Baka hindi siya papasok ngayon dahil baka napuyat kakabukas ng mga gabundok na mga regalo kagabi.
Kasama ko si Austin ngayon. Nasa cafeteria kami. Vacant time kasi namin ngayon. Wala kaming magawa. Kakain na lang kami. Hindi naman kami mahilig sa mga date-date na ganyan eh. Okay lang sa amin kahit na saan basta may pagkain.
Ilang saglit pa ang nakalilipas, nakita ko sa pintuan ng cafeteria si Aecy na nakayuko lang at mabagal na naglakad papasok.
Nilapitan ko siya at tinanong.
"Huy! Bakit ang tagal mo?"
Tinignan niya lang ako saka yumuko ulit, hawak-hawak ang bag niya. Inalalayan ko siya paupo sa tabi ko. Pinaggitnaan namin siya ni Austin.
"Ate, bakit ganyan yung itsura mo? May problema ka ba?" tanong ni Austin na tinanguan naman ni Aecy.
Inilapag nito ang bag niya sa lamesa, "Hindi niyo na ako muling makikita dito sa campus. Last ko na this week," sagot niya saka kami nilingon ni Austin.
"B-bakit?" nagtatakang tanong ko.
Hindi ko kasi siya maintindihan.
Ano bang pinagsasasabi nito?
"Aalis kami ng Pilipinas. Isasama na ako ni Mommy at Daddy sa Thailand. Sa sariling bansa namin kung saan ako ipinanganak at lumaki ng labin'limang taon. Kaya... gusto ko lang sanang magpaalam sa inyo. Baka hindi na rin ako papasok bukas para sa paghahanda ko sa pagbabalik-Thailand namin," paliwanag niya.
Hindi ko mapigilang maluha. Kailangan niyang iwanan ang buhay niya rito sa Pilipinas para lang sa posisyon niya sa AC Kingdom.
Kahit na masakit para sa amin na iiwanan niya, kinabukasan ng bansa nila ang nakataya eh. 'Di bale, pwede naman akong sumama doon kung gugustuhin ko eh.
"Pwede akong sumama?" Suggest ko lang naman sa kanya kung pwede eh.
Ngumiti siya saka umiling kaya nalungkot ako. Ang pag-asang inaasahan ko, nawala. Maglalaho sana sa aking mukha ang lungkot kapag tumango siya. Pero, hindi eh. Hindi pwede. Dahil ba, hindi ako katulad niyang prinsesa?
Hay...
"Sorry kung maiiwan ko kayo dito," aniya.
Nilingon ko ito.
Hindi pa rin naglalaho ang ngiti sa kanyang mukha. Hanggang sa makakita ako ng ilang kapiraso ng luha na umagos sa kanyang mga pisngi.
Nilingon niya si Austin saka pinunasan ang mga luha niya sa kanyang pisngi. "Ikaw, sasama ka sa akin. Prinsipe ka, hindi ba?" saad niya sa boyfriend ko na napabukas ang bibig dahil sa tinuran ni Aecy.
"Eh? Bakit kasama pa ako? Paano na si Daniella? Sino ang magiging kasama niya dito sa campus?"
Aecy tapped Austin's forehead. "Don't worry, may ipapadala akong private plane para sa kanya. Syempre, joke ko lang yung kanina 'no. Walang matalik na magkaibigan ang naghihiwalay, okay? Kaya 'wag kayong mag-aalala," nakangiting sagot ni Aecy kaya nabuhayan ako ng loob.
At sa wakas! Makakarating na rin ako sa Thailand ulit! Last kasi na punta ko doon noong may meeting sila Mommy at Daddy sa isang ka-negosyante nila.
Niyakap ko ng mahigpit si Aecy. I'm very thankful dahil makakagala na naman ako sa Thailand. Pero nalungkot ako bigla ng maalala ko ang buhay ko dito sa Pilipinas. Paano ako makakapag-aral niyan kung sasama ako?
Bumitiw ako sa pagkakayakap at nag-aalinlangang bumalik sa pagkakaupo sa upuan ko kanina.
"Eh, paano ako papasok dito sa school kung nasa Thailand na ako?" nagtatakang tanong ko kay Aecy.
Bumuntong hininga siya. "Kung gusto mo, ako na ang magsasabi sa Mom mo na sa Thailand ka na mag-aaral kasama ko," sagot nito.
Kung si Aecy ang magsasabi, malaki ang chance na payagan ako. Pero, bakit kapag ako, hindi sila sumasang-ayon? Dahil ba wala ba akong patunay? Argh! Nakakatampo naman!
Tumango na lang ako. Bahala na nga lang! Aishh!
* * *
Allen's POV
•••••
Bumalik ako sa bahay. Nagbabakasakaling wala na si Claire para guluhin ako. Gusto kong mapag-isa. Kailangan kong burahin si Aecy sa buhay ko. Pero..kaya ko ba?
Nang makabalik na ako sa bahay, pumasok ako kaagad sa kwarto ko. Humilata ako sa kama ko saka binulsan ang aircon. Pinapatay ko kasi iyon kapag wala ako sa kwarto ko. Sayang yung kuryente.
Nasa kalagitnan ako ng pagmumuni ko nang biglang tumunog ang phone ko. Tinignan ko ang screen. It's my Mom.
"Why, Mom?" tanong ko nang sagutin ko na ang tawag.
["Son, can you please come here in Thailand? Don't worry, i-kinancel na namin ang kasal niyo ni Claire. Hindi pumirma ang Dad mo sa kasunduan kaya hindi tuloy. So, ipinagkasundo ka na lang namin sa Familia Santos. Sa anak ni Prince Andei at Princess Refena,"] dire-diretsong sagot ng Mom ko sa kabilang linya.
Familia Santos?! Hindi kaya... kamag-anak nila Aecy 'yon? Kung ganon, ayaw ko pa rin na magpakasal doon.
"At sino naman siya, Mommy? Kailangan kong malaman yung pangalan niya para pumayag ako."
["Anak, bawal naming ipagsabi kung sino siya. Basta, malalaman mo na lang kapag nandito ka na sa Thailand. Sige na, may aasikasuhin pa kami ng Dad mo. Bye, anak. Ingat sa pagpunta. May ipapadala ng private plane si Princess Refena para sunduin ka. Bukas huwag ka ng pumasok para makapaghanda ka,"] paliwanag ng Mommy ko saka niya pinatay ang tawag.
Ano bang meron at pinagkasundo nila ako sa mga taong hindi ko naman talaga kilala? Parang ibinibenta na nila ako para lang sa paglago ng negosyo namin! Tsk!
Kung pupunta ako ng India, kailangan kong magpaalam kay Aecy. Ay, hindi... Ipasabi ko na lang sa bestfriend niya na aalis ako ng bansa. Tutal, may boyfriend naman na siya kaya ayos lang na... magpakasal ako sa ibang babae.
Teka? Bakit ba siya yung naiisip kong puntahan? Bakit hindi na lang ang mga tarantado kong mga kaibigan? Oo. Tama, sila na lang ang pagsasabihan ko. Mukhang wala namang pakialam sa akin si Aecy eh. Kaya, ayos lang na magkalayo na kami. Para na rin makalimutan ko yung namuong nararamdaman ko para sa kanya.
Pumunta ako sa school. Naka sumbrero ako ng itim, naka hoodie ng itim at naka face mask ng itim. Ang akala kasi ng lahat, absent ako. Eh, alam niyo naman na sa campus namin 'di ba? POPULAR ako. Maraming nagkakandarapang girls mahawakan lang ang kamay ko. Tsk! Ang gusto ko lang naman na humawak ng kamay ko mismo ay si Aecy. Hindi sila!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top