22
° ° °
Aecy's POV
•••••
Umaga ng Miyerkules...
This is it! My day when I was born. Pero may problema. Masaya na sana ako eh. Kaso, hindi naman ako sigurado kung darating ba sila Mommy at Daddy dito sa debut ko.
"Hi, Aecy!" bati ng isa sa mga estudyante na babae dito sa school. Hindi ko alam kung bakit sila nagkakaganito pero ang sarap pala sa pakiramdam na may bumabating ibang tao sayo.
"Hello," bati ko pabalik.
"Good morning, Aecy! Ayos ah! Ang blooming mo today!" bati ng isa ring lalakeng estudyante.
Ano bang ganap at binabati nila ako?
"Good morning. Thank you also." Sige na nga! Batiin ko na rin sila at pasalamatan. Minsan na nga lang sa buhay ko na mabati ng ibang ‘di ko kilalang tao, magrereklamo pa ako. Go na lang!
Naglalakad kasi ako ngayon sa hallway at takang-taka ako kung bakit ganito umasta ang mga estudyante dito. Nakatingin lang sila sa akin tapos ngingitian ako kapag nahuhuli ko silang nakatitig sa akin. Ang weird! Grabe ba!
"Hey, Aecy!" Biglang sulpot ni Ella sa harapan ko. This is my chance para magtanong ng mga nangyayari dito sa campus.
Hinila ko siya sa isang gilid at doon ko siya kinausap. "Ano bang pakulo na naman 'to?" tanong ko.
"W-wala akong alam d'yan sa mga pinagsasasabi mo, Aecy. P-promise, wala akong alam. A-ano ba 'yon?" nauutal niyang sagot.
Eh, kung hindi siya ang nasa likod ng mga weird na nangyayaring ito, eh ‘di sino?
"Hi, Aecy." Sulpot ng isang panlalakeng boses sa likuran ni Ella. Sinilip ko kung sino 'yon kaya napasilip ako para tingnan kung sino 'yon.
It's Allen.
Posibleng siya ang may pakana ng lahat ng ito. Hayst! Hayaan ko na nga!
"Hello," simpleng bati ko pabalik.
"Hi, guys!" Biglang sulpot naman ng isang ahas—este ng fiancé ni Allen na si Claire saka ipinulupot ang bisig nito sa bisig ni Allen.
Tsk! Hindi kayo bagay!
Iniwan ko na lang sila doon at hindi na umimik pa. Nagpunta na lang ako sa classroom kung saan nandoon ang susunod naming klase.
Pagdating ko, wala pa yung teacher namin kaya nagdire-diretso na ako papasok ng classroom at umupo sa pinakalikod na upuan.
Inilabas ko yung salamin ko. Magrere-touch muna ako ng liptint ko. Maglalagay na sana ako ng liptit sa bibig ko ng mapansin kong parang may ibang tao sa salamin ko at kinakausap ako pero kamukha ko rin naman.
"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin kay Allen na gusto mo siya. Hindi yung nagmumukmok ka lang na hinahayaang ahasin ng Claire na 'yon ang taong gusto mo." Napakunot ang noo ko. Dahil sa nakita ko, inihagis ko na lang yung salamin.
Letche naman kasi! Wala naman talaga akong gusto doon. Wala! Nagseselos lang naman ako kasi... hindi ko alam. Baka as a friend lang. Oo, 'yon lang 'yon.
Pero may point yung nasa salamin kanina.
Ibang tao ba talaga 'yon o napapraning lang ako? .
Siguro, nagugustuhan ko na si Allen kaya ako nagseselos. Pero... hindi talaga pwede. Magkakaroon na siya ng asawa at mawawalan lang ng kwenta kung sasabihin kong gusto ko siya dahil iba ang gusto niyang babae.
Mas maganda na lang siguro kung kalimutan ko na lang yung mga nararamdaman ko ngayon para sa kanya. Kung iyon ang makakabuti sa lahat, iyon na lang ang gagawin ko.
Inilabas ko na lang yung libro namin na gagamitin para sa lesson namin mamaya. Magbabasa muna ako.
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa nang marinig ko ang tawanan ng mga pamilyar na boses. Its Allen, his future wife and his friends. Ito na naman, yung puso ko parang tinatarak na eh. Argh! Nakakainis naman itong feelings na 'to!
Pilitin ko mang hindi sila tingnan, parang may sariling isip ang mga mata kong kusang tumitingin sa kanila. Argh! Ano ba?! Pati ba naman mata ko, hindi sumasang-ayon sa gusto ko! Nakakainis na talaga! Hayst!
Inilabas ko na lang yung earphone ko at nag-play ng music habang nagbabasa ng libro.
Bahala sila sa mga buhay nila.
Nang magsawa na ako sa kakabasa at medyo tinatamaan na ako ng pagka-bored, hinanap ko si Ella. Natagpuan ko siya sa garden ng campus. Nakaupo sa isang bench at masayang nakikipagtawanan sa kausap niya sa phone niya. Siguradong si Austin iyon. Si Austin lang naman ang taong nakakapagpasaya sa best friend ko eh. Magiging masaya na lang ako para sa kanilang dalawa.
Sa wakas! Natagpuan na ni Austin ang prinsesa niya. Sana hindi na siya maghanap pa ng iba. Sana forever na silang dalawa ni Daniella.
Nang makita kong ibinaba na ni Ella ang phone niya at inilagay na sa bulsa, lumapit ako at kinalabit siya.
Nagulat siya ng dahil sa kalabit ko. Hindi niya inaasahan eh. Na-surprise yata siya. Muntikan niya pa nga sa akin ipukpok yung phone niya dahil sa gulat. Natawa lang naman ako dahil sa naging reaksyon niya.
Nang mahimasmasan ako kakatawa, saglitan kaming nabalot ng katahimikan. Kailangan ko talaga ng mapaglilibangang tao na makakausap eh. Kaya naisipan kong hanapin kanina si Ella.
Umupo kaming parehas sa iisang bench sa tapat namin.
"Kumusta na nga pala kayo ni Austin?" basag ko sa katahimikan.
Walang gaanong estudyante dito sa garden kaya okay lang. Wala rin naman yata yung teacher namin. Anong oras na kasi, hindi pa siya dumarating. Ilang segundo na lang, tapos na ang oras namin sa kanya.
Nginitian niya ako. "Ayos lang naman kami. Masaya kami, at syempre, kontento na." Buti pa sila masaya. Samantalang ako, birthday na birthday ko ang lungkot ko.
Wala na akong matanong na susunod.
Then, saglitang katahimikan na naman ang lumukob sa amin.
"Siya nga pala. Happy birthday, Aecy! Mamaya na lang yung gift ko sayo," basag niya sa katahimikan saka ginulo ang buhok ko.
Awtomatikong napataas ang gilid ng labi ko nang dahil sa ginawa niya sa buhok ko. Tapos, bakit ba ang formal niyang makipag-usap sa akin? Ano bang ginawa ni Austin dito at bakit parang naging mature ang pananalita niya? Tsk!
* * *
Maagang natapos ang mga klase ngayon. May celebration ang mga teachers kasi birthday ng isang department head. Invited lahat ng mga teachers pati ang principal. Kaya maaga nilang tinapos lahat ng klase.
Hindi muna ako uuwi. Wala akong ganang umuwi sa mansion namin. Hindi naman ako magiging masaya eh. Kahit pa na debut ko na.
Nasa parking lot ako ng school nang biglang may marinig akong ilang yabag papunta sa kinatatayuan ko ngayon. Sa tapat ng pintuan ng kotse ko sa driver's seat.
"Umuwi ka na," rinig kong saad niya. Pamilyar ang boses, kaya napalingon ako rito. Paglingon ko na-out of balance ako kaya....
AAAAAAAAAAAAAH!
Buti na lang may sumalo sa akin.
Napatingala ako. Napatulala na lang ako nang makita kung sino iyon.
It's Allen.
Itinayo niya ako. Pansin kong kinakausap niya ako pero ako, parang walang pakialam sa mga sinasabi niya. Basta, nakatulala lang ako sa gwapo niya at makinis na mukha.
"Huy!" Napaigtad ako nang dahil sa gulat.
"B-bakit? M-may sinasabi ka ba?" nauutal kong tanong.
"Ang sabi ko, umuwi ka na. Hindi ba't debut mo pa? Kailangan mo pang magprepare at magbihis. Baka hindi na ako makapunta. Mukhang hindi naman kasi ako invited eh. Sige mauna na ako. Baka hinihintay na ako ng fiancé ko. Bye!"
Bigla na lang siyang parang naglahong bula sa paningin ko. Ako? Naiwang nakatayo habang pinapanpod ang pag-alis niya ng tuluyan.
Nang bumalik sa utak ko yung narinig ko kanina na sinabi ni Allen, nag-init yung ulo ko bigla. Ewan ko ba! Basta kapag naririnig kong tinatawag ni Claire si Allen ng 'fiancé', naiinis ako. Gano'n din kapag naririnig kong tinatawag ni Allen ng 'fiancé' si Claire. Aba! Malay ko ba dito sa sarili ko. Ang weird ko na!
Hindi pa ako nakasakay sa kotse ko nang biglang tumunog yung phone ko. It's from unknown number. And its Allen.
"- Sundin mo yung sinabi ko. Umuwi ka na. Baka malay mo, surprise pala yung pagdating ng Mommy at Daddy mo. Hindi lang pinapaalam sayo. Kaya, umuwi ka na. Sige na."
Kahit na naiinis ako sa kanya, hindi ko mapigilang mapangiti sa i-tinext niya. Buti pa siya, naharap niyang pagaanin yung loob ko. Samantalang yung mismong best friend ko, nakatikim lang ng pag-ibig wala ng pakialam sa akin. Nakakatampo na nakainis tuloy!
Sundin ko na nga lang siya. Baka sakaling nandoon nga sila Mommy at Daddy. Hindi lang pinapaalam sa akin na dumating sila dahil iyon ang surprise nila para sa akin.
Pinaandar ko na ang kotse ko pauwi ng mansion namin ng may buong pag-asang nandoon ang Mommy at Daddy ko, na nandoon sila sa debut ko, na darating sila para sa akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top