20

° ° °

Aecy's POV

---

"Ano ba, Ella?! Bumangon ka na nga!" patuloy kong niyuyugyog ang bestfriend ko.

Pupunta kasi kami sa bahay nila Daniella. Kasama namin si Prince Austin at Prince Dave. Si Austin kung mapapansin niyo, hindi ko siya tinatawag na Prince Austin. Bakit? Dahil ayaw na ayaw niyang isinasama sa pang-unahan ng pangalan niya ang PRINCE. Gusto kasi niyang maging fair sa iba.

"Oo na, oo na. Babangon na ako." tugon niya sabay bangon sa kama saka nagpunta ng banyo.

Inaya ko na siyang kumain. Mamaya kasi baka nand'yan na sila Austin. Nakakahiya naman kung magpapahintay kami.

Nagtataka kayo kung bakit namin kasama si Dave? Pinilit niya ong sasama daw siya. Siyrmpre dahil namiss ko siya, hindi rin ako makatanggi. Kasi sabi naman ni Tita (yung Mommy ni Ella), isama na raw namin sila ni Ella. Kawawa naman daw.

Tsk! Kawawa?! Eh ang yayaman kaya nila. Pero siyempre hindi sa pagmamayabang, kami pa rin ang nangunguna sa buong mundo sa pinakamayayaman.

Nagmadali na akong naligo. Itong kasama ko? Pachill-chill lang. Pero mamaya, baka mauna pa sa aking maligo dahil nand'yan na sila Austin.

"Daniella? Aecy? Asaan kayo? I'm home!" sabi na nga ba nandito na si Austin eh. Siguradong nagtago na niyan si Ella. Hahaha!

"Ano ba?! Bakit ba, Austin?! Sigaw ka ng sigaw d'yan! Ano bang problema mo at kung maka 'home' ka parang sayo itong bahay?!" sumbat nitong si Ella. Sigurado akong naiinis na 'to.

"Bakit ba ang suuuungit-suuungit mo?! May regla ka ba ngayon? Gusto mo bang bilhan kita ng napkin?" rinig kong reklamo ni Austin. Bahala na nga sila sa mga buhay nila. Matatanda naman na sila. Alam na nila kung anong mga pinagsasasabi nila.

Nang matapos akong maligo,nagbihis na kaagad ako. Nang makapagbihis na ako, lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba papuntang sala. Kasabay ng pagbaba ko ang pagdating ni Dave. Kumaway siya na ginawa ko rin naman.

KRUUUG! KRUUUG! KRUG!

OMG! My stomach!

Pumunta muna ako ng kusina. Kumuha ako ng platito at tinidor. Kumuha ako sa kwarto ko ng cake ko. Pagbaba ko, nakita kong nagrarambulan yung dalawa. Ang pinaka referee nila ay si Dave! Mga isip-bata nga naman.

Nang makatapos akong kumain ng cake, inaya ko na sila. Buti nga tumigil sila eh. Kung hindi, iuuntog ko na yung mga ulo nila sa pader. Mga isip bata!

* * *

Nang nakarating kami doon sa bahay nila Ella, agad akong bumaba sa sasakyan ko. And yes, kanya-kanya kami ng sasakyan. Kotse ang dala ko. Si Ella, motor na kabibili lang niya. Si Austin, kotse din. Si Dave, motorbike.

Pumasok na ako sa bahay nila na mala mansyon ang style. Hinanap ko si Tita and to my surprise, nasa garden siya at nagdidilig ng mga halaman. Bakit siya ang gumagawa nito? Bakit hindi yung hardinero nila?

"Hi, Tita!" kumaway ako sa kanya. Nginitian niya ako. Ibinaba niya yung hose saka tinanggal ang gloves at naghugas ng kamay. Pagkatapos, lumapit siya sa akin habang nagpupunas ng mga kamay.

"Hello, ija. Kamusta?"

"Okay naman po ako." sagot ko kay Tita.

"Siya nga pala, nasaan yung tatlo?" tanong niya saka luminga-linga sa likuran ko kaya ako napatingin din sa likuran.

"Nahuli po sila. Nasa labas pa po sila kanina. Pero ewan na po kung nasaan sila ngayon." diretsa kong sagot.

Nakipagkwentuhan sa akin si Tita tungkol kila Mommy kaya napasok sa usapan namin yung magaganap sa Wednesday na debut ko.

"Kamusta yung pag-aayos ng debut mo, ija? Okay na ba? Kung may kailangan ka pa, sabihin mo pang sa akin. Baka sakaling makatulong ako." hayy.. Kahit kailan talaga itong si Tita. Ang bait-bait. Sobrang bait at maalalahanin pa.

"Tita, don't worry po. Si Mommy na raw po ang bahala sa lahat. Naayos na daw po niya lahat ng mga kailangan. Kung may kulang daw po, sabihin ko na lang sa secretary niya." saad ko.

Napakunot ang noo niya dahil sa isinagot ko. "Bakit kailangan yung secretary niya pa ang gumawa ng dapat siya ang gumagawa para sayo? Hindi ba't debut mo 'to? Eh sana dapat siya ang nandito at kasama kang nagpaplano kasama na rin g Daddy mo. Teka nga? Tatawagan ko lang ah." buti pa itong si Tita, inaalala yung mararamdaman ko. Samantalang sila Mommy ayun, wala sila dito sa Pilipinas. Secretary niya lang kasama ang tatlong bodyguard niya ang nasa bahay namin.

Nagpaalam muna sandali si Tita para tawagan ang Mommy ko. Siguradong pagtutunggalian na nama nila itong sitwasyon ko. Hayy... Bakit ba kasi hindi na lang sila umuwi dito sa Pilipinas?

Medyo nainip na ako kaya pumasok na ako sa loob ng bahay nila Ella. Dumiretso ako sa kusina. Naghanap ako ng cake na makakain ko. Habang kumukuha ako, may napansin akong kakaiba. Ang ingay! Sinilip ko iyon at napataas ang gilid ng labi ko nang makita kung sino ang mga iyon.

Grrr! Nag-aaway na naman sila! Hanggang dito ba naman dadalhin nila pagka-childish nila dito. Di bale sana kung bahay namin ito, kaya lang hindi eh. Nakakahiya! Lalo na yung boys!

Nasa sala lang naman sila at nag-aaway na naman. Bakit ba yung maliit na problema, pinapalaki pa nila?! Nakakainis na ah!

"Hoy! Ano ba?! Hindi ba kayo titigil?!" bulyaw ko sa kanila. Wala akong pake kung mas malakas yung pagkabulyaw ko sa pag-aayaw nila. Hindi na sila nagtigil!

Napatingin sila sa akin. "Bakit pa ba natin isinama ang asungot na 'to?!" reklamo ni Ella sabay turo kay Austin saka inis na umupo sa mahabang sofa.

"Eh bakit mo ba ako pinipigilan?!" sabat naman nitong isa. Itong si Dave, nakanganga lang habg pinapanood itong dalawa na nagsasagutan pa rin.

"Hey!" sigaw ko ulit para tumigil na sila. Nakakunot ang ng noo nilang napatitig sa akin.

Huminga ako ng malalim bago nagsimulang magsalita. "Hindi ba ninyo kayang maging maayos na dalawa?" mahinahon kong tanong. Umiling silang parehas.

Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko. "Kung hindi niyo kaya, mas mabuti pang iwasan niyo na lang ang isa't isa. Para maiwasan ninyong mag-away na dalawa." sermon ko sa kanila. Para sa ikabubuti ng lahat yung desisyon ko. Pero kung ayaw nila, i-promise na lang nila na hinding-hindi na sila mag-aaway pa.

Lumapit si Austin kay Ella at hinawakan ang balikat niya saka ngumiti. Pansin kong may bahid ng kalungkutan ang kanyang ngiti. May ilan rin akong nakitang luha na umagos sa pisngi ni Austin. Ewan ko pero, mukhang may sasabihin siyang hindi maganda. Feeling ko lang naman.

Tumayo bigla si Ella at nagdadabog na hinarap ang pinsan ko. "Ano bang drama 'yan, Austin?! Pinapakaba mo naman ako eh! Bakit ka ba umiiyak?" inis na reklamo ni Ella.

"Hindi mo na kailangan pa akong pagtulakang paalisin Daniella, ako na lang ang lalayo. Tutal, mas masaya ka naman nang wala ako hindi ba? Hayaan mo, hinding-hindi na ako babalik pa. Si Aecy na lang ang bahala sayo ah. Bye." pilit siyang ngumiti bago niya kami iniwan. Pati ako nagtataka na naiiyak. Itong si Ella, bagsak ang mga balikat na naupo sa mahabang sofa. Hindi siguro siya nakatiis kaya patakbo siyang umakyat ng kwarto niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top