18
° ° °
Aecy's POV
---
Maagang natapos ang klase namin. Kaagad akong pumunta sa bahay namin ni Ella. Nagbihis ako at pumunta na kaagad sa labas. Wala pa naman si Ella doon sa bahay eh kaya walang nagtanong kung saan ako pupunta. Ite-text ko na lang siya mamaya.
Nang makarating na ako sa labas ng bahay, nakita ko na kaagad ang kotse ng pinsan ko na si Austin. Ang bilis naman ne 'to.
"Hey! Tara na, Ate?" tumango ako bilang tugon sa isinaad ng pinsan ko. Sumakay na ako sa kotse niya saka niya pinaharurot iyon ng mabilis.
Dumiretso kami sa mall. Bumili ng mga pagkain. Mga paborito ni Ella ang binili ko pero si 'insan ang nagbayad.
Nang makabili na kami ng lahat-lahat, pumunta na kami sa location. Malapit naman 'yon. Sa park lang naman 'yon. Sa isang bench sa tapat ng malaking puno.
Nang makarating na kami sa park, inayos na namin lahat. May ilaw naman dito sa tapat ng puno eh kaya ayos lang na wala ng nakapalibot na lights sa puno para maging maliwanag.
Iprinipare na namin lahat-lahat. Nang matapos na kami sa pagpe-prepared, tinawagan ko na ang bestfriend ko.
Wala pang tatlong ring, sinagot na kaagad niya.
"Hello, Ella?--"
["Asaan ka ba?! Nandito si Allen at hinihintay ka. Gusto ka raw niyang makausap."] agad na sabi ni Ella sa kabilng linya na ikinainis ko.
What the h*ll! Kailan ba titigil ang isang 'to?! Urgh!
"Punta ka dito sa itetext kong address then ako na ang bahala d'yan, okay?" saad ko sa kabilang linya.
["Sige."] sagot niya saka pinatay ang tawag.
Nagmamadali akong nagpaalam sa pinsan ko saka nagmadaling sumakay ng taxi pabalik sa bahay namin ni Ella. Bwisit naman kasing Allen 'yan eh!
Nang makarating ako sa tapat ng gate, pinapasok na ako kaagad. Nang makapasok na ako sa loob ng compound namin, pumasok na kaagad ako sa loob ng bahay.
Napatayo si Allen nang makita akong nakatayo na sa pintuan. Hindi ko siya pinansin at nilapitan ko na lamang ang beatfriend ko.
"Bakit mo nga pala ako pinapapunta doon? Anong meron?" takang tanong niya.
Itinext ko rin kasi na magsuot siya ng formal attire kaya ngayon, naka cocktail dress siya ng red at isinuot niya yung bagong bili niyang high heels.
I smiled at her. "Basta. Pumunta ka na lang doon."
Nagtataka siyang umalis sa bahay. Nang makaalis na siya, humarap ako kay Allen. Napakunot ang noo ko nang yakapin niya ako bigla. Itinulak ko siya dahil sa naghalong inis, gulat at pagtataka.
"Bakit ba?! Ano bang problema mo?!" inis kong tanong sa kanya.
Napayuko na lamang siya at tumingin sa akin. "Sorry, Aecy. I just want... to hug you. I'm sorry."
"Ano bang kailangan mo at nandito ka?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay ko.
"I just want to ask you something." sagot niya na nagpakunot sa noo ko.
"Ano naman 'yon?"
Bumuntong hininga siya ng malalim bago ako sinagot. "Who's that guy? Yung kasama mo kanina. Kaano-ano mo 'yon?"
Saglitang katahimikan ang bumalot sa amin na binasag niya rin kalaunan.
"Ahmm... Kung ayaw mong sagutin..it's okay." tumayo siya at inayos ang damit.
"Sige, una na ako. Bye." nakangiti niyang saad at nagpatuloy na sa pag-alis. Ako? Naiwang nakatulala pa rin.
Nakapagtataka. Bakit kailangan niyang tanungin kung sino yung kasama ko kanina? Bakit gusto niyang malaman kung sino 'yon? Kung kaano-ano ko si Dave.
Habang hinihintay si Ella, nasa kwarto lang ako at nanonood ng korean drama habang kumakain ng chocolate cake with caramel filling.
* * *
9:30 pm
---
Patapos na ako sa panonood ng korean drama ng bigla kong marinig ang pintuan ng bahay. Nand'yan na kaya si Ella?
Sinilip ko mula sa itaas ng bahay kung sino ang pumasok at tama nga ako ng hinala. Si Daniella nga ang dumating.
"Oh, kamusta ang lakad mo?" bungad kong tanong sa beatfriend kong parang multo kung maglakad.
Bigla na lang siyang humagulgol. "Yung first kiss ko. Wala na. Huhuhuhuhuhu..."
OMG. Totoo ba yung narinig ko?! Huwag niyang sabihing... Oh my god.... Oh my god!
Nilapitan ko siya at niyakap. Alam kong matagal niyang inalagaan 'yon at hindi mahirap na kaagad mo na lang ibibigay.
Pinatahan ko siya. Pinunasan ko ang mga luha niya at mahinahong kinausap.
"Hinalikan ka ba niya?"
Tumango siya. "Oo. Pero hindi ko magawang mainis dahil mahal ko na siya." ayun! Sabi na nga ba eh.
"Alam kong hindi mahirap tanggapin na nakuha na niya ang first kiss mo. Pero kung mahal mo talaga siya at sa tingin mo, siya na talaga ang para sayo, why not?" paliwanag ko.
Pinunasan niya ang mga luha niya sa pisngi at masamang tumingin sa akin. "Baliw ka ba?! Kahit na gusto ko siya at mahal ko siya, para sa akin mahirap pa ring ibigay iyon lalo na't ayaw ko naman."
Tsk! Ewan ko na sayo, Ella! Hindi kita maintindihan. Gusto at mahal mo siya pero ayaw mo ibigay ang first kiss mo sa kanya?! Hayy.. Ang gulo mo. Hmmp! Intindihin na nga lang kita kahit napakagulo mong kausap.
Dumistansiya ako ng kaubti. "O siya sige, bahala ka na. Basta itigil mo na 'yang kadramahan mo. Hindi bagay sayo." sabi ko saka dinuro siya. Nagdadabog akong umakyat papuntang kwarto ko.
Aaaaaaahhhh! Yung korean drama na pinapanood ko sa laptop ko tapos na! Ang OA naman kasi ni Ella! Kainis!
* * *
Para akong zombie sa paglalakad ko papuntang banyo para maghilamos at magtoothbrush. Bakat sa mga mata ko ang puyat dahil pinatapos ko ang korean drama na pinapanood ko kagabi na noong una dapat napatapos ko kung hindi lang sa kadramahan ng bestfriend ko. Kaya pinanood ko yung mga part na hindi ko napanood. And the result is... napakalaking EYEBAGS. Urgh!
Paglabas ko ng kwarto ko, naaninag kong nakaupo sa sala si Ella at nagkakape habang naka de quatro pa. "Oh buti nagising ka pa?" halatang nang-iinis ang pagkakatanong niya.
You already pissed me off huh?!
Pigilan mo ang sarili mong mainis, Aecy. Kaya mo 'yan. Kaya mo 'yan! Hoo!
Pinakalma ko muna yung sarili ko bago ko siya kinausap. Bumuntong hininga ako saka lumapit sa kanya.
"Anong gusto mo? Hindi na ako magising? Yung natutulog na ako maghapon-magdamag? Ano ako sa tingin mo? Patay?" inis kong sabi sa kanya saka siya tinarayan.
Lumabas na lamang ako at pumunta sa pinakamalapit na coffee shop para kumain ng pandan cake. Pagkatapos, papasok na ako sa school. Bahala na si Ella doon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top