16

° ° °

Allen's POV

---

"But I don't want to marry her!---Mom! Mom!" pinatayan ako ng tawag ng Mommy ko. Kausap ko kasi siya tungkol sa nalaman ko kay Claire. Kinausap ko siya kagabi pero hindi pa rin siya pumayag. Pinipilit ko pa rin na ayaw ko hanggang ngayon pero, mukhang hindi na magbabago ang isip nila ni Dad. Hayystt! Ang hirap naman ng ganito!

Nasa gilid ako ng hallway ngayon. Pinapakalma ang sarili ko. Hanggang sa dumating si Claire sa tabi ko. And yes, dito na siya nag-aaral. May negosyo daw kasi ang Dad niya dito sa Pilipinas kaya nandito siya.

Claire asked me if is there something bothering me. I said I don't have and that is a lie. I lied not because I don't like her anymore. I lied because I don't want to marry her. I don't to lose our friendship by marrying her.

I need to do something to stop my parents in thier plans to us. Baka dito na ako sumuko bilang isang CEO someday ng kompanya. At tsaka isa pa, maaga pa para magpakasal ako. Lalo na't hindi ko naman mahal yung pakakasalan ko.

Gagawin ko ang lahat para lang matigil ang plano nila. Hindi na 'to nakakatuwa.

° ° °

Aecy's POV

---

Nasa hallway ako ngayon at pasimpleng naglalakad dala ang ilang librong kailangan ko para sa mga lectures at assignments ko.

"Aecy!" lumingon ako dahil narinig ko ang pangalan ko. It's Ella na habol pa ang hiningang lumapit sa akin.

"Bakit ka ba takbo ng takbo?!" inis kong tanong nang magkapantay na kami ng lakad.

Pinakalma niya muna ang sarili niya bago niya ako sinagot. "May balita akong nakalap, Aecy. May girlfriend na daw si Allen?! Ito oh, tignan mo." sabi niya sabay labas ng phone niya at may ipinakita sa aking picture.

Nakatalikod silang dalawa at nakaupo sa plant boxes na tabi ng hallway. Nakayakap yung babae sa beywang nung lalake na si 'Allen' daw. Mukha nga silang magjowa kung titignan ng maigi.

Well, habulin naman talaga itong si Allen pero sa pagkakaalam ko, hindi siya nagpapayakap o nagpapahalik sa mga babaeng dine-date siya. Paano ko nalaman? Alam niyo nan na itong bestfriend ko 'di ba? Mahilig kumolekta ng mga hilaw na mga tsismis.

Pakialam ko naman kung magka girlfriend 'yon, tsk! Pssh! Kahit na gwapo 'yon, hinding-hindi ako magkakagusto doon 'noh. Never! Itaga mo man sa bato!

Paalis na sana ako nang may makita akong hindi ko naman inaasahan. Nakita ko lang naman si Allen na kasama ang babaeng sinasabi nila. Ayun! Nagbubulong-bulungan na yung ibang estudyante.

"Ang clingy naman niya! Bago lang naman siya dito ah. Bakit mukhang close agad siya kay Allen, my loves ko? Huhuhu!" saad ng isa sa mga mean girls nitong school. Argh! Ang arte naman ng isang 'to!

Minabuti ko na lang na umiwas ng tingin. May naramdaman kasi akong kakaiba sa sarili ko. Parang... parang nasasaktan ako sa tuwing titingin ako sa kanila. Pero hindi ko na lang pinansin 'yon. Isinawalang bahala ko na lang. Bahala na nga sila d'yan!

Pumunta na lang ako sa classroom para sa susunod na klase namin. Wala akong ibang iniisip ngayon kundi ang mga nagiging lessons namin mamaya.

Nang nasa classroom na ako, umupo na ako sa upuan ko. Malapit na ang time. Baka malate ako. Ayaw ko pa nam ng nale-late.

Ilang saglit lang ang nakalilipas, dumating na yung teacher namin. Pero, may kasama siya. Pinapasok niya iyon. Nagulat ako nang makita ang estudyanteng kasama niya.

"Class, she's your new classmate. Please introduce yourself." sabi niya sa babaeng kasama niyang pumasok. Siya yung babaeng nakita ko kanina sa hallway na naka-cling sa braso ni Allen!

"Hi everyone! I'm Claire Portugal. Nice meeting you all." masigla niyang bati sa amin. Yung ibang kakalase namin na babae? Nanggagalaiti sa inis. Ako? Nagulat lang.

Wala pang sinasabing umupo siya nang tumabi siya bigla kay Allen. Ito namang isa, nabigla.

Matamis na ngumiti yung bago naming kaklase sa teacger namin. "Dito na lang po ako sa tabi ng darling--ah este... Fiancé ko pala. 'Di ba, darling?" woah! FIANCÉ?!

"Huh?!" gulat na sabi ng katapat ko sa upuan.

"What?!" gulat na sabi naman ng nasa third row.

"Weh?!" hindi makapaniwalang saad naman ng mga nasa second at first row.

Ako? No reactions pero nanlaki ang mga matang nakatitig sa Claire na 'yon. Baka gulpihin siya ng mga fan girls. Hahaha! Kawawang Claire.

"Bunganga mo, Aecy. Tumutulo laway mo eh." nakakainis naman 'tong Ella na 'to. Alam mo bang ginawa niya? Itiniklop niya lang naman ang bibig kong nakanganga na pala ng hindi ko alam.

Inirapan ko siya. "Tsk. Ewan ko sayo."

Bumuntong hininga ang teacher namin bago nagsalita. "Okay, Ms. Portugal." nakangiti niyang pagsang-ayon.

"Okay, class? Our lesson for today is all about...." at nag-umpisa na ngang magklase ang teacher namin.

* * *

Nang matapos na lahat ng pang-umagang klase namin, pumunta ako sa isang sikat na fast food chain sa labas ng campus.

Habang nakaupo sa loob ng fast food chain na pinuntahan ko, umorder na ako ng pagkain ko. Nasa kalagitnaan ako ng pagkain nang bigla kong naalala yung kanina sa room. The sweet-yucky moments of that two lovers!

Nagsusubuan ng pagkain kaninang recess, inaalalayan ni Allen si Claire sa pagbubuhat ng bag niya. Argh! Bakit ba ako nagkakaganito?! Aissh!

Hindi ko namalayan na nagkandadurog-durog na pala yung spaghetti na inorder ko dahil sa inis ko siguro sa kanila sa hindi ko malaman na dahilan. Bwisit! Hindi ko na tuloy makakain 'to! Nakakainis naman 'yong nakita ko na 'yon! Nakakainis na talaga!

"Ma'am, mukhang beast mode po kayo ah. Kawawa naman po yung spaghetti niyo." inirapan ko ang waiter na nagsabi n'on.

"Anong gusto mong mangayari? Yung spaghetti ang ma-beast mode. Bwisit!" sarkastiko kong sabi. Chismosa kasi eh. Pero ang weird ng sinabi ko kaya kinunutan ako ng noo nung waiter. Kainis!

Dahil sa inis ko, umalis na lang ako ng fast food chain na 'yon at lumipat sa kabila. Doon na lang ako umorder ng tatlong slices ng dark chocolate cake at isang mini bowl ng chocolate flavored ice cream.

Nang matapos kong kainin 'yon, bumalik na ako ng campus. Medyo maaga-aga pa naman kaya bumalik ako hindi para kumain ulit ng kinain ko kundi, pumunta sa malapit na park dito.

Umupo ako sa isang bench sa ilalim ng puno at inilabas ang earphone ko saka nag-play ng music. Inilabas ko rin ang paborito kong libro mula sa bag ko saka binasa iyon habang nakasalpak sa earphone ang magkabilang tenga ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top