14
° ° °
Allen's POV
•••••
"So, kamusta na kayo ni Aecy? Kayo na ba?" tanong sa akin ni Oliver. Andito na naman sa kwarto ko ang dalawang hinayupak kong kaibigan. Mga mukhang atat na maging kami agad ni Aecy. Wala kasing pasok. Sabado eh kaya naiaipan yata nilang bumisita.
"Hindi pa pero malapit na." nakangisi kong sagot. Kapag naging kami na, malaya na ulit ako sa mga hinayupak na 'to.
* * *
Aecy's POV
•••••
Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng libro ko nang biglang tumunog ang phone ko. Tiningnan ko ang screen kung sino iyon. Its Allen.
"Hello. Bakit?" sagot ko sa kabilang linya
["Are you busy?"]
"Hindi naman. Bakit?"
["Wait me. Susunduin kita d'yan."]
Susunduin niya ako dito?!
"Bakit naman? Saan mo ako dadalhin?"
["Sa dating pinagdalhan ko sayo. Ayaw mo ba?"]
Woah! Sa bahay niya!
"Gusto ko. Wala rin naman akong gagawin eh."
["Okay,"] tugon niya sa kabilang linya saka pinatay na ang tawag.
Ano bang meron at kailangan niya pa akong sunduin dito sa bahay?! Aishh!
Ilang sandali pa ang nakalilipas, may kotse ng nakahinto sa labas natanaw ko sa aking bintana. Bumaba na ako nang marinig ang busina niya sa tapat ng gate.
Naging tahimik lang ako buong biyahe. Pero itong katabi ko dada ng dada hanggang sa huminto na rin siya. Napansin niya sigurong parang hindi ako nakikinig o nagre-react man lang sa mga ikinekwento niya. May bigla kasi akong naalala kaya nalungkot ako bigla.
"Oh, anong nangyari sayo at bigla kang nalungkot d'yan?" tanong niya sa akin habang ako, nakasandal pa rin sa pintuan ng kotse ang ulo ko at nakadungaw sa bintana. Pinagmamasdan ang mga nagdaraan.
"Naalala ko lang na malapit na yung debut ko. Wala pa akong escort saka mga ibang kailangan para sa birthday ko. Hindi nga rin ako sigurado kung makakapunta sila Mommy at Daddy sa debut ko. Busy na busy sila.
"Ako. Ako na lang ang escort mo. Kung..okay lang naman sayo," napangiti ako dahil sa sinabi niya.
"Okay. Salamat." Pilit akong ngumiti para ipakita na masaya akong maging escort siya sa debut ko.
"Huwag ka ng malungkot. Pupunta sila sa debut mo. Walang mga magulang ang matitiis ang kanilang mga anak lalo na't napakaespesiyal ng araw na 'yon. Kaya gagawin nila ang lahat para sa mga anak nila." kahit papaano, napagaan niya yung pakiramdam ko. Hindi ko mapigilang mapangiti kahit na nakaguhit pa rin ang lungkot sa aking mukha.
Nang makarating na kami sa bahay niya, kaagad kaming pumasok sa loob. Dumiretso siya sa isang sliding glass door papunta sa kung saan man kaya sinundan ko siya. Paglabas ko, may pool. May flowers din sa gilid. Dito yata yung pool area ng bahay niya.
"If you want to swim kapag nandito ka, only you can do is bring some clothes and towel. Then you can swim here." sabi niya saka pumasok na ulit sa bahay niya. Sumunod ulit ako. Siyempre, baka maligaw ako dito.
"Gusto mo ba ng juice?" tanong niya nang makarating kami sa kusina. In all fairness, ang luwang ng kusina niya. Ang dami rin ng laman ng refrigerator katulad ng sa amin sa bahay ni Ella.
"Sige. Bahala ka," sagot ko saka nagpatuloy sa paglalakad sa kusina.
Hanggang sa makarating ako sa second floor ng bahay niya kung saan nandoon ang two rooms ng bahay.
Nang matapos kong libutin ang buong bahay, nagpasya akong pumunta sa balcony niya. Mahangin at nakakarelax pa.
"Nabobored ka na ba?" biglang sulpot niyang sabi sa likuran. Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Tara sa food park malapit dito," aya niya. Naku! Pagkain time na naman!
"Tara," nakangiti kong tugon saka tumayo at sumunod sa kanya.
* * *
Allen's POV
•••••
Nang nakarating kami sa sinasabi kong food park, agad na bumaba ng sasakyan si Aecy at dumiretso sa mga food truck.
Nasa kalagitnaan kami sa pagpili nang biglang magring ang phone ko kaya nagpaalam muna kay Aecy para sagutin ang tawag.
"Yes?" sagot ko sa tawag.
["Sir Mitherford, si Ms. Portugal po nagwawala dito sa office niyo. Si Paul po ito, security guard niyo."] sabi ng nasa kabilang linya.
Ano bang pumasok sa isip niya at pumunta siya ng biglan at nagwawala pa sa opisina ko?! Bwisit naman oh! Kung kailan busy ako sa ginagawa ko dito kay Aecy, saka pa siya dumating! Argh!
"Sige, nand'yan na ako. Bye," walang alinlangan kong sabi sa kabilang linya.
Hindi na ako nagpaalam kay Aecy. Wala naman akong pakialam kung maligaw siya dito. Mas mahalaga pa rin yung kompanya namin kaysa sa kanya.
Umalis na ako doon ng walang paalam. Pumunta ako sa kompanya ng Dad ko. Wala siya dito sa 'Pinas. Nasa Nevada siya at inaasikaso ang kompanya namin doon. Ako naman daw ang magtatrabaho dito para sa kompanya namin dito sa Pilipinas. Pinaubaya na niya sa akin kaya kung malugi man, ako ang may kasalanan.
Nang makarating ako, nagmadali akong pumasok ng elevator papunta sa opisina ko. Nadatnan kong kaaway ng bestfriend kong may toyo ang sekretarya ko.
"Hey, Allen!" excited niyang sabi saka ako niyakap ng mahigpit.
She's Claire Portugal. My bestfriend when I was in third year high school in Morlton Academy.
Itinulak ko siya palayo sa akin saka hinawakan ang magkabilang balikat at tinitigan sa mga mata. "What are you doing here?" malamig ang boses kong tanong. Nanlaki lang ang mga mata niyang napatitig sa akin.
"A-ahmm... Kinakamusta ang darling ko?" nakangiti niyang sagot habang nagpa-puppy eyes. Tsk! Hindi niya bagay.
Binitiwan ko siya at nagbalak ng umalis pero pinigilan niya ako sa paraang paghawak sa kanang braso ko. Kaya napatingin ako sa kanya.
"Hindi mo ba ako namiss?" Aish! Nakakainis naman! Bakit ba nandito 'to?!
Sinenyasan ko ang secretary ko na lumabas muna ng opisina ko pansamantala para personal kaming makapag-usap nitong baliw kong kaibigan.
Nang nakalabas na ang secretary ko, umupo ako sa swivel chair ko at nag-umpisa ng kausapin siya. Pinipigilan ko ang inis ko dahil baka magtampo siya. Eh alam ko naman kasi na may sayad siya minsan. Kaya, tiis-tiis na lang.
"Anong kailangan mo? Alam kong hindi ka pumunta rito para lang kumustahin ako," seryoso kong sabi rito.
Kilala ko siya. Hindi siya pumupunta ng biglaan dito sa opisina ko mang hindi siya nagpapaalam sa akin unless, may kailangan siya.
Umupo siya sa upuan sa harapan ng lamesa ko at ipinatong ang kaliwang braso sa lamesa.
"Ipapaalala ko lang naman na malapit na tayong ikasal."
Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa gulat na aking naramdaman nang marinig ang kanyang sinabi.
"Kasal?! Anong kasal pinagsasasabi mo, Claire?! Walang kasal na magaganap." Naiinis akong tumayo habang masamang nakatitig sa kanya.
"Hindi mo pa talaga alam, DARLING?!" Parang naiinis na siya dahil sa sinabi ko.
"Na ano?!" Naiirita na talaga ako sa mga biglaang sinasabi nitong nasa harapan ko sa totoo lang.
Nagdadabog niya akong nilapitan bago nagsimulang magsalita.
"Hindi pa ba ipinaalam sayo ni Tita na malapit na tayong maging mag-asawa?" panlalambing niya saka ako minasahe sa mga balikat.
Tinanggal ko ang kanyang mga kamay at tumayo, dahil naiirita na ako sa mga pinagsasabi niya at ginagawa. Maikli pa naman ang pasensya ko.
"No. I don't want," tanggi ko saka padabog na umalis sa opisina ko. Nagmadali akong umalis ng kompany papunta sa bahay namin. Kailangan kong makausap ang Mom ko tungkol sa mga ginagawa nila. Pati ako nadadamay sa mga kalokohan nila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top