12
° ° °
Aecy's POV
•••••
Maaga akong nagising. Pumunta agad ako sa banyo para maghilamos at mag-toothbrush. Nang matapos akong mag-toothbrush at maghilamos, dumiretso na ako sa kusina. Nagluto na ako ng umagahan.
Nang makapagluto ako, umalis ako ng bahay at pumunta sa park. Nang nasa parking lot na g sasakyan ko, nag-umpisa na akong maglibot-libot.
Nang makarandam ako ng pagod, bumalik na ako sa parking lot at nagdrive papunta sa pinakamalapit na coffee shop.
Nang makapasok na ako sa coffee shop, naghanap ako ng pwesto na magiging komportable ako. Sa dulo ako ng bandang kanan na part sa mga pwesto.
Lumingon-lingon ako sa paligid. Nagulat ako sa nahagip ng mga mata ko. Hindi kasi ako sigurado kung siya nga ba 'yon o hindi.
Pinagmamasdan ko pa rin ang lalakeng palabas na ng coffee shop. Nang makalabas na ito, pumunta na lang ako ng counter at namili ng mga flavors ng coffee. Nang makapili na ako, bumalik na ako sa pwesto ko. Iniisip at inaalala ko pa rin kung totoo ba yung nakita ko o hindi.
Napaigtad ako nang maalalang may pasok nga pala kami ngayon. Minadali ko ng ubusin ang kape ko then lumabas na ako ng coffee shop at pumasok na sa kotse ko. Umuwi na ako ng bahay. Baka gising na rin kasi si Ella. Baka ubusin yung niluto kong almusal at hindi ako tir'han.
Nang makauwi na ako, pumasok agad ako sa bahay. Nadatnan kong nag-aalmusal na ang napakagaling kong bestfriend. Hindi na naman ako hinintay. Napakatakaw talaga.
"Hi! Good morning! Saan ka ba nanggaling?" bungad sa akin ni Ella sabay subo ng pagkain sa bibig niya. Agad-agad may tanong.
"Sa park, naglibot ako then pumunta akong coffee shop. Nilibang ko muna sarili ko habang maaga pa kanina." sagot ko saka siya nginitian. Hindi ko na binanggit sa kanya yung nakita ko kanina sa coffee shop. Baka kung ano pang maisip nitong kaibigan ko.
Pagkatapos kong sinagot yung tanong niya, niyaya na niya akong kumain at sumabay sa kanya. Kakasimula pa nga lang daw niyang kumain. Pero sanggabundok na kanin ang nasa pinggan. Natatawa na lang ako minsan. Kahit na ipilit niyang magiging mataba siya, hinding-hindi na mangyayari y'on. Talagang payat na siya.
* * *
Nang matapos na kaming makapagbihis, pinaandar na nin ang aming mga sasakyan at pumunta na ng school. Hindi kotse ang dinala ko. Yung motor ko ang gamit ko. Pati si Ella, motor na rin niya ang gamit niya.
Medyo maaga pa kaming nakarating sa school kaya pagbabako ng sasakyan, dumiretso muna ako ng library. Magbabasa lang naman ako ng ibang mga babasahin eh pampalipas oras.
Nasa kalagitnaan ako ng pagpipili ng libro na babasahin ko nang makarating na ako dito sa library nang bigla akong mapaupo sa sahig.
Ouch!
Pilit akong tumatayo pero hindi ako makatayo. Buti na lang at may tumulong sa akin. Tiningala ko kung sino iyon. Its Allen. Kailan pa naging hero ito? Tss.
Inilahad niya ang kanyang kanang kamay para tulungan akong makato pero hindi ko iyon tinanggap. Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin na parang kasal!
"Argh! Bitawan mo nga ako! Ano ba, Allen?! Bitawan mo nga ako sabi eh! Nakakahiya oh!" sigaw ko sa kanya pero hindi niya lang ako pinakinggan. Napansin ko lang ng ibaba niya ako na nasa kotse na pala kami. Pumasok siya sa kotse at hinawakan ang pisngi ko sabay sabing...
"Ayaw kong nakikitang nasasaktan ka, okay?"
*wild palpitation*
Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ang lakas ng kabog ng dibdib ko? Kinakabahan ba ako? Takot ba 'toh? Urgh! Ano ba 'to?!
Relax, Aecy. Relax! Pakalmahin mo sarili mo.
"Maaga pa pala oh. Tara, samahan mo ako. May pupuntahan tayo." sabi niya pagkatapos tignan ang relo niya saka pinaandar ang kotse.
Hindi na ako nakapagreklamo dahil agad-agad na niyang pinaandar yung kotse at pinaharurot palabas ng campus.
Nabalot kami ng katahimikan hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili kong basagin iyon.
"Ahmm... Sayo ba 'tong kotse na 'to?" tanong ko sa kanya. Tinignan niya ako saka nginitian at ibinalik na sa daanan ang tingin niya.
"Oo, sasakyan ko 'to. Sa tingin mo ba gagalaw ako ng ibang sasakyan na hindi naman sa akin?" sagot niya habang nagda-drive pa din.
"Pwede rin naman kung isa kang magnanakaw." sarkastiko kong tugon.
"Ouch." he mouthed pero narinig ko.
"Ouch? May masakit ba sayo? Saan? Tara, ipatingin natin sa doc--"
"Hahaha... Nah.. I'm fine. Just ignore what I've said." hala! Pinakaba ako ng hinayupak na 'to. Eh kung iumpog ko kaya ito sa kotse niya. Hahaha! Joke lang.
"Saan ba tayo pupunta?" curious kong tanong.
"Basta. Just relax. Wala naman akong gagawing masama sayo eh." sagot niya sabay sulyap sa akin.
Nagpatuloy lang si Allen sa pagda-drive hanggang sa huminto na yung sasakyan niya. Lumabas siya at hindi ko sukat akalain na aalalayan niya ako sa pagbaba. Ngayon ko lang napansin na ang sweet pala ni Allen kapag nakilala mo talaga siya.
Pumasok kami sa napakaluwang na taan ng mga bulaklak na iba't ibana ang klase. May mga galing sa ibang bansa at may mga klase ng bulaklak din na dito galing sa Pilipinas. Ang dami! Ang gaganda.
Nang makarating kami sa dulo, hindi ko inakalang may bahay doon. May nakatira pala dito. Sino naman kaya 'yon?
"Sino nakatira d'yan?" tanong ko sa kasama ko na tahimik lang na naglalakad patungo sa bahay na tinutukoy ko.
"Ako." simple niyang sagot sabay takbo papasok sa loob ng medyo may kalakihang bahay. Dahil mag-isa ko na lang sa labas, pumasok na rin ako sa loob. Alangan namang magpaiwan ako mag-isa dito.
° ° °
Allen's POV
---
Hindi ko maintindihan kung bakit ko siya dinala rito sa bahay ko sa Mandolong sa bayan ng Quezon City. Feeling ko kasi, magaan ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya. Yung tipong maaasahan siya at mapagkakatiwalaan kahit na ngayon-ngayon lang kayo nagkakilala.
Ngayon ko lang ulit naramdaman ko. Magmula kasi ng mamatay ang first girlfriemd ko, panay galit na ang nanatili sa puso ko. Nawalan na ako ng pag-asang mabuhay pa.
Pero nang makilala ko si Aecy, nagbago ang lahat ng mga akala ko, hindi na magbabago pa. Ngayon, nabuhayan akong muli. Nagkaroon ng pag-asang mabuhay at nagkaroon ulit ng pagmahal dito sa puso ko. Hindi ko alam kung anong nangyari. Basta ang alam ko, masaya ako kapag kasama ko si Aecy at komportableng-komportable ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top