1
° ° °
Sa panahon ngayon, marami ng mga kabataan ang nakikipagrelasyon na nauuwi sa maagang pag-aasawa at maagang panganganak. Katulad na lamang ng mga nasa paligid ko ngayon sa damuhan sa harapan ng main stage. Iilan na lang ata kaming single dito. Nabibilang na lang. Halos lahat sila may jowa. Hayy..kabataan nga naman.
Siya nga pala, I'm Aecy Recca Santos. Anak ako ni Queen Aemie at King Chrystoff ng Thailand. Ako ang nag-iisang tagapagmana ng kaharian ng AC Kingdom. Pero kahit na gano'n, marami pa rin ang hindi nakakaalam na ako ang tagapagmana dahil kapag nalaman nila, marami na ang magkakaroon ng balak agawin sa akin ang trono.
"Aecy, pinapatawag ka daw ng Guidance Councilor." she's Daniella Menjola. My chismosang bestfriend. Anak ng kumare ni Mommy na negosyante dito sa Pinas.
"Why?" cold kong tanong saka tumingin sa kanya na umupo sa tabi ko.
"Ewan ko. Baka may ginawa ka na namang hindi maganda." alam na alam na niya ang dahilan. Pssh. I don't care. Yung nagsumbong naman yung may kasalanan ah. Tinulak ako kaya lumaban lang ako.
"Sabihin mo, hindi ako pupunta." walang emosyon kong sabi saka tumayo na at papunta ng room.
"Kapag hindi ka raw pumunta, dederetsuhin na si Tita sa mansyon niyo." napatigil ako sa idinagdag na sinabi ni Ella. Humarap ako sa kanya sabay sabing..
"What?!"
Bumuntong hininga si Ella bago magpatuloy.
"Yes, Aecy. Iyon ang gagawin nila kapag hindi ka pa pumunta sa Guidance Office." pssh. Sumbungerong lalake. Ang yabang-yabang, wala naman palang maibubuga. Nagsumbong pa talaga.
Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad nang may makabungguan ako bigla.
"Tsk. Tat*nga-t*nga kasi. Hindi tinitignan ang dinaraanan." sabi ng lalakeng nakabungguan ko habang nakapamulsang nakangising nakatitig sa'kin. Pati yung mga kasama niyang ibang boys at ibang girls na nasa likuran niya na nagtatawanan pa. Tumayo ako nang mapulot ko na ang mga libro ko at tinitigan siya ng matalim.
"Tss. Go back to your old school. You're just a new one here, bastard. And I guess, you don't now me well. So, pararaanin mo ako or.." mas lumapit pa ako at dinuro siya.
"I will gonna kill you?" sabi ko na in-emphasized pa ang bawat salita.
"Pssh. Whatever." 'yon lang ang sinabi niya at nilampasan na ako. Binunggo niya pa talaga yung kaliwang balikat ko! Grrr! May araw ka rin sa'kin!
Nang makalayo na ang epal na lalakeng 'yon, nilingon ko si Ella na hanggang ngayon namumula pa ang pisngi at nakangiti pa habang tulala. Anyare dito?
"Hooooy!" sigaw ko sa kabilang tenga niya kaya napaigtad siya bigla.
"Tara na." hindi na ako nagtanong pa. Nagmamadali kami. Wala ng oras pa para magtanong.
Nang makarating na kami, kumatok muna kami ng tatlong beses saka tumuloy na sa loob. Nakita namin sa loob yung binugbog kong lalakeng tumulak sa akin kahapon. Pssh. Wala akong pakealam kung masakit pa ba yung mga kalamnan niya. Kasalanan naman niya eh. Simple lang naman yung ginawa ko. Binali ko lang naman yung buto sa paa niya saka tinadyak-tadyakan yung tagiliran. Hindi naman masakit 'yon eh.
"Ms. Santos, ano ba talaga ang nangyari? At kailangan pang umabot sa ganito." agad na tanong ni Ms. Recuza, our Guidance Councilor sabay lahad ng kanang kamay sa lalakeng binugbog ko. Tss. Kawawa naman. May benda ang paa.
"Kasi, ganito po 'yon." panimula ko.
Flashback...
Nakapila ako sa canteen para bumili ng sopas at spaghetti nang may biglang tumulak sa akin mula sa likod. Muntikan nga akong nasubsob eh.
"Hoy! Bakit ka ba nanunulak d'yan?! Ano bang problema mo?!" pabulyaw kong tanong nang maayos ko na ang damit ko mula sa ilang gusot.
"Tss. Bakit ba? Eh gusto ko nga pakealam mo." nang-iinis niyang sabi saka nagpamulsa at nginisian pa talaga ako.
"Aba! Tarantado ka pala eh!" inis kong sigaw sa kanya at ang nakaamba kong kamao kanina ay tumama na sa iba't ibang parte ng mukha niya. Pati ang mga sipa at tadyak ko.
BUGSH! BUGSH! BUGSH!
Pagkatapos kong makabawi sa kanya, iniwan ko na siya doon. Baka kung ano pa kasi ang magawa ko kapag nanatili pa ako dito.
"Eh di ayan. Tumba ka. Bastos kang sumagot eh. Pssh. Masyado kang mayabang kaya ayan ang napala mo." bulong ko sa hangin saka nakangising nagpatuloy sa paglalakad.
End of Flashback...
"'Yon po ang totoong nangyari, Ms. Recuza. Eh ang pangit naman po kasi ng sinabi niya." argh! Bwisit! Sana naman maniwala siya sa akin. Bully kasi itong mokong na 'to kaya 'yan ang napala sa mga kamay ko. Pshh!
"Hayy.. Eh kasalanan mo naman pala eh." sabi niya sa lalakeng kaharap ko ngayon saka bumaling rin sa akin.
"Ma'am! Hindi po totoo 'yon. Opo, itinulak ko siya. Pero mali naman yata na ganito kalala ang abutin ko." reklamo pa ng kutong-lupa! Hayysst! Upakan ko kaya ulit 'to.
"Ms. Santos, parang malala naman yata yung ginawa mo sa kanya. Alam niyo, parehas lang kayong may mali. Sa susunod, dropping form na ibibigay namin sa inyo kapag hindi pa kayo nagkaayos na dalawa. Maliwanag ba?" ibang klase rin itong GC namin eh 'noh. Ako na nga ang ginawan ng mali, iba pa ang kinampihan. Well, wala naman akong magagawa. Kami, wala kaming magagawa. Siya ang may sabi eh. Tagasunod lang kami.
"Okay po." sabay naming mahinahong sagot.
"Good. Now, pwede na kayong bumalik sa mga klase niyo." and finally! Makakalabas na ako dito sa Guidance Office!
"Aecy, ano ng plano mo n'yan? Magso-sorry ka ba?" tanong ni Ella nang makalabas na kami ng Guidance Office. Hindi ko siya sinagot at nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa may bigla akong naalala kaya napahinto ako pati siya.
"Siya nga pala, anong name ng lalakeng nakabungguan ko kanina. Yung new student dito sa Santerford University?" dahil sa tanong ko napatingin siya sa akin at ngumiti.
"Si Allen Mitherford. Anak ng may-ari ng school na 'to. Ang Mr. Popular ng school natin. Bakit? Pinagkakaguluhan ng mga girls. Prinsipe ng school. Kilang-kilala sa lahat ng University sa buong Manila."
Ahhh~ kaya naman pala nagyayabang-yabangan dito sa campus dahil kilala siya. Pwes! Hindi siya uubra sa'kin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top